Malamig ang hangin ngayong madaling araw. Nandito na kami sa gate nang paaralan. Hinihintay nalang namin ang dalawang prinsepe. Sa misyon naming ito ay kami lang ang gagawa. Wala kaming kasama na mga Professor.
Kanina pa nagrereklamo si Lai Fruois. "Hindi ba sila dadating? Grabe ha! Masama na nga ang ugali, magpapahuli pa sa lakad." Tipid akong ngumisi. Galit pa rin siya sa mga prinsepe. Si Lai yung babaeng umiiyak dahil pinagtatawanan nang dalawang iyon.
"Nilalamok na ako dito oh!" reklamo ni Shaina.
Mga ilang minuto ang lumipas bago dumating ang magkapatid.
Huminga nang malalim si Amanda. Naiinip siya.
Tinitigan ni Shaina ang dalawa. "Mabuti naman at dumating na kayo no."
Masamang tingin ang ibinato ni Pierre.
"Pshh....masyadong paimportante!" bulong ni Shaina.
Mukhang narinig ni Pierre ang bulong ni Shaina. Umuusok na ito sa galit. "Lakasan mo nga ang pagkasabi mo. Baka nakalimutan mong prinsepe ang kausap mo!"
"Baka nakalimutan mo ring walang lugar ang mga tamad dito!" sigaw ni Shaina.
Kung hindi ko sila pigilan baka hindi kami makapunta sa Astreuin. "Tama na 'yan. Hindi tayo makarating sa Astreuin kung nag-aaqay kayo!"
Tumalikod si Shaina at lumapit kay Lai at Amanda na nag-uusap nang kung ano-ano. Pamatay na tingin ang ibinato nang magkapatid sa akin. Ano ba ang problema nang dalawang 'to?
Wala silang sinabi. Nanahimik lamang sila. Hindi ko alam kung bakit. Masyadong magaling magtago ang magkapatid. Imbes na magsalita pa at pagalitan ang dalawa ay kinuha ko ang mapa sa bag na dala ko. Binuksan ko ang nakalukot na mapa. Malayo layo pa ang lalakarin namin. Nasa North ang Astreuin.
"Kailangang wala pang pananghalian ay nandoon na tayo. Marami pa tayong gagawin at iimbestigahan." Nauna akong naglakad sa kanila. Tahimik lamang silang nakasunod sa akin. Tanging maririnig lamang sa madaling araw na ito ay ang mabigat na paghinga namin, mga patay na dahon na aming naapakan, tunog nang mga insekto at kaluskos nang mga wild plants.
Suminag na ang araw. Kung hindi kami sa mapunong lugar dumaan ay baka pawis na pawis na kami. Ang magkapatid ang nagsabi nang shortcut. Tiningnan ko sa mapa at meron ngang shortcut dito.
"Sa tingin ko kailangan na nating magpahinga at mag-umagahan," suhestyon ni Lai na sinang-ayunan naming lahat.
Umupo kami sa ilalim nang mayabong na puno at doon kumain at nagpahinga saglit. Ilang minuto ang lumipas nang biglang may narinig kaming malakas na kaluskos. Hindi ito pangkaraniwan. At hindi din ito isang maliit lamang na hayop.
Tumayo kaming lahat at napagdesisyonan na maglakad na ulit. Binalewala nalang namin ang kaluskos na iyon pero tila sinusundan kami nito. Nakarating kami sa bukana nang kakahuyan. Nakalabas na kami. Sa wakas nandito na kami sa Astreuin. At tumigil na din ang kaluskos na iyon.
Dinapuan ko nang tingin ang bayan. Makikita ang pagiging malinis nito. Mga taong masayang gumagawa nang mga gawain. Lumingon ako sa kakahuyan at nabigla ako sa aking nakita. Asul na mata at bigla lang itong nawala....
*****
Nasa bahay kami nang puno nang bayan. Sinabi niyang masaya daw siyang nakita kami. Na nandito kami para tumulong.
Binigay ni Drieko Maeosvell (read as: Driko Meosvel), ang puno nang Astreuin, ang mga papel tungkol sa nasunog na taniman. "Kung may kailangan pa kayo sabihin niyo lang. Aalis muna ako sandali, babalik ako banadang alas tres nang hapon." Umalis siya daladala ang kaniyang isang maliit na kahon.
Nagsimula na kami sa aming misyon. Seryoso kaming lahat sa aming ginagawa.
Nakakunot ang noo ni Amanda. "Sa tingin ko kailangan muna nating makita ang taniman."
Tama naman si Amanda pero paano kung may naka-abang pa doon. Edi kami ang dedo pag nagkataon.
Tumango si Lai at Shaina. Walang imik ang magkapatid.
Lumunok ako nang malalim sa nakita kong papel sa ilalim nang mesa. Kinuha ko ito at tahimik na binasa.
Kumusta Maeosvell!
Hahahaha... Nagustuhan mo ba ang palabas ko? Nasunog ang kalahati nang taniman sa iyong bayan. Lubos akong natutuwa sa mga nakikita kong ekspresyon sa iyong mukha Maeosvell. Ano? Dapat magaaya kana dahil natupad ko ang pangako ko sa iyo.
