webnovel

CHAPTER 8: ADELA 2.0

LUKE's POV

I am not really into parties. I hate celebrations. Hindi ko kaya makiplastikan sa mga di ko kilala. I will rather stay at home playing guitars than attending.

Pero sa invitation ni Mrs. Abueva, CEO of Abueva Development Inc. ay wala akong choice. I have to...para to sa company lalo pa at isa itong malaking account na kailangang kailangan ko to prove sa father ko na I made the right decision to start from the scratch.

At ang isa pa sa di ko inaasahan ay ang kondisyon nito sa akin.

Pipirmahan lamang daw nito ang contract kapag isinama ko sa party si Adela. Di ko alam kung ano ang mayroon sa secretary ko at parang natuwa ito sa kanya.

"Mr. Luke...may party ako bukas as a celebration of 25 years of ADI..I want you to be there with your secretary, Adela." Naalala kong sinabi nito kahapon.

"Don't forget that or else I will not sign our contract." Dagdag nito at ngumiti. "Make her beautiful,okay?"

So ayun, wala na nga ako choice. Mamayang gabi na ang party. Mabuti na lamang at may friend akong isang sikat na fashion designer at stylist. Kinausap ko ang mga ito para gawan kami ng masusuot ni Adela. Sinabihan ko narin ang stylist na sya na ng bahala para ayusan si Adela.

'Hey Adela. Be there in Marco Couture 3pm and I will pick u at 6.' Text ko kay Adela. Mabuti nalang at Saturday ngayon. I can take a rest bago ko daanan si Adela.

Humiga ako sa kama. These past few days...parang ambilis lang lumipas ng araw. Hindi ko alam pero dati rati naman ay parang gusto kong hilahin ang araw para agad na lumipas.

Maybe pressured lang ako dati lalo na at ipinagkatiwala sakin ang firm.

Ngayon, mas gumaganda na ang takbo nito. Hindi na ako nahahassle lalo na nung dumating si Adela.

Adela? Why her?

Napailing ako. Ganun na ba kalaki ang impluwensya sa aking ng babaeng iyon at lagi ko nalang naiisip?

'Tsk! Com'on Luke. Wake up. Hindi ka dapat basta basta magkagusto sa babaeng di mo pa gaano kilala!' Napailing kong sabi sa sarili.

Wait! Gusto? Nagkakagusto na nga ba talaga ako? Damn!

Naramdaman kong bumigat ang talukap ng aking mga mata. Napapikit ako.

Pagdilat ko...

Tumambad sa akin ang maliwanag na kapaligiran. Asul na ulap at luntiang palayan.

Nasaan ako?

Napaupo ako. Nasa ilalim ako ng isang puno. Malamig at presko ang simoy ng hangin. Naririnig ko ang huni ng mga ibong naglalaro sa mga sanga ng puno.

Napangiti ako. Ang ganda ng tanawin. Ganito ang mas nanaisin kong makita compared to skycrapers in the city.

Luminga linga ako at tinanaw ang kapaligiran. Kaygandang pagmasdan.

Sa di kalayuan ay may nakikita akong hardin ng mga rosas. Pink ang mga kulay nito. Waring hardin na nasa mga pelikula ko lamang nakikita.

Tumayo ako at lumapit sa hardin. Gusto kong maamoy ang mga bulaklak. Parang may kung anung humihila sa akin para tumungo doon.

At nang makalapit na ako, lumitaw ang isang babae. Babaeng nakasuot ng puting gown pero di ko maaninag ang kanyang mukha. Natatapatan ito ng ilaw ng araw kung kaya di ko makita.

Tinitigan ko sya. Isa ba syang diwata?Prinsesa? Bagay na bagay sa kanya ang suot niya at ang hardin. Akma ko syang lalapitan nang.....

"Sir? Nandito na po ang suit nyo." Narinig kong sabi ni Aling Inday , kasambahay namin.

Iminulat ko ang aking nga mata. Panaginip lang pala ang lahat.

Badtrip! Napailing ako. Nanghinayang ako at di ko nakita ang mukha ng babaeng iyon.

Nahihiwagaan ako. Ngayon lang ako nanaginip nang ganun. Parang napakalalim ng aking tulog.

"Pakilagay nalang po dyan sa cabinet." Sagot ko sa kanya. Tumayo ako. At tinungo ang harap ng salamin.

Tinitigan ko ang aking sarili. Mata sa mata.

'Sino sya?'

Sinilip ko ang aking relo.

Sh*t! 5:20pm na? Ambilis ng oras! Ganun ba kahaba ng aking tulog? Agad kong tinungo ang banyo at naligo.

