webnovel

CHAPTER 10: MY FIRST KISS

ADELA's POV

Tila isang panaginip ang lahat ng moments na to.

Nung isang araw lang todo makasimangot sa akin si sir. Akala ko nga forever na syang sisimangot sa akin eh.

But...sa isang iglap, I saw him smiling just a few minutes ago. Nagliliwanag na ang pag asang magiging okay ang lahat sa amin.

Hays..Mabuti naman. Sana maging close kami. As in close na close! Chos!

Tila dininig ni Lord ang aking panalangin. Ayun...buhol buhol ang traffic sa aming daanan. Mayroon palang banggaang nangyari sa aming unahan. Di pala banggaan..sagian lang. More time kay sir! Masosolo ko sya ng matagal.

Dahil pinatay ni sir Luke ang music, di ko madivert ang aking atensyon sa labas ng car. Paano naman kasi, ampogi pogi ng katabi ko!Juskolord! Salamat sa mga biyaya! Hahahha!

So eto na nga... feeling ko magkakastiff neck ako kasi iwas na iwas akong tumingin sa side ni sir! Baka nakatingin sya eh! Nahihiya ako. Baka mahuli nya ako. Dapat pala sa likod ako umupo para matitigan ko si sir pero nakakahiya din kasi baka magmukhang driver ko si sir.

Sumulyap ako saglit kay sir. Ampogi nya talaga! Anubayan! Kung pwede lang magselfie eh para naman may remembrance kami ni sir! Charot!

Dahil sa medyo mahaba ang slit ng gown ko. Pilit ko itong tinatakpan. Malamig din kasi ang aircon ng sasakyan ni sir kaya nangangatog na ang mahaba at napakakinis kong legs. Charot lang ulit!

Napansin kong wala ako seatbelt kaya hinila ko ito para sana isuot. Pero naloka ako! Di ako marunong! Di ko alam kung saan ako papasok. Nahihiya ako kay sir. Mangmang ang secretary nya sa seatbelt! Gosh!

Pasensya na..sanay kasi ako sa tricycle, jeep, bus at van lang. Wala namang kasing seatbelt seatbelt doon.

I know need ko iwear ang seatbelt kasi may mga MMDA na nanghuhuli at para safe ako from falling..falling inlove kay sir. Chos lang. Syempre sa accidents.

Marahil napansin ni sir na nalilito ako sa seatbelt. Asar kasi tong seatbelt bakit pa nauso!

Lumapit sya sa akin... I mean yung mukha nya at iniabot ang hawak hawak kong seatbelt at inilock iyon. At muli kong naamoy ang pabango nya. Lalo pa nga atang nangatog ang aking tuhod. Kumabog ang dibdib ko ng sobra sobra. Feeling ko lalabas ang aking puso at lulundag papunta kay sir!

'Umayos ka nga Adela! Relax, breathe in! Breathe out!'

Pilit kong kinalma ang aking sarili. Mabuti nalang at naayos din ang gusot sa unahan namin at nakausad na kami.

Naisip kong matulog na lang kunwari. Pinakiramdaman ko muna ang aking puso. Inilagay ko ang aking kanang kamay sa aking dibdib.

Ayan...maayos na ang tibok.

Nakapikit na ako habang binabaybay namin ang daan patungo sa party. Nanahimik na ang aking isipan nang marinig ko si sir...

"Adela?" Tanong nito.

Idinilat ko ang aking mga mata. Tumingin ako sa kanya.

"Yes po?"

"Take it off." Sabi nito sa akin habang nakanguso..itinuturo ang nasa bandang dibdib ko na ngayon ay aking tinatabunan ng aking mga palad. Strapless kasi baka mahubaran ako!

Nashocked ako!

What? Anung huhubarin ko?

Nakatingin narin si sir sa aking mga dibdib! OMG! Manyakis ba si sir? May balak ba sya sakin? Kinabahan ako.

