webnovel

Rebel Daughter at its Best!

In the world full of chaos, full of betrayals, full of hatred would love still reigns? Matapang, walang kinakatakutan, sanay mag-isa, yan si Alexandra Dela Torre. But what if everything went upside down? What if she fall inlove? Would she fall to his father trap? Could Drake Rodriguez change her? Could love change her?

milenyongguro_24 · Urban
Not enough ratings
8 Chs

Chapter 7

Here I am driving and it's freaking 2:30 a.m. I don't know how many times I yawned. My God, antok na antok ako. I did not sleep well, not because I'm excited pero naiisip ko na kailangan kong gumising ng maaga. Because of that di yun matanggal sa utak ko kaya di ako nakatulog ng maayos. Aissh!

Pagdating ko sa meeting place it's exactly 3:00 am. Andun na din ang ibang kasama namin, 2 professor at isa pang estudyante ata. Wala pa din yung Rodriguez na yun. Lumapit ako sa kanila at naupo sa bench.I hugged myself because its freaking cold here! Nagkikwentuhan lang sila while here I am can't stop yawning. Gusto kong matulog kaysa mag outreach program!

"Anong oras ba dadating ang Rodriguez na yun! Di porket anak siya ng may ari ng school eh mgpapaka espesyal sya. Tss."

Sabi ko kaya napatingin sila sakin.

"Ahm nandito na siya, siya pa nga pinakaunang naabutan ko dito. Nagpaalam siya bibili lang daw sya ng coffee." Sabi ng isa ring estudyante.

Dahil parang napahiya ako, hindi na lang ako sumagot at pinikit ang mata ko. Minutes later..

"Oh nandito na siya." narinig kong sabi ng katabi ko.

Minulat ko mata ko, nakita kong papalapit siya sa amin at may dalang coffee. Isa isa niyang binigyan mga kasamahan ko.

"Alexa.. coffee?" He offered. I want to hesitate because of my freaking ego. But what he did make my mind stop to think normally for a second.

Kinuha niya kamay ko at kusang pinahawak yung coffee. And what did she call me?Alexa?what the!!! After that pumunta siya sa unahan namin.

"I know you've been all disturbed by my fathers sudden changed of plan and I'm sorry for that especially Sir Reyes, Maam Cruz, and Ms. Richu." bigla ako napataas ng kilay sa sinabi niya..

Aba aba! Di man lang ako dinamay sa mga hinihingian nya ng paumanhin.Naistorbo din naman ako ah!

"Hoy Rodriguez what about me? Naistorbo din naman ang tulog ko ah!" I protested but he ignored my complaint. What the hell talaga!! Siya lang talaga ang lalaking nakaparamdam nito sakin. Sobrang pinapahiya ako at the same time napipikon ako.

"Drink your coffee first. My dad sent us driver and a vehicle. Nandun din lahat ng gagamitin natin for outreach program. By the way Sir Reyes and Maam Cruz sabi pala ni Dad, the plan is still the same. And Ms. Richu, you know you're part. And as for you, I'll give you the manual of our school please do study that." Sabi niya then naupo malapit sa mga Prof. and discussed something.

Parang gusto kong ibato sa kanya tong kape. Nakakainis ang kaangasan niya.

"Ahm Alexandra diba?"

sabi ng katabi ko. Tiningnan ko lang siya.

"hmmm. I'm just clarifying, ako kasi gagawa ng nametags and program ng outreach program, ako nga pala si Richu" (Spell as Ray-chu)

She offered her hand for a handshake which I took. Nagpaalam na siya saakin at kinuha gamit niya at sumunod sa mga kasama namin. Kinuha ko na din gamit ko but before I could close the door of my car, nagsalita si Rodriguez.

"Park your car beside me. I rented 3 spaces of the parking area."

"I can rent my space on my own." pagtataray ko sa kanya.

"Don't be hard headed. Walang epekto sakin yan. Give me your things." Bigla-bigla niya na lang kinuha yung bag ko at naglakad papunta sa van na sasakyan namin. Gosh! I hate him.

I park my car beside his car, I can't believe I am following his order.

