106 Chapter One Hundred Six

Miracle Samantha Perez

"JARED DELA CRUZ!!" agad kong hinarang ko si Red nang makita ko siya. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa aking bewang habang tinitingnan siya ng matalim.

Mukha siyang nagulat. Hindi siguro niya inaasahan na pupuntahan ko siya. Hmph! Hindi ka makakatakas sa'kin ngayon, Jared! Maghalo man ang balat sa tinalupan, mag-uusap tayo sa ayaw o sa gusto mo.

"Mag-uusap tayo!" hinila ko ang kamay niya.

Nagpahila naman siya sa'kin. Good! Akala ko ay tatakbuhan niya ako eh. Wait. Bakit ang pula ng dalawang braso niya? Parang may bakat ng mga kamay?

"Sandali lang! Saan mo siya dadalhin ha?" may maliit na babaeng humarang sa daan ko.

Ehh. Pamilyar 'yung mukha niya. Pero wala akong panahon para kilalanin siya dahil kailangan kong kausapin si Red para alamin kung ano'ng problema niya sa'kin.

"Dadalhin ko siya sa malayo, bakit?"

Wala talaga ako sa mood makipag-usap sa kahit na sino. Nagmamadali ako. Gusto ko nang puntahan 'yung bago kong school. Mag-eenroll pa ako.

"Hindi pwede!" sabi nung babaeng maliit.

"At bakit naman hindi?" tanong ko.

Sino ba 'tong batang 'to? Kailangan ba niya ng barya? Pero matagal pa ang Pasko ah.

"Teka, kakausapin ko rin siya!" may humarang na isa pa.

Nagulat ako nang makita ko si Ami.

"Ami?!" Bakit siya nandito?

"Bumalik na ako galing sa Japan. Hindi na kasi kailangan ng nurse ni Sir Timothy," paliwanag niya bago pa ako makapagtanong sa kanya.

"Sino na ang kasama niya don?" tanong ko.

"Si Sweety, 'yung kambal niya. Pumunta lang ako dito para kausapin siya," turo niya kay Red.

Napalingon ako kay Jared na hindi na maipinta ang mukha. Mukhang naiirita siya. Bigla kong naalala 'yung nangyari noon sa beach house, 'yung sinabi sa'kin ni Red na hindi siya sigurado kung na-pop the cherry niya si Ami. Term na ginamit ni Red para sa pag-deflower.

Hindi kaya… Napatingin ako sa tiyan ni Ami. Kapag ba may one month na eh lumalaki na ang tiyan kapag buntis? HALAAAAAA!! Baka buntis si Ami?!

"Ako muna ang dapat kumausap sa kanya bago mo siya kausapin!" singit ng bata.

Nandito pa nga pala siya. Binuksan ko shoulder bag ko at kumuha ng pera don. Baka kailangan niya ng pera kaya siya nandito.

"Oh eto bata, pambili mo ng pagkain mo," sabi ko sa babae at inabutan siya ng five hundred peso bill.

Nanlaki naman ang mga mata niya. Nagulat ba siya kasi malaki 'yung perang ibinibigay ko sa kanya? Wala pa 'yan, barya lang 'yan eh.

"HINDI AKO PULUBI, MANANG!!" sagot nung bata sa akin.

Ah! Ang lakas ng sigaw niya!

"Sino'ng tinatawag mong Manang? Ang batang 'to! Saan ka bang elementary school nag-aaral?" tanong ko.

"AHAHAHAHAHA!!" tawa ni Ami.

"Magkasing edad lang tayo!" sagot nung bata.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, 18 years old na rin ba siya?!

"Ows? 'Di nga?" tanong ko. Pinaglololoko yata ako nito eh.

"HOY! PULA! HUWAG KANG NGUMITI DIYAN! ANG PANGIT MO!!" tinuro niya si Red na nasa likod ko.

Napalingon ako kay Red na nakangisi na pala.

