webnovel

Prince of Ethiopa: The Rag Prince

MJ_Blysa · Fantasy
Not enough ratings
13 Chs

Chapter 3

Tumunog ang kampana, hudyat na para sa umagahan. Nagmamadali akong pumunta sa hall.

Lahat nang nakita kong mga estudyante ay naka uniporme na may logo na isang dragon. Lahat ay nakaupo na sa kanilang upuan.

Pinatunog ni headmaster ang isang baso gamit ang kaniyang kutsara. Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kaming kumakain.

Natapos ang umagahan. Umalis na kami sa hall at tumungo na sa isang silid. Malaki ang espasyo nito. Maluwag ito.

*****

"Ang Rizzle ay ang sekondaryang pag-aaral. Ito ang susunod sa Sridden. Importante ang Rizzle sapagkat hinahasa nito ang inyong kakayahan at bilis," sabi nang isang principal. Alam kong ito ang una naming tatalakayin. Ang tungkol sa Rizzle.

Nagpatuloy sa pagsalita ang principal, "Sa bawat araw may limang iba't ibang tatalakayin. Una, ang paghasa nang inyong kaalaman. Pangalawa, paghasa nang inyong talento. Pangatlo, paghasa nang inyong pakikipaglaban. Pang-apat, paghasa sa inyong bilis. Pang lima, paghasa nang inyong mga senses. Bawat araw ito ang tatalakayin. May mga misyon kayo para mas mahasa ang inyong mga pinag-aaral. Sa isang taon, dalawang beses ang pasulit. Dito natin malalaman kung sino ang mangunguna ngayong taon na ito." Maayos na nakikinig ang mga estudyante sa kanya. Walang halos marinig na ingay. "Dito magsisimula ang una niyong klase. Kung may mga katanungan pa kayo, pumunta lang kayo sa opisina nang vice principal," umalis na ang principal at gaya nang sabi nya pumasok ang isang lalaki. Isang gurong lalaki.

Seryoso ang kaniyang mukha at strikto.

"Magandang umaga sa inyong lahat! Ako nga pala si Professor Larusso Britelle, ang maghasa sa inyong senses," ito ang naging introduction niya. Hindi parin nawala ang seryoso nitong mukha.

"Magandang umaga sa inyo Professor Britelle!" magkasabay naming binati siya.

Kinuha nito ang kaniyang libro at pinakita sa amin,"Ano ang nakikita niyo sa librong ito?" Malayo sa amin ang libro, pero nagawa ko pa ring tingnan ito. Inangat ko ang aking kamay.

Tiningnan ako nang Professor, "Ano ang nakikita mo? Mister?"

Tumayo ako. "Luth....Cartridge," buti nalang at hindi ko nasabing Lutherking. "Kung sa malayo ito tingnan, isa lamang itong libro. Pero may naipit ditong isang balahibo nang isang pusa."

Kita ko ang pagkamangha nang Professor sa naging sagot ko. Oo, masaya ako na nasagot ko yun pero hindi din ako masaya. Nabaling sa akin ang mga tingin nang ibang mga estudyante.

"Tama! May balahibo nga ito," sabi nito at nginitian ako. Umupo na ako. "Ang paghasa nang inyong senses ay magmumula sa mga mata. Pumikit kayo at isipin ang mga maliliit na bagay na hindi niyo kayang makita, o di kaya'y isipin mo ang mga bagay na posible niyong makita."

Pumikit kaming lahat. Kung ang inutos nang professor ay isipin ang mga bagay na pwedeng makita, hindi iyon ang aking iniisip. Iniisip ko kung ano kaya ang mangyayari kong buhay pa ang aking ama't ina. May maganda bang mangyayari?

Pinamulat kami nang professor at pinakita niya ang isang bolang crystal. Tutok kaming lahat sa pinakita niya. "Ano ang nasa loob nang bolang crystal na ito?" Wala ni isa ang sumagot sa kanya. Sa halip, tinutukan namin ang bolang crystal nang mabuti.

Dahil walang sumagot sa professor ay nagtawag siya nang pangalan. "Pierre Kingsley?" Tumayo si Pierre. Sa halip na sumagot siya ay pinagtawanan niya ang professor. "Nandito ka para magturo hindi para magtanong! At tatanungin mo kung ano ang nasa loob nang crystal na yan? Tsk. Puro ka kalokohan! Hahaha!"

