12 Masked Twin Blades

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa Pyroxene naglilibang ang mga low level na mga tao tuwing gabi.

Mahigpit na pinababantayan ni Diapheis ang sa mga specially trained na mga gangster.

Kailangan iwan ng lahat ng papasok sa mga bantay ang mga sandata nila. Sinisigurado naman ng mga miyembro ng Acheron ang kaligatasan ng mga papasok habang nasa loob sila.

Hindi na rin masama kung titingnan.

Bukod sa mga low level adventurers na walang pakialam sa nagaganap, sumusunod naman ang karamihan sa kanila sa patakaran. Habang makikita na lang sa kanal ang mga nangahas na lumabag dito.

Ang tanging kailangan lang gawin ng mga adventurer para makalabas ng buhay ay: Wag mong subukan ang mga naghahari sa lugar na ito.

Subalit, kailangan suwayin ito ni Marvin ngayong gabi.

Simple lang naman ang prinsipyo ni Marvin: wala akong gagawin sa kanila, kung wala silang ginawa sa akin. Sinubukan ng Acheron Gang na patayin siya kaya oras na para bumawi.

Handang-handa na si Marvin para sa gabing ito. Hawak niya ang Twin daggers, mayroon pa siyang dalawa pa sa kaniyang baywang kasama na ang reserba niyang curved dagger. Lima lang ang kaya niyang dalhin dahil maapektuhan na ang kanyang dexterity kapag masyadong marami.

Tinakpan niya ang kalahati ng mukha niya ng itim na bandana, hindi dahil gusto niyang itago ang mukha niya, kundi dahil alam niyang mas natatakot ang kalaban kapag hindi nila kilala kung sino ang kaaway nila.

Sisindakin niya ngayong gabi ang buong Acheron Gang sa sarili nilang teritoryo.

...

Hindi naging problema ang mga bantay ng Pyroxene dahil tulad ng ibang bar, mayroon rin itong kahinaan.

Ang kusina.

Nalaman niyang mayroong nagdadala ng mga prutas, gulay, alak, at kung ano-ano pa mula sa kusina papunta sa imbakan noong nagtanong-tanong na siya.

Nandoon ang pinakapabayang bantay.

Pagpatak ng 7:30 ng gabi dumating ang karitelang may dalang pagkain. Lumapit agad ang dalawang bantay para busisiin ang laman ng karitela.

Ginamit ni Marvin ang Stealth at agad na pumasok habang abala ang mga bantay.

Malansa ang amoy ng kusina, may dalawang kusinero ang tahimik na naghahanda ng pagkain.

May mahinang paghikbi ang nanggagaling sa isang sulok.

Sumimangot si Marvin.

Binubugbog ng dalawang miyembro ng Acheron Gang ang isang kaawa-awang batang babae!

Ang bata na nasa lima o anim na taong gulang pa lang ay hindi nagpapatinag. Hindi siya humhingi ng tawad o umiiyak habang binubugbog siya. Tangina paghikbi niya lamang ang maririnig.

"Patay na ang nanay mo! Pinag-iinit mo ang ulo ko! Putanginang bata ka, ang tigas ng ulo mo!"

Patuloy na minura ng payat na lalaki ang batang babae, "Ang kapal ng mukha mong humingi sa akin ng pera. Tama lang na mamatay siya sa sakit, dahil tanggap lang siya ng tanggap ng kung sino-sino."

"Manggagantso!" Galit na sigaw ng batang habang sinasabunutan, "Malaki ang kinikita niyo dahil sa kanya! Hindi pa siya patay! Kailangan ko lang ng pera para madala ko siya sa priest para pagalingin siya! Bigyan mo na ako ng pera!"

"Bumalik ka na sa nanay mo!" Sabi ng walang awang lalaki na sinampal pa ang bata.

Muntik nang himatayin ang bata dahil sa lakas ng sampal. Namamaga na ang mukha niya at may dugong lumalabas sa bandang mata niya.

"Bigyan mo na ko ng pera!" Walang pakialam ang batang babaeng kung mamatay siya. Patuloy lang siyang sumisigaw.

Nagkatinginan ang dalawang lalaki at sumenyas ang payat na lalaki sa kasama niya.

Alam ni Marvin na papatayin na nila ang bata.

Shng!

Shng!

Namumutla at takot na takot ang dalawang kusinero nang marinig ang pagbunot curved dagger.

"Wag kang mangialam dito! Wala kang alam!" Ika ng payat na lalaki.

Halos mamuti na ang kamay ng nakakabatang kusinero sa higpit ng hawak niya sa kanyang kutsilyo. Nag-ngalit ang kanyang mga ngipit at kita ang parehong takot at galit sa mga mata niya.

