webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
213 Chs

Chapter One Hundred Four

Audrey Dela Cruz

One Week Later...

Nakabalik na rin sa bahay! Nakakapagod ang byahe! Ang layo pa naman ng Mindanao, my God!

"Welcome back, Miss Audrey," salubong sa'kin ng mga katiwala namin sa bahay.

"Mmm..." nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.

Pagod na talaga ako. Hindi ko kasama si Kuya dahil sa condo niya siya umuwi. Kawawa naman ang kuya ko. Hahaha! Sinabihan ko na siya dati na huwag mahuhulog, ang tigas ng ulo.

Si Sam naman, ang sarap niyang saktan. Gusto ko na nga siyang batukan eh. Ang stupid niya kasi, nai-in love na sa kanya ang kuya ko tapos ayaw pa niyang lumayo. Hindi pa makaramdam. Napaka-stupid. O dahil sa dami ng pain reliever kaya manhid na 'yun?

Whatever!

Kinakarma na tuloy si Kuya dahil sa kanya. Ang dami niya kasing mga virgins na pinaiyak noon dahil ni-reject niya. Gross! Bakit ba naisip ko pa ang fetish ni Kuya sa mga whores? Yuck! Ayoko kay Sam. Hindi sa galit ako sa kanya, ayoko lang siya para sa kapatid ko.

For what reason did I gave up TOP kung sila rin pala ni Kuya? Hindi sa interesado pa ako kay TOP. Crush ko lang naman siya noon pero wala na 'yun ngayon dahil dumating 'yung pangit na lalaking sumira sa panata ko na hindi muna ako magbo-boyfriend hangga't hindi pa ako tapos ng college.

Speaking of that pangit, nakikipaglandian na naman kaya 'yon sa EX niya? Lecheng 'yun, sana pala nagkaron din ako ng EX para malandi ko rin sa harapan niya. Para malaman niya kung ano ang feeling.

Umakyat na ako ng hagdan at pumunta sa kwarto ko. Pinihit ko na ang knob at binuksan ang pinto. Nagulat ako sa nadatnan ko. Ano'ng nangyari sa kwarto ko?

"YAYAAAA!!!" sigaw ko.

Nakarinig ako ng mabilis at mabigat na yabag.

"Diyos kong bata ito, bakit?" hinihingal na tumigil si Yaya sa gilid ko.

Agad kong tinuro 'yung loob ng kwarto ko.

"Kailan pa naging flower shop ang kwarto ko?!!"

Sinilip ni Yaya ang kwarto ko at ngumiti siya.

"Ahhh. Galing 'yan sa nobyo mo, hija," humagikgik si Yaya na parang kinikilig na teenager.

'Yung pangit na 'yon, akala niya madadaan niya ako sa mga bulaklak niya?

"Napaka-sweet na bata ng nobyo mo. Hindi lang gwapo, mabait pa," sabi ni Yaya.

"Yeah right!" pumasok na ako sa kwarto kong punong puno ng vase na may mga pink roses at tulips.

Napatingin naman ako sa aking kama. May tatlong lifesize teddy bears na nakaupo don. Isang light blue, isang white at isang pink. Lahat sila may hawak na heart na kulay pula at may nakasulat na 'I', 'Love' at 'You' sa bawat isa.

Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako.

"May sinabi ba siya?" tanong ko.

"Wala naman, hija. Pero bilin niya sa amin na tawagan siya kapag nakauwi ka na. Araw-araw na nandito 'yon tapos tumatawag naman sa gabi. Araw-araw na may dala-dalang bulaklak kaya ayan, napuno na ang kwarto mo," kwento ni Yaya.

"Huwag nyong sasabihin sa kanya na nandito na ako, okay 'Ya?"

"Eh. Bakit hija, nag-away ba kayo?"

"Hindi 'Ya, basta pupuntahan ko na lang siya mamaya," sagot ko sa kanya.

"Ahhh. Sige, hija," nakangiting sagot ni Yaya.

"Sige na 'Ya, magpapahinga muna ako," sabi ko at tinabihan ang tatlong oso sa kama ko.

***Lucky Thirteen

"Kamusta na kaya si Pinuno?" tanong ni Mond habang nakatingin sa baraha niya.

"Ang balita ko eh matatagalan pa ng uwi sabi ni Sweety. Six! Kuha ka nga ng beer!" utos ni Jun sa kaibigan.

"G*go! Condo namin 'to tapos ako pa ang kukuha? Tumabi ka nga diyan, Kyo. Ano'ng nangyayari sa iyo?" usisa ni Six sa kaibigan na si Kyo.

"Wala, kukuha lang ako ng beer," matamlay na sagot ni Kyo saka tumayo at pumunta sa kusina.

"Tinamaan talaga siya sa Renesmee na 'yun," saad ni Pip sabay tapon ng baraha sa mesa.

"Brokenhearted ang loko. Hanggang kailan ba 'yan magpapaka-g*go sa iisang babae? Tagal na, ayaw pa mag-move on. Oy Alvince! Ang tagal ng tapon mo!" sigaw ni Jack.

"Saglit," tipid na sagot ni Vin sabay tapon ng baraha sa mesa.

