105 Chapter One Hundred Five

Miracle Samantha Perez

[The subscriber cannot be reached, please try your call again later.]

Naiinis na tiningnan ko ang screen ng aking cellphone. Nagbabakasakali na mali ako ng dinig. AAAAAARRRRGGGG! ANO BA, JARED?! Bakit ang isnabero mo ah?! Nakakainis ka na!

"Mommy, is Daddy coming with us?" inosenteng tanong sa'kin ni Angelo.

Naiinis ako sa Daddy mo, Angelo.

"No baby, he's busy yata," binuhat ko si Angelo at pinuntahan si Kuya Lee sa study room.

Aalis ako ngayon para mag-enroll sa bago kong school. Dapat kasama ko si Jared para sabay na kaming mag-enroll. Ano ba ang nagawa ko at ang cold niya bigla sa akin?! MAY NAGAWA BA AKO?!

Nagsimula 'yun nung dumating si Audrey sa ospital noon. Akala ko dahil kay Audrey kaya medyo lumalayo sa'kin si Red pero parang hindi naman. Kasi kahit wala si Audrey sa paligid ay hindi niya pa rin ako kinukulit!

May nagawa ba akong kasalanan?! Sinisisi niya na ba ako ngayon dahil nabaril siya?!! GALIT SIYA SA'KIN?!! BAKIIIIIIIIITTTTT??!!!!

Wala naman akong matandaan na dahilan para bigla siyang magalit sa akin. Ang tahimik na niya simula nang gumising siya nung araw na 'yon. Akala ko nga'y may sumpong lang siya nung araw na 'yon eh kasi dumating si Audrey pero hindi. WAAAAHHH!!

Nakaka-frustrate mag-isip! Ano ba talaga ang nagawa ko sa kanya?! Ayoko nang ganito! Hindi ako sanay!

"Kuya?" pumasok ako sa study room ni Kuya habang buhat si Angelo. "Iwan ko muna si Angelo dito ha?"

"O sige," inalis ni Kuya ang salamin niya. "Magba-bonding muna kami ni Saviel. Aalis ka na ba? Kasama mo ba ang fiancé mo?"

"Ah, hindi kuya eh. Napagod yata kaya magpapahinga na lang muna siguro 'yon," pagdadahilan ko.

Ayokong sabihin kay Kuya na hindi ako pinapansin ni Red. Hindi naman ako bata para magsumbong pa sa kanya.

"Okay Princess, ingat ka ha?" sabi ni Kuya.

"Oo, Kuya. Angelo, dito ka na lang muna ha? Mag-bonding muna kayo ni Kuya Lee."

"Yes, Mommy!"

Lumabas na ako ng study room. Humanda ka sa'king Jared ka! Pupuntahan kita sa condo mo at kakausapin mo ako sa ayaw at sa gusto mo! Kainis!

Jared Dela Cruz

Wala man lang pagkain sa ref. Shet! Kailangan ko pang bumaba para bumili ng makakain. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Eh ngayon ko lang uli napuntahan 'tong condo ko makalipas ang dalawang taon.

Kinuha ko 'yung wallet ko sa bag at ibinulsa ito. Mabuti na lang at may malapit na convenience store dito. Lumabas na ako ng condo unit ko at sumakay sa elevator para bumaba. Hanep, pati pala 'yung elevator namin nag-iba na. Ang dami na ring nagbago dito ah.

*DING!*

Bumukas ang elevator at lumabas na ako. Pagkalabas ko ng building ay nagulat ako nang may sumalubong sa akin na babae.

POTEK! Ano'ng ginagawa nito dito?

"Red, pwede 'ba tayong mag-usap?" tanong niya na may seryosong mukha.

Napalunok ako bigla.

"A-Ami? Kailan ka pa... Teka lang, di ba nasa Japan ka?!" gulat na sabi ko.

"Nauna akong umuwi, si Sweety na ang pumalit sa akin don. Pwede ba tayong mag-usap?"

Sasagot na sana ako nang may biglang tumulak sa kanya. "Kami nga muna sabi ni Pula ang mag-uusap eh. Ang kulit mo naman, Miss!"

"TAKTE!! ANO'NG GINAGAWA MO DITO?!" mas gulat na tanong ko.

Ngumisi siya sa'kin.

"Pula, mag-usap tayo!" hinigit niya 'yung kamay ko.