"Si.ssir? Hubarin kopo?" Nakakunot ang aking noo at kabadong kabado.

Syempre noh. NBSB ata ako. Kahit may nanliligaw sakin dati ay wala akong sinagot. Saka 101 % virgin pa ako! Kahit gwapo si sir...di ko naman pwede isuko agad ang bataan ko! Magagalit si Virgin Mary ko!

"Sir..wag po." Nakangiwi kong saad kay sir. Bukod sa di pa ako ready..wala kaming relasyon noh! Anu to MOMOL? No!!!

Napansin kong nangunot din ang noo ni sir. Nakatingin sya sa akin. At sa isang sandali pa ay humagalpak ito ng tawa.

Napataas ako ng aking kilay. Tawang tawa parin si sir. Isang minuto na ata.

Uminit ang aking mukha. Di ko alam kung napahiya ako o nagagalit.

"What do you think am I refering to?" Nakatawa pa nitong tanong sa akin.

"You said hubarin ko po eh.....Yung gown?" Nalilito kong sagot sa kanya. Napatingin ako sa aking dibdib na medyo lumuluwa na. Itinabon ko ang aking mga braso dito.

Teka...Mali ba ako?

Muli itong tumawa. Pero maya maya pa ay nagwika..."What I want you to unwear is your wristwatch..You know.? No one wears a watch kapag nakasuot ng gown."

Itinaas baba pa nito ang mga kilay na nagsasabing "tama di ba?"

Ay!! Shocks! Oo nga! Kaloka. Nakalimutan kong hubarin ang mamahalin kong relo. Di pa ako tapos hulugan to eh. 4 gives pa naman to.

Napangiwi ako. Di ko alam ang sasabihin. Napahiya ako dun ah. Hinubad ko ito. At iniligay sa maliit na bag na bigay din ni Marco. Customized ito na itinerno sa aking gown.

"Sorry po. Akala ko po kasi eh.." hiyang hiya kong sabi kay sir. Nag init pisngi ko.

'Gaga ka kasi Adelaida! Nag expect ka too much! Relo mo pala ang tinutukoy hindi ang bra mo.'

Sa nangyari. Lalo akong tumahimik. Hiyang hiya ako. Baka isipin ni sir assumera ako! Kalurkey!

***********************************

Mag alas otso na nang makarating kami sa venue. Naloka ako sa dami ng tao. Mukhang mayayaman ang lahat. Parang gusto ko nalang umuwi.

Pinagbuksan ako ni sir ng pinto at inalalayang makalabas.

Sweet ni sir. Kakilig! Pogi na gentleman pa!

Pagpasok namin sa loob. Halos lahat sila ay nakatingin sa amin ni sir. Syempre, gandang ganda at hangang hanga sila sa amin.

Nasa bungad lang pala si Mrs. Abueva. Tuwang tuwa ito nang makita ako. Super ganda ko daw. Sabi nga nito, ipapakilala nya ako sa kanyang asawa at anak. Tapos ako naman, ngiting ngiti lang. Ang daldal talaga ni madam!

Mabuti na lamang at may dalawang babaeng kaedad rin nito na lumapit sa amin. Mga amiga nya ata. Kaya pansamantala muna itong nagpaalam.

Asiwang asiwa ako. Napapansin ko kasing may mga matang nakatingin sakin. Mga babae at lalaki. Well siguro nagagandaham lang sila sa akin. Pero naiilang padin ako.

Umupo kami ni sir sa isang table na reserved para sa amin. May tatlo kaming katabi hindi ko kilala kong sinu sino. Maya maya pa ay nagsimula na ang party.

Isang palang party for a cause ang event na to. Fund raising event kung saan isinabay sa celebration ng founding anniversary ng company nila. Mga unfortunate children ang target na tulungan ng event na ito.