Hindi ito qng katapusan. Nagsisimula pa lamg ako. Hahahahaha!
-Black Mask
Napa-awang ako sa aking bibig. Kung ganoon, talagang intensiyon ang pagsunog nang taniman.
Nagsalita ako, "Sinadya ang pagsunog nang taniman. Eto, basahin niyo." Binigay ko sa kanila ang papel. Nakita ko ang gulat na mukha nang mga babae.
"Sa tingin mo, ano ang kailangan nila?" masinsinang tanong ni Kielle.
Umiling ako bago nagsalita. "Hindi ko alam. Basta kailangan lang nating mag-imbestiga at alamin kung sino si Black Mask na iyan."
Tumikhim si Pierre bago nag-salita. "Sa tingin ko nakita ko na ang lalaking iyon." Lahat kami nakatingin kay Pierre ngayon pati ang tatlong babaeng kanina lang ay binabasa ang liham.
Nagtatanong na mukha ang ipinukol ni Kielle sa kaniyang kapatid. "Kailan?"
Nagdadalawang isip si Pierre kung sasabihin niya ba sa amin o hindi. Pero alam kung sasabihin niyo iyon. Kahit alam kung may galit siya sa mundo, may puso naman siya.
*****
Ubos ang kalahati nang taniman. Nililinis ito nang mga magsasaka. Lumapit kami sa isang magsasaka na nagtatali sa kaniyang kalabaw.
"Magandang umaga ho, Manong....?" simula ni Shaina. Bumaling sa amin ang matanda. Nginitian niya kami.
"Ako si Crikks Huesilton. Anong maitutulong ko sa inyo, mga estudyante nang DHL."
Pareho kaming lahat na nagtaka. Bakit niya kami kilala? Sikreto lang ang pagpunta namin dito pero paanong alam niyana nandito kami at galing kami sa DHS.
Naka-awang ang bibig ni Amanda. "Paanong.....di bale nalang." Mabuti nalang at nakabawi agad siya sa naging reaksyon niya kanina.
"Nandito kayo para alamin ang mga bagay bagay tungkol sa nasunog na taniman." Hindi siya tanong. Kung ganoon alam niya? Alam niya kung ano ang pinunta namin sa Astreuin.
Ngumiti siya sa amin. Gentle and passionate! "Maraming sekreto ang lupang ito, kaya sinunog ito para malaman kung nasaan nakatago ang kayamanan nang Ethiopa. Ang sabi-sabi kasi, dito sa Astreuin nakatago ang yaman na iyon."
Tanging nasabi ni Shaina sa oras na iyon. "Masyadong sakim at patay na patay sa pera. Tsk, mga walang dignidad at dangal sa buhay!"
"Sinabi mo pa!" sagot naman ni Lai. Sang-ayon siya sa sinabi ni Shaina kaya pumalakpak siya.
Ngumiti ulit si Huesilton. "May gusto pa ba kayong itanong?"
Hindi ko pinalagpas ang pagkakataong ito. Agad ko siyang tinanong, "May naramdaman ba kayong mali noong araw na iyon?"
Tumahimik si Huesilton, tila nag-iisip. Tumango siya. "Minalas ako noong araw na iyon. Wala kaming ani, wala akong isdang nakuha at pumanaw ang aking ina." Tumigil sya at pinahid ang luhang tumakas sa kaniyang mata. Patuloy kaming nakinig sa kaniya. "Hanggang sa biglang umunos at sa gabing iyon nasunog ang taniman. Malas na malas talaga ako. Napakamalas!" Pagkatapos nyang magsalita ay tinawag siya nang isang babae. Nagpaalam sya at umalis.
"Sa tingin niyo sino ang may kayang gumawa nito?" tanong ni Lai. Tahimik kami lahat. Nag-iisip nang makakatulong sa pag-iimbestiga.
Naglakad lakad lang kami. Tumingin tingin kami sa paligid.
Biglang tumigil si Amanda sa paglakad.
"Anong problema?" tanong ni Kielle. Yumukod si Amanda at may pinulot na bagay na may sunog.
Lumaki ang mata ni Shaina at napatakip sa bibig si Lai. Nagtataka kaming lahat kung ano ang bagay na iyon. Binigay ni Amanda ang bagay sa akin.
Sinuri ko ang bagay. Pamilyar ito, saan ko nga ba ito nakita? "Tama!" sigaw ko nang malaman ko kung saan ko ito nakita.
"Anong tama?" tanong ni Shaina. Tumingin sila lahat sa akin. Nagtataka ang kanilang mukha.
Nagtanong si Pierre sa akin,"Anong tama?"
"Nakita ko na ang bagay na ito. Maskara ito nang isang tao." Nag-isip sila at kalaunan na isip din nila ang naisip ko. "Balik na tayo sa bahay. Marami pa tayong pag-usapan."
Malulutas namin ang lahat nang ito. Alam kong konektado ito sa pagkamatay ni Ashlien. Kaya gagawin ko ang lahat para malutas ang problemang ito.