webnovel

Prince of Ethiopa: The Rag Prince

MJ_Blysa · Fantasy
Not enough ratings
13 Chs

Chapter 7

Malalim na ang gabi ngunit hindi parin ako makatulog.Tumingin ako sa mga kasama ko sa silid na ito. Tulog na ang dalawang prinsepe. Hindi ko akalaing matapos ang pag-uusap namin kanina tungkol kay Black Mask ay makatulog sila agad-agad. Huminga ako nang malalim. Hindi namin nalaman kong sino si Black Mask. At tanging lead namin ay siguro kaibigan ito o kaaway ni Drieko Maeosvell, ang puno nang Astreuin.

Dahil hindi ako makatulog ay lalabas muna ako. Kinuha ko ang aking coat at sinuot ito. Kinuha ko rin ang isang flashlight baka may makita akong kakaiba.

Malamig na hangin ang bumungad sa akin paglabas ko. Huminga ako nang malalim. Napakalalim na nang gabi. Tanging tunog lamang nang mga insekto ang aking narinig. Umupo ako sa may hagdanan at tumingin sa kalangitan. Napakaraming bituin ngayong gabi. Napakapeaceful nang paligid. Hindi mo akalaing may nangyayaring masama sa bayan na ito.

Ilang minuto ang lumipas at ganito parin ako. Umuupo at nagmamasid sa paligid.

"Nandito ka pala Antonio," napalingon ako sa pinanggalingan nang tinig. Nang makita ko kung sino yun ay tipid akong ngumiti. Umupo siya sa gilid ko.

"Pasensya na kayo kung kayo ang napag-utusan para mag-imbestiga dito. Hindi ka ba makatulog?" tanong niya.

"Hindi ako dinalaw nang antok. Masyado nang maraming nangyari Sir Drieko."

"Tama ka Antonio," sagot niya at tumingin sa kawalan. "Hindi ko nga akalaing ang isang kaibigan ko ay magtataksil sa akin." Kita ko sa mga mata niya ang pagkadismaya.

Tinanong ko siya, "Si Black Mask ba?" Tiningnan niya ako. Kita ko ang pagtataka sa mukha niya. "Nabasa ko kasi ang sulat niya sa'yo. Ibig sabihin kilala mo siya?" puna ko.

Tumango siya, "Oo, kilalang kilala."

"Pwede niyo bang sabihin kung sino si Black Mask?" tanong ko.

"Pasensya na Antonio pero hindi ko magawang sabihin sa'yo ngayon."

"Bakit may problema ba?"

Ngumiti siya, "Wala naman. Kaso iniisip ko ang kapakanan nang aking pamilya. Maraming posibleng mangyari. At kayang gawin ni Black Mask kahit ano."

Yumuko ako nang kunti...."Respetuhin ko ang sinasabi niyo. Wag kayong mag-alala walang mangyayaring masama sa iyo at sa iyong pamilya."

"Mabuti kang bata Antonio. Kaya sana mag-ingat ka sa lahat nang panahon. Alam kong nakilala mo na si Black Mask pero hindi mo alam na siya pala iyon. Kaya sana wag kang magpabaya sa sarili mo. Wag kang maniwala sa ibang tao kundi sa iyo lang sarili." paalala niya sa akin.

Kung sa ganon, kilalang kilala niya nga kung sino si Black Mask. Si Cornelius ba? O baka naman mga tauhan ni Savana? Naguguluhan na ako. Gulong gulo na talaga!

"Salamat sa paalala Sir Drieko. Wag kayong mag-alala babantayan ko ang sarili ko."

Ngumiti siya sa akin. "Sige. Mauna na ako sa loob Antonio, sumunod ka na din, " tumango ako. Narinig ko ang pagbukas at pagsara nang pintuan.

Tumahimik ulit ang paligid. Napabuntong hininga nalang ako. Ang daming problema na hinaharap ko ngayon. Pagbalik nang trono sa kamay ko. Pagkamit nang hustisya sa pagkamatay ni Ashlien at paglutas nang pangyayari dito sa Astreuin.

Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko ang mga sinasabi ni Drieko. Tila alam na alam niya lahat! Bakit ayaw niyang sabihin sa akin? Ayaw niya bang malaman ko ang katotohanan? Punong puno na ang aking isipan sa mga katanungan na wala namang makasagot.

Biglang lumamig ang hangin. Mas malamig kanina. Hindi na normal ang temperatura nito. Mas kinilabutan ako nang makarinig ako nang malamig na tinig.

"Antonio"

Tila tinatawag ako nito. Luminga linga ako sa paligid ngunit wala akong nakita. Maski anino man lang!

"Antonio"

Tinawag ulit ako nito. Ngayon ay tumayo na talaga ako. Kahit suot ko ang coat ko ay nilalamigan pa rin ako, sa hangin pati sa tinig na patuloy na tumatawag sa akin.

Luminga linga ulit ako. "Antonio." Ngayon malakas na ang pagkakatawag nito. Tila gusto nitong makipag-usap sa akin.

Mas tinalasan ko ang aking paningin. Mabuti nalang talaga at naturuan kami kung paano patalasin ang aming paningin at iba pang senses..... Nakita ko ang isang pares nang mata. Asul na mata. Kung hindi ako nagkamali, ito yung matang nakamasid sa amin noong naglakabay kami patungo dito.

