webnovel

CHAPTER 11: MAN OF STEEL

[DISCLAIMER: Medyo maselan ang chapter na ito. Read at your own risk. Chos!😊😊😊]

ADELA's POV

Naalimpungatan ako mula sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana. Medyo masakit na sa mata ang liwanag. Umupo ako. Nasa kama pala ako. Ang lambot at ang laki. Natigilan ako.

Kama? Nasaan ako? Nanlaki ang aking mata. Omg! Hindi ito aking kwarto!

Tumingin ako sa aking damit. Kinapa ko ang aking dibdib at panty. Walang bahid ng pagkahubad. Gown?Check! Nabunutan ata ako ng tinik nang makita kong suot suot ko pa din ang gown. Kasi baka lapastanganin ng kung sinuman ang aking perlas ng sinilanganan. No! I want to be virgin before maikasal sa isang lalaki at si sir Luke iyon! Charot.

Kalurkey ka Adela!

Ouchy! Nararamdaman kong medyo masakit ang aking ulo. Dinama ko ito at inalala ang nangyari kagabi.

Hmmm.

Ang alam ko. Huli kong nakausap kagabi ay sina Mrs. Abueva at ang anak nito. Kinurot kurot ko pa ang pisngi ng anak nya!

Shocks! Nakakahiya! Anu ang ginawa ko kagabi? Bakit ko sya kinurot!

Patay ka Adelaida! Baka nagalit ang anak ni Mrs.Abueva.

Napangiwi ako sa aking naisip. Nakakahiya ng sobra.

Bumangon ako at tumayo. Nilinga linga ko ang kwartong aking kinaroroonan.

Maganda ang lugar. Pang mayaman! May nakita akong logo na naka burda sa kumot. Binasa ko iyon.

Abueva Hotel ang nakalagay.

Tama! Nasa hotel padin ako. Nasa itaas lamang ako ng venue kung saan ginanap ang party.

Pero sino ang naghatid sakin dito kagabi?

Pilit kong inalala pero di ko na matandaan.

Lalong sumakit ulo ko. Gosh! Bakit ko pa kasi ininom ang mga alak na iyon!

Anu gagawin ko? Uuwi akong ganito? Nakagown?

Kaloka. Baka isipin ng mga kapitbahay namin nagsa-santacruzan ako dahil sa gown ko eh kakatapos lang. Hindi rin ako pwede ng nakabathrobe lang..nakakahiya!

Nakakahiya.

Lumabas ako ng kwarto na bitbit ang stilleto na ginamit ko kagabi. Baka may tao sa labas kung saan ako naroroon. Ang lawak pala ng room na ito. Ito siguro ang ponakasosyal na room dito. Napakalawak na ng kwarto pero mas malawak pa ang nasa labas kung saan naroroon ang sala. May sariling kusina pa!

Pumunta muna ako ng sala. Umupo sa malambot na sofa na napakalaki. Kaloka! Kahit itong sofa lang ay mukhang mas malaki pa sa bahay namin! Pang prinsesa ang ambience.

Napatingin ako sa tv, anlaki rin!

Hinanap ko ang remote at binuksan iyon. Isang hollywood show ang kasalukuyang palabas.

Sa gawing kanan ko ay ang kusina. May nakikita akong mga prutas na nakadisplay sa table. Lumapit ako at kumuha ng isang apple at kinagat iyon.

Bumalik ulit ako sa sala at umupo.

Nag isip ng paraan kung paano ako uuwi.

Kelangan kong makapgpalit ng damit pero saan ako kukuha?

Napagdesisyunan kong ikutin ang buong room para maghanap ng pwede ipalit sa suot ko.

May mga cabinet o closet akong nakita pero walang laman. Hays! Kumagat ulit ako sa mansanas para di ako mastress.

Lumakad lakad ako habang nag iisip ng solusyon.

Ang phone ko! Ang alam ko nasa clutch ko ito nilagay. Bumalik ako sa kwarto kung saan ako natulog.

At nakita ko ito sa baba ng kama. Nahulog siguro.

'Need ko ang phone para matawagan si nanay na dalhan ako ng damit dito.'

Ngunit nadismaya ako nang makita kong nakapatay ang phone ko. Lowbat na pala ito.

