webnovel

Cutthroat

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

[Cursed Zombie]

Lv 4

HP – 60/60

Build – Fat

Double damage from Holy Light & Holy Water.

Half damage from normal attacks.

Kung walang holy water, mahihirapan ang mga adventurer sa mga zombie lalo pa at napakakapal na laman nito.

Pero dahil may holy water si Marvin, moving exp ang bawat isa sa mga ito. Basta maingat niya itong matapos, wala silang magiging problema.

"Doon ka sa kanan at pigilang makapasok pa ang ibang zombie." Utos ni Marvin.

Dahil sa husay na ipinapakita ni Marvin, agad na sumunod si Anna. Hinarangan nito ang bitak sa kanang pader.

Sinipa palabas ng half-elf na butler ang isang panget na zombieng pilit na lumusot!

Malakas siya.

"Ang galing mo!" Puri ni Marvin. Sinugod ni Marvin ang kaliwang bahagi ng pader gamit ang kanyang curved dagger, dahil dito ay lalong lumawak ang bitak dito.

Bang! Bang!

Biglang lumaki ang butas sa pader.

"Anong ginagawa mo?" Gulat na tanong ni Anna.

Pilit lumulusot ang isang matabang zombie dahil sa laki ng butas pero hindi pa rin ito sapat para makapasok ito.

Kalmado lang si Marvin. Napakaliksi ng pagkilos niya na biglang sinaksak ang noo ng zombie gamit ang dagger na hawak niya!

[Basic Attack Successful!]

[Effect doubled due to Holy Water! You deal 24 damage to your target!]

Wala ng buhay ang mga zombie, kung kaya tuloy pa rin sila sa pag-atake kahit mapugutan pa ng ulo.

Umungol lang ang matabang zombie habang pinipilit pa rin makapasok.

Nakaiwas si Marvin at mabilis na sinipa ni Anna sa tiyan palabas ang zombie.

"Ayos!" tyinempuhan ni Marvin ang paglapit sa mga zombie. "Itulak mo lang sila palabas, ako na bahalang tumapos sa kanila."

Hindi sigurado si Marvin kung nakakakuha ba ng puntos ng experience si Anna sa pagpatay ng mga zombie, kaya minabuti niya siya na ang gagawa para hindi masayang ang mga exp.

Walang takot siyang sumugod at tinaga ang matabang zombie gamit ang kanyang dagger na nagdulot ng 28 na damage, at nagiwan ng bakas ang holy water sa kanyang dagger. Hindi magtatagal, mamamatay na rin ang zombieng ito.

Nakakuha ng 32 battle exp mula sa matabang zombie na iyon.

Nagin madali na lang ang mga sumunod na naganap, dahil sa holy water na inilagay niya sa kanyang mga dagger, ilang hiwa lang ay sapat na para mapatay ang mga zombie. Isama pa ang isang level 5 Fighter na laging nasa tamang tyempo ang pag-atake at pagtulong. Napabuntong-hininga si Marvin dahil wala na siyang ibang hihilingin pang maging kakampi.

Sinamantala nila ang hindi pag-iisip ng mga zombie at ginamitan ang maliit na butas ng wooden house, para mapadali ang kanilang pagtalo sa mga ito.

Tuloy-tuloy lang sa pagsugod ang mga zombie. Isa-isang namatay ang mga ito at nagbigay kay Marvin ng marami-raming experience.

Makalipas ang 20 minutos, nagkalat sa labas ng kwarto ang mga bangkay ng mga zombie. May kaunti pang natira dahil naharangan na ng ibang bangkay ang butas sa pader. Kaya lumabas agad si Marvin para patayin sila.

Kung susumahin ay nasa 29 na zombie ang kaniyang napatay na nagbigay naman sa kanya ng 856 na battle exp! Sapat na ito para makaabot siyang level 4.

Tuwang-tuwang binuksan ni Marvin ang menu at iniisip na napakamapagbigay ni Heiss dahil bukod sa mga kagamitang nakuha niya, nakakuha pa siya ng maraming exp dahil sa mga pinadala nitong mga tauhan.

Matapos ang pag-iisip, Napagdesisyunan niyang hindi niya gagamitin ang lahat ng exp na ito para umabot ng level 4.

Naisip niyang gagastos siya ng 800 exp para maging level 4 pero kaunting skill points, HP, at isang bonus attack damage lang ang makukuha niya rito. At kung tutuusin, alam niyang hindi pa naman niya kailangan ang mga ito.

Mayroon pang ibang maaring paggamitan ang kanyang battle exp.

[Spending 500 battle exp…]

[Cutthroat successfully learned]

Isang second rank Phantom Assassin skill ang lumitaw sa skill list ni Marvin.

[Cutthroat 46]

Hindi maaring gamitin ang skill point para mapa-angat ang isang personal skill. Aangat lang ito kapag patuloy na ginagamit. Dahil magaling na agad ang pag-Cutthroat ni Marvin, sa 46 na puntos agad siya nagsimula.

Alam niyang malaking bagay ang skill na ito sa Feinan's world kaya mas pinili niyang gawing skill ang ability na ito kesa magpataas ng level.