"Hoy Aril! Saan mo ako dadalhin? Tokwa! Nakakaalala ka na?! KAILAN PA?!"

"Mamaya ka na magtanong, sumama ka muna sa'kin!" sagot ni Aril.

May humawak sa isa ko pang kamay.

"Ako muna ang kakausapin niya! Ang layo pa nang pinanggalingan ko!" inis na sabi ni Ami kay Aril.

"Eh ano naman?! Bumalik ka na lang next time! Ako naman ang nauna dito eh!" sabi ni Aril.

Parehas na nila akong hinihila. Ah. Takte.

"Hindi pwede! Mahalaga ang pag-uusapan namin! Bitawan mo nga siya! Ano ka ba niya?" tanong ni Ami na mas hinigit ako.

"Mas mahalaga ang pag-uusapan namin ni Pula! At bakit din ba? Sino ka ba?!" tanong naman ni Aril na mas hinigit ang kamay ko.

"POTEK! Huwag nyo akong pag-agawan!" reklamo ko.

"Tumahimik ka nga, Pula! Ang yabang mo pa rin talaga kahit kailan!"

"Kung nayayabangan ka sa kanya, bitawan mo na siya!"

"Ayoko nga! Sa'kin siya sasama!"

"Mangarap ka, 'Ne! Sino ka ba?! Hindi ka naman mukhang papatulan ni Red 'no!"

"Hoy! Hindi dahil pinatulan ka niya eh pwede mo na akong maliitin, Ate!"

Tumawa si Ami. "Eh ano ba ang tingin mo sa sarili mo? Maliit ka naman talaga 'di ba? Magtapos ka muna sa high school bago ka lumapit kay Red!"

"Matagal na akong tapos ng high school 'no! Huwag mo ngang higitin si Pula!"

Patuloy pa rin sila sa paghihilahan sa akin. Bakit pa kasi bumaba ako para bumili ng pagkain? Eh mukhang hindi rin naman pala ako makakakain.

"Ikaw ang huwag humigit sa kanya! Ows? Tapos ka ng high school? Baka naman elementary?" ngumisi si Ami.

"HOY! Hindi dahil matanda ka eh hindi kita papatulan ha?! Sino ka ba?! Isa ka lang naman sa mga nilandi at nauto ni Pula eh! Huwag kang epal! Alis na! Chupi!"

Tsk! Delikado si Ami, sadista pa naman si Aril.

"Eh ano naman kung nilandi niya ako? Palibhasa ikaw, hinding hindi niya lalandiin!"

"Ano'ng hindi? Nilandi niya ako!"

ASDFJHGJKHL!!!!!

"HAHAHAHA!! So hindi ka na virgin?!" tanong ni Ami na may nang-uuyam na ngiti.

"A-Ano? V-Virgin pa ako!"

"Eh 'di hindi ka niya nilandi! Nilaro ka lang niya, appetizer ka lang! Ako, main course!"

Mga babae...

"WALA AKONG PAKIALAM KAHIT DESSERT KA PA NI PULA!! Alam ko naman na basta-basta na lang pumapatol si Pula sa mga babae! Hindi lang ikaw ang babae niya! Huwag kang mayabang!"

"Iba ang nagyayabang sa may ipinagyayabang, bata!"

"Che! Napagsawaan ka na ni Pula kaya umalis ka na! Lumayas ka na!"

"Hindi ikaw ang ipinunta ko rito kaya wala kang karapatan na palayasin ako! Hindi mo building 'to!"

"POTEK ANO BA?!!" sigaw ko.

Parehas silang nagulat at napabitaw sa kamay ko.

"HUWAG NIYO NGA AKONG GAWING LUBID SA LARO NIYO! PAKSYET NA 'YAN!! Kung ayaw niyong umalis, ako ang aalis!" naglakad na ako palayo sa kanila.

Pero hindi pa man ako nakakalayo ay may tumawag na naman sa pangalan ko.

"JARED DELA CRUZ!!" may humarang sa daan ko.

Nakalagay ang dalawang kamay niya sa kanyang bewang at galit na nakatingin sa akin.

Syeeeeeeet naman. Bakit ngayon pa?

"Mag-uusap tayo!" sabi ni Samantha sabay hila sa kamay ko.

Oh shit! Mas malala pa 'to sa dalawa.

avataravatar
Next chapter