Tumayo ako at malakas na sumagot, "Ang nasa loob nang bolang crystal na iyan ay ang buong Ethiopa." Lumingon silang lahat sa akin. Nasa likuran kasi ako nakaupo. Namula si Pierre sa galit. Alam kong galit siya na nasagot ko ang tanong nang professor.

Ngumiti ang professor sa akin, "Tama ang iyong sagot Antonio! Ikaw naman Mr. Kingsley, kahit anak ka nang reyna hindi ako magdadalawang isip na ayusin ang iyong ugali!"

Hindi sumagot si Pierre. Umupo siya at kita ko ang galit sa mga mata niyang tumingin sa akin.

Natapos ang dalawang oras kaya lumabas na ang professor. Binilinan niya kami nang pasulit na bukas ipapasa. Madali lang naman ito. Ang mga basics lang naman nang mga senses.

Pumasok ang sunod na professor. Makikita ang kaniyang pagkamasiyahin dahil ngiting ngiti siyang pumasok. Nagpakilala siya sa amin. "Magandang umaga sa inyong lahat! Ako ang inyong professor sa paghasa nang inyong kaalaman. Ako si Professor Klariia Stanck." Gaya kanina binati namin siya.

Sinimulan niya ang kaniyang pagtuturo. Kinuwento niya ang history nang Ethiopa. "Nagmula ang pangalang Ethiopa sa apelyido nang isang Dyosa na gumawa nang Ethiopa. Siya ay si Serafeim Ethiopa. Simula noon hanggang ngayon wala paring nakakita kay Serafeim. Walang may alam kung buhay pa ba ito o patay na." Alam ko na ang istoryang ito. Ang sabi nila may mabuting loob si Serafeim at tanging nakakita lamang sa kaniya ay ang mga may dugong Lutherking. Ang dugo nang hari. Hindi ko alam kung nakita na ba ni ama ang Diyosang ito, pero ako, may pakiramdam akong nakita ko na ito. Siguro, pagkabata ko.

*****

Nasa lunch hall kaming lahat. Dumeritso kami dito pagkatapos nang paghahasa sa kaalaman namin. Tinalakay lang namin ang pinagmulan nang Ethiopa. Kung ano ang nangyari kay Serafeim.

Kasalukuyan kaming kumain nang biglang may humampas sa aking likuran. Napatayo ako at tiningnan  kung sino iyon. Si Pierre. Kinwelyuhan niya ako. Tinitigan ko lang siya. Wala akong balak na maghanap nang away at gumawa nang gulo. Kita ko ang pag-igting nang panga ni Pierre.

Hindi ko na mapigilang mapatanong. "Ano bang problema mo Pierre? Wag ka ngang gumawa nang gulo!" Sa pagkaka-alam ko wala akong ginawang mali.

Mas nagalit si Pierre at sinapak ako. Hindi ako nakabalanse kaya napa-atras ako sa mahabang mesa. "Masyado ka kasing pabida! Sinwerte ka lang kaya ka nandito. Isa ka lang namang alipin sa kastilyo na dating....!!" Hindi niya tinuloy ang kaniyang sasabihin.

Ngumisi ako at inayos ang pagtayo. "Na dating ano? Bakit hindi mo masabi? Takot ka ba? Takot ka bang mag-iba ang ihip nang hangin? Ha! Duwag ka pala eh!" Alam kong ayaw niyang malaman nang ibang tao ang tungkol sa sekreto ko. Dahil sa oras na malaman nang mga tao, alam niyang ako ang papaburan dahil matagal na nila akong hinintay. Hindi lahat sa Ethiopa ang naniwala na patay na ako. May iba paring naniwala na buhay ang prinsepe at babalik pa ito para mamahala. 'Yon ang dahilan kung bakit hindi masabi ni Pierre ang sekreto ko. Maingat nila itong tinatago dahil simula palang, sila ang gumawa nang kuwentong patay na ako.

Dumating ang headmaster. Hindi kasi ito sumabay sa amin sa pananghalian. Kita ko rin na nag-alala si Amanda sa akin. "Anong problema niyong dalawa?" seryoso ang boses nang headmaster. Tumalikod siya. "Pumunta kayo sa opisina ko ngayon din!"

Galit pa ring tumingin si Pierre sa akin. Pero wala parin akong pake! Inayos ko ang nagusot na uniporme at sumunod sa headmaster.

*****

"Sabihin niyo nga, ano ba ang problema niyong dalawa?" tanong nang headmaster nang makaupo na kami. Walang sumagot sa aming dalawa. Ayoko namang magsalita, masasayang lang ang laway ko. Alam ko rin naman na ang prinsepe ang papaboran nila.