"ANG PANGIT MO NA NGA, ANG PANGIT PA NG TASTE MO SA MGA BABAE MO!!" tiningnan ako nung bata tapos tumingin din siya kay Ami.

"HAAAAAA?" Ano daw ang sabi niya? Parang naningkit bigla ang mata ko sa sinabi niya ah.

Pangit? Pangit? Ako? Pwede ko ba siyang batukan? One time lang. Ay huwag na pala, child abuse.

"Ikaw siguro 'yung bago niyang girlfriend?" tanong niya sa'kin. "'Di ka na rin ba virgin?"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Sino ba 'tong batang 'to?

"Red, sino ba 'tong batang 'to? Bakit ganito siya mag-salita? May sex education na rin ba sa elementary? Akala ko sa high school pa 'yun."

At nagulat naman ako sa sagot niya.

"Si Aril, kapatid nina Six at Seven," kibit-balikat na sagot niya.

Oh. So ito pala si Aril. Siya 'yung nasa Bora. Kaya pala pamilyar.

"Eh bakit ka niya hinahabol?" tanong ko kay Red.

Hindi naman niya sinagot 'yung tanong.

"Excuse me! Hindi ko siya hinahabol 'no!! Gawin ko pang pink 'yang mahangin na Pula na 'yan eh!" nag-cross arms pa siya habang nakasimangot.

"Umuwi ka na nga kung wala ka naman pa lang pakay sa kanya! Mahalaga ang pag-uusapan namin ni Red," sabat ni Ami.

"Ako ang nauna dito kaya ako muna ang dapat niyang kausapin!"

"Galing pa ako ng Japan at umuwi lang ako para kausapin siya! At hindi ito restaurant na first come, first served!"

"Eh bakit kanina may main course ka pang sinasabi?"

"Pwede bang next time niyo na lang siya kausapin? May pupuntahan pa kasi kami ni Jared eh," paliwanag ko.

Mag-eenroll pa ako.

"Pumila ka!" sigaw ni Aril sa'kin.

Pila? Libreng bigas ba ito at kailangang pumila?

"Pumila ka mag-isa mo, 'Ne! Ano 'to elementary, highschool? May pila?" sabi ni Ami habang hinihigit 'yung isang kamay ni Red.

Biglang tinabig ni Aril 'yung kamay kong nakahawak sa kamay ni Red.

"Bakit? Sa college din naman may pila ah!" hinigit ni Aril 'yung kamay ni Red.

Para silang naglalaro ng Tug of War.

"Ah takte naman! Eto na naman tayo," reklamo ni Red.

Wala akong ibang nagawa kung hindi panoorin na lang sila. Natatakot akong sumali. Kaya pala namumula ang dalawang braso ni Red at may handprint pa!

"Bitawan mo siya!" utos ni Aril kay Ami.

"Ikaw ang bumitaw!"

"Huwag kang madaya! Akin siya!"

"Akala ko ba ayaw mo sa kanya? Ibigay mo na lang siya sa'kin!"

"Ang ibig kong sabihin ay ako ang unang kakausap sa kanya!"

"Palusot ka pa! Gusto mo lang maging main course eh!"

"H-Hindi 'no! Kadiri!"

"Ang kulit mo bata! Hindi ka sabi niya papatulan!"

"Hindi ako interesado!"

Nakaramdam ako ng matinding awa para kay Red. Aalis na nga lang ako. Mukhang wala akong makakasama sa pag-enroll ko. Ang Crazy Trios kasi naiwan pa sa Mindanao dahil inatake sa puso ang Lola nila nung nalaman na na-kidnap kami. Hinihintay pa nila itong gumaling.

Ayoko namang umasa pa na sasamahan ako ni Audrey. Ni hindi ko nga alam kung bati na sila ng boyfriend niya eh.

WAAAAAAAAA!! Ang LONER ko!

