webnovel

Girl in the Mirror

General's POV

Maingat kong binaybay ang kahabaan ng kalsada sakay nang aking motorcycle.

Mabuti na lamang pala at hindi ganoon katindi ang traffic ngayon, mabilis akong makakarating sa shop ngayon.

Ramdam ko ang init ng araw na dumadampi sa lether jacket na suot ko. Hindi ko akalain na sa kabila ng kakapalan ng jacket na 'to ay magagawa pa din ng araw na iparamdam sa'kin ang nag-aapoy niyang init.

-_-;;

Mabuti na lamang at may mga puno pa din na humaharang sa tindi ng sikat ng araw na ito.

Kahit papaano ay nababawasan ang init na nararamdaman ko..

Minadali ko na ang pagpapatakbo at nakipagsabayan na din ako sa mga sports car na akala mo'y nakikipagkarera sa lawak ng kalsada na ito..

Ilang kilometro na lang ang layo ko sa shop ng biglaang nagkaroon ng aksidente sa kabilang linya ng kalsada..

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang isang lalaking nakahandusay malapit sa kotse na sa tingin ko ay nakabangga dito.

Iniliko ko ang takbo ng aking motorsiklo at saka bumaba..

Agad 'kong dinial ang hotline ng ambulansiya.

At saka nilapitan ko ang lalaking nakahandusay at dinama ko ang pulso nito sa may bandang leeg.

Kailangang madala na siya kaagad sa hospital.

Naagaw ang atensiyon ko ng biglang umandar ang sasakyang nasa harap ko.

-.-

Tatakas ba 'to? Tsk.

Bago pa man ito makapagpatakbo ng sasakyan ay binasag ko na ang side mirror nito sa kanang bahagi na naging dahilan para tumigil ito.

At bumaba ang galit na galit na driver ng kotse.

Hinanap niya kaagad ang side mirror na binasag ko, pagkakita dito ay namula na ng todo ang hugis mangga nitong mukha..

Napasabunot ito sa kaniyang buhok at galit na galit akong nilapitan.

" GAGO KABA?!?! ALAM MO BA KUNG ANONG GINAWA MO?!?! " sigaw ng driver habang dinuduro'duro pa 'ko.

Hindi ako sumagot. Sa halip ay itinuro ko ang lalaki na kasalukuyan na palang inililipat para isakay at dalhin ng ambulansiya.

Ibinalik ko ang tingin sa lalaki ngayon na ngising-ngisi at parang ulol na aso na nakapameywang sa

harapan ko

" ANO? ANONG GUSTO MONG GAWIN KO?!?! Hindi yan mamamatay, GUNG-GONG! IPAAYOS MO ANG KOTSE KO, KUNG AYAW MONG MATULAD SA LALAKING YON!! NAIINTINDIHAN MO BA? HA? HA?! " sigaw ng driver sa harapan ko at dinuro'duro na naman ako.

=.=

Pansin kong mas dumami na ang mga nakiki-isyoso sa amin ngayon.

Tsk.

Anong akala ng driver na 'to?

Babayaran ko kotse niya?

Okay.

Kinuha ko ang lahat ng laman ng wallet ko at saka inilagay sa bulsa ng jacket ng driver ang mga pera ko.

Itatanong ko pa sana kung tama na ba ang 50k para ipaayos ang side mirror niya na binasag ko, kaso napatingin ako sa wristwatch ko kaya minadali ko na lang na makasakay sa motorcycle ko.

Aish -_-

Late na ko ng 30 minutes sa trabaho ko.

Agad kong pinaandar ang motor ko at saka mas mabilis pa kay flash na tinunton ang shop na pinagta'trabahuhan ko.

Saktong-sakto ang dating ko.

Paparating pa lang ang boss ko.

Agad kong ipinarada ang motorcycle ko at nag-alis ng jacket at helmet saka sinuot ang black Sando at itinali sa bewang ko ang kupas na Black Ombre Plaid Flannel Long Sleeve Snap Cowboy Shirt na galing pa sa tatay ko.

Itinali ko ang buhok ko.

At saka lumabas papunta sa underground kung saan nandun lahat ng mga sasakyan na aasikasuhin namin.

" Oh? Bat na'late ka 'ata ngayon? ⌒.⌒ " tanong ng isa sa mga katrabaho ko na si Keeil sabay tapik pa sa balikat ko at tinawanan pa 'ko.

Peste.

Ngayon lang kasi ako nalate.

Hindi ako sumagot kaya naman humagalpak na din ng tawa ang iba.

" Okay lang 'yan, General. Late din naman si Boss eh ^o^ " dagdag naman ni Alex na kasalukuyang nasa ibabaw ng kotse nakaupo.

Kumindat pa ito sa'kin.

-_-

K.

Pagkatapos kong magpalit ng damit pantrabaho ay sumalampak na kaagad ako sa ilalim ng sirang kotse na aayusin ko ngayong araw.

Hindi pa man ako nagsisimula ay narinig ko na ang pagtawag sa'kin ng boss ko.

" General, come to my office now." boss

Napabuntong hininga na lang ako at napahilamos sa mukha ko.

¬_¬

Sumunod ako sa office kung saan nagkakape at prenteng nakaupo sa swivel chair ang amo kong mala'buhok rapunzel ang bigote.

Pagkapasok ko pa lamang sa opisina ay naamoy ko na ang amoy ng isang taon ng hindi naliligo.

-.-

" Maupo ka. " alok sa'kin ng boss ko

Pagkaupo ko ay saka ko pa lamang napansin ang mga papeles nito na nagkalat sa ibabaw ng table.

Napansin siguro nito ang titig ko sa mga papeles na iyon kaya naman kinuha niya ito at pinagsama-sama.

" I saw you earlier at the incident area. And I caught you breaking that man's sports car's side mirror. " boss

Hindi ako kumibo o nagreact.

I didnt expect na makikita niya ang aksidenteng 'yon especially ako.

" So what I'm trying to tell you is that .. that man isnt just an ordinary man like those man that you encounter everywhere, General. " medyo may pagbabantang saad ni Boss

Hindi siya ordinaryo?

What is he? A special man with a superpower?

Gusto ko na sanang itanong kay Boss kaso wag na..

" I'm not saying this to threaten you. But I'm telling this to give you a warning. " seryosong pagkakasabi nito

" Don't give him any reason to make him mad at you. Understand?". Boss while giving me the concern look.

" Yes, boss. " tanging sagot ko lamang

Tumango naman siya at saka napabuntong hininga saka ako sinenyasan na lumabas na ng opisina.

Papalabas na sana ako ng mahagip ng mga mata ko ang salamin sa may gilid ng pinto.

Nakita ko ang sarili ko.

Napatigil ako.

.

Bakit ako?

Bakit siya?

Bakit?

Here I am, again.

Asking myself again

Looking at my reflection..

You..

Girl in the Mirror..

Bago ko pa ulit maalala ang lahat, binasag na ng sigaw ng boss ko ang ala-ala na sana ay dudurog na naman sa pagkatao ko.