webnovel

Rebel Daughter at its Best!

In the world full of chaos, full of betrayals, full of hatred would love still reigns? Matapang, walang kinakatakutan, sanay mag-isa, yan si Alexandra Dela Torre. But what if everything went upside down? What if she fall inlove? Would she fall to his father trap? Could Drake Rodriguez change her? Could love change her?

milenyongguro_24 · Urban
Not enough ratings
8 Chs

Chapter 9

Matapos ang pagsasalo-salo sa agahan ay nagkaroon ng medical mission. Hindi ko alam kung ano ang silbi ko sa outreach program na to dahil wala akong magawa. Taga tingin-tingin kung ano ang iginagawa nila. And I'm starting to get bored at the same time inaantok na ako. Hello???wala pa akong maayos na tulog. At nakailang hikab na ata ako. Naupo ako sa isang gilid dahil ramdam ko ang pagod, pagod kakahimay ng alimasag. Nasugatan pa kaya ako nun.

"Hey!"

"Ay butiki..ANO BA!!" napasigaw ako sa sobrang gulat.

"Try mo kaya tumulong, ang daming ginagawa oh."

"Bakit wala namang nag-oorient sakin ng gagawin ah!"

"Kailangan kapa bang sabihan.Have an initiative."

"Initiative, initiative.. Kailangan ko ng mag eexplain sakin kung ano ang gagawin."

"Hindi lahat ng gagawin ay isusubo sayo. Magkaroon ka ng pagkukusa. Kung may nakita kang dapat gawin, gawin mo na. Wag kang magfeeling bisita dito."

"Hoy Rodriguez sumusobra kana. Hindi ko nagugustuhan yang pinagsasabi mo. Bakit ako mangunguna sa mga gagawin ha. Pag ako namali ng gawa, sino ba mapapahiya ha!"

"Use your common sense. Magtanong ka!" naiinis niya na ring sabi. Kapag talaga to ang kasama ko hindi pwedeng walang away na maganap.

"Mr. Rodriguez and Ms. Dela Torre please keep your issue privately. Wala kayo sa lugar na walang tao. Marami tayong kasama dito, please tama na yang LQ ninyo. Trabaho muna!!" sabi ni Miss Cruz . Napangiwi kaming dalawa sa sinabi niya.

"LQ? duhh!!"

"Ikaw pa ang choosy ha!"

"Talaga! Bakit gwapo ka ba ha!!"

"TAMA NA!!! Kayong dalawa sumama nga kayo sakin!!!" Sumigaw na ang Prof namin at inakay kami papunta sa mga box ng mga gamot.

"Instead of fighting, why don't you two help each other sort these things. When I come back make sure all things here are organize." Our Prof. said it with conviction Siguro kahit siya ay inis na inis na rin sa pagtatalo namin.

Nag umpisa siyang linisin ang mga box na nagkalat.

"What are you doing? If you're just going to stand there, you are free to swim back to the port." He said full of sarcasm. Inismiran ko siya.

Ayoko mang maglinis, inumpisahan kong damputin at ayusin ang mga kalat.

Habang unti na lang ang box, may isang nagtapon ng box na walang lamang.

"Respeto naman sa naglilinis oh!" sigaw ko sa lalaking nakapang medical suit. Di man lang magawang tumingin. Inis kong dinampot yung box at ikinumpol ito sa gilid. Nakita kong natawa si Drake kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Nung matapos na kami maglinis, natuwa ang Prof. namin dahil tahimik daw kaming dalawa. Simple lang, it is because we chose not to talk with each other. Maybe because that is the right decision kasi kung mag uusap kami ang ending ay walang matatapos.

Saktong pagkatapos namin ay nakahanda na rin daw ang pagkain. Nauna siyang naglakad, samantalang ako ito nagngingitngit sa inis dahil sa kanya. Ewan kung bakit basta ang alam ko inis ako sa kanya magsalita man siya o hindi.

Paglapit ko sa mga kasamahan namin, tumabi ako kay Richu. Tulad kanina si Mang Kanor pa din ang nanguna sa pananalangin. Matapos nun ay nagkanya kanyang hugas ng kamay. I am very delighted upon seeing all those food on the table. The way it was arranged was very pleasing to my eyes. Parang gustong-gusto ko ng kumuha.

Habang naghuhugas ako ng kamay, I get excited of the idea that I'll be eating in a boodle fight way.

May tatlong mahahabang mesa ang nandun at lahat ay may nga seafoods. Mayroon ding mga gulay at adobong manok. As I am looking parang gusto ko na agad pumwesto.

"Don't stare too much into the food, it might spoil."

Nasira ang maganda kong pagmumuni -muni habang nag iimagine na kumakain ng malalaking hipon dahil sa asungot na katabi ko.

"Ha-Ha.. Tatawa pa ba ako?" sabi ko na may halong pagkaplastic na ngiti.

"Ang seryoso mo, tara let's eat." Inakay niya ako papunta sa mga nakalinyang mga tao sa harap ng mesang punong puno ng pagkain. Di paman ako nakakarecover sa mga kinain ko kanina ito nanaman ako kakain. This is life.

"KAINAN NAAAAAA!!" Pagkasigaw ni Mang Kanor nun ay agad nagsilusuban ang mga residente na kumain.