"Wag kang magpadalos-dalos." Sabi ng nakakatandang kusinero habang hinihila siya palayo. "Hindi natin kaya 'yan"

Biglang kinapitan ng payat na lalaking may hawak ng curved dagger ang balikat ng batang babae..

Wala siyang lakas para lumaban, pero tinitigan niya ang lalaki at ipinakitang hindi siya takot mamatay.

Nabalisa ang lalaki, tila nakakita siya ng isang multo.

"Mamatay ka na, putangina ka!" Sigaw ng lalaki.

At sa isang iglap.

Sumirit ang dugo sa mukha ng batang babae.

Bumagsak ang ulo ng lalaki sa sahig.

Biglang mayroong tao sa likuran niya.

[Cutthroat has been used successfully!]

[Sneak Attack bonus… Damage x2]

[Target dead! 22 battle exp acquired.]

Pareho sa super-skill na [Beheading] ng isang 3rd rank class [Outlaw of the Crimson Road] ang kinalabasan ng all-out attack ni Marvin na magkasamang Cutthroat at mga Stealth bonus!

Nagulat sa biglang paglitaw ni Marvin ang kasamahan ng payat na lalaki. Bubunot pa lang ito pero naunahan na siya at nahiwa na ni Marvin ang ulo niya.

Kawawa ang mga Human, sila ang pinaka mahina sa lahat ng nilalang. Kahit gaano nila ka-mahal ang buhay nila, kapag tinamaan na ang kritikal na bahagi ng katawan nila ay siguradong mamatay sila.

Agad na kumalat sa sahig ang utak ng kaawa-awang lalaki. Nangisay ang katawan hanggang sa tuluyang mamatay ito.

Takot na takot ang dalawang kusinero.

Hirap man ay pilit na tiningnan ng batang babae si Marvin.

Ang kanyang mga mata ay may malalim na may kakaibang kulay.

"Anong pangalan mo?" Tanong ni Mavin.

Tiningnan ng batang babae si Marvin ng walang takot at sinabing, "Isabelle."

"Ang gandang pangalan," ani ni Marvin.

"Tatay ko ang pumili non," sagot ni Isabelle.

"Bakit hindi ka na lang humingi ng tawad o tumakas noong binubugbog ka na nila?"

"Walang ibang paraan", sagot ng bata.

Wala na siyang magagawa bukod dito. Dahil kung hindi niya ito gagawin, mamatay ang kanyang ina. At mas gugustuhin niyang mamatay kesa hindi man lang subukan.

"Anong nangyari?"

Biglang pumasok sa kusina ang dalawang bantay na nagsiyasat ng karitela dahil naka-amoy sila ng dugo.

Agad na nagtago si Marvin sa mga istante.

Nagulantang sila dahil ang dalawang bangkay at ang batang babae lang sa sulok lang ang nakita nila. Ginamit ni Marvin ang blindspot ng dalawa para makalabas at tumalon ng mataas at sabay na pinatay ang dalawang bantay gamit ang twin blades niya.

Hindi man lang nasubukang bumunot ng mga bantay dahil sa bilis ni Marvin.

Eto ang kakila-kilabot na Two-Weapon Fighting! Kayang umatake ng magkasabay ang kanan at kaliwang kamay.

Mas lumakas ang amoy ng dugo sa loob ng kusina. Pero hindi ito probleman dahil iisipin ng mga tao sa loob ay dahil lang ito sa pagkatay ng baboy.

Habang pinagmamasdan ang madugong kaganapan, lumapit si Isabelle at tinanong, "Kalaban ka ba ng Acheron Gang?"

"Papatayin ko sila ngayong gabi," sagot ni Marvin.

Hindi niya binalewala ang bata dahil nakuha nito ang respeto ni Marvin.

"Kailangan mo ba ng guide?" Iika-ikang lumapit ang bata at sinabing, "Kilala ko ang lahat ng Acheron gang at kung ano ang ginawa nila."

"Nagtatago ang boss nila sa bodega sa likod, alam ko ng daan."

Natawa si Marvin at sinabing, "Matapang ka ah!"

Binigyan niya ito ng dagger pagkatapos.

"Hawakan mo muna 'yan. Pareho tayo ng pakay ngayong gabi."

May kakaibang naramdaman ang batang babae, huminga siya ng malalim at tinanong, "Pano natin gagawin? Assassination?"

"Hindi." Sinipa ni Marvin pabukas ang pinto hawak ang kanyang twin daggers at kalmadong sinabi, "Harap-harapan natin silang papatayin."

...

Basta umuusad ang plano ni Marvin, wala siyang balak magtago.