Tila nagtitimpi lang ang headmaster. "Ayaw niyong sumagot?!" Galit na ang tinig nito. "Papalagpasin ko ang pangyayaring ito, pero kapag ito maulit pa.....paparusahan ko na kayo! Sige na umalis ka na Pierre, maiwan ka Antonio." Ngumiti nang nakakaloko si Pierre sa akin. Tila sinasabi niya na sa kaniya ang huling halakhak. Pshhh...wala akong pakialam. Lumabas nang tuluyan si Pierre.

Ngumiti nang masinsinan ang headmaster. "Dylan Horton Lutherking," napitlag ako nang marinig ang buo kong pangalan. Ang totoo kong pangalan. Kita niya ang pagtataka sa aking mukha.

"Nakita din sa wakas. Sampung taon na pala ang nakalipas. Kumusta kana? Naalala mo pa ako? Ang ninong mo?" Siya ba yun? Yong taong palaging bumibisita sa kastilyo at palaging binibigyan ako nang regalo.

"Froinnickus Salvi?" nag-aalangang tanong ko. Hindi ko alam kong siya ba talaga iyon. Headmaster namin siya pero hindi ko alam ang pangalan niya.

"Ako nga! Hindi ko akalaing nakita ko na ang magliligtas nang Ethiopa. Ang hari," sabi nito. "Marami akong katanungan sa aking isipan. Pero ano nga ba talaga ang nangyari sa iyo?" Hindi ko akalain na may tao rin palang naghahanap sa akin. Ayaw kong ikwento sa kanya ang mga nangyari, pero sa mga panahong ito alam kong mapagkatiwalaan si Froinnickus. Sila lang dalawa ni Serene ang mga kakampi ko.

Kinuwento ko sa kaniya lahat. Maging ang pag lason ni Savana sa hari.

"Kailangan mo nang maging hari sa lalong madaling panahon. Marami ang pinaggagawang mali si Savana. Isa siya sa mga nagpaganap nang panunulis sa iba't ibang bayan." Kuwento nito. Alam ko iyon Froinnickus.

"May tao akong pinaghihinalaang kasabwat ni Savana," sabi ko. Tila nagtatanong si Froinnickus kung sino. "Si Cornelius, ang head nang council."

*****

Nasa likod ako nang paaralan. May maliit na bundok dito kaya dito ako umupo. Tumingala ako sa langit. Gabi na, katatapos lang nang hapunan.

Pumikit ako at inisip ang mga pangyayari. Ang bilis nang panahon. Tila hindi ko maabutan. Bumuga ako nang malalim na hininga.

Kailan ba matatapos ang pangyayaring ito?

Nakaramdam ako na may umupo sa gilid ko.

"Antonio diba?" tanong nito. Tiningnan ko siya. May mahaba at itim itong buhok. Maliit ang mukha at maputi. "Ako nga pala si Shaina Riverdraw. Galing sa bayan nang Priume." Tiningnan ko siya at tumingin na naman sa kawalan. Natahimik siya.

"Kumusta ka na pala...ibig kong sabihin, naparusahan ba kayo?"

Bumaling ako sa kanya. Nakita ko ang pag-alala sa kaniyang mukha. Tipid akong ngumiti. "Hindi naman kami naparusahan, napagsabihan lang."

"Mabuti naman kung ganoon. Ano ba ang meron sa inyo nang prinsepe at tila ang init nang dugo niyo sa isa't isa?" Ngumiti lang akong muli. Ngiting nag-aalinlangan.

"Personal na problema," sagot ko.  Tumingala akong muli.

"Mauna na ako Antonio. Sumunod ka na din." Tumango lang ako sa kaniya. Pag-alis niya ay tumingala akong muli sa langit. May nakita akong tila nag-spark sa kalangitan. Hindi ko alam kung ano ang pinapahiwatig ito. Pero ang alam ko lang dapat na akong maghanda dahil may pinaplanong masama si Savana pati si Cornelius.

Ngumiti ako nang pait.

Ganito talaga ang buhay!

Hindi parin nawala ang spark sa kalangitan. Huminga ako nang malalim. Pumasok ako sa loob nang paaralan. May malaki kasing bakod ang paaralan. Napakataas nito at hindi mo makikita ang pamilihan sa labas.

Mas magiging handa ako sa mga susunod na araw. Maghanda para sa susunod na hakbang ni Savana.