"Hurry up!" rinig kong sigaw niya. Tss. Anong akala niya boss siya. Mas lalo kong binagalan lakad ko, may pasipol sipol pa ngang kasabay.

Nakita kong napakamot siya sa ulo. HAHAHA.

Lumabas siya ng van at naglakad ng mabilis papunta sakin.

"Are you really pissing me?"

sabi niya nung makalapit sa akin.

"Hala siya!Wala akong ginagawa sayo ah." Sabi ko habang naglalakad padin ng mabagal at pa sway-sway pa. Yung parang bata na hinahabol ng crush niya. Hahaha

"Pag sinabi kong bilisan mo, bilisan mo." Sabi niya sabay hatak saakin, habang tumatakbo siya.

"Aray!! ano ba! Masakit ha!" Angal ko nung mabitawan niya wrist ko.

"Ang arte mo!"

"Ano bang problema mong kupal ka ha!!!"

Nakahanda na akong saktan sya any moment. Totoong masakit yung pagkakahawak nya sa wrist ko.

"Hey! You two. Tama na yan. Bilisan niyo na sayang ang oras." sigaw nung isa naming Prof. Inunahan ko siyang maglakad.

Naupo ako sa may bakanteng upuan sa likod ng van. Nilagay ko agad ang earplugs ko para pakalmahin ang sarili ko. Pinikit ko rin ang mata ko. Alam kong siya ang tumabi sakin dahil sa ilang beses namin pagkikita familiar na ako sa amoy ng pabango niya. Umalis na din ang van na sinasakyan namin. Habang nakapikit ako ng mata, iniikot ikot ko ang wrist ko para mawala yung sakit. Hanggang di ko namalayan na nakatulog ako buong byahe.

-------------- -------------- ---------------

Pag dating namin sa Batangas Port, parang gusto kong umatras sa pagsama sa Outreach program na to. I was expecting a big boat, but to my surprise it was a small ordinary boat. Its not that first time ko makakita ng ganito, but it is made of woods. Medyo natakot ako kasi this will be my first time to ride on it. 5 am pa lang kaya malamig pa at madilim sa karagatan. Kayanin kaya nito ang alon. I am hesitant at this very moment if I'll be joining them. I maybe tough but I have weaknesses. I'm still a normal person, duhh!

Nauna na silang sumakay sa maliit na bangkang de motor. Nakaabang na din ang kamay ng lalaking nag aassist para makasakay sa bangka. Ako na lang ang kulang. Drake stood up. Lumabas siya ng bangka at lumapit sakin.

"You want me to assist you?" Napatingin ako sa kanya. The way he said it was very sincere. Pero dahil sya yan at galit ako sa kanya, I did not respond to his question.

"Look, I'm sorry for my actions. I know hindi ko dapat ginawa ko sayo. And I'm still a man kaya alam kong napalakas ang higpit ng hawak ko sayo kanina. I'm really sorry for that. Para man lang mabawasan kahit papano yang galit mo, let me assist you."

Tiningnan ko siya at inirapan.

"Okay, okay I get it. Sige pasok ulit ako sa bangka sunod kana ha." Sabi niya at akmang tatalikod na. Pero pinigilan ko siya. And for that moment parang gusto kong sabunutan sarili ko.

"Fine!! Okay na. Ayos din yang speech mo no."

He smiled sheepishly and held my hand to guide me. Naupo ako sa tabi niya dahil yun na lang ang bakante.

Habang umaandar na ang bangka. Hindi ko mapigilan mapahawak ng mahigpit sa gilid ng upuan ko kapag may humahampas na alon.

Para rin akong masusuka na ewan.

"Okay ka lang Alexandra?" Tanong sakin ng Prof. namin na babae. Tumango lang ako.

Buti na lang unti-unting kumalma ang dagat at naging smooth na ang byahe namin. Medyo lumalabas na din ang araw at di ko mapigilang ma-amaze sa mga kalapit na isla. Sobrang ganda ng mga isla at pati ang dagat ay sobrang ganda. Kahit mga kasamahan ko ay namamangha pwera nitong katabi ko na busy sa pagkuha ng mga pictures gamit ang DSLR niya.