*SSSHHHRRRRAAAAAKKKK!!*

Ano'ng tunog 'yun? Parang may napunit na kung ano. Bigla naman akong napatingin dun sa tatlo, tumahimik na kasi ang paligid. Mas lalong nanlaki ang mata ko nang.... nang tumambad sa harapan ko ang hubad na katawan ni Red.

Hawak naman nina Ami at Aril sa kamay nila ang kung anumang natira sa damit ni Red. Mukhang napunit nila 'yung damit ni Red.

"KYAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!"

Biglang umingay ang paligid at nagsulputan ang mga babae sa kung saan-saang direksyon. May mga hawak silang cellphones at tinapat kay Red.

*FLASH!!*

"CLICK!!"

"KYAAA! Sinasabi ko na nga ba't si Red siya eh! Nakita ko na 'yung tattoo niya!!"

"Oo nga! Super!! Ang gwapo niya! Mas gwapo siya ngayon! KYAAAA!!"

"Sa wakas, bumalik na rin ang Prince ko!! KYAAAAA!!!"

"Nagbalik na siya to sweep me off my feet!! KYAAAAAA!!"

"KYAAAAAAAAAAAAAA!!!!"

T-Teka lang, sino ba ang mga ito? Mga babae ni Red?!

"Paano ba 'yan girls?! Umpisahan na ang pagpila para sa kanya!! KYAAA!!"

At muntik nang magkaron ng stampede dahil sobrang daming babae ang tumakbo para malapitan si Red.

OH MY GOSSSHHH!! Kapag hindi ako umalis dito eh baka matapakan nila ako! Ayokong masama sa stampede! Para silang mga shopaholics na sumugod sa isang store na may SALE! Nakakatakot sila! May humigit sa kamay ko at tumakbo kami.

Nakita ko na lang ang hubad na likod ni Red sa harapan ko. Nakikita ko rin 'yung tattoo sa likod niya. Hawak niya nang mahigpit ang kamay ko habang tumakbo kami palayo.

"KYAAAAAAAAA!! RED!!!!"

"HABULIN SIYAAAA!!!"

"KYAAAAAAA!! PRINCE RED, WAIT LANG!!!!"

Lumingon ako at nakita kong ang dami pa rin nilang humahabol sa'min. WAAAAAAAAA! Hindi ko alam na ang dami pa lang babae ni Red!! WAAAAAAAAAAH!!

Para kaming sumali sa marathon.

Tumakbo kami sa kung saan-saan. 'Yung mga nakakasalubong namin sa daan, kusa nang umiiwas dahil parang may ambulansya na sumisigaw ng 'kyaaaa' sa likod namin.

ANO BA?!! BAKIT NILA KAMI HINAHABOL?! Lumiko kami sa isang kanto, takbo, liko, takbo. Ang layo na ng natatakbo namin pero nakasunod pa rin sila. Naririnig ko pa rin 'yung sigaw nilang 'KYAAAA'.

Si Red? Nakahubad pa rin siya, ayos lang kaya na tumatakbo siyang nakahubad kasi pati 'yung mga nasasalubong namin, parang sumasama na sa paghabol sa amin eh. Buti na lang naka-flats ako. Kung nag-heels ako, siguradong dumudugo na ang paa ko.

Pumasok kami sa isang palengke. Dun kami tumakbo, hindi ko alam kung bakit. Hinihila lang kasi ako ni Red. Tumakbo lang kami sa loob at nagpaliko-liko kami sa mga masisikip na lugar. Para ngang may shooting ng pelikula eh.

Hanggang sa nakarating kami sa mga nagtitinda ng damit. Nagtago kami don, hinihingal na kami pareho.

"Sh*t.." bulong niya.

"NASAAN NA SILA?!!!"

Agad akong niyakap ni Red at umupo kami sa isang sulok na puro damit. Waaaaa! 'Yung pisngi ko, nasa dibdib niya. Nakadikit 'yung pisngi ko sa hubad niyang dibdib. Ang init.

"WALA RITO!!!"

"NASA'N NA SILA?!!"

"PRINCE RED!!!"

