webnovel

CHAPTER 9: MY PRINCE CHARMING

ADELA's POV

"Adelaida, anak pakihewa nadin yang repolyo. Ihati mo sa apat." Wika ni nanay. Kasalukuyan akong naghihiwa ng sibuyas at bawang. Tinutulungan ko si nanay sa pagluluto ng mga ulam para sa karinderya.Sabado ngayon at walang pasok pero mamya naman ay ang party. Actually kagabi ay naeexcite na ako. Hindi ako makatulog. Napaginipan o inimagine ko pa ang posibleng mangyayari mamaya. Kinikilig ako na si Sir Luke ang escort ko.

Humigop muna ako ng kape bago sinagot si nanay. "Sige nay. Anu-ano po ba ang menu mo ngayon?"

"Chopsuey, nilagang baboy,adobo,menudo at tortang talong anak. Bakit?"

"Wala naman nay. May lakad po pala ako mamyang gabi nay. Party po." Sagot ko kay nanay habang naghihiwa na ng repolyo.

"Party? Para saan anak? Bakit gabi?" Tanong ni nanay. Kasalukuyan na itong naggigisa ng bawang at sibuyas. Nalalanghap ko pa aroma nito. Bigla akong nagutom. Ang bango!

Dumukot ako ng isang pandesal sa supot na dyaryong papel.

"Actually nay,party po yun ng client namin. Natuwa po sakin kaya ininvite po ako. Hindi naman po ako makahindi . Nakakahiya po." Sagot ko habang nakatingin sa supot. Nahagip kasi ng aking mata ang larawan ng isa kong idol na modelo.

"Ganun ba anak. Mukhang party ng mayayaman yan ah? May sosoutin kanaba?" Tanong ni nanay. Lumambot na naman ang "U" nya at naging "O". Napangiti ako. Mabuti nalang di ko namana ang diction ni nanay. Nakakatuwa si nanay talaga.

"Meron po nay. Sabi ni sir, pumunta nalang daw ako sa Marco Couture and salon mamya. Sila daw po ang bahala." Pagsagot ko habang nguya nguya ang pandesal. Inabot ko na ang supot at binasa ang balita. Di ko na narinig ang sinabi ni nanay dahil napunta ang aking concentration sa balitang nasa dyaryo na ginawang supot ng pandesal.

' Supermodel Chelsey Wilson, magbabalik Pinas.' - ang headline ng nasabing balita. Binasa ko ang buong news item. Natuwa ako. OMG! Uuwi sya dito next month? Wala pa man ay naeexcite na ako ng sobra. Gustong gusto ko syang makita lalo na at nung nasa college ko pa sya hinahangaan.

Gandang ganda kasi ako sa kanya nung nagsisimula palang ito. Hindi pa ito sikat noon. At nung nag abroad ito at sumali sa isang biggest modeling competition, ang Europe's Next Image Model. Nanalo sya doon. At lalo pa itong sumikat. Isa na ito sa mga hinahangaang models hindi lamang dito sa Pinas maging sa buong mundo.

"Adelaida Kapinpin!" Narinig kong sigaw ni nanay. Bumalik ako sa aking ulirat mula sa malalim na pag iisip at pagpaflashback. Napatingin ako kay nanay. Inis na inis ito. " Kanina pa ako daldal ng daldal dito, hindi ka pala nakikinig?"

"Ay sorry po nay. May binabasa kasi ako. Anu po ba iyon?" Nakagiti kong sagot at napakamot sa batok.

"Sabi ko ang repolyo di mo pa tapos gayatin, kelangan ko na." Pagnguso nito sa repolyo. Di ko nga pa pala tapos hiwain ito. Kaagad kong hiniwa at iniabot kay nanay. "May nagtxt nga pala sayo." Dagdag nya.

Akma akong tatayo para sana kunin ang phone sa loob ng kwarto nang nagsalita si nanay ulit.

"San ka pupunta? Nandyan sa tabi mo ang cp mo. Natabunan ng supot ng pandesal."