-------- ----------

Pagdating namin sa isla kng saan gaganapin ang outreach program, sinalubong kami ng mga residente. It was a peaceful place. Lahat ng tao masaya habang tinutulungan kami sa pagdala ng mga gamit. Yung iba ay sinusundan kami. May mga bata na gising na agad to think that it's only 6:30 in the morning. Nung kaedad ko sila nasa higaan pa ako at mahimbing na natutulog.

Pumasok kami sa isang maliit na multi-purpose hall na kung iisipin maliit lamang ito kumpara sa mga multi-purpose hall na makikita sa maynila. Masasabi kong maliit lamang ang kanilang komunidad.

"Magandang umaga po sainyo. Maraming salamat Mang Kanor sa pagtutulong ng pamiya niyo sa pagdadala ng mga gamit namin dito." Sabi ni Drake sa medyo may edad na na lalaki.

"Walang anuman ho iyon, Sir Drake. Natutuwa po kami na patuloy na tumutulong saamin ang pamilya ninyo. Aba'y mas lalo kaming natutuwa at muli ka naming nakita. Lalo ka atang naging magandang lalaki Sir Drake. Mukhang marami na ang nagkakandarapa sayo Sir ah." Nagsitawanan ang mga tao kasama siya. Napangiwi na lang ako, sino naman ang mahuhumaling sa kanya. Tss.

"Naku Mang Kanor, sobra sobra ng pambobola yan tsaka huwag niyo na po akong tawaging Sir."

"Kung iyan ang gusto mo iho. Naku mukhang may bagong kasama ata kato Maam at Sir ah." sabi ni Mang Kanor sa Prof. namin.

"Ah opo Mang Kanor. Siya po pala si Alexandra estudyante sa WU, makakasama natin siya hanggang bukas." Tiningnan nila akong lahat. Di ko alam kung ano ang magiging response ko. Ano ba ang dapat kong gawin? Magmano? Magbeso-beso? Mag Hi? Mag Hello? o tumalikod na lang at lumangoy sa dagat? Nakakatunaw ang tingin nilaaa!!

Yumuko na lang ako na parang Korean at naisip kong nagmukha akong tanga sa ginawa ko. aissh! Nakita ko sa periperhal vision ko na natawa ang Rodriguez na yun. Grr!

"Ang ganda ganda mong bata iha. Naku mukhang kaya sumama itong si Drake kasi may magandang dilag na kasama. Tama ba igo? " baling niya kay Drake na napakamot na para bang bata. Nagsihiyawan sila at tuwang-tuwang sa biro ni Mang Kanor. At ako pilit na pilit ang ngiti na tila mapupunit na ang labi ko sa sobrang kaplastikan ng ngiti ko.

Matapos ang maikling kwentuhan , inayos nila ang mga gamit at ako ay busy sa paghahanap ng signal. Hindi sa ibinabalandra ko ang kili-kili ko ha, pero kanina ko pa tinataas ang kamay ko para makahagilap ng signal. Maglalaro pa ako ng Mobile Legends. Ano ba yaaaaaaaaan!

"Walang signal dito. Pwede ba tumulong ka dito. Wag yung nagpapapansin ka dyan." Sabi ng mayabang na Drake ba yan.

"At kanino naman ako magpapapansin ha! sayo! Sayo! Kapal mo ha! Di ka gwapo uy!"

"May sinabi ba akong sakin!"

"Alangan naman dyan kay Sir Reyes, eh matanda na yan.!"

Biglang natigilan sa pag aayos ng sound system si Sir at tumikhim.

"Kayong dalawa tumigil na kayo ha. Kanina pa kayo parang aso at pusa. Alam niyo ba ang kasabihang The more you hate, The more you love? Totoo yun. Kaya wag niyo ako dinadamay sa Love quarrel niyo ha. Wala akong balak mag ninong sa kasal niyo." Nagsitawanang silang lahat maliban sa aming dalawa ni yabang. Tinago ko ang phone ko at lumapit kay Richu.

"Pwede patingin ng Program?" Sabi ko sa kanya. Tumango siya at iniabot saakin ang laptop niya.

"Bakit ganito?"