webnovel

Rebel Daughter at its Best!

In the world full of chaos, full of betrayals, full of hatred would love still reigns? Matapang, walang kinakatakutan, sanay mag-isa, yan si Alexandra Dela Torre. But what if everything went upside down? What if she fall inlove? Would she fall to his father trap? Could Drake Rodriguez change her? Could love change her?

milenyongguro_24 · Urban
Not enough ratings
8 Chs

Chapter 8

Sa una ay naguluhan ako ng flow of program, pero nung ipinaliwanag ni Richu sakin ay naintindihan ko na. So ang akala ko ay manghihikayat kami ng mga kabataan na mag aral sa Wilston University, ibang-iba pala siya sa inaakala ko. Out of curiousity, I found myself keep on asking Richu.

"Why did they need to do this every year?"

"Hindi naman dahil sa "they need to help" but rather they want to do it whole heartedly. Gusto nina Mr. Rodriguez na makapagtulong sa community na to through education, financial assistance at ang mahalaga ang medical assistance. Tumutulong sila sa mga bata at kabataan na makapag-aral. Yung bawat myembro ng pamilya ay binibigyan nila ng pinansyal na tulong para sa pang araw-araw nila. Binigyan din sila ng mga magagamit sa pinagkukuhanan nila ng hanap buhay. Buwan-buwan ay nagpapadala ng medical team si Mr. Rodriguez dito upang macheck din ang kalusugan ng lahat. Ganun sila ka-generous na pamilya."

"So bakit ang Brgy. Malinday ang napili nilang tulungan?"

"Nakita kasi nila itong nafeature sa isang Documentary program. Naantig daw puso nila, simula noon nagpadala ng tulong sila Mr. Rodriguez dito. At tuloy tuloy ito hanggang sa ngayon."

Napatango-tango ako. Maya-maya nagpaalam si Richu dahil tutulong daw sya sa pagbuhat ng mga supplies ng gamot at paparating din daw ang ilang Medical team.

Ako naman tumayo na at nag umpisang maglakad papunta sa malapit sa dagat. Sa paglakad ko napansin kong may sumusunod sakin na bata.

Tumalikod ako at nakita siya. Ngumiti siya sakin at iniaabot ang palad sakin na parang may hinihingi. Wala akong dala kahit ano.

I bend down on my knees.

"Teka lang ah. Hintayin mo ako dito. Wag kang aalis." Sabi ko at tumango lang siya.

Pagbalik ko sa hall lumapit ako sa box ng Jollibee.

"Hep! Hindi sayo yan ha."

"Alam ko." Sabi ko ng nakatalikod at saktong nabuksan ko na ang kahon. Kumuha ako ng isang box.

Tinapik niya ang kamay ko.

"Sabing hindi yan sayo." Kinuha niya yung box at ibinalik sa lagayan nito.

"Alam ko nga at hindi akin yan!! Para yan dun sa bata!" Turo ko sa batang nakatingin samin sa malayuan.

Kinuha ko ulit yung isang box ng Jollibee at nilagpasan siya. Wala naman siyang reklamo pa at parang napahiya siya sa ginawa niya.Ang epal niya kasi.

Lumapit ako sa bata. Ngumiti siya at tila na-excite sa dala kong pagkain.

"ingi.. ingi...." sabi niya at tumatalon talon pa.

Iniabot ko sa kanya ang pagkain, kinuha niya ito.

"amat.." sabi niya ng may napakalawak na ngiti. Tumakbo agad siya papalapit sa mga maliliit din na bata. All of a sudden napangiti ako sa nakita ko, pinagsaluhan nilang 4 ang iisang kahon na pagkain. And happiness is all you can see to them.

"dito kahit isang supot ng biscuit ibigay mo sa kanila, masaya na sila dito. And to think na isa lang yun nagagawa pa nilang ishare sa iba ang meron sila. Bihira lang ako makakita ng genuine care sa ibang tao. At isa ito sa mga lugar na meron nun. Lahat nagtutulungan."

Sabi ni Drake na nasa tabi ko na pala. Tiningnan ko siya habang sinasabi yun, sa bawat bigkas niya ay di ko maiwasan tumingin sa pagbaba-taas ng adams apple niya. I gulped. What am I thinking? Gosh! Umiling iling ako at tumingin sa mga bata na masayang kumakain.

"Tara na. Inaanyayahan tayo ng mga tao. Sabay sabay tayo mag aalmusal."

Nauna siyang naglakad papunta sa hall. May mga ilang residente na papunta din dun at may kanya kanyang dalang lagayan ng pagkain. Yung iba ay may mga dalang pagkain at prutas.

Pagpasok ko sa hall nakalatag na sa mahabang mesa ang iba't-ibang pagkain at may iba ring naglalagay pa ng dala nila.

Tumabi sakin si Richu.

"Siguro nagtataka ka kung bakit madami ang pagkain. Ganito kasi sila pag may bumibisita sa kanila. Naghahanda sila ng iba't-ibang pagkain at sabay-sabay sila na nagsasalo nito.Ang saya diba. Mamayang tanghali magkakaroon din ng boodle fight. Natry mo na ba yun?"

"Not yet."

"Sabi na eh. Mayaman ka kasi, pero try mo dito.Masayang gawin yun." Sabi niya, hindi ko nagustuhan yung sinabi niyang mayaman daw kasi ako.

