webnovel

Rebel Daughter at its Best!

In the world full of chaos, full of betrayals, full of hatred would love still reigns? Matapang, walang kinakatakutan, sanay mag-isa, yan si Alexandra Dela Torre. But what if everything went upside down? What if she fall inlove? Would she fall to his father trap? Could Drake Rodriguez change her? Could love change her?

milenyongguro_24 · Urban
Not enough ratings
8 Chs

Chapter 10

Natapos ang medical mission hanggang hapon. Bangag na bangag na ata ako sa sobrang antok and to think na gabi na talagang nanakit na ang katawan ko. Kahit maglatag pa sila dyan ng sobrang daming pagkain,ayoko na. Mas gusto kong mahiga at magpahinga. Medyo nahihilo na din ako sa pagod though wala ako masyadong natulong.

"Where can we sleep?" tanong ko kay Richu nung makalapit ako sa kanya. Nag-iihaw siya ng mga isda.

"Dyan lang sa katabi nitong hall. Yang blue na pintura ng bahay. Pero naka-lock ata yun eh."

"Where's the key?"

"Na kay Drake."

"Ok. Thanks"

"Di ka dadalo sa bonfire?"

"Nope. I WANT to sleep." Tumango lang siya kaya umalis na ako at hinanap agad ng mata ko kung nasaan ang Drake na yun.

Nakita ko siya kasama sina Mang Kanor at ilang mga residente. They were laughing as if there are no other people. At itong si Drake kulang na lang pasukin ng agila ang bibig sa laki ng bunganga. Hahaha. I laughed at my own joke. That is so corny Alexandra. Natigil ako sa pag-iisip ng malapit na ako sa kanila.

"Hoy!" Malakas kong kinalabit ang braso ni Drake at dahilan na rin para matigil sila sa tawanan.

Tumingin siya sakin ng seryoso. Tingnan mo tong taong to kanina ang saya-saya, nakita lang ako ang seryoso nanaman. Abnormal talaga. Saka ko napansin na nakatingin na din sakin sina Mang Kanor.

"Oh iha, kinukuha mo na ba samin ang iyong iniirog."

Biro ni Mang Kanor, napangiwi tuloy ako. If I am not mistaken iniirog means minamahal diba? Yaaaak!!

"Mang Kanor, una sa lahat hindi ko yan mahal at pangalawa kailanman hindi ko yan mamahalin. Yuck!" Dinuro duro ko pa si Drake habang sinasabi yan.

"Hoy babae, kung maka yuck ka naman kala mo kagandahan ka ha."

"Bakit may sinasabi ba akong maganda ako!?"

"HepHep! Tigil. Ayan nanaman kayo sa away ninyo. Alam niyo ba ganyan na ganyan yung mga napapanood namin sa palabas ni FPJ at Sharon Cuneta. Una magkagalit pero sa dulo mag-iibigan. Malay niyo ganun rin sainyo mga anak.Hahaha"

Nagsitawanan sila. Naningkit ang mata ko.

"I assure you Mang Kanor, hinding-hindi yan mangyayari."

"Ngayon lang yan iha. Kapag kayo nagkaibigan maaalala mo rin ako kasi ako ang nagsasabing magkakaibigan kayo."

"Oo nga!!!!Haha" Sabay sabay na sabi ng mga nanduon.

"Naku Mang Kanor, tama na yan. Baka umasa ka lang sa wala. Yan magugustuhan ko. Tsk tsk!!" May pailing-iling pa nyang sabi.

"Pwede ba pakibigay na lang ng susi ng bahay! Gusto ko ng magpahinga!!"

Nayayamot na ako sa mga pagtutukso nila.

"Ako na magbubukas.May kukunin din naman ako. Mang Kanor, balik na lang ho ako."

Hindi ako nagpaalam sa kanila. Nauna ako maglakad papunta sa cabin.

"Nagmamadali?"

Nasa likod ko lang siya.Hinarap ko siya at sabay pamewang.

"Oo nagmamadali ako kasi pagod na pagod na ako. Gustong-gusto ko na matulog!!!" inis kong sabi sa kanya.

"Woah easy. I'm just asking. Kalma! kalma!"

"Hindi ako kakalma hangga't hindi mo pa dyan binibilisan ang lakad!!"

"Ok. ok! Ito na nga oh, binibilisan na ng lakad.".

Naglakad siya ng mabilis papunta sa cabin

Maganda sa labas ang cabin. Nakalagay sa may pinto na "Visitors Cabin".

"Pumasok kana po mahal na reyna."

Sabi niya habang ang isang kamay ay nakahawak sa doorknob at ang isa ay nasa likod niya. Ang itsura nya ay parang nagbubukas ng pintuan sa kanyang amo.Lalo lang akong naiinis sa ginagawa niya.

"Ang OA mo din no?" sabi ko habang pumapasok sa pintuan.

"Ang OA mo din no?" he mimicked me.

"Can we just not talk to each other.?" Pagtataray ko sa kanya.

"Okay. Sabi mo eh."

Buti naman at madali siyang kausap. Saka ako tumingin sa loob ng cabin.It was so nice. I did not imagine na ganito kaganda sa loob. Though walang modern furnitures o ano pamang high tech na tv or stereos, mas nagandahan ako sa rustic style nito sa loob. May apat itong kwarto, may kusina at sala din. Nakita ko ang gamit ko sa may upuan kaya kinuha ko to. Kumuha ako ng towel at pampalit na damit.

