Kasalukuyan kaming nasa quadrangle ngayon. Malaki ang espasyo nito at may mga upuan sa gilid. Ngayon ay oras nang paghahasa nang bilis. At paghasa sa aming pakikipaglaban. Apat na professor ang nasa harapan namin. Si Professor Arturo Hupper, Professor Cain Lippassle, Professor Xion Friant, at si Professor Vittoria Zeiom.Si Professor Hupper at Friant ang naghahasa sa aming bilis. Habang si Professor Lippassle at Zeiom ay ang naghahasa sa aming pakikipaglaban. Sa madaling salita, konektado ang dalawang aralin na ito.
"Attention!" Napitlag kaming lahat sa boses ni Professor Friant. "Libutin niyo ang quadrangle na ito. Jog as fast as you can!" Naghanda kaming lahat. Nakamark na ang lahat para tumakbo. Pumutok ang isang baril hudyat na magsisimula na. Agad kaming tumakbo. Ang sinabi kanina ni Professor Lippassle nakakataas daw nang hangin ang pagtakbo. Ito muna ang pinagawa nila sa amin, ang pag eehersisyo.
Natapos ang pagtakbo namin. Hinihingal kaming lahat.
Pumalakpak ang apat. "Magaling! Ngayon naman ay ang iba pang mga ehirsisyo. Ito muna ang gagawin natin sa ngayon. Bukas ang pagpipili niyo nang mga armas na posible niyong magagamit," sabi ni Professor Zeiom.
Natapos ang naging pag-aaral namin. Nasa mga upuan kami, nakaupo at naghahabol hininga. Ngayon lang ako nakaranas nang ganito. Basang basa sa pawis ang aking uniporme para sa pag-aaral na ito. Isang jogging pants na itim at puting t-shirt na may logo din na dragon.
Tumingin ako sa mga kasamahan ko. Nag-abot ang paningin namin ni Amanda. Ngumiti siya sa akin, tumango lang ako. Hindi ko magawang suklian ang mga ngiti niya dahil medyo may bumabagabag sa aking isipan. Tila walang humpay ang bilis nang tibok nang aking puso. Alam kong hindi na ito normal. Kabadong kabado na ako. Parang may mangyayaring masama ngayong araw na ito. Hindi ko alam kong ano, saan, at anong oras ito magaganap.
Napitlag ako sa kinauupuan ko nang tinawag ako. "Antonio Cartridge!" Tumayo ako. Nginitian ako ni Professor Zeiom at tinanguan sa tatlong lalaking professor. "Magaling ang naging performance mo sa araw na ito. Sana magtuloy tuloy ito Cartridge." Ngumiti ako at tumango. Kita ko ang pag-igting nang baga ni Pierre at ang galit na mata ni Kielle. Ano bang problema nang magkapatid na ito. Galit ba sila na ako agad ang napapansin nang mga professor? Tssk...ginawa ko lang naman ito para mapaghandaan ko ang mga hakbang na gagawin nang kanilang dakilang ina.
*****
Matapos ang aming pag-aaral sa paghahasa nang bilis at pakikipaglaban ay nasa isang silid kami kung saan ito ang huli naming tatalakayin ngayong araw. Ang paghahasa nang aming mga talento. Sa totoo lang, may talento ako sa pagpipinta. Minsan nga noong buhay pa ang mga magulang ko ay ipininta ko ang kastilyo at naroon din kaming tatlo. Sinabit iyon sa dingding ngunit sinunog iyon ni Savana nang mamatay ang aking ama.
Ang Professor namin ay si Professor Arpyeza Douthious. Palangiti ito at tila walang problema. "Sa ngayon alamin ko muna kung ano ang inyong mga talento na alam niyong meron kayo. Pagkatapos ay saka tayo magsimula. Ikaw muna binibini," sabi nito at tinuro ang babaeng nasa harapan. Nag aalinlangan itong tumayo. May pagkahiyain at mahinhin ito.
Ngumiti muna ito,"Alam ko kung paano sumakay nang kabayo."
Tinawanan siya ni Kielle at Pierre. Bakit ba palaging komokontra ang magkapatid na ito? "Sa tingin mo ba talento ang pagsakay nang kabayo. Halos lahat naman nang nandito ay alam kung paano sumakay nang kabayo," sinabi iyon ni Kielle at tumawa silang muli. Napailing nalang ako. Tumakbo palabas ang babae, kaya tumayo ako.
Nagpaalam sa professor. "Susundan ko lang ho." Tumango ito at kita ko ang pag-alala niya. Nang makalabas na ako ay narinig kong pinagalitan nang professor ang dalawa.
Naglibot libot ako, nagbabasakaling makita ang babae. Sa wakas nakita ko rin siya! Nakaupo sia sa ilalim nang puno, nakyuko ito. Malamang umiiyak ito. Lumapit ako sa kinaroroonan niya. Ayaw ko kasing makakita nang babaeng umiiyak. Naaalala ko kasi ang aking ina na umiiyak bago siya lumisan.
Umupo ako sa gilid nito at tumikhim. "Ayos ka lang ba? Wag mo nang isipin ang mga pinagsasabi nang dalawang iyon."