Maya maya pa ay nasa loob na ako ng aking sasakyan patungong Marco Couture. Nakabihis na ako ng Amerikanang custom made ni Marco Tan. Sinilip ko ang aking mukha sa salamin ng sasakyan at inayos ang aking buhok. Wala na ako time para ayusin iyon dahil sa pagmamadali.

Ilang sandali pa ay narating ko na ang tapat ng shop. I texted Adela and Marco na nasa labas na ako at hindi na ako papasok.

Binuksan ko ang music player para makinig ng mga awitin at para narin hindi ako maawkward kay Adela habang nasa byahe.

Pumailanlang ang isang familiar at di medyo kalumaang kanta ni Jose Marie Chan.

"🎼 Beautiful girl, whereever you are

I knew when I saw you, you had opened the door

I knew that I'd love again after a long, long while

I'd love again🎼"

Napatingin ako sa pintuan ng shop nang bumukas iyon. Lumabas si Adela.

Napasinghap ako. She is wearing a simple strapless red gown with a pair of silver diamond dangling earings. Naka side-swept curl ang hair nito na lalong nagpatingkad ng maamo at magandang mukha. Adorable!

She is wearing a red lipstick. How lovely! Parang ang sarap halikan ng mga lips na iyon.

"🎼 You said 'hello' and I turned to go

But something in your eyes left my heart beating so

I just knew that I'd love again after a long, long while

I'd love again🎼

Parang naka slow motion ang lahat. Dahan dahan kong nakikitang lumalakad palapit sa akin si Adela. Lumabas ako ng sasakyan. Sa di ko malamang kadahilanan ay parang di ako makagalaw sa aking kinatatayuan habang nakatitig sa kanya.

Lumabas ang ganda ng hubog ng katawan ni Adela sa suot nito. Makikita ang nakakaakit na collarbone at makikinis na mga shoulders.

Di ko namalayang napanganga na ata ako. Yeah! I was in awe!

Habang naririnig ko ang music ay parang nanonood naman ako ng music video nito.

Adela in her red sexy gown.

Muli akong napasinghap nang makita ko ang slit sa gawing kanan ng gown nya na kung saan lumalabas ang kanya maputing hita sa tuwing hahakbang. She is stunning!

Sa isang saglit pa ay....

"Sir?" Narinig kong wika ni Adela. Isang metro nalang pala ang layo nito sakin. Nakangiti ito. Feeling ko namula ako.

Damn! Am I insane? Namumula ako sa harap ng isang babae. Isang kahihiyan!

Pilit kong itinago ang aking pagkailang. Kumaway ako kay Marco na nasa labas lamang ng pintuan ng kanyang shop para magpaalam.

Pinagbuksan ko ng pinto ng sasakyan si Adela at inalalayang makapasok at makaupo.

Uh! Ang bango nya. Parang biglang may uminit sa aking kaibuturan.

Napailing ako. Iwinawaksi ko anumang naiisip ko. Ang hirap! Parang nakikipagdigmaan ako sa silakbo ng aking damdamin.

Isang saglit pa ay tinutunton na namin ang daan patungo sa venue ng party. Wala kaming imikan. I don't know pero parang napaka awkward ng lahat.

I can't even look at her so paano ako mag iinitiate ng usapan. Napailing ako.

"🎼Hey

Beautiful, beautiful, beautiful, beautiful angel

Love your imperfections every angle

Tomorrow comes and goes before you know

So I just had to let you know

The way that Gucci look on you, amazing

But nothing can compare to when you're naked 🎼" (Beautiful by Bazzie ft. Camila)

Bigla akong namula sa kantang sumunod. Naked? Damn! Nababasa ba ng music player ang aking isipan? I chuckled. Parang matutuyuan ako ng laway.

Napatingin ako kay Adela. Nakatingin din pala sya sakin. Napangiti ako. Napangiti din sya.

Awkward! Teenager feels?

Pinatay ko ang music. Tumingin ako muli kay Adela at di ko na namalayang may lumabas sa aking mga labi na mga salita.

"You are beautiful."

Agad ko ding binawi ang aking paningin at nagconcentrate sa daan. Bigla akong nahiya sa mga salitang namutawi sa aking mga labi.

Damn Luke!

Hindi ako umasa sa kanyang response actually. Pero bigla kong narinig ang sagot nya na...

"Ampogi nyo din po sir! Bagay sa inyo ang suit!"

And parang umikot ang aking mundo. Masaya ako sa aking narinig. Kumabog ang aking dibdib. Lihim akong napangiti.

Di na ako muling umimik.

Baka di ko na mapigilan ang aking sarili. Para akong sinisilaban deep inside!

I want to kiss her!