webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
213 Chs

Chapter Fifteen

AUDREY DELA CRUZ

Naranasan nyo na bang magkaron ng isang pangit na stalker?

Bilang isang babae, ano ang mararamdaman nyo kung may palaging nakasunod sa inyo na isang pangit na lalaki?

Isang maitim, tadtad ng pimples at buhok bao na lalaki na sobrang baduy kung pumorma?

Syempre wala ni isa man sa atin ang gustong magkaron ng ganitong klase ng stalker.

Higit pa roon, kung ang pangit na lalaking 'yon ang dahilan kung bakit ka palaging laman ng usapan ng mga chismosa sa hallway ng school nyo.

Stalker?

Hindi ba dapat kung stalker ang isang tao, nagtatago sya at misteryoso?

Pero bakit yung stalker ko bulgar?

Hindi ba sya nahihiya sa mga ginagawa nya?

Ang pangit na nga nya, ang weirdo pa.

My name is Audrey Dela Cruz and I'm 18 years old.

At sa edad na ito, naranasan ko'ng magkaron ng isang...

Pangit na stalker.

***

"Audrey! May nagpapabigay sa'yo ng rose oh!" sigaw ni Maggie habang natakbo sa hallway palapit sa'min ng kapatid nya.

Napatigil ako sa pagbubukas ng locker ko. Nagtinginan lahat ng nasa hallway sa direksyon ko. Walangya ka Maggie ipapatapon kita sa San Juanico Bridge eh, napaka-ingay!

"Kanino galing?" tanong ni China na katabi ko.

Nakalapit sa'min si Maggie na may sobrang lapad na ngiti.

"Kanino pa ba?" inabot nya sa'kin ang pink na rose. "Oh, pinapabigay ng admirer mo."

"Nice naman Audrey, lumalandi!! Hahahaha!!" tawa ni China.

Isa pa 'tong baliw! Buti wala yung isa.

"Ang pangit na lalaking 'yon!" padabog kong isinara ang locker ko.

"Nasa library sya, nakita ko na hinahanap nya yung libro na isinauli mo kanina," kwento pa ni Maggie.

"Wow, stalker much ah," nakangiting sabi ni China na parang tuwang tuwa pa.

"Swerte ni Audrey sa stalker nya," sabi pa ni Maggie.

"Bakit naman?" tanong ni China sa kapatid nyang baliw.

"Mayaman eh."

"Mayaman?"

"Mayaman sa pimples!" malakas na sagot ni Maggie.

"WAAAAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" tawa nilang dalawa at pati na rin ang mga chismosa na nakikinig.

Baka kung ano pa ang magawa ko kaya umalis nalang ako at iniwan sila. Kumukulo ang dugo ko sa pangit na 'yon. Bakit ba kasi sa'kin pa nagkagusto 'yon? Lagi tuloy akong inaasar ng mga baliw na 'yon! Sinusumpa ko ibabalik ko ang tatlong 'yon kay Samantha! Nakapagtataka nga eh, simula nang mawala si Samantha, sa'kin na dumikit ang mga baliw na babaeng 'yon! Kaasar! Habang naglalakad ang dami na naman nakatingin sa'kin. Problema nila? Ngayon lang sila nakakita ng ganito kaganda?

"Hey Audrey, free ka ba sa saturday?" tanong ng lalaking hindi ko naman kilala.

"Kailan pa nagging free ang isang Dyosa? Hampaslupa!" sagot ko nang hindi tumitingin at iniwan ko sya.

"Audrey paturo naman sa Math Plus oh," may isa na naman lalaking sumunod sa akin.

"Punyeta! Mukha ba akong nagtatrabaho sa school na 'to? Layas!" iniwan ko sya.

"Hi Audrey, ganda mo ngayon ah..." may isa na naman lalaki.

Tinignan ko sya sandali. Mukha naman syang nasiyahan. "Is that an insult? I'm always beautiful!" singhal ko sa lalaki. "Saan nagtatrabaho ang mga magulang mo?"

Natakot naman sya at tumakbo palayo. Mga walang kwentang lalaki! Hindi ba nila nakikita na may importante akong misyon ngayon? Papatayin ko na talaga ang pangit na 'yon eh! Kung nandito lang kasi sana ang kapatid kong babero eh di sana wala akong problema. Ang kaso asan sya? Ayon! Kasama ang fiancee nya! Aist!

Nakarating din ako sa library. Hinanap ko kagad ang panget na 'yon. Kakaasar 'yon ah.