Ay oo nga pala! Kaloka. Anu ba nangyayari sakin. Kagabi pa ako wala sa sarili. Kalurkey!

Binasa ko ang text. Kay Sir Luke pala ang text.

'Hey Adela. Be there in Marco Couture 3pm and I will pick u at 6.' Sabi sa text ni sir. Npangiti ako. Feeling ko ako si Cinderella na aattend ng party in gown at karwahe, si Mrs. Abueva ang fairy Godmother at si Sir Luke as my Prince. Namula ako.Ganto ako kiligin. Namumula. Ahahahha.

Nagreply ako.

'Noted po sir. See you po!" At pumili ng emoticons sabay pindot ng send. Ngunit nang muli kong tiningnan ang tinext ko.....may tatlong smileys na may papusong kiss (😘😘😘).

Gosh! Nagpanic ako. Sending na! Tinatry kong icancel pero ayaw gumana. Lagot na! Baka kung anu isipin ni sir!..Naitapon ko ang phone sa mesa.

'Anu gagawin ko?' Bulong ko sa sarili. Nakita ko ring napatingin si nanay sa akin. Nagtatakang nagtanong. Bakit ko daw tinapon ang cp at parang may bulate daw ako sa pwet. Lakad ng lakad at nagrarattle. Sinabi ko nalang na wala. Pumasok ako sa kwarto. Nagtabon ng kumot.

Maya maya pa ay napaisip ako. Hmmm. Pwede ko namang sabihing wrong send! Pero may sir eh. Saka halatang sa kanya talaga ang message. Wait! Typographical error! Tama! Pawisan na ako. Bigla akong tumayo.

'Tama! Sabihin ko nalang nagkamali ng pindot.'

Lumabas ulit ako ng kwarto at kinuha ang phone. Binuksan ang messages. And to my surprise... hindi nasend. Wala na pala akong load!

Parang nabunutan ako ng tinik. Napaupo ako upuan. Muntik na! Isang kahihiyan sana!

***************************************

Alas tres ng hapon nang umalis ako sa bahay at tumungo sa Marco Couture and Salon shop. Ang ganda ng establishment, pangmayaman! Nahihiya akong pumasok. Mabuti nalang napakabait ng staffs at inassist ako ng bongga.

Lumapit sa akin ang isang lalaki. Lalaking lalaki ito tingnan at pogi. Pero nung nagsalita ito, bakla pala. Syang si kuya! Nagpakilala ito na sya si Marco at sya daw ang mag aayos sakin. Natuwa ako. Ambait. Sikat sya alam ko kasi minsan kong napanood ang show nito sa Philippines Fashion Week.

Pinaupo ako sa silyang kaharap ng isang malaking salamin at sa isang iglap ay naging isang magandang prinsesa! Charot!

Actually 2 hours ata ang lumipas. Andami nilang ginawa sakin. Total Make over daw sabi ni Sir Marco. Kinulot nila buhok ko ng slight, nagfacial, inayos ang kilay. Kinulayan ang buhok, manicure, pedicure at minake upan. Actually sa mahabang prosesong iyon, nakatulog ako. Paggising ko.... charan! Gandang Adela na!

Sorry na pero namanghan ako sa aking nakita. Ibang iba ang itsura ko. Ganto pala ang itsura ko kapag inayusan. Natuwa ako.

'Ganda mo pala talaga Adela!' Bulong ko sa sarili.

Ipinasok nila ako sa isang pinto at namangha na naman ako. Andaming mga gowns! Ang gaganda at ang gagara.

May dumating na dalawang babaeng naka-uniform na may dalang gown na red.

"Miss Adela, isukat mo na itong gown na I made just for you!" Nakangiting wika ni Marco sa akin. Sinunod ko sya at ilang sandali pa ay suot suot ko na.

Paglabas ko sa dressing room ay nakita kong nakanganga silang lahat habang nakatitig sakin. Nahihiya akong napangiti. Naiilang din kasi ako sa medyo mataas na slit ng gown. Lumabas ang hita ko. Tapos nasisilip din ng kunti ang aking boobs. Gosh! Lumapit sa akin si Marco. Iniharap nya ako sa salamin.