Humihikbi parin ito. "Nag-aral akong mabuti sa Firoed para makapasok dito. Iniidolo ko ang dalawang prinsepe na iyon. Pero dahil sa ginawa nila nag-iba ang tingin ko sa kanila. Ang sama sama nang mga ugali nang dalawang iyon! Kinamumuhian ko na sila!" Umiyak naman itong muli. Hinagod ko ang likod niya, nagbabasakaling mapatahan ko siya sa pag-iyak. "Siguro kung buhay pa ang totoong prinsepe siya sana ang iniidolo ko. Alam ko kasing may mabuti siyang puso. Di gaya nang dalawang iyon." Mana kasi ang dalawang iyon sa kanilang ina. Gusto kong sabihin sa kaniya iyon.
Ilang minuto ang lumipas at tuluyan na siyang tumahan. "Salamat nga pala Antonio ha." Ngumiti ako sa kaniya at tumango.
"Sa dami nang estudyante dito, nakilala mo pa ako."
Tumawa siya nang mahina. "Sinong di makakilala sa'yo? Unang araw palang ay kalat na ang iyong pangalan dahil sa iyong galing at palaging ikaw ang napapansin nang mga professor," natahimik siya bigla. Kita ko ang pagkadismaya sa kaniyang mukha. "Naiinggit nga ako sa iyo eh. Ang galing mo. Hindi ko nga alam kung saan ka nag-aral nang Sridden kasi parang pati Rizzle napag-aralan mo na din eh. Maraming nagseselos sa iyo dito at isa na ako roon. Ang dali mo kasing nakuha ang loob nang mga professor. At yung dalawang prinsepe na iyon...alam ko ring nagseselos din sila sa iyo." Hindi ko maiwasang mapatanong sa sarili ko. Ganoon ba talaga ang tingin nang tao sa akin? Talaga bang nagseselos sila sa akin?
"Sige mauna na ako sa loob Antonio."
Hinatid ko na lang siya nang tingin.
*****
"Dapat talaga na mag-ingat ka Dylan," seryosong sabi ni Froinnickus. Nagtataka ako. May mga lead ba siya?
Kasalukuyan akong nasa headmaster's office. Ipinatawag ako kanina. May importante daw kasing sasabihin si Froinnickus.
Sinagot ko siya nang may bahid na pagtataka. "Anong ibig mong sabihin?"
Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "May natanggap akong report galing sa Astreuin. Nasunog...sinunog ang taniman doon."
"Bakit sa'yo sila nagreport? Di ba dapat sa reyna?"
Umiling siya. "Alam mo namang tutol ang mga taga Astreuin sa mga pagpapatakbo nang Ethiopa nang reyna." Siguro ito na 'yun. Nagsisimula na ang delubyo naming lahat.
"Nagsisimula na si Savana. Inuuna niya ang mga tutol sa kaniya at alam kong papatayin din nila ako."
Sandaling katahimikan ang bumalot sa buong silid. Pareho kaming nag-iisip nang magandang paraan. Nakakunot ang noo ni Froinnickus. Nag hahanap siya o inaalam niya kung sino at anong bayan ang susunod.
Nawasak ang katahimikan nang may biglang sumigaw. "Aaaaahhh!" Napitlag kaming dalawa. Napatingin sa isa't isa at dali daling tumakbo palabas.
Napatuop ako sa aking bibig. Nakalatag ang walang buhay na katawan nang isang babae. May saksak sa dibdib. Naliligo sa sariling dugo at dilat na dilat ang mga mata nito. Tila hindi matatanggap ang pagkamatay niya.
"Ashlien Huddler. Mula sa Mrikk. Kawawang bata," sabi nang vice principal. Napatingin ako sa kaniya. Sa mga panahong ito wala kaming magagawa. Hindi namin alam kung sino ang gumawa nito. Kahit isa akong prinsepe wala akong magagawa.
Lumapit ako sa isang babae na malapit sa bangkay. "Taga Mrikk ka rin ba?" Tumango siya bilang sagot.
"Pwede ba kitang maka-usap kahit isang minuto lang?" nagbabasakaling papayag siya.
Tumango siyang muli. Naglakad siya sa silong nang isang puno. Sinundan ko siya.
Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. "Alam mo ba kung saan si Ashlien sa mga oras na hindi pa siya pinatay?"
Humikbi siya. "Kasama ko siya. Papunta kaming hall non pero nagpa-alam siyang magbabanyo muna. Hindi ko alam na yun na pala ang huling araw niya. Kung alam ko lang sana, sinamahan ko sana siya." Lumakas ang iyak nito.
Tama nga ang vice principal. Kawawa si Ashlien. Marami akong katanungan sa akimg isipan. Kung ano ang naging atraso niya? Bakit siya pinatay? Sino ang nagpatay sa kaniya? Hindi ako matatahimik hanggang hindi ko masagot ang mga katanungan na iyan. Kailangan kong mabigyan nang hustisya ang pagkamatay ni Ashlien. Hindi ko alam kung papaano pero gagawin ko ang lahat. Ayoko nang may mamatay pang ibang tao na inosente.
*****
3rd Person's POV
Tumawa nang malakas ang isang lalaki. "Hahaha! Dapat silang magtanda, mga uto-uto!"
"Boss, sino ang isusunod natin?"
Ngumisi ang lalaki. "Maghintay lang tayo. Bilugin ang dapat bilugin. Kailangan nating ipa-alam na hindi lang isa ang kalaban niya kundi marami." Kinuha niya ang isang baso na may wine. Lumagok siya mula dito. "Sa ngayon, akin ang matagumpay na halakhak! Hahaha!"
Tumawa ang mga kasama niya. Napakademonyo pakinggan nang tawa niya. Isang taong maguubos nang lahat!