Pagkatapos kong maligo ng katawan at makapagbihis ng pantulog, dumiretso ako ng sala para kunin yung gamit ko.

"Where's my room?" tanong ko kay Drake na nakaupo sa salas at busy sa kanyang cellphone.

Hindi niya ako pinapansin. Kaya pumunta ako sa harapan niya at kinuha phone niya.

"Sabi ko san ang kwarto ko?"

Bigla niya hinablot cp niya at nagpatuloy sa paglalaro.

"Ano ba! Playing deaf? Antok na antok na ako!" Kinuha ko ulit ang phone niya. Tiningnan niya ako ng masama.

Tumayo siya sa harap ko kaya napatingala ako sa kanya dahil ang tangkad niya. Sinalubong niya ang tingin ko at tulad ko ay naiinis ding tumititig sakin.

"Diba sabi mo sakin kanina wag tayong mag-uusap. Oh I'm doing what you ask for. Galit kapa niyan."

Inirapan ko siya yung tipong umikot ng 360° yung iris ng mata ko. My God, give me some patience please.

"Yes I said that pero pwede mo namang ituro sakin kung saan yung kwarto. Sinabi ko lang let us not talk to each other hindi yung let us ignore each other!"

"Pareho lang yun."

"Magkaiba yun!"

"Pareho nga!!!"

"Arghhh!!!! I really hate arguing with you! Sayang ang oras. Ituturo mo ba ang kwarto o hindi!?"

"First of all, you're not special here. Those rooms will be occupied not individually. Wag kang mag expect na may special treatment sayo dito. Dyan ang room mo, kasama mo sina Maam Cruz at Richu. Second, stop being rude. Third, you're not only the one who is tired here, be considerate, be a helping hand"

"Did I bother others?! FYI hindi ko sinabing samahan mo ako dito at lalong lalo na hindi ko sinabing maghintay ka dyan. And as much as I remember I am trying my best to help. Kung hindi ko man mameet yung expectation mong gagawin kong tulong, it's not my problem. "

Sira pala ulo nito eh, may problema na pala sakin ngayon lang sasabihin. Sasalita pa sana sya pero di ko siya pinasingit magsalita.

"Oo na, hindi ako yung pinakapagod sa grupong to. Wag kang mag-alala, magbibihis lang ako ulit. Lalabas ako at makikisaya sa lintek na bonfire na yan!"

Pagkasabi ko nun, kinuha ko bag ko at pumasok sa room na tinuro nya kanina. Padabog ko itong sinara.

Pumili ako ng mahihigaan. 3 maliit na kama naman ang nandito. Habang nagbibihis ako, di ko mapigilang magngitngit sa galit sa Drake Rodriguez na yun. Nagpantalon lang ako at pinatungan ng jacket ang damit ko.

Paglabas ko ng kwarto wala na doon ang pangit na lalaking yun. Buti na lang.

Ayaw man sa loob ko na sumabay sa bonfire na yan, lumabas ako dahil sa pride ko din. It's a damn ego again.

Kahit ramdam na ramdam ko na ang pagod at antok, pinilit ko ang sarili kong lumabas ng bahay.

Nagstart na silang gumawa ng apoy at kumuha ng mga kahoy na uupuan.

Lumapit ako kay Richu.

"May iihawin pa ba?" sabi ko sa kanya.

"Wala na. Last na to."

"Eh yun?Pwede bang ihawin na yun.? Magvovolunteer ako na ako iihaw dun." Turo ko kay Drake na nakikipagtawanan sa mga kaharap niya.

"Hahaha. Uy grabe ka ha. Wag naman, sayang kagwapuhan ni Drake."

"San banda ang sinasabi mong gwapo sa lalaking yan?!!"

Tumawa siya at kinuha ang last na isdang inihaw.

"Tara na. Magsisimula na ang masayang kwentuhan."

------------------

Totoong masayang nagkikwentuha sila.May inuman pa yung mga matatanda na at may kainan naman na nagaganap sa mga tulad namin. Pero di ako kumuha kahit alak o pagkain. Tahimik lang akong nakikinig sa mga kwentuha nila at tawanan.

Pinipilit ko din wag tumagal ang pagblink ng mata ko kasi baka matuluyan sa pagpikit at tuluyan akong makatulog. Katabi ko si Richu.Nakikipag kwentuhan din siya sa katabi niyang isang nurse na babae.

"Alexandra,okay ka lang ba dyan?" Tanong sakin ng Prof. naming lalaki.

"Mukhang inaantok kana. Sige na matulog kana."

"Naku Mang Kanor, mas malakas pa yan sa kalabaw.Wag kayong mag-alala dyan."

Sabi ni damuhong si Drake. Inirapan ko siya.

Lumapit sakin yung lalaking walang modong nagbato ng box kanina.

"Hey, I think you need a rest. You should sleep now."

"I'm perfectly fine. Can you mind your own life"

I'm starting to get pissed of the attention they're giving me.

Tumayo ako para kumuha ng pagkain.Pero bago paman ako makalakad ay naramdaman kong medyo nahilo ako. I massage my head to relax myself, but next thing I know is everything around me is getting blurrer.

"ALEXANDRA!!!"