"Hindi dahil sa mayaman ako ay hindi ko ito sinubukang gawin, it's just that I never encountered such a scene like that kaya hindi ko pa natatry." Medyo may pagkamataray kong sabi.

"Ah sorry. I concluded it wrong. " apologetic niyang sabi.

Dahil mabait naman siya sinabi kong okay lang yun.

Nagtipon-tipon ang lahat. Dumating na din ang medical team. Tumabi kami sa kanila . Tumayo si Mang Kanor sa unahan upang pangunahan ang pagdarasal. Pagkatapos nun nagpasalamat siya .

"Bilang pasasalamat sa inyo mga Maam at Sir, nangangako po kaming magiging maganda ang pamamalagi ninyo ng dalawang araw dito. Sana magustuhan ninyo ang inihanda namin.Tara at magsalo salo sa grasya ng Panginoon."

Kanya kanya silang kuha ng plato samantalang ako ay nakatayo lang.

"Wag kang mag alala malinis ang pagkain dito" sabay abot ni Drake ng plate.

"What about spoon and fork?"

Ngumisi siya.

"Di uso ang kubyertos dito. Use your bare hands. Andun yung hugasan ng kamay."

Nauna siyang pumunta doon. I have no choice but to follow him. Binabad ko kamay ko sa may malinis na tubig.

"Tapos na, saan na sunod?" Tanong ko kay Drake.

"Kukuha na po ng pagkain kamahalan." sinamaan ko siya ng tingin, nag peace sign siya saakin. Ngumiwi ako sa pagpapacute niya.

Hinawakan niya wrist ko at inakay papunta sa hapag kainan. Napatitig ako sa kamay niya na nakahawak sa wrist. Germs!

Pagkabitaw niya sakin. Nagtingin-tingin siya kung alin ang kukunin niya. Ganun din ang ginawa ko . Lumayo ako sa kanya ng may nakitang alimasag at malalaking hipon. Alam mo yung mga nasa cartoon na may mga puso puso ang mata kapag nakakakita ng pagkaing masarap? Ganun ata ako ngayon eh. This could be so pricy kapag kumain ka nito sa mga restau, but look I can eat it all and it's freaking FREE!! Walang pakundangan akong kumuha ng ilang pirasong malaking hipon at alimasag. My Gosh!! Matapos mapuno ang pinggan ko, naghanap ako ng mapipwestuhan kung saan wala masyadong tao.

Lahat ata ng kanto ng hall na to merong nagkukumpulang tao. Puro tawanan ang maririnig mo at ako naririnig ko na rin ang reklamo ng tiyan ko. Gutom na gutom na ako at kailangan ko ng kumain.

Pumwesto ako sa likod ng stage. Yes! Solong-solo ko ang lugar at walang makakaisto-----

"Patabi."

Look who's beside me. Like duhhh!!

"What? Bawal ba tumabi ang poging nilalang na gaya ko sa pagkapangit-pangit na nilalang?"

Ako? Pangit? Sa ganda kong to? I stared at him angrily.

"Nakatitig ka na naman sa kin" sabi niya while sumusubo ng pagkalaki-laki.

Ang lakas niya kumain!

"Alam ko naman na may gusto ka sa kin. Sayang, papatulan sana kita kung di ka lang pangit." sabay tayo sa kinauupuan niya.

I'm so speechless! Speechless sa sinabi niya and at the same time sa bilis niyang kumain.

Nagngingitngit na ko sa galit dito sa kinauupuan ko. I wanna punch the face of that jerk!

"Hey! Buma---"

O_O

"Hahahahahahahaha" I burst out laughing when I saw him. Sino ba naman di matatawa sa itsura niya. Nadapa lang naman siya. Karma nga naman. Hahahahahahaha

He cursed and stand up immediately. Tiningnan niya ako ng masama at lumapit sakin.

"Siguro ipinagdasal mong madapa ako no!Aminin mo!"

"Aba! Hindi ko kasalanan na tanga ka ah. Hahaha." Naluluha luha pa rin ako habang tumatawa. It was so epic. Ang tagal ko sigurong tumawa at napaayos ako ng tayo ng mapansing nakatitig lang siya sakin.

"Ehem .. ehem..." umubo ako ng peke para mawala ang tingin niya sakin.

Hindi ako yung taong maiilang na lang ng basta basta, but right now yun mismo ang nararamdaman ko sa lagkit ng titig niya sa mata ko..

"Maganda ka pala kapag tumatawa." and after he said that he left me dumbfounded.

He's really unpredictable, kanina kung makalait sa pagmumukha ko na pagkapangit-pangit daw ay tagos na tagos. Ngayon naman sasabihin maganda. Baliw ata yun eh.

Tiningnan ko siyang naglalakad palayo sakin at naupo. Saka ko narealize na may pagkain akong dapat lantakan. Mas importante pa to kesa sa kaweirduhan ng lalaking yun.

"Kainis ka talagang Rodriguez ka! Di ko pa tuloy nasisimulan kumain." Sabi ko habang hinihimay ang alimasag. Mas lalo ata akong nagutom. Basta talaga pag kausap ko siya di maganda ang ending. I hate him. Ang kapal din ng mukha niyang sabihin na may gusto ako sa kanya. In his dreams! Never will I like him!