Habang abala ang lahat, ako naman ay busy sa pagkain ng kung anu ano. Minsan lang ito kaya lulubusin ko na. Madami akong tinikman. Kaloka kasi. Sa bawat plato ay may mga kakarampot na mga pagkain. Ganto ba sa mga mayayaman? Nagtitipid ng pagkain? Halos lahat pa naman ng nasa table namin na pagkain na inilalapag ng mga waiters ay unfamiliar sakin. Mga sosyalin!

Sinilip ko si sir sa aking tabi ngunit wala sya! Hala! Saan sya pumunta? Bakit nya ako iniwan! Dahil sa pag aalala ko ay tila nabulunan ako.

Gosh! I need water!

Pero wala akong makitang tubig sa table kundi mga wine!

Di ako nainom kasi alam kong mahina ako sa alak pero wala akong magagawa. Napilitan akong inumin ang wine. Ngunit kulang pa!

Nakita ko ang isang waiter na may dala dalang baso na may lamang juice ata! Kulay pink ang mga ito. Kumuha ako ng dalawa at agad na ininom. Huli na nang malaman kong alak din pala ang mga iyon. Gumuhit sa aking lalamunan ang init. Napangiwi ako.

At tila pa nahihilo na ako. Umupo nalang ako habang luminga linga. Hinanahanap ng aking paningin si sir.

Nakita ko sya. Andun sya malapit sa madilim na part. May kausap pala ito na babae. Sexy at maganda.

Parang pumangit ang pakiramdam ko. Nagpupuyos ang aking dibdib sa inis.

'May kasama na syang babae, naghanap pa ng iba?'

Masama ang loob ko.

Wala ako nagawa kundi kumain kain nalang. Minsan may lalapit na mga lalaki nakikipagkilala pero ngingiti ngiti lang ako. Di ako interesado.

So ako upo upo. Tingin tingin.

Andaming mayayaman sa party na ito. Ganito pala kagara magparty ang mga mayayaman. Nasa moment ako ng pagmamasid at pagsusuri sa mga tao nang lumapit sa akin si Mrs. Abueva. May kasama itong lalaki na sa tantya ko ay halos kaedad lang ni sir. Medyo bata lang ng kaunti kumpara kay sir.

Pero infairness, gwapo din ito. Mestiso at matangkad. Artistahin kumbaga.

"Adela, iha..okay kalang ba dito?" Bungad na tanong sa akin ni Mrs. Abueva pagkalapit sa akin. Nakangiti ito sa akin. Actually ramdam ko na ang tama ng alak sakin. Parang nawala na yung hiya at puro nalang kakapalan ng mukha ang natira. Tumayo ako.

"Iha, si Allen anak ko. And Allen, she is Adela. The girl na ikinukwento ko sayo." Pagpapakilala sa amin ni madam. Wait.Kinukwento? So meaning pinag uusapan nila ako?Napatingin ako sa lalaki. Nakangiti ito sa akin at biglang iniabot ang palad.

"Hi Adela. Totoo nga ang sabi ni Mom...you are as pretty as a goddess."

Kinamayan ko sya. Tuwang tuwa ako sa sinabi nya.

"Totoo po ba? Salamat sir. Ikaw nga po ampogi pogi. Artistahin." Sagot ko. At kinurot kurot ko ang pisngi nito ngunit natigilan ako. Sh*t! Anu tong ginagawa ko? Nakita ko din na natulala o nabigla si Allen. Para akong naging estatwa. Di ko alam ang gagawin. Nakangiti lang din sa akin si madam.

'Gosh! Gosh! Gosh! Anu gagawin ko.?'

Actually nahihilo narin ako. Uupo sanan ako nang tila di ko na kontrolado ang aking kilos. Oh my! Matutumba ako.

Babagsak na ata ako sa sahig nang may mga malalakas at matitigas na bisig na sumalo sa akin.

"Sir?"