Kumuha na din ako ng pagkain at isinubo agad ito sa bibig ko. Masyado akong naaliw sa pagkain gamit ang kamay ko.

"Hoy! Hindi ganyan ang tamang pagkain gamit ang kamay!" Tinapik ni Rodriguez ang kamay ko.

"Araaay! Wag mo nga ako pinapakialaman. Kanya-kanyang style ng pagkakamay yan!"

"Woah!Palusot mo.. Di ka lang talaga marunong eh. Halata naman."

Tiningnan ko siya ng masama. Totoo namang hindi talaga ako marunong kumamay.

"Drake subuan mo na lang si Alexandra para tumahimik na. Hahahaha." Sigaw ng isa sa mga residente. Aba't bastos yun ah. Paki nya ba kung madaldal ako.

"Oo nga naman iho, pakitaan mo nga kami ng sinasabi ng mga kabataan na galawang HOKAGE." biglang nagsitawanan ang lahat dahil sa sinabi ni Mang Kanor. Dagdagan pa ng galawang HOKAGE na sinasabi niya.

"Yun lang ba Mang Kanor? Sure!! Walang problema.. say Ah Alexandra." Biglang bumaling sakin si Drake na may kanin at ulam sa kamay nya. Bigla niya yung pinakain sakin. Muntik pa akong mabulunan sa pagkabigla. Tumawa tawa pa siya.

Tumataas-taas pa siya ng kilay at alam na alam kong pinagtitripan niya ako. Pagtripan pala ang gusto niya ah. Kumuha rin ako ng pagkain at pilit siyang sinubuan. Medyo naubo siya sa sobrang dami ng kanin na nilagay ko sa bibig nya. Huh serves him right. Nginitian ko siya ng pagkaplastic-plastic.

"Yun oh. Nagsusubuan na sila. Bagay kayo." Tinukso nilang lahat ang ginawa naming yun. I think I just rolled my eyes to them.

Nawalan ako ng gana sa pagkain dahil sa paulit-ulit nilang tukso. Habang busy pa silang magkwentuhan I walked out.

Habang naghuhugas ako ng kamay may sumabay sakin na lalaki sa paghuhugas ng kamay sa kabilang sink. Nakapang medical attire. He smiled to me like he's endorsing a toothpaste brand sa sobrang puti at pantay ng ngipin niya. I did not return a smile, I just continued washing my hands with soap.

"I'm sorry earlier."

Tumingin ako sa kanya at nagtaas ng kilay.

"About the box that I just throw."

"Ay walang hiya ka pala eh! Kaw pala yung walang modo kanina."

"Woah..I said sorry okay nagmadali lang ako kanina kasi may biglang nahimatay kaya di ko na nagawang balikan kapa."

"Ano ba naman yung isang sorry habang naglalakad diba? Tss." Sabi ko sabay talikod.

"Ahm Alexandra don't you remember me?"

Bigla akong natigilan sa paglalakad dahil sa sinabi niya. How did this guy know me?Tiningnan ko siya mula ulo mukhang paa este hanggang paa.Hindi ko siya kilala. At wala akong maalala na I met him before.

"I see parang di mo na nga ako maalala. Hahaha. Ok lang, it's nice to see you again. You look more prettier." Sabi niya at umalis na din.

Naweirduhan ako at the same time masyado akong nacurious sa sinabi niya. Sino ba talaga yung lalaking yun.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalapit siya sa grupo ng mga medical team. Sumulyap siya sakin at ngumiti. WEIRD.

"Booooooooh"

"Putakte ka!!!!" Bigla akong napatalon sa pagkakagulat sakin ng damuhong Rodriguez na to.

"Ano ba problema mo ha! Papansin ka masyado eh no?"

"Hahahaha. Para kang timang dyan na nakatayo." Tawang tawa siya sa itsura ko ng magulat niya ako.

Dahil inis na inis na talaga ako. Humawak ako sa buhok niya at sinabunut-bunutan siya.

"Aray! Aray! A-a-raaay!!"

Bigla akong natawa sa itsura niya ng makawala siya sa kamay kong nag-eenjoy sa pagsabunot sa kanya. HAHAHAHAHA. He looks really furious while me? I can't stop laughing so hard. Gulo-gulo na buhok niya.

"May balak ka bang kalbuhin ako!" Sabi niya ng nagagalit at inayos ang buhok niya. Medyo kinakapa kapa nya rin ulo niya. Nasaktan ata siya. Hahahahaha..

"Ang hapdi!" reklamo niya. Lalo akong natawa.dahil dun. Hahahahaha

"Oh ganyan nga! Dapat ganyan lang kayo, masaya. Hindi yung nag-aaway kayo ng nag-aaway." Sabi ni Richu.

Tiningnan namin ng masama si Richu, lalo na si Drake.

"Masaya?!!! Eh yang babae lang ang masaya!" Sabi ni Drake at umalis habang hawak pa rin ulo niya. Bigla nanaman akong natawa dahil dun. Hahahaha..

"Napano yun? ang taray naman niya." Takang tanong ni Richu. Nagkibit balikat lang ako.

"First time kong makitang tumatawa ka. Mabait ka naman pala."

Tumawa lang mabait na agad. So lahat ng nasa Mental mabait kasi lagi silang tumatawa?