14 Chapter Fourteen

"Si Saviel Hubby?" tanong ko nang makalabas ako ng bathroom.

Nakaligo na ako at nakabihis! Ang gaan sa pakiramdam. Nabawasan na rin ang sakit ng ulo ko.

"Kasama ni Red sa labas," sagot nya. Tumayo na sya at naglakad palapit sa pintuan.

"Bumalik na sina Red?" Pinanood ko sya. Namamangha parin ako dahil alam nya ang pasikot sikot ng bahay na 'to kahit wala syang nakikita.

"Oo kanina pa."

"Hala! Ano'ng oras na ba?"

"Ten am. Halika na sa kusina kumain ka na muna ng breakfast."

Bumaba kami ni Timothy at pumunta sa kusina.

"Si Ami nasa labas din ba?" tanong ko.

Hindi ko kasi sya makita. Nakapagtataka kasi kapag hindi ko nakikita ang nurse nya. Ano kaya ang nangyari don?

"Dumiretso sya sa kwarto pagdating nya. I think she's not feeling well."

"Ahh." Kumuha na ako ng tinapay at nilagyan ng palaman na peanut butter. May sakit si Ami?

"MOMMY!! MOMMY!!" biglang sumulpot si Angelo at talon nang talon. Basang basa sya.

"Angelo bakit ka basang basa?"

"Mommy!! Good morning! Kiss!"

Ayaaan kissing monster na si Angelo. Hinalikan ko sya sa pisngi.

"Gising ka na pala Sam, isinama ko muna si Saviel sa labas. Gusto raw nya mag-swimming eh," paliwanag ni Red. Tinapik ni Red si TOP, parang pinapaalam na nandito na sya.

"Sandali nga, bibihisan na muna kita Angelo. Baka sipunin ka pa," sabi ko at hinawakan ang kamay nya.

Iniwan ko ang dalawa sa kusina. Bakit ganon ang mukha ni Red? Parang seryosong seryoso? Ano kaya ang meron?

"Mommy! Are we staying here? How long?"

"Haay Saviel, kailan ka ba magtatagalog baby? No babalik na kayo ni Red sa bahay natin, maiiwan muna si Mommy dito okay?" Kumuha ako ng damit sa cabinet.

"But Mommy," ayan nag-pout na.

Ang kanyang LEGENDARY POUT!!

"Susunod si Mommy kapag..." kapag ano nga ba? "Basta susunod din ako sa inyo, okay Angelo?"

"Owkei."

Pinapasok ko sya sa banyo at pinaliguan. Bumalik na kami sa kusina pagkatapos.

"Oh, asan si Red?" tanong ko kay Timothy.

"He's outside."

"May problema ba sya Timothy? Para kasing... may mali eh..." napakunot-noo ako. Kumuha ako ng tinapay at nilagyan ng palaman. Ibinigay ko kay Angelo.

Lumapit naman si Angelo kay Timothy at hinila sa kamay. "Kuya! Let's play! Let's play!"

Kumuha ako ng gatas mula sa ref. "Angelo," saway ko habang nagsasalin ng gatas sa baso para sa kanya.

"Kausapin mo si Red Miracle, kailangan nya non," sabi ni Timothy.

Kinuha ni Angelo ang baso ng gatas. Lumabas sila ng kusina ni Timothy at lumipat sa sala para manood ng TV. Si Red? Kailangan ng kausap? Ano kaya'ng nangyari? Lumabas ako ng bahay at hinanap si Red sa may beach. Nakita ko sya sa dalampasigan, nakaupo sa buhangin. Ang layo ng tingin sa dagat.

"Red!" tawag ko sa kanya at lumapit.

Umupo ako malapit sa kanya. Narinig ko syang bumuntong hininga.

"Sinabi ng lokong 'yon na puntahan mo ako rito 'no?" tanong nya na hindi tumitingin sa akin.

"Oo, nakakapanibago nga na sa kanya manggaling 'yon."

"Sinabi ko na sa kanyang hwag na eh" bulong nya.

"Ano ba ang problema?" tanong ko.

"Wala," mabilis nyang sagot.

"Jared. Ano nga? Sabihin mo na, makikinig ako." Hindi sya sumagot. Nakulitan yata. Nang magsasalita na ulit ako, bigla syang umimik.

"May nangyari sa'min ni Ami," mahinang sabi nya.

Matagal bago ako nakaimik ulit. Pakiramdam ko tumigil ang oras. Nagulat ako. Hindi ako makahinga.

"M-May nangyari sa....inyo ni Ami?" bulong ko na parang natatakot ako na may ibang makarinig sa amin.

"Oo," napahawak sya sa ulo nya.

"P-Pero…" umiling ako. "Bakit? Pano? Hindi mo nga sya gusto di'ba? I thought you didn't like her."

"Nangyari nalang bigla eh," naihilamos nya ang palad nya sa inis. "Hindi ko rin alam kung bakit ba naming ginawa 'yon."

Huminga sya nang malalim. Nasa state of shock parin ako.

"Ang sabi nya hindi na raw sya virgin... pero shit!"

"Ano?"

"May nakita akong dugo sa kama."

Napatakip ako sa bibig ko.

"Samantha, alam mo na kahit kailan, kahit minsan hindi ako pumatol sa..." Napahiga sya sa buhangin.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pero napaiyak nalang ako sa nalaman ko. Hindi ko alam kung bakit. Bakit parang... nasasaktan ako? Tumalikod ako kay Red para hindi nya makita.

"A-Ano'ng balak mo ngayon Red?"

Matagal syang sumagot. At parang ayokong marinig ang isasagot nya dahil alam ko na ang gagawin nya. Sinabi nya 'yon sa'kin sa France. At ang sagot nya noon ay hindi nag-iba sa sagot nya ngayon.

"Kailangan ko syang panagutan Samantha."

avataravatar
Next chapter