Nagpaalam na kami kay Drieko Maeosvell. Sinabihan ko na din siya na dapat siyang mag-ingat dahil hindi namin alam ang takbo nang panahon. Gusto niya sana kaming ihatid pero hindi kami sumang-ayon dahil bukod sa marami siyang trabaho sa bayan niya ay baka mapano pa siya pag uwi niya. Sinunod nalang niya ang sinabi namin at sa halip ay pinadalhan niya kami nang prutas at pagkain para daw hindi kami gutumin.
"Sa tingin niyo bakit kaya tayo pinabalik agad nang headmaster. Di kaya may nangyayaring paglusob?" tanong ni Lai habang naglalakad kami. Tahimik lang naman kaming naglalakad.
"Hindi natin pwedeng pangunahan ang mga nasa isip nang headmaster," sagot ni Amanda. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad.
Ilang minuto ang lumipas at nakaramdam kami nang panganib. Lahat kami ay hinanda ang sarili.
"Wag tayong maghiwa-hiwalay. Masyadong mapanganib," sabi ko sa kanila. Tumango silang lahat.
Nakiramdam lang kami sa paligid. Naghihintay nang posibleng mangyari.
'Boogsh'
Napitlag kami nang may bumagsak sa harap namin. Isang lalaking nakasalamin at nakapamulsa. Tsk. Saan ba galing ang taong 'to?
"Anong kailangan mo? At sino ka?" tanong ni Lai. Tahimik lang kami, naghihintay nang atake galing sa kanya.
Tinitigan niya kami,"Pshh... Bakit ba ako ang napag-utusan ni headmaster na sunduin kayo.." sabi n'ya at inayos ang salamin niya.
Umayos kami nang tindig. Napabuntong hininga kaming lahat. Akala namin mapapalaban kami. Tsss. Bakit nagpadala pa si Froinnickus nang sundo.
"Mabuti naman kung ganoon. Akala namin mapapalaban kami. Sino ka ba?" pagsuri ni Shaina sa lalaki.
Inayos nang lalaki ang tindig niya at inayos din ang salamin. "Ako si Harry Vuilas. Ang napag-utusang sumundo sa inyo," aniya.
"Kung ganoon, tayo na't maglakbay papunta sa paaralan. Mag-uusap kami ni headmaster pagdating dun," sabi ko sa kanila at naunanang maglakad. Naramdaman ko namang sumunod sila sa akin. Kaya nagpatuloy lang ako.
Sa shortcut kami dumaan para mas madali kaming makarating sa paaralan. Tahimik lang kaming naglalakad nang biglang may nahulog sa harap ko. Napaatras kaming lahat. Kasi napakamapanganib nang hayop na nasa harapan namin.
Nanginig na sumambit si Amanda, "Ano 'yan?"
"Isang Jousre (A/N: read as Jaoser)," sagot ko. Ang isang Jousre ay isang lion na may dalawang ulo, ngunit ang ulo nito ay ulo nang aso. Ang buntot nito ay isang malaking ahas at nanlilisik ang mga mata nito.
"Paano natin makakalaban ang hayop na iyan?" tanong ni Shaina.
"Oo nga. Di hamak na mas malakas ang hayop na iyan sa atin at tingnan mo nga ang mukha niyan.....nakakadiri!" sambit ni Lai.
Tahimik lang kaming mga lalaki. Pshhh....tama sila. Paano namin matatalo ang isang Jousre kung wala man lang kaming armas na dala? Ayaw kong may mapahamak pa sa amin.
"Siguro, tumakbo nalang tayo," suhestyon ni Harry at sinang-ayunan naman nang mga babae.
Umiling ako sa kanila, "Hindi pwede. Mas malakas tumakbo ang isang Jousre. At mapahamak lang tayo."
"Kung ganoon anong gagawin natin? Sa tingin ko mukhang handa nang pumatay ang hayop na iyan," sabi ni Kielle na hanggang ngayon ay nakatingin parin sa Jousre.
Kung kami ay busy sa pagbuo nang plano, si Pierre ay tahimik lang sa isang tabi. Mahina itong nagbilang. "1...2...3... Dapa!"
Napadapa kaming lahat dahil sa sigaw ni Pierre. Sa pagdapa namin ay may tumalon na isang Feoise (A/N: read as Fe-o-is). Ito'y isang cheetah ngunit iba ang anyo nito. May ulo ito nang lion, tatlong ulo na bumubuga nang apoy. Sa totoo lang, sa libro ko lang nabasa ang tungkol sa mga kakaibang hayop sa kagubatan nang Ethiopa. Ngayon kitang kita ko sa dalawang mata ko ang dalawa sa dalawampung kakaibang hayop.
Nagkatinginan kaming lahat. Walang nagsalita. Parehong nag "Growl" nang malakas ang dalawa. Ngayon alam ko na ang gagawin.
"Pagkabilang ko nang tatlo ay tatakbo tayo. Mauna ang mga babae para hindi sila mapahamak. At tayo naman, sa likod nila tayo," sabi ko.
Tumango naman sila kaya sinimulan ko na ang pagbilang. "Isa...Dalawa...Tatlo..." Nagsimula na kaming tumakbo. Gaya nang nasa plano, nauna ang mga babaeng tumakbo. Naramdaman kong nag-aaway ang dalawang hayop kaya hindi nabaling ang atensyon nang dalawang hayop.
Nagpatuloy kami sa pagtakbo. Nang makalayo-layo na kami ay nagpahinga muna kami. Tumigil kami sa pagtakbo at halos maubos ang hininga namin.
