webnovel

Single-handedly

Editor: LiberReverieGroup

Tanghali ng sumunod na araw, nagising si Marvin dahil sa gutom.

Bumangon siya at nakitang tulog na tulog pa si Anna. Napakahimbing at napakapayapa ng kanyang pagtulog.

Ingat na ingat siyang hindi magising si Anna. Naligo siya at dahan-dahang umalis. Marami siyang bagay na kailangang gawin ngayong araw.

Pag-alis ng Black Horn Eagle Inn ay dumeretso si Marvin sa palengke para hanapin muli ang panday. Bago umalis ay bumili siya ng dalawang common curved dagger na magkapareho.

Kahit na sanay na siyang gamitin ang dagger na gamit niya, hindi pa rin kasi nito kayang ipamalas ng maayos ang two-handed style property. Itinabi na lang niya ang ikatlong dagger bilang reserba.

Kadalasang mayroong reserbang sandata ang mga experienced fighters para handa sila sa kahit anong sitwasyon.

Sunod na pinuntahan ni Marvin ang Squatter's area sa dakong hilagang-silangan, kung saan maraming pulubi na handang gawin ang lahat para sa maliit na halaga, marami rin ditong impormante. Kakailnganin kasi ni Marvin ang tulong nila para sa kanyang plano.

30 pilak ang nabawas sa kanya bago siya naka-alis doon.

Bumili siya ng pagkain at ng iba pang kailangan nila, pagka-galing sa squatter's area saka siya bumalik ng inn.

Gising na si Anna ng makabalik si Marvin. Pupungas-pungas pa siya at nagulat na Maraming dala si Marvin. "Master Marvin, Kakalabanin ba talaga natin ang Acheron Gang?"

"Dalawa lang kasi tayo. Wala tayong ibang kakampi."

Hindi para sa sarili niya ang takot na naramdaman ni Anna, kundi para kay Marvin.

Inabot ni Marvin ang bagong lutong tinapay at sinabing, "Magkakaroon tayo ng kakampi. Nagkamali ata tayo sa paghingi ng tulong sa kanila, dahil walang tutulong sa atin dito. Mas malala pa sa inakala natin ang itinatago kasamaan ng siyudad na 'to. Kaya kung gusto nating mabawi ang ating lupa, wala tayong ibang aasahan kundi tayo lang. Kumain ka na, at pumunta ka sa countryside pagkatapos mo."

"Sa countryside?" gulat na tanong ni Anna habang umiinom ng tubig.

"Sa Green Village at Fog Village. Hindi na rin naman siguro nakapagpigil sina Andre at ang iba pa," Ika ni Marvin habang pinapanuod mula sa bintana ang walang humpay na bugso ng mga tao sa kalsada,

"Paano mo nalaman..?" Mas gulat na tanong ni Anna.

"Nagmamasid ako noong araw na 'yon. Palihim na pumasok ng siyudad si Andre para hanapin ka. Binalak niyang bawiin ang kalupaan niya ng mag-isa."

Napailing si Marvin at sinabing, "Kaso, inakala mong tutulungan tayo ng munisipyo kaya pinigilan mo siya, diba?"

Biglang nag-iba ang reaksyon sa mukha ni Anna. "Master Marvin, naiintindihan ko ang gusto mong mangyari, pero kung papupuntahin natin ang mga kawal, hindi ang Acheron Gang ang makaka-laban nila. At saka.. Hindi rin naman sila papayagang makapasok ng River Shore City na may dalang mga armas."

"Ako na ang bahala sa mga armas, basta papuntahin mo sila dito sa River Shore City. Mayroon kang 10 araw para gawin 'to," sabi ni Marvin habang kumakain ng tinapay.

"Paglipas ng 10 araw gusto kong makita ang dalawampung miyembro ng White River Valley garrison sa harap ko."

Walang nagawa si Anna.

Kakaibang tapang ang ipinakita ni Marvin! Dahil kahit na sabihing isa siyang noble, sa oras na papuntahin niya ang kanyang mga kawal dito ay isang malinaw na panghahamon sa munisipyo ng River Shore City. Pero kahit na ganoon tanging kay Marvin na lang humuhugot ng pag-asa si Anna.

Eto na lang ang natitirang paraan para makabawi sila sa lahat ng kahihiyang dinulot ng River Shore City sa kanila.

Isang tunay na noble si Master Marvin pero dito mismo sa River Shore City, niloko sila ng mga opisyal ng munisipyo, niloko sila ng mga tao sa pasugalan, at palihim siyang pinapatay ng isang negosyante sa isang gang!