"Gosh Beshie! You are stunning! But wait there is more!" May kapit kapit itong box at binuksan. Isang pair ng silver diamonds na dangling earings! Ganda! Sinuot nya sa akin.

Heaven ang feeling ko. Ansarap sa pakiramdam nang ganto. Prinsesang prinsesa.

Maya maya pa ay...

"Nasa labas na daw si sir!" Sabi sakin ni Marco habang hawak hawak ang phone.

Lumabas kami. Ingat na ingat ako sa paglalakad lalo na at medyo may kataasan ang heels ko.

Paglabas ko ay nakita ko si Sir Luke. Wow! Napanganga ako. Ampogi ni sir sa suit nya. Gosh! Ang aking prince! Chos. Di ko alam kung nagingiti ako o ngingiwi. Lumabas ito ng kotse habang nakatitig sa akin. Feeling ko matutunaw ako sa titig nya.

Di ko namalayang naglalakad na ako papunta sa kanya. Kaloka ang mga paa ko,may sariling utak ata!

Sa totoo lang, sa titig ni sir sa akin, ramdam ko na gandang ganda sya sakin! Lihim akong ngumiti. Ganda ko!

Naiilang man sa paglabas ng legs ko sa bawat paghakbang ay binalewala ko nalang. Isang metro nalang ang layo ni sir sakin. Titig na titig padin sya. Napatungo ako. Hinintay ko sya magsalita. Pero...ilang minuto na ata ang lumipas..di parin sya nagsasalita.

"Sir?" Sabi ko. At parang bigla syang natauhan. Wait! Namula ba sya???

Di ako sure pero parang namula.

Inalalayan ako ni sir makapasok at makaupo sa loob ng car. Amoy na amoy ko pabango nya na napakamasculine.

'Sir, please come closer' sabi ng pilya kong isip. Bigla akong nahiya sa inisip ko. Kaloka! Habang tumatagal lalo pang nagiging handsome at hot ni sir!

Maya maya pa ay on the way na kami sa party. Di ko alam pero parang awkward super ng ambience. Di kami nag uusap. Ayokong magsalita at nahihiya rin naman ako.

Mabuti na lamang ay may pasoundtrip si sir. Nilibang ko ang sarili ko sa pagtingin sa labas ng bintana habang nakikinig ng music.

Wait! Beautiful angel daw sabi ng song? Ako ba yun? Chos. Napatingin ako kay sir. Napatingin din sya. Nailang ako nang magtama ang aming mga mata.

Nag ngitian kami. Awkward! Binawi ko agad aking paningin at sa labas nalang itinuon. Gosh! Lalagnatin na ata ako sa init ng mga pisngi ko.

Narinig kong pinatay ni sir ang music. Hindi na ako tumingin sa kanya pero nabigla ako sa aking narinig!

"You are beautiful."

Nabigla talaga ako. Di ko alam ang gagawin. I chuckled. Parang nanuyo ang lalamunan ko. Inayos ko muna ang composure ko at lumingon sa kanya.

Hindi na ito nakatingin sa akin. Concentrated na sa pagdadrive.

'Anu sasabihin ko? Dapat ba mag thank you ako? Grrr! I dont know! Nahihiya ako!' Bulong ko sa sarili.

Ibalik ko nalang sa kanya ang pagbati.

Sinabi ko din na ampogi nya.

I am not sure pero parang ngumiti si sir. Nanaginip ba ako?

Shocks! Ampogi nya lalo sa smile nya!

'Lord, nanaginip po ba ako?'

Kung nananaginip man ako, ninais ko na wag muna ako gisingin. Ineenjoy ko pa kasi ang moment eh...at ang presence ni sir sa tabi ko.

Tumingin ako kay sir Luke. Tinitigan ko sya. His eyes na mysterious pero ang ganda at nagungusap. Matangos na ilong. Makakapal na kilay. Maninipis na labi na parang napakalambot.

And hindi ko na napigilan ang aking pilyang isip.....

'Masarap kaya ang kiss ni sir?'