"RED KOOOO!!"

"AYUN, MAY NAKAHUBAD!!"

"SUNDAN 'YON!!"

"KYAAAAAAA!!! RED, WAIT FOR US!!!"

At unti-unting nawala ang sigawan hanggang sa tumahimik na ang paligid. Wala na sila.

Tatayo na sana ako nang higitin ako ni Red.

"Sandali, nandyan pa sila..." bulong ni Red at hinigpitan niya 'yung pagkakayakap niya sa akin.

Napadikit tuloy lalo 'yung mukha ko dibdib niya. Naririnig ko rin ang lakas ng tibok ng puso niya.

"Wala na yata sila eh..." bulong ko.

Hindi pa rin niya ako pinapakawalan. Nakasiksik pa rin ako sa dibdib niya.

"Nandyan pa sila.." sagot ni Red.

Pero kasi, 'yung posisyon namin... at habang tumatagal, ang dami kong napapansin sa katawan niya. Yung dibdib niya... ang tigas. Tapos 'yung biceps niya, ang laki. 'Yung abs niya na marami. 'Yung makinis at maputi niyang balat na talo pa 'yung sa akin.

Naiinggit ako sa balat niya, ang smooth pero matigas. WAAAAAA!!! Nagkakasala na ang mga mata ko.

Itinulak ko siya at pagkatapos ay tumayo na ako. Hawak ko 'yung dibdib ko sa tapat ng aking puso, ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil 'yon sa pagtakbo namin o dahil sa...

Napatingin ako kay Red na nagbibihis na pala. Isinuot niya 'yung isa sa mga t-shirt na nasa pinagtataguan namin. Parang bangketa 'yun ng mga damit.

"Manang, magkano po 'to?" tanong ni Red sa nagtitinda.

"Ah hijo tupipti lang 'yan," sabi nung ale na nakasaksi sa hubad na katawan ni Red. Mukhang pati siya ay namangha sa katawan ni Jared.

Pati 'yung matandang babae ay affected sa nakita niya. Dinukot ni Red 'yung kanyang wallet sa bulsa na nasa likod ng pantalon niya. Kumuha siya ng 300 at ibinigay niya iyon dun sa nagtitinda.

"Keep the change na po," sabi ni Red at nauna na itong naglakad.

Aba't!! Iniwan ako?!

"Teka! Hintay!" sumunod ako sa kanya.

Ano ba 'yan? Mag-eenroll lang dapat ako. Bakit ba ako napapunta dito at napasali sa marathon?

Sinabayan ko si Red sa paglakad niya.

"Tsk! Gutom na 'ko, dapat bibili lang ako ng pagkain eh. Tss!" rinig kong bulong niya.

Tahimik lang ako na sumasabay sa kanya. Ganito pala ang hitsura ng palengke, ang daming tinda at ang mura pa. Ang daming DVD. 3 for P100? Bakit ang mura nun?

"Ugh!" may bumunggo sa balikat ko.

Napatingin ako dun sa dumaan, napansin ko na makipot lang 'yung daan kaya nagkakabungguan ang mga tao. Dapat pala, mag-ingat ako. Hindi ako sanay sa palengke.

"Tsk!" kinuha ni Red 'yung kamay ko. "Sa likod lang kita, humawak ka sa'kin at baka mawala ka pa."

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong namula. Eh kasi ang cold niya sa'kin. Pero na-realize ko na nag-aalala pa rin siya para sa akin kahit na medyo may pagka-cold nga ang treatment niya sa akin ngayon. Kahit na binibigyan niya ako ng cold shoulder, hindi pa rin niya ako iniiwan.

Napangiti ako at gumaan ang pakiramdam ko. Hinawakan ko na lang ng mahigpit 'yung kamay niya at sinundan ko na lang kungsaan man siya pupunta. Para na siguro akong baliw dito kasi ang lapad ng ngiti ko. Bakit kaya ang saya ko ngayon?

avataravatar
Next chapter