webnovel

Prince of Ethiopa: The Rag Prince

MJ_Blysa · Fantasy
Not enough ratings
13 Chs

Chapter 5

Naging malikot ako sa kama. Hindi ako makatulog. Iniisip ko pa lang ang mukha nang bangkay ni Ashlien, ang kaawa-awang pagkamatay niya...kinikilabutan ako.

Alas dos na nang umaga ngunit hindi parin ako makatulog. Kinuha ko ang jacket ko na nakasampay sa gilid nang aparador. Sinuot ito at lumabas nang dormitoryo. Nalanghap ko ang malamig na hangin. Napakatahimik nang paaralan. Hindi ko akalaing may mangyayaring ganoon.

Naglakad ako patungong library. Buong araw na bukas ang library.

Nagtingin tingin ako sa mga libro na naroon. May nahagip akong libro at nahulog ito. Lumuhod ako para ito'y makuha.

"Ru em ruya gikous. The Genesis," mahina kong basa sa title nito. Imbes na ibalik ko ito sa shelf ay umupo ako sa sulok at doon ko binasa ang libro.

Puro history lang naman ito. Patuloy lang ako sa pagbuklat nang libro. May nahulog na isang papel. Kinuha ko ito at binuksan.

'Ru em ruya gikous. The Genesis.

Fur hem jual wha hond sapp darï sèáh moula joa sie kao ous--' hindi ko maintindihan! Ano ba ang mga ito.

May narinig akong nga yapak nang paang naglalakad. Ibinulsa ko ang papel sa aking jacket. Nakalampas na ang mga yapak sa library. Dahan dahan akong naglakad at sinundan ang mga yapak. Naging maingat ako sa mga galaw ko. Ayaw kong mahuli at baka mapatay pa ako.

Naabutan ko sila sa likod nang lumang silid sa likod nang paaralan. Kung titingnan ito, para itong haunted house. Hindi parin natatapos ang pag-uusap nila hanggang sa may isang lalaking lumabas sa lumang silid. Tinakpan niya ang kaniyang mukha. Mata nalang at bibig ang tanging nakikita dito.

Tumikhim ito bago nagsalita, "Wala bang nakasunod sa inyo?" Mas nagtago pa ako sa gitna nang mga nagyayabungang bulaklak.

Sumagot ang isang lalaking nakacloak nang berde,"Wala po boss. Siguradong sa mga oras na ito tulog pa ang mga tao."

Tila hindi kumbinsido ang lalaki sa sagot nang kaniyang tauhan. Kumunot ang noo nito,"Pati ba ang mga prinsepe?" Tumango ang tatlong lalaki. "Eh yung pabida na lalaki na galing sa kastilyo?" Wala namang ibang lalaki na galing sa kastilyo ah. Maliban nalang sa prinsepe ay ako lang ang ibang nakatira sa kastilyo na nakapasok sa paaralan. Napa-atras ako kaya tumunog ang mga dahon. Patay! Tumingin sa gawi ko ang apat.

Tiningnan nang lalaki ang mga tauhan niya. "Akala ko ba walang nakasunod sa inyo?" Lumapit ang lalaki sa gawi ko. Pumikit ako at napamura. Walangyang mga 'to! Ang talas nang pandinig.

Hahawiin na sana nang lalaking nakamaskara ang dahon nang may biglang lumabas na pusang itim. "Pusa lang pala akala ko kung ano." Napahinga ako nang malalim. Salamat sa pusang iyon.

Bumalik ang lalaki sa kinatatayuan nang mga tauhan niya. "Pumasok na tayo, baka may makakita pa sa atin. Kailangan niyo munang lumabas sa paaralang ito. Sasabihin ko nalang sa inyo kung kailan kayo babalik dito. Kapag tahimik na ang pagkamatay ni Ashlien Huddler para hindi tayo mapaghihinalaan. Sige na, bilisan niyo!" Yumuko ang tatlong nakacloak at dali-daling umalis. Halos atakihin na ako sa puso sa mga narinig ko. Ibig sabihin may kinalaman sila sa pagkamatay ni Ashlien.

*****

Hindi parin mawala sa aking isipan ang mga narinig ko kanina. Maraming tanong ang naglalaro sa aking isipan. Sino ang nga taong yon? Sino ang nakamaskara? Anong kailangan nila dito sa paaralan? At bakit nila pinatay si Ashlien?