Tandang-tanda niya ang lahat ng kahihiyang ito at isinantabi niya ang lahat ng iyon para kay Marvin.

Ibang-iba na si Marvin ngayon. Malaki ang pinagbago niya. Kahit si Anna ay hindi na siya halos makilala ang batang sunod lang ng sunod sa kanya.

Tiningnan ni Anna si Marvin at nag atubiling sinabing, "Pero, pakag umalis ako.."

Nag-aalala siya para sa kaligtasan ni Marvin.

"Magta-tago lang ako dito sa inn. Magtiwala ka sa mga kakayanan ko, walang makalu-lusot sa akin."

Kampanteng ngumiti si Marvin. "Sige na, aabangan ko ang pagbabalik niyo."

...

Noong kina hapunan ay nagkunwari siyang isang babae mula sa countryside at tumakas ng River Shore City mag-isa.

Mabilis ang pagkilos ni Anna dahil alam niyang inaasahan siya ni Marvin.

Tahimik na pinanuod ni Marvin ang pag-alis ni Anna, nang bigla siyang ngumiti.

May masamang balak sa likod ng ngiting 'yon.

Mayroong dalawang dahilan kung bakit pinaalis ni Marvin si Anna. Una, kailangan talaga niya ang tulong ng garrison niya. At pangalawa, nagbabalak siyang pumatay ngayong gabi. Hindi niya mailabas ang buong lakas niya kapag kasama niya ang half-elf na butler. Gaya na lang noong kinalaban nila si Heiss, muntik nang masira ang plano niya dahil kay Anna.

Minsan, maliit na bagay lang ang pumatay, lalo pa kapag ang Ruler of the Night na ang kausap.

Hindi lang basta-basta nagpa-pakitang gilas si Marvin. Alam niya kung kailangan dapat lumaban mag-isa at kung kailan hihingi ng tulong. Gusto kasi ni Marvin na proteksyonan ng garrison niya ang mga taumbayan kaya pinapunta ni Anna sa countryside.

Noong sinakop ang White River Valley, maraming tao ang tumakas patungo sa kabundukan, Green Village, Fog Village, pati na sa Disk Water Lake. Kasama ang lahat ng nabanggit na lugar sa teritoryo ni Marvin. Doon sila tumungo dahil hindi sila masusundan ng mga gnoll sa kabundukan. At dahil sa mga batas ng River Shore City, tanging si Marvin at Anna lang ang pinahintulutang pumasok para humingi ng tulong. Kinailangan maiwang ng kanyang garrison sa countryside.

Halos hindi na mapakali at inip na inip na ang mga kawal niya. Handa na sana silang lumaban ng patayan mabawi lang ang lupa, tanging pahintulot lang ni Marvin ang hinintay nila.

Batang-bata, tapat, at malalakas ang mga kawal niya.

Subalit hindi pa rin ito sapat.

Alam ni Marvin na maraming tao ang nasa likod ng pag sugod ng mga gnoll sa lupain niya. Hindi kakayanin ng isang garrison na mayroon lang dalawampung tao ang isang malaking gnoll army. Dahil dito, kailangan niyang maghanap ng maaring tumulong sa kanila.

Bago ang lahat ng 'yon, kailangan niya munang malaman kung sino ang nagpapatay sa kanya.

Maaring ang gahaman niyang tiyuhin na si Miller, pero maaring hindi siya.

Samakatuwid, magiging malinaw na ang lahat pagtapos ng gabing ito.

...

Pagsapit ng gabi, bago ang curfew ng River Shore City, ay ang oras na pinakabuhay ang mga masasamang nilalang sa loob ng siyudad.

Ganitong oras nagsisimulang magbilang ng kinita nila ang mga accountant ng mga gang. Sa ganitong oras din binubugbog ang mga baguhang Thief na hindi naka-abot ng qouta nila.

At di maglalaon, mapagtatanto nilang kailangan pa nilang pagalingin ang kanilang hand dexterity. Paminsan-minsan, babawasan na lang ang kita nila imbis na bugbugin.

Ito ang katotohanan ng buhay sa loob ng systema.

Sa tabi ng kalsada nakatayo ang mga prosititute na magara ang mga damit. Makakapal ang kolorete nila sa mukha hindi dahil sa nais pa nilang gumanda kung hindi, para itago ang kanilang mga tigyawat. Wala nang mas nakakatakot para sa mga babaeng to kung hindi ang mabuntis o magkasakit, dahil tatanggalin sila sa trabaho kapag nangyari 'yon.

...

Sa Pyroxene Pub, sa may bodega.

