Nag-lunch kami ni Timothy, kakaalis lang ni Red kasama si Angelo. Bumalik na sila sa bahay namin. Napabuntong hininga ako. Ang tahimik. Si Ami hindi parin nalabas ng kwarto. Kakausapin ko sya mamaya.
"Miracle?"
"Hmm?"
"Ang tahimik mo," puna nya.
"Wala, iniisip ko lang ang problema ni Red. Kasalanan ko rin kasi eh." Tuluyan na akong nawalan ng gana na kumain. Pinanood ko nalang si Timothy na kumain. Kahit papaano nakakakain naman sya nang maayos.
"What do you mean by that?"
"Ako kasi ang nagpilit kay Red na sumama kay Ami kahapon eh, kahit papano kasalanan ko."
Binagsak ni Timothy ang kutsara at tinidor nya sa pinggan, akala ko nabasag.
"Miracle it's not your fault. Hindi ikaw ang nagsabi kay Red na gawin nya 'yon kay Ami," prangka nyang sabi.
"Timothy!"
"Ginusto nila 'yon. Matanda na sila kaya hayaan nalang natin kung ano ang mangyayari."
"Pero kasi..."
"Hwag mo nalang masyadong isipin."
Haay. (_ _) Pero kasalanan ko. At kahit hindi ko kasalanan hindi pwede na wala akong gawin.