"Antonio Cartridge!"

Sa bawat minutong lumilipas hindi ko maiwasang magtaka. Bakit ba nangyayari ito. Isang tao lamang ang namatay. Malayo sa kadugo ko pero gusto kung lutasin ito. Gusto kong magkaroon nang hustisya ang pagkamatay ni Ashlien.

"MR. ANTONIO CARTRIDGE!"

Nabalik ako sa huwisyo nang marinig ang malakas na pagtawag ni Professor Britelle. Tumayo ako. Laht yata nang mga estudyante ay nakatingin sa akin, pati na ang mga prinsepe. Tumatawa sila nang mahina. Napiling nalang ako.

Nakakunot ang noo ni Professor Britelle. "Wala ka yata sa iyong sarili Cartridge. May problema ka ba?"

Umiling ako,"Wala po Professor."

Tumango ito. "Ano sa palagay mo ang magiging advantage kapag nahasa na ang inyong mga senses?" Hinanda ko na ang sarili ko sa magiging tanong niya. Akalain mo namang maraming beses na daw akong tinawag pero hindi ako nakikinig.

Imbes na mahiya dahil sa hindi pagkinig sa tawag kanina ay sinagot ko nalang ang tanong niya. "Kaya nating ipaglaban ang ating mga minamahal at ating sarili. Ginagamit ito para mas maging handa ka sa maaaring mangyari."

Ngumiti ang Professor sa akin. "Ano ang mga iba't ibang maaring maging kalabasan nang paghasa nang inyong mga senses?" Hindi ko akalain na may ibang tanong pa siya. Professor, mukhang naparami na kayo ah! Gusto kong sabihin sa Professor iyon pero pinigilan ko ang dila ko.

Nakatingin parin sa akin ang mga estudyante at si Professor Britelle. Sinagot ko ang tanong niya, "Maaring makabasa tayo nang isip nang tao sa pamamagitan nang pagtingin sa kanilang mga mata. Makita ang hinaharap at ang nakaraan. Maaring magkaroon tayo nang pagkuminika sa isang tao gamit ang ating isip. Sa pagkaka-alam ko tanging si Serafeim Ethiopa at ang nag-iisa niyang anak ang nakagawa nang ganyang mga bagay." Tumango ang Professor sa akin at sinenyasan akong umupo. Umupo ako.

"May ikwukwento ako sa inyo. Dapat makinig kayong mabuti dahil ito ang magiging unang misyon niyo sa paghasa nang senses." Walang nagsalita sa amin. Tinuloy ni Professor ang kaniyang sasabihin. "May isang ermetanyo sa forbidden forest. Makikita natin ang forbidden forest malapit sa Leshia. Ang ermetanyong ito ay nakakagamit nang mga ganoong level sa kaniyang senses. Nasa kaniya ang librong maaring makatulong sa inyong pag-aaral. Ang sabi sabi, matagal na daw itong naghihintay sa taong kukuha nang libro at yung karapatdapat. Kapag hindi sila ang karapatdapat na tao, hindi sila makakalabas nang forbidden forest."

*****

Nasa lunch hall kaming lahat. Kumakain. Dumiritso kami dito pagkatapos nang paghahasa sa aming kaalaman.

Nasa akin parin ang papel na may nakasulat na hindi maintindihan. Tinago ko ito dahil magbabasakali akong may makabasa nito. Kung si Serene, hindi ko alam. Tanging panggagamot lang ang kaya niya. Hindi ko alam kong makabasa ba siya nung ancient writing na iyon.

Nasa gitna ako nang pagkain nang may lumapit sa aking isang Professor. "Pinatawag ka sa opisina nang headmaster." Tumango ako at tumayo.

Narating ko ang opisina at pumasok ako dito. Dalawang nag-uusap ang nadatnan ko doon. Si Froinnickus at si Professor Larusso Britelle. Naputol ang kanilang pag-uusap nang maramdaman nilang nandito na ako.

"Halika Dyl...Antonio! Umupo ka." Muntik nang masabi ni Froinnickus ang totoong pangalan ko!

Lumapit ako sa kanila at umupo. "May kailangan po ba kayo?"