"Ayos ka 'tol! Hindi mo pa kasi nararanasan eh!" sabi ni Seven kay Jack at saka kumuha ng baraha sa mesa.

"Lul! Sino ba ang gugustuhing maging miserable katulad niyang si Kyo? Isa pa 'yang si gag*ng Red, parang may balak pa atang maki-agaw ng syota at dadalihin pa yata si Samantha," saad ni Jack.

"Haha! Subukan niya lang, patay 'yon kay Pinuno. Pusanggala ka, Jack. Ang panget ng barahang tinapon mo! Wala ka talagang kwenta," inis na kumento ni Sun.

"Nagreklamo pa, 'yung tapon mo! Puro ka reklamo magpa-araw ka na lang!" sagot ni Jack.

"Pakchu!"

"Ang panget ng mura mo," puna ni Jack kay Sun.

"Bawal daw ang malutong sabi ni Manager," paliwanag ni Sun sa kaibigan at muling tinitigan ang baraha.

"Alam naman nating lahat ang third rule. At mas lalong alam 'yun ni Red. Hoy Seven, ang tagal mong tumira!" ani Dos.

"Lintek! 'Wag mo akong madaliin. Tabi nga Jun, puro ka selfie! Huwag mo 'kong siksikin sa posing mo!" reklamo ni Seven.

"G*go! Ayaw niyo pa kasing bumili ng sofa. Kuripot niyo talagang kambal. Kyo! 'Yung beer asan na?" tawag ni Jun sa nawawalang kaibigan.

Bumalik si Kyo dala ang isa pang case ng beer.

"Paksyet! Papakalasing ka talaga, Kyo?" puna ni Jack nang makita ang dala ni Kyo.

"Manahimik ka na lang, tularan mo si Vin," walang emosyon na sabi ni Kyo.

Dumaan si Aril.

"Kuya, alis ako ha?" paalam ni Aril sa mga kapatid.

"Ge! Ingat.... sila sa'yo," saad ni Six na 'di nilingon ang kapatid.

Umalis na si Aril.

"'Yun na ba si Aril?" tanong ni Mond.

"Oo, nag-dalaga na ang kapatid namin," sagot ni Seven.

"Chikababes na din pala ang kapatid mo. Hahaha! Dati sinasamahan ka pa namin bumili ng bra at panty nun ah. Hahaha!" tawa ni Jack.

"Hoy. Tantanan mo si Aril. 'Di ba may Maggie ka na, Jackson?" saway ni Seven sa kaibigan.

"JACQUES. As in J-A-C-Q-U-E-S. Hindi Jackson. Si Maggie babes ba?" tanong ni Jack na ngumiti nang malapad.

"Pare, 'wag ka ngang ngumiti diyan. Para kang aso," puna ni Kyo sabay tungga ng beer.

"Bitter ka lang, Pre!" asar ni Dos.

"Luma-love life ka na din, Jacques? Siya ba 'yung kaibigan ni Samantha?" tanong ni Sun.

"G*go! Hindi pa kami. Si Philip ang luma-love life. Sila na nung kapatid ni Maggie," kwento ni Jack.

"Magaganda naman 'yung kaibigan ni Samantha. Mga chikababes din, baliw nga lang," puna ni Dos.

"Tukneneng! Sino'ng baliw pare?" tanong ni Pip sabay tingin ng masama sa kaibigan.

"Chill ka lang dude. Hahaha! Magtapon ka na ng baraha," utos ni Sun.

"Punyemas, ano ba. Huwag mo sabi akong siksikin, Jun!" reklamo ni Seven.

"AHHHHHHHHH!!!"

*BLAAAGG!!*

Tuluyan ng nasira ang sofa.

"G*go kayo! Sinira niyo 'yung magandang sofa namin. Bayaran niyo 'yan," inis na sabi ni Six.

"Makaalis na nga. May ihahanda pa akong surprise sa babypie ko," biglang tayo ni Pip at naglakad patungo sa pintuan.

"Sama ako! May hinahanda din ako para kay Maggie babes," sumunod si Jack.

"Hoy! Sama din ako diyan!"

"Ako din!"

"Teka lang!"

"Huwag niyo 'kong iwan. Mambababae lang kayo."

Wala namang imik na sumunod din sa mga kaibigan si Vin.

At bigla na lang silang nagsialisan.

"G*go talaga ang mga 'yun. Ang kukuripot," kunot-noong sabi ni Six.

"Kailangan na talaga nating bumili ng sofa," saad ni Seven habang nakatingin sa sofa nilang nasira.

"Hoy Kyo! 'Di ka pa ba uuwi?" usisa ni Six

"Hayaan mo na 'yan," naaawang tiningnan ni Seven ang heartbroken na kaibigan habang patuloy sa pag-inom ng beer.

Tiningnan nila si Kyo na nakatingin sa beer na hawak niya.

"Ungas ka, Sol! Mas matangkad naman ako sa'yo. Hik! Panis din 'yang buhok mo! Mukhang manok. Hik!" saad ni Kyo na muling tinungga ang beer na hawak niya.

"Sino si Sol?" tanong ni Six sa kapatid.

"Pangalan ata nung beer?" sagot naman ni Seven sa kapatid.