Napabuntunghininga ako.

'Pano na Adelaida?' Bulong ko sa sarili.

Muli akong lumabas ng kwarto at gumala gala. At may nakita akong isa pang pinto. Medyo nakabukas ang pinto ng kaunti. Anlaki pala talaga ng kwartong ito. Pang executive ata ito.

Mga milyonaryo lang kaya mag avail nito. Andaming kwarto at kumpleto ang facilities! Daig pa ang bahay namin.

Pumasok ako sa kwarto. Malawak din ito.

May sariling closet at cr.

Napansin kong may nakalatag na pants sa kama at sa isang upuan naman ay nakasampay ang isang coat,longsleeves.

Damit ni sir Luke! So andito sya? Pero asan sya?

Lumapit ako. At sinuri ang damit.

Tama! Damit ni sir! Pero bakit ang baho? Parang amoy suka!

Bigla akong may naalala...sa aking panaginip.

Shocks! Nagsuka nga pala ako!

So meaning di panaginip yun!!!

Kinabahan ako. Patay na! Sinukahan ko si sir!

Lagot na! Mawawalan ata ako ng work nito.

'Lord please help me.' Pabulong kong dasal. Hindi ko naman sinasadya ang nangyari. Nalasing din ako ng di sinasadya.

Inikot ko ang kwarto. May nakita akong closet. Binuksan ko iyon.

May damit! Bago pa ata ang mga ito.

Isang dress, isang t shirt at isang maong pants.

Nabunutan ako ng tinik. May maisusuot na ako!

Kumagat ulit ako sa hawak hawak kong mansanas pero di ko naituloy nang may sumagi bigla sa aking isip.

Kung nasukahan ko si sir kagabi...meaning....

Oh my gosh!!!

Muntik na ako mapasigaw!

Nagkiss kami?

'Oh my gosh! Oh my gosh!

I can't breathe! I can't breathe!'

So totoo ang lahat ng nangyari kagabi?

Napakagat ako sa aking lowerlip. Di ko alam kung anu ang iisipin at gagawin.

Nakakahiya! Nagtake advantage ako kay sir! Baka isipin nya manyakis ako!

No! No! No!

'Anu gagawin ko? Panu pa ako nito papasok sa work? Isang malaking kahihiyan ginawa ko!'

Di ako mapalagay. Ginulo ko ang aking buhok at itinabon sa aking mukha. Kinagat ko ang isa kong daliri.

' Anu gagawin ko?' Bulong ko.

Nagflashback muli sa aking isipan ang ginawa kong paghalik kay sir.

Matamis!

Masarap!

Mapusok!

Nagbabaga!

Marubdob!

Namula ako sa pag iimagine. Feeling ko nangapal ang pisngi ko ng sampung pulgada.

'Gosh!'

Ang tanga tanga ko kasi! Bakit ako uminom ng alak na hindi ko naman kaya!

Papasok pa ba ako sa work at never magpakita ulit kay sir?

Pero.... pangarap ko iyon eh.

Madami akong pinagdaanan para makuha ang position ko sa company.

Aalis nalang ba ako dahil sa kiss na di ko sinasadya?

Akala ko panaginip eh!

Natigilan ako.

Panaginip! Tama! Akala ko isang panaginip lang ang lahat. Di ko sinasadya!

Magpapanggap akong walang nangyari! Itatanggi ko kahit magtanong pa si sir!

Napakagat ako muli sa mansanas. Kinuha ko ang damit at tinunton ang pinto.

Pero malapit na ako sa pinto nang may lumabas sa cr. Nabigla ako. Akala ko mag isa ako.

Napatingin ako sa pinto kung sino ang lumabas galing rito at nashocked ako ng bonggalicious!

Si Sir luke!

At....

Oh!

My!

Gosh!

Nakatapis lang sya ng towel!

Walang suot na iba kundi towel!

Maswerteng towel!

Chos!

Npasinghap ako ng bumaba ang aking mata sa kanyang katawan.

'Nay! Kape please!' Nanginginig ko atang bulong sa sarili. Eh panu ba naman! May walong pandesal!

Ang hot ng abs ni sir! Ang sarap at ang macho!

Si Machete ba sya?