Nagtitigan ang dalawa. "Ipapadala ka namin sa isang misyon," sabi ni Professor Britelle.

Nagtataka akong tumingin sa dalawa. "Anong misyon? Yun ba yung tungkol sa libro?"

Umiling si Professor Britelle. "Hindi. Iyong misyon na iyo ay ang magiging misyon nang kung sino sa inyo sa katapusan nang tatlong buwan niyo dito sa paaralan."

"Kung ganoon. Anong misyon ang tinutukoy niyo?"

Ngayon ang headmaster naman ang nagsalita. "Papaobserbahan ang nasunog na taniman nang Astreuin at ikaw ang napili naming maging leader nang lima mo pang mga kasama."

Nagtaka ako. Bakit ako? May iba naman diyan ah! May dapat pa akong lutasin na problema.

"Sina Amanda Caterson, Pierre Kingsley, Kielle Kingsley, Shaina Riverdraw, Harry Vuilas, at Lai Fruois," sabi nang headmaster.

Biglang nag-iba ang timpla ko. "Bakit kasama pa ang mga Kingsley? Alam niyo naman na palaging init ang ulo nila sa akin. At lalo pa na ako ang napili niyong maging leader!"

"Pasensya ka na Antonio pero makakatulong sila sa iyo," makabuluhang sabi ni Professor Britelle.

"Pshh...makakatulong sila sa pag-gulo nang misyon."

"Anong sinabi mo?" tanong ni Professor Britelle.

Umiling ako. "Wala ho. Sige po maasahan niyo po ako sa misyon na ito. Ilang araw po ba kami sa misyon na ito?"

Tumango silang dalawa. "Tatlong araw lang naman. Mag-iingat ka Antonio." Tumango ako at lumabas na.

Nagtungo ako sa dormitoryo ko. Humiga sa kama. Bukas pa sa madaling araw ang lakad namin.

"Antonio!" tinawag ako nang isang babaeng nakaputi. Kumikinang ang damit nito at kung titingnan napakagara nito.

Sinenyasan niya ako na sumunod sa kanya. Sinundan ko siya. Ngumiti siya sa akin.

Bumuka ang bibig niya pero hindi ko marinig ang mga sinasabi niya. Bigla siyang lumayo.

"Teka! Sino ka?"

Lumingon siya sa akin at ngumiti. "Makikilala mo ako sa tamang panahon, kamahalan. Mag-iingat ka palagi Dylan Horton Lutherking." Hindi siya nagsalita, narinig ko lamang siya sa aking isipan. Sino ba siya? Anong kailangan niya?

Nag-iba ang ihip nang hangin at bigla nalang umitim ang paligid. Wala akong halos makita. Wala akong marinig at....hindi ako makahinga!

Napabalikwas ako nang bangon. Naghahabol nang hininga. Bangungot, isang bangungot lamang iyon! Kumuha ako nang tubig at ininom ito. Huminga ako nang malalim. Tagaktak ang pawis ko.

Malinaw pa rin ang panaginip ko. Ang babaeng nakaputi. Ang kaniyang sinabi. Lahat!

Tumingin ako sa orasan at nakitang alas otso pa lang nang gabi. Anim na oras akong tulog. Ni hindi ako kumain nang hapunan.

Humiga akong muli pero hindi na ako makatulog. Imbes na pilitin ang sarili ay bumangon ako at kinuha ang libro na dala dala ko mula sa kastilyo. Ang mga Legends noong nakaraan.

May mga makakapangyarihang mga tao noon. Kaya nilang lumipad, gumamit nang spells at potions. Mga gumagamit nang mahika nang apat na elemento. Ang apoy, tubig, hangin, at ang lupa. Pero wala na ito ngayon. Lahat sila lumisan at ang iba ay namatay sa pakikipaglaban. Hindi nga ako lubos na naniniwala nang mga ganoong storya pero nung may nagpakita sa akin nang mahika ay naniwala ako. Hindi ko na matandaan kong sino yun. Hindi klaro ang mukha kapag iniisip ko iyon. Alam ko namang hindi si ama o si ina iyon. Hindi rin maaaring si Serene.

Isinantabi ko muna ang libro at tumingin sa kawalan. Nagpakawala ako nang mabigat na hininga. Sana walang mangyayaring masama pag-alis namin. Sana.