"Si Romeo ba ang hinahanap mo?" tanong ng babaeng naka-duty sa library bilang assistant.

"Oo," sagot ko. "Nasan sya?"

"Nasa aisle 15 sya."

"Lunyeta Park! Nakita na siguro nya yung libro!" bulong ko.

"Ano?" tanong nya.

Naglakad na ako papunta sa panget na 'yon. Nakita ko sya, talagang sa dulo ng library pa sya tumambay. Naka-upo sya sa sahig at nakasandal sa book shelf. Nagcoconcentrate sya sa binabasa nya. Hindi nya ako nakitang lumapit. Sinipa ko ang paa nya.

"Hoy ugly!" tawag ko.

"H-Hi Audrey."

Ang sobrang LAPAAAAD ng ngiti nya sa'kin. Ni hindi man lang sya natatakot sa'kin! Mas lalo tuloy akong naaasar!

"Bakit mo hawak 'yan?!" turo ko sa libro.

"A-Ah ito?" tinignan nya ang libro na hawak nya at muling tumingala sa'kin. "Binabasa ko, ang ganda nga eh," naka-ngiti parin nyang sagot.

"Alam kong maganda 'yan, kakatapos ko lang nyan kahapon."

Nagkunwari syang nagulat. The fudge?

"T-Talaga? Kung ganon parehas tayo ng interest sa mga libro," tumayo sya at pinagpagan ang damit kahit wala naman dumi.

Humarap sya sa'kin at ngumiti na naman. Bakit ba sya ngiti nang ngiti sa'kin. Niloloko nya ba ako?

"Baka naman marami pa tayong same interest sa mga bagay?"

"Ano'ng same interest? Nagpapatawa ka ba?" tanong ko. "Sa mga simpleng skin products pa nga lang magkaiba na tayo. Tignan mo nga, ang pangit pangit mo."

Ako naman ngayon ang tumingala sa kanya. Matangkad kasi ang pangit na 'to eh, kasing tangkad ni kuya.

"Ikaw talaga Honey! Concerned ka pala sa balat ko." Kinurot nya ako bigla sa pisngi.

HONEY? LU-NYE-TA PARK! Malakas ko syang hinampas sa ulo.

"Aray ko naman Honey!" daing nya habang nakakamot sa likod ng ulo nya.

"Hwag mo nga akong mahawak-hawakan pangit!" singhal ko sa kanya. Nakakadiri! Malay ko ba kung saan nya ihinawak ang kamay nyang 'yon!

"Ang sweet mo talaga sa'kin Honey, kaya mahal na mahal kita eh!"

Bwiset. Ano raw? Inilahad ko ang isang kamay ko habang ang isa naman ay nasa bewang ko.

"Ibigay mo na sa'kin ang libro!" hinatak ko sa kanya.

"P-Pero Honey hindi ko pa 'yan tapos basahin," hindi nya binitawan.

"Akina sabi eh!" hinigit ko ulit. Ginamit ko na ang dalawa kong kamay.

"Mamaya na Honey" hinigpitan nya ang hawak.

At syempre hinigit ko parin ito pabalik. Hindi ako papatalo! Minsan na rin akong nagging champion sa larong hilahan ng lubid sa St Celestine High. Kahit si Samantha walang nagawa sa lakas ko. Nag-agawan kami hanggang sa nakarinig kami ng tunog. Parehas kaming napatingin ni Pangit sa libro.

"HALA!" sabi nya. "Napunit."

Patay. Nagkatinginan kami ng pangit na 'to.

"Lagot ka Honey sinira mo yung libro," sabi nya with matching hand gesture na sinasabing lagot ako.

"Ano'ng ako?! Ikaw kaya!"

"Hindi," umiling sya. "Ikaw ang humila."

"Kasi hindi mo binitawan!" naiinis na sagot ko.

"Pero hinila mo pa rin," sagot nya.

Langyang pangit na 'to, sinisi ako! KAPAL! KAPAL NG PIMPLES NYA!!

"Ano'ng ginagawa nyo dyan?" biglang sumulpot ang librarian.

Nakita nya yung hawak na libro ni...

"Miss Dela Cruz!" gulat na sambit ng librarian sa pangalan ko.

Napatingin ako sa kamay ko, ako nalang ang may hawak ng libro?! What the fudge? Tumingin ako sa pangit na lalaking may kasalanan, iniwasan nya tingin ko. Sinet-up nya ako! Shit!