Magkaibang-magkaiba ang mga ordinary attacks at skill attacks!

Una sa lahat, kahit na kabisadong-kabisado ni Marvin ang paggamit Cuttthroat, maari siyang magkaroon ng aberya kung gagamitin niya ito bilang ordinary attack. At maaring mabago ang takbo ng isang labanan dahil sa aberyang iyon. Walang kahit anong aberya ang mangyayari kung gagamitin niya iyon bilang skill.

Isa pa, doble ang damage ng skill kesa sa ordinary attacks! Kaya habang tumataas ang skill points, mas tumataas rin ang damage. Kapag naman may maliit na halimaw na kalaban, pwedeng makapagdulot ng critical hit. Ngunit, kapag naman isang armored monster o monster na may regeneration, walang kwenta ang ordinary na Cutthroat.

Sa wakas nakuha na niya ang unang attack skill niya, ang Cutthroat!

Samahan pa ito ng [Sneak Attack] na isang 50 point Stealth effect. Nagawa niyang maging 4x ang damage ng isang basic attack!

Kilala ang Ranger na ito bilang jack of all trades dahil kaya niya ang kahit anong path. Subalit, nangangahulugan ito na sapat lang ang kaalaman niya sa bawat ability. At hindi makakapayag si Marvin na manatiling ganon. Bilang isang Legend level player, marami siyang alam na pamamaraan para lumakas pa siya.

Ang pagkakaroon ng isang makapangyarihang Ranger skill ang susunod na hakbang.

May likas na skills ang mga Ranger, kaso nga lang, lahat ng ito ay mga basic na abilidad. Ang mga malakas na skill ay dapat matutunan, ituro sa kanila, o mabasa nila sa isang uncommon skill book. Isang advance Phantom assassin skill ang Cutthroat na maari lang makuha sa skill book.

Kaya makakatipid sila ng kanilang skill point kapag nakahanap sila ng skill book, dahil pwede na nilang pataasin ang kanilang skill level gamit ito.

...

Nakamamangha ang pagbabago ni Marvin para kay Anna. Naging isang malakas Ranger na kayang pumatay ng isang zombie horde ang dating inosenteng bata na may mabuting puso. Hindi talaga ito kapani-paniwala.

Minsa'y nagtataka siya kung palabas lang ba ito ni Marvin. Pero sa pagkakakilala niya kay Marvin, naintindihan niyang nagbago ito dahil hindi siya maaring manatiling mahina.

Sadyang napagdesisyunan niya lang isang araw na gusto niyang lumakas.

'Hindi ko alam kung anong napanaginipan niya pero..' Pinanuod niya lang si Marvin habang ini-empake ang mga kagamitang nakuha nila, nang biglang-

"Isuot mo 'tong singsing."

-inabot ni Marvin ang singsing ni Heiss sa kanya.

"Para sa akin 'to?" Walang ibang masabi si Anna.

Ngumiti lang si Marvin at sinabing, "Oo naman, nararapat lang sa'yo 'yan. Hindi ko naman magagawa lahat ng 'to kung wala ka."

"Tsaka isa pa wala naman akong gaanong spells kaya hindi ko rin magagamit sa ngayon ang singsing ni Heiss. Eh ikaw, di ba may alam kang mga spell ng mga elf?

Tumango lang si Anna.

"Isuot mo na." Hinawakan ni Marvin ang kamay ni Anna at sinuot dito ang singsing ni Heiss.

Kahit na alam ni Anna na walang malisya ang ginawa ni Marvin, hindi pa rin niya napigilang bumulis ang tibok ng kanyang puso at mamula ang kanyang mga pisngi.

"Kayang mag-execute ng magic nito agad-agad. Mapapakinabangan natin 'to."

Hindi na pinansin ni Marvin ang mga bagay na iyon. Napatingin siya sa paligid at bumulong ng, "Umalis na tayo dito agad."

...

Sa East City, Sa Black Horn Eagle Inn.

Matapos bayaran ng malaki ang matabang matandang babae, sa wakas pumayag na itong papasukin ang dalawa.

Pagpasok ng kwarto, agad sinimulan ni Marvin ang pag-iimbentaryo ng mga nakuha nila.

Nakakagulat talaga ang kayamanan ng grave robber na iyon. Meron pa rin sila 378 na pilak matapos nilang magbayad ng malaki para sa kwartong tutuluyan nila.

Mula noong nagpunta sila sa siyudad, ngayon lang sila nagkaroon ng malaking pera para maging maayos ang kanilang pamumuhay.

At kung isasama pa ang halaga ng tatlong uncommon equipments, bawat isa sa mga iyon ay nagkakahalaga ng 1000 na pilak. Pero syempre, hindi ibebenta ni Marvin ang mga 'yon.

"Anong susunod nating gagawin, Master Marvin?"

Tila nabuhayan ng loob ang half-elf nang masilayan niya ang pag-asa dahil kay Marvin.

Matapos suriin ni Marvin ang mga alarm na naka-kabit sa mga bintana at pinto, agad na napahiga ito sa kama.

"Magpahinga ka na. Marami tayong gagawing paghahanda bukas."

"Tatapusin ko ang sinimulan ng Acheron Gang."

Next chapter