Kahit na doon siya magaling dati, pero hindi na siya Thief, Ranger na siya.

Kumapara sa mga skills niya dati, mas akma sa harapang labanan ang mga skills niya ngayon. Walang kahirap-hirap na tinapos ni Marvin ang mga gangsters, na walang ibang alam kundi ang magbantay, gamit ang kanyang blade skills at experience. At dahil level 3 na siya ngayon, 10 exp lang ang nakukuha niya sa bawat isang gangster.

Mga walang kwenta.

Pagkasipa ni Marvin sa pinto ng kusina, isang listong gangster ang agad na bumunot ng itak at sumugod.

Gang Swordsman – Level 3 – HP 78!

Sa kasamaang palad, walang sino man sa kanila ang may suot ng armor. At ang isang human HP na walang armor ay parang wala lang. Lalo para kay Marvin na experto sa pagpapamalas ng mabagsik na pag-atake.

Clang! Nagsalubong ang dalawang patalim, at kung ikukumpara mas mababa ang strength ni Marvin kesa sa kalaban niya.

Subalit, sa kaunting paggalaw niya, dumulas ang curved dagger niya pababa ng itak at biglang nahiwaang pulso ng gangster ng hindi inaasahan.

"Ah!"

Napatingin ang lahat dahil sa pagsigaw ng lalaki.

Biglang umingay ang bar at nagtayuan ang lahat ng tao!

Mukhang may naghahanap ng gulo at mukhang hindi rin siya basta-basta susuko.

Nagtakbuhan isa-isa ang mga bisita papunta sa kabilang panig ng bar at pinanuod ang nangyayari. Ka-aangat lang ng estado ng Acheron Gang, kaya siguradong may mga taong gusto silang hilahin pababa.

Napaisip sila kung anong gang kaya ang naglakas loob.

Ngunit nang makita nila na ang kalaban ay isang masked swordsman at isang batang babae lang, nadismaya sila.

"Mapangahas na adventurer lang pala"

"Dual wielding na Ranger. Mukhang magaling pero mag-isa lang siya.. Gusto ba niyang mamatay?"

"Ano kayang susunod na mangyayari?"

Malaki ang lamang ng Acheron dahil bukod sa teritoryo nila ito, mayroon din silang nasa higit sa 20 na malalakas na miyembro. Isama pa rito ang dalawang grupo na mayroong mga miyembro na may class, kaya naman malaki ang tiwala sa kanila ni Diapheis.

Para sa kanila, walang pag-asang manalo ang low-level adventurer.

Habang abalang mag-usap ang mga tao, tinapos na agad ni Marvin ang buhay ng kalaban niya.

Mabilis na nagtago ang batang babae para hindi maka-sagabal kay Marvin.

"Patayin niyo siya!" Sabi ng isa sa kanila.

Anim na magkaka-mukhang adventurer ang lumabas at pinalibutan si Marvin. Dalawang Thief, tatlong Swordsmen, at isang unknown na marahil ay isang rougue

Hindi na kailangan mag-Inspect ni Marvin, sapat na ang isang tingin.

Kahit sino ang tanungin, mahirap makipaglaban sa anim na kaaway, lalo pa at napapaligiran ka nila.

"Wala na, patay na 'to!" masayang sigaw ng isa sa mga tao.

Buong pwersang sumugod ang tatlong swordsmen.

Umismid lang si Marvin at tumakbo papunta sa bar counter at saka tumalon!

Tumalon siya sa mga pader.

Marami siyang nagagawa na hindi kadalasang nagagawa ng isang tao dahil sa 18 na puntos niyang dexterity.

'Sayang wala akong Anti-Gravity Steps, kung meron sana hindi na ako nahirapan ng ganito.'

Mayroong naisip si Marvin, mabilis siyang nagpalipat-lipat hanggang sa sinipa niya ang isa sa mga poste.

Dahil dun napunta siya sa likod ng isa sa mga Gang Swordsman.

Pinorma niya ang kanyang mga curved dagger parang gunting at umatake!

Itinaas ng gang Swordsman ang kanyang itak sa pagtatangkang harangin ang pag-atake.

Clang! Nagulat ang lahat dahil naputol ang itak at nahiwa ang kaliwang bahagi ng leeg ng swordsman.

"AHH!" Narinig sa buong bar ang mga sigawan. Walang awang sinaksak muli ni Marving ang swordsman.

"Punyeta!" Nagalit na ng tuluyang ang lima pang lalaki.

Walang alinlangang sumugod papalapit ang lima.

Tumama sa dalawang Gang swordsman ang sinipang lamesa ni Marvin.

Sa isang iglap, lumapit si Marvin sa isa sa mga Thief.

avataravatar
Next chapter