Di ko alam kung ilang minuto akong natulala. Nang bumalik ako sa aking katinuan. Nagkatitigan kami ni sir.

Basa pa ang katawan ni sir actually. Tumutulo pa ang tubig galing sa buhok nito kaya nababasa ang dibdib at nipples nya na pink.

Parang ang titigas ng mga muscles ni sir! The man of steel!

Natitig sya sakin! Natulala din!

Anu gagawin ko? Tatalikod ba ako? O lalapitan at hihimasin ang pandesal!

Kinurot ko ang aking hita.

'Stop it Adelaida! Gaga kaba? Gagawa ka ulit ng kahihiyan?'

Napakagat labi ako.

Humakbang ako papuntang pinto sana para makatakas sa napaka awkward na situation nang may mahagip ang damit na dala dala ko.

Nabasag! Ang flower vase na babasagin!

Hahakbang sana ako patalikod para maiwasan ang mga basag na glass nang marinig ko si sir na napasigaw..

'Adela... no! Mayroong bote sa gawing likuran mo!' Sabi ni sir.

Napatingin ako sa sahig sa bandang likuran ko. Tama may isang malaking piraso ng basag na bote. At matulis pa ito.

Akma akong uupo para damputin iyon nang nakita kong palapit narin si sir sa akin.

Napatingin ako sa kanya.

At lalo akong nashocked ng may di inaasahang naganap!

Nahulog ang towel na suot ni sir!

"Oh my gosh! Ang banana ni adan!"

Napatili ako ng malakas na malakas!

"Aaaaaaaaahhhhhhhhh!"

Ipinikit ko bigla ang aking mga mata.

"Oh sh*t!" Narinig ko ding wika ni sir

Iwinaksi ko sa aking isipan ang nakitang imahe. Ang pandesal at ang banana! Juskolord! Patawarin nyo po ang makasalanan kong mga mata.

Para masiguradong wala akong makita, tinakpan ko ang aking mga mata gamit ang aking mga kamay. Sinubsob ko ang aking mukha sa aking mga palad.

Di ko alam if gaano ako katagal sa posisyong iyon. Wala ako pake. Di ko alam ang gagawin eh.

Di ko rin maimulat ang aking mga mata dahil baka may makita pa akong kakaiba.

Actually, nag iisip din ako ng mga bagay bagay. Ibang bagay para di ko maimagine ang nakita ko.

Pero kaloka! Di ko makontrol ang aking isipan. Di ko makontrol ang mga bagay na nakikita ko habang nakapikit like...

Ahas!

Batuta!

Upo!

Pipino!

Patola!

Talong!?!

'Adela stop na! Stop it!' Bulong ko sa sarili. Anu nangyayari sakin?

Bakit mga ganun pumapasok sa isip ko? Malakas ang kabog ng aking dibdib.

Napangiwi ako.

Maya maya pa ay....

"You can open your eyes now. I am sorry for what happened." Malumanay na wika ni sir. Kalmado na si sir. Iminulat ko ang aking mga mata. Nakasuot na ng damit si sir.

Pansin kong pilit nitong itinatago ang kanyang pagkapahiya.

Nakahinga na ako ng maluwag. Iniwas ko nalang ang aking paningin sa kanya at ipinako sa nabasag na vase.

Balak ko sanang isa isa itong damputin nang magsalita si sir.

"No, Adela. Leave it there. Sila na bahala dyan." Sabi ni sir.

Tumango nalang ako at tumayo.

Dahan dahang umalis at lumabas ng kwarto.

Malakas parin ang kabog ng aking dibdib.

Malala ang nangyari ngayon!

Di na virgin ang aking mga mata!

Napangiwi ako at maya mayay napakagat labi.

"Wait Adela. Please take a shower asap and we'll go home after." Narinig kong wika ni sir.

Di na ko lumingon sa kanya. Tumango nalang ako.

Awkward!

Patakbo akong pumasok sa kwartong tinulugan ko at inilock ang pinto nito.

Napaupo ako sa kama.

Gosh! Andaming nangyari.

Pilit ko nalang iwinaksi lahat ng mga isipin at pumasok sa banyo.

I need cold water to refresh my mind! Charot!

And to clean this dirty mind of mine!