May mga sumasayaw na babae ang maaaninag habang may dalawang lalaking nag-uusap at nagtatawanan sa sofa na gawa sa balat ng tigre.

"Master Farmar, kinuha ko talaga itong mga babaeng 'to para sa'yo kaya dapat lang na magsaya ka!"

Tinuro ng matangkad na lalaki ang isa sa mga sumasayaw na maganda ang hubog ng katawan.

Mukha siyang sanggano at mayroong peklat sa pagitan ng mga kilay niya.

Habang masahol naman ang itsura ng mas maliit. Nangingitim ang ilalim ng mata, magulo ang damit. Tipikal na itsura ng isang taong lasing at nambabae magdamag.

Hindi niya maalis ang titig niya sa babaeng sumasayaw at sinabing, "Ayos na ayos 'yan! Mister Diapheis, basta dispatsahin mo ang taong 'yon, nakakasiguro kang makakarating 'to sa aking ama at tataasan niya ang perang ipapasok niya sa gang niyo."

Maraming Salamat, Master Farmar. Hindi makakatakas sa amin ang batang si Marvin. Nagpadala na ako ng mga tauhan kong tutugis at papatay sa kanya. Hindi magtatagal, magpapalutang-lutang na ang bangkay niya sa Pine Cone River.

"Kapag nangyari 'yon. Mapupunta na sa ama ko ang White River Valley!" sabi ni Farmar. "Inagaw ni Jean at ng anak niya ang teritoryo ng ama ko ng napakahabang panahon. Oras na para bawiin kung ano ang amin!"

"Syempre naman." Tumawa ng malakas si Diapheis at sinabing, "Mura lang ang binayad ko sa mga gnolls na 'yon. Nailabas ko na rin ang utos na patayin si Marvin. Wala na kayong dapat ipag-alala."

Tumawa ng tumawa ang dalawa, nang biglang pumasok ang isang lalaking nakaitim at may binulong sa tenga ni Diapheis.

Hindi natinag si Diapheis sa narinig niyang balita. "Magpadala kayo uli ng dalawang grupo. Kailangan ko pa bang tutukan ang mga ganitong bagay?"

Agad na umalis ang lalaking naka-itim.

May sasabihin dapat si Diapheis ngunit biglang tumayo at lumapit si Farmar kaya natakot ang mga sumasayaw na babae at nag-alisan bukod sa iisang babae.

Niyakap siya ni Farmar at dinala sa isang maliit na kwarto.

Nagpupumiglas ang babae at takot na sinabing, "Sir Diapheis, sabi niyo sakin sasayaw lang po ako?!"

Walang ano-anong sumagot si Diapheis ng, "Pasensya na, nagbago na isip ko."

Bang!

Sumarado ang pinto ngunit dinig na dinig pa rin ang sigaw ng babae at ang tawa ni Farmar.

...

Biglang sumimangot si Diapheis na tila may malalim na iniisip.

'Matagal nang walang balita sa unang grupong pinadala ko ah. Ano bang nangyayari?'

Bumalik muli ang lalaking naka-itim, at pagtapos tumingin sa paligi, binulong niya na, "May masamang balita ako boss, natagpuang na po ang unang grupo sa grove na nasa dalampasigan ng Pine Cone River, patay na po silang lahat."

Lalong sumimangot si Diapheis.

"At saka, sinunog po yung bodega natin na nasa may daungan ng barko. Nagkagulo rin po sa pasugalan natin dahil di dumating yung mga bantay."

Nanlisik ang mga mata ni Diapheis, "May kumakalaban sa atin?"

"Baka po ang mga Azure Snake o ang mga White peacock people. Ang bilis po kasi nating lumaki kaya baka naiiggit sila sa atin," nag-aalalang sabi ng lalaki.

"Kung sino man ang mga 'yan. Wala nang makakapigil sa pag-angat ng Acheron." Biglang tumayo si Diapheis at inutos na, "Magpadala kayo ng tatlong grupo para ayusin ang lahat ng gulo. Patayin niyo lahat ng nanggugulo."

"Pero dalawang grupo na lang at ilang miyembro na lang po ang maiiwan dito sa Pyroxene Bar," ika ng lalaking nakaitim.

"Bakit kayo matatakot? Nandito ako!" Agad kinuha ni Diapheis ang isang malaking palakol na nakasabit sa pader.

Nang mayroong bata tauhan na naman ang bumaba at pumunta sa kanila.

"Boss! May problema tayo! May nanggugulo po sa taas, marami siyang pinatay na tao natin!"

"Ilan ba sila!" Tanong ng lalaki.

Napalunok sa takot ang bata.

"....Isa!"