"T-tubig!" impit na sigaw ni Shaina. Dali daling kinuha ni Harry ang isang sisidlan nang tubig at binigay ito kay Shaina. Uminom siya mula rito at napahinga siya nang maluwag.
"Anong gagawin natin?" tanong ni Kielle. May mali talaga sa mga pangyayari eh. Kanina pa kami palibot libot sa gubat na ito.
Sasabihin ko na sana na naligaw kami kaso, "Naliligaw ba tayo? Pinaglalaruan tayo nito eh!" iritang sabi ni Pierre.
Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita, "Magpatuloy nalang tayo sa paglalakad. Pero dapat maging alerto tayo, hindi natin alam kung ano ang mangyayari." Napatango sila sa sinabi ko.
Nagsimula naman kami sa paglalakad. Tahimik kami pero mas naging alerto. Ilang minuto lang ang nakalipas at nakikita na namin ang bukana patungong pamilihan. Napahinga kami nang maluwag.
"Haay....akala ko mam--- ahhh!" biglaang sigaw ni Lai. Napalingon kami sa kanya kasi nasa likuran siya namin. Bakit bakasi nagpahuli 'tong babaeng ito?
Ngumisi ang lalaking nakahawak kay Lai. Nakatutok ang kutsilyo nito sa leeg ni Lai at nanubig na ang mata ni Lai.
"Sino ka ba?" tanong ni Harry. Nanatiling kaming tahimik ngunit nanatili din ang tension sa pagitan namin.
Ngising kilabot ang binato niya sa amin. "Wala akong kailangan sa iba sa inyo.....pero sa kaniya," tinuro niya ako. "Marami, hindi ba Dyl--"
Pinutol ko ang dapat niyang sabihin. "Tumahimik ka! Sino ka ba? Sa pagkaka-alam ko wala akong pinagutangan kahit kanino!"
Napalitan nang tawa ang ngisi niya at binitawan niya si Lai. Tinulak niya ito patungo sa amin at ngumising muli. "Hindi pa ito ang tamang panahon at hindi ako ang tamang tao," naguguluhan ako sa sinabi niya. Ano daw? Hindi siya ang tamang tao. Tamang tao na ano?
Pinatayo nina Amanda at Shaina si Lai. Umatras sa amin ang lalaking iyon at tumalikod.
Bago pa siya lumayo ay sumigaw siya, "Hinihintay ni Black Mask ang tamang pagkakataon para patumbahin ka Horton...opps!" Tumakbo siya paalis at tumatawa. May sayad ata ang taong iyon.
Napahinga ako nang maluwag. Ngayon ko lang nalaman na nagpipigil pala ako nang hininga kanina. Yumuko ako at napaisip. Pabalik balik ang sinasabi nang lalaki sa akin.
"Hinihintay ni Black Mask ang tamang pagkakataon para patumbahin ka Horton."
"Hinihintay ni Black Mask ang tamang pagkakataon para patumbahin ka Horton."
"Hinihintay ni Black Mask ang tamang pagkakataon para patumbahin ka Horton."
Kung ganon, lahat nang ginagawa ni Black Mask ay mga panlinlang lang. Ako ang puntirya niya. Pero bakit ako? Walang nakaka-alam kung sino talaga ako. Sino ang nagsabi?
Nabalik ako sa huwisyo nang nagsalita si Kielle, "Sa wakas nakalabas na tayo sa gubat!"
Para marating namin ang paaralan ay kailangan naming maglakad sa palengke. Nauna akong naglakad sa kanila. Walang imik kaming naglalakad. Habang naglalakad kami, lahat nang tao na nakikita kami ay tumagilid. Binibigyan nila kami nang daan. Nagtaka ako. Anong meron at tila nakakita sila nang mga royalties?
May tumakbo na bata papunta sa amin. Tinawag ko siya kaya tumigil siya sa pagtatakbo.
Tinanong ko siya, "Anong meron at bigla nalang kayong nagbigay daan, eh parehas lang naman tayong tao ah." Totoo naman eh. Ayaw ko talaga nang masyadong atensyon ang naibigay sa akin.
Sumagot ang bata sa akin. Silang anim ay nakinig lang sa amin. "Nakasuot kasi kayo nang uniporme nang DHL: SFG kuya. Mataas ang tingin namin sa inyo kasi kayo ang mga natatanging estudyante na dapat tularan. Mabuti nga sa taong 'to ay may nakita kaming estudyante sa labas, noong unang taon kasi---"
"Carter! Halika na dito!" naputol ang sasabihin nang bata dahil tinawag siya nang matandang babae. Ngumiti ang bata sa amin at tumakbo patungo sa matanda.
Napatingin kami doon sa bata at nakita ko kung gaano pinagsabihan nang matanda ang bata. Hindi ko nga lang narinig. Pasimpleng tumingin sa amin ang matanda at yumuko nang kaunti bago sila umalis.
Pag-alis nila ay napagdesisyunan kong magpatuloy sa aming lakad. "Tayo na, baka hinihintay na tayo nang headmaster."
Tumango sila at naglakad kaming muli. Ngayong araw na ito masyado akong nastress. Marami ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Gaya nang mga pangyayari kanina.
Sa dami nang iniisip ko ay hindi ko namalayan na nakarating na kami sa harapan nang gate nang paaralan. Bumukas ito at pumasok kami. Bumuga kami nang mabibigat na hininga. Sa wakas nakauwi rin kami.