Si sir Luke pala. Matapos maglandi, babalik nalang bigla bigla sa akin? Naiinis parin ako. Masama ang loob ko.

Pinilit kong tumayo ng maayos. Itinulak ang mga braso ni sir showing na di ko need tulong nya. Ang kumag na to. Asar na asar ako.

"Mrs. Abueva, I think lasing na itong kasama ko. Maybe, ihahatid ko na syang pauwi." Narinig kong wika ni sir.

"I insist na dalhin mo nalang sya sa taas. We have rooms na nakareserved para sa mga guests na gusto mag overnight dito." Sagot naman ni Madam. Well, if you dont know, ginanap ang party sa malawak na events hall ng hotel ni madam.

Di ko alam pero wala na ako paki sa pinag uusapan nila. Hilong hilo na ako eh. Gusto ko na matulog.

Hindi ko na namalayan na naglalakad na pala kami ni sir sa hallway sa lugar na di ko alam. Inaalalayan nya ako.

Gosh! Nakayakap ang mga braso nya sa bewang ko!

Wala na ako paki kung ano iisipin nya. Idinantay ko ang aking ulo sa shoulder nya. Ang sarap! Heaven!

Maya maya pa ay pumasok na kami ng kwarto. Inihiga nya ako sa sofa.Napapikit ako.

Pagmulat ko ay nasa harap ko si sir. Nanaginip ata ako. Yes pananginip nga! Ampogi pogi ni sir. Dinama ko ang kanyang mga pisngi gamit ang aking mga palad. Hinimas himas. Sulitin ko na! Minsan lang managinip ng parang totoo eh.

"Sir ampogi pogi mo talaga. Ang ganda ng mga mata mo." Tinitigan ko mga mata nya. Shocks! Nakakatunaw mga tingin nya. Feeling ko maiihi ako sa panty. Chos!

"Yung ilong nyo po matangos." Pinisil pisil ko iyon. Nakakatuwa. Titig na titig lang si sir sa akin. Well, akin panaginip to kaya ako ang masusunod.

Ibinaba ko ang aking mga mata sa lips nya.

Oh my! Ang pupula!

Idinampi ko ang aking isang daliri sa lips nya para maramdaman kong totoo ngang malambot.

Oo nga! Ang lambot.

"Adela....." Narinig kong sabi nya. Pero pinigilan kong bumuka muli ang kanyang bibig.

"Shushhh. Tumingin ka lang sa akin sir. Matagal ko na itong iniimagine eh."

Chance ko na ito! Lulubusin ko na itong aking panaginip!

Inilapit ko ang aking mukha kay sir. Nakita kong lumaki mga mata nya na parang nabigla.Pero wala na ako pakialam.

Pumikit ako.

At ilang sandali pa ay naglapat ang aming mga labi.

Juskolord! Ganito pala ang kiss? Ang sarap sa pakiramdam. Para akong nasa langit, dinuduyan sa ulap.

Ramdam ko ang init ng mga labi ni sir. Kalurkey!! Parang totoong totoo! Ang lambot ng lips nya.

Matamis!

Masarap!

Parang may kung anung apoy na dumaloy sa aking kaibuturan.

Sana di na to matapos at di ako magising!

Ngunit...

Di ko alam pero parang may nais lumabas galing sa aking lalamunan. Hindi ko na napigilan kaslumabas na ito sakin mga bibig.

Sumuka daw ako.

Di ko na alam ang sumunod na nangyari. Parang hinila na ako ng aking panaginip sa kawalan. Sa kawalan kung saan...ako at si sir lang ang naroroon. Naghahabulan sa dalampasigan. Nagyayakapan habang pinapanood ang paglubog ng araw.

Masaya ako. Di ko masukat na kaligayahan. Napangiti ako.

Kahit na sa panaginip lang nangyari ang first kiss ko ay sobrang ligaya parin ang nadama ko.

Sana maulit muli! At sana di lang sa panaginip.