Tumayo ako at hinanda ang sarili. Lumakad ako patungo sa bukana nang gubat na nadaanan namin noong nakaraang araw.

Pero tila lumalayo ang mga mata. Lumiliit kasi ito. Kaya binilisan ko ang lakad ko. Halos madapa na ako sa bilis nang takbo. Nang makarating ako doon ay puma-sok ako agad sa gubat. Palayo nang palayo parin ang mga matang nakatingin sa akin. Sinundan ko ito hanggang sa nakarating ako sa pusod nang gubat. Inikot ko ang paningi ko ngunit hindi ko na ito nakita.

"Tsk. Nasaan ba 'yon?" irita kong sabi sa sarili ko. Nagpapagod akong tumakbo para malaman kung ano 'yon tapos heto, wala akong napala.

Halos mawala na ang ilaw nang flashlight na dala ko. Kung minamalas ka nga naman o! Naku pag nawala ang ilaw hindi ako makakabalik. Hindi naman ako takot sa dilim kaso hindi ko masyadong nakikita ang daan pabalik. Mabuti sana kung pinaglihi ako sa pusa nang aking ina. Kaso hindi.

Napitlag ako nang biglang may tumalon sa balikat ko. Tiningnan ko kung ano ito. Nagulat ako nang sa kaniya galing ang asul na mata.

"Meow." Oo, pusa. Akala ko nga ahas. Teka, ibig sabihin may pusa dito. Gray, ang kulay nang pusa. At gaya nang sinabi ko kanina sa pusang to galing ang asul na mga mata.

Lumakas ag tibok nang puso ko nang may nagsalita. Gawa narin siguro sa ayaw kong magpakita ay kinuha ko ang pusa sa balikat ko at mabilis na nagtago sa likod nang puno kung saan may mayayabong mga ligaw na bulaklak.

"Siguro kailangan na nating ipatumba si Drieko. Ano sa tingin mo?" tanong nang lalaki sa kasama niya. Bale apat na lalaki ang nandito. At nakacloak sila nang dark green. Parang nakita ko na sila pero hindi ko matandaan kung saan.

Sumagot ang lalaking nakamaskara nang itim. Siya to. Siya si Black Mask. Gusto ko siyang sugurin at tanggalin ang maskara niya. Gusto kong malaman lahat lahat!

Nagulat nalang ako nang biglang tumalon ang pusa patungo kay Black Mask. Pero nakailag siya kaya sa gilid niya napunta ang pusa.

Nag-uusok sa galit si Black Mask,"Kaninong pusa 'to!" walang sumagot sa mga kasamahan niya. "Baka inutos iyan nang isang ermetanyo, mangkukulam, o baka naman may taksil sa inyo!" Dumagundong ang sigaw niya sa gubat. Napa-atras nga ako. Mabuti nalang at hindi ako gumawa nang kahit anong ingay.

"Patayin niyo ang pusang iyan!" utos ni Black Mask. Halos mapatalon ako sa gulat nang nilabas nang isang tauhan niya ang mahabang espada. Pshh..seryoso talaga sila sa pagpatay nang pusa.

Paghampas nang tauhan ang espada niya ay biglang nawala ang pusa. Nahiwagaan na talaga ako. Asan na 'yong pusa?

Nakaramdam ako nang pagbigat nang aking balikat at pagtingin ko doon, nandoon ang pusa. Teka, paano siya nakarating doon? Naku masyadong misteryoso ang pusang ito.

*****

"Antonio gising!" naramdaman ko ang pagyugyog nang kama. Sino ba itong istorbo sa tulog ko!

Minulat ko ang mata ko ngunit wala akong nakita. Ako lang mag-isa dito. Imposibleng ang pusa ang gumising sa akin.

Dinala ko ang pusa dito. At hindi ko rin makalimutan ang sinabi ni Black Mask bago sila umalis.

"Kailangan nating ibalita ito sa reyna. At sabihin natin ang plano sa kaniya. Kung sang-ayon siya dito ay saka tayo kikilos. Saka natin patayin si Drieko."

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi na ako nagulat nang malaman kong may koneksyon lahat nang nangyari sa reyna. Dahil sya lang naman talaga ang may halang na bituka. Kaya niyang gawin lahat nang gusto niya. Sakim. Isa siyang sakim sa pera at kapangyarihan.

Ilang minuto ang lumipas ay lumabas ako sa silid at naabutan kong nasa labas ang mga gamit nila. Nagtaka ako.

"Anong meron?"

Nahinto silang lahat nang nagsalita ako.

"Nabasa namin ang sulat nang headmaster. At ang sabi niya kailangan daw nating bumalik sa paaralan ngayon din," sagot ni Shaina. Akala ko ba lulutasin pa namin ang problema dito pero bakit parang nagmamadali yata si Froinnickus.

"Bakit daw?"

"Hindi namin alam. Basta kailangan na daw nating bumalik agad agad," sagot ni Shaina at pumasok sa silid nila.

May problema ba sa paaralan? Ano ba ang nga nangyayari? Bakit parang lahat nang pangyayari ay konektado? Mula sa pagkamatay nang aking mga magulang, sa pagkamatay ni Ashlien, sa nangyari dito sa Astreuin at ang mabilis na pagpapa-uwi sa amin. Alam kong tatlong araw lang ang tagal namin dito pero bukas pa iyon. May alam na ba sila? May lead na ba? Naku mukhang kailangan ko nang payo ni Serene. Naguguluhan na talaga ako!