webnovel

chapter 3

Halos magdamag namang nag-uusap sa sala ang mag-asawang Martha at Tonyo.

Maagang nagising si Mira nang umagang iyon, hindi naman sila magtitinda sa palengke ngayon, pero ewan ba niya halos hindi na nga siya nakatulog kagabi ay maaga pa ring nagising.

Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kusina para makapag handa ng almusal.

Nang bigla siyang mabangga sa isang malaking bulto ng katawan na palabas din sa kabilang silid. Nagulat siya ngunit pinigilan niya ang sariling mapatili. Muntik na siyang bumagsak sa sahig ngunit mabilis pa sa alas kuwatrong nasalo siya ni Marcus. Para lamang isang papel na ibinalik siya nito sa pagkakatayo.

"Paumanhin, nagulat yata kita," sabi ni Marcus na nagsisimulang maamoy ang animo ka takam takam na pagkain. Pinigilan niya ang sariling mapalunok.

"G-gusto mo ng almusal?" tanong ni Mira at nagpati-unang maglakad patungo sa kusina. Sumunod naman siya dito.

Umupo lamang siya at pinanood ang dalaga na maliksing naghanda ng agahan. Gumawa ito ng dalawang sandwich at nagtimpla ng kape. Inilapag ng dalaga ang hinandang almusal sa mesa saka umupo sa upuang katapat ni Marcus.

"Pasensya ka na sa hinanda kong agahan," sabi ng dalaga nang mapansing hindi manlang ginalaw ni Marcus ang pagkain bagkus ay naka tingin lamang ito sa kanya. Na-conscious tuloy siya.

"A-ah, hindi! masarap nga eh," sabi ng natauhang binata na bahagyang kumagat ng sandwich, at pagkatapos ay humigop ng kape.

"P-pasensya ka na, medyo naninibago lamang ako," nauutal na humingi ng paumanhin sa dalaga.

"Salamat dito," aniyang ngumiti sa dalaga.

Sila pa lamang dalawa ang gising nang mga oras na iyon, alas sais pa lang naman ng umaga kaya't nagpasya ang dalaga na maglinis muna sa maliit nilang bakuran. Pagkatapos mag-agahan ay kinuha ang walis at nag walis sa silong ng mayabong na punong mangga. Tama namang nagising ang mag asawang Tonyo at Martha.

Nagpaalam si Marcus na lalakad na para puntahan ang mga kaibigan ng kanyang Mama.

"Mira," marahan nitong tawag pansin sa dalaga. Lumingon naman ito at di sinasadya ay nagtama ang kanilang paningin. Ilang segudo ring naghinang ang kanilang mga mata, si Mira ang unang nagbaba ng tingin kunwari ay hinahanap ang dustpan.

"Mauuna na ako, maraming salamat sa agahan," sabi ng binata at ngumiti.

"Walang ano man," sagot ni Mira na bahagyang ngumiti.

Tumuloy na ang binata sa paghahanap sa mga natatandaan niyang kaibigan ng kanyang ina. Pumunta siya sa opisina ng kumpanya na pag-aari ng kaibigan ng kanyang Mama. Ito ang kumpanya na nagpa dala sa kanila sa kabundukan bago sila nawala. Sa kasamaang palad ay nagsara na pala ito. Mabuti na lamang at may mga natira pang empleyado para magbantay sa compound nito. Doon siya nagsimula sa kanyang paghahanap.

For sale na daw ang property na iyon, dahil nga ipinagbawal na ng gobyerno ang pagputol ng mga puno. Ngunit bago iyon ay halos labing walong taon din itong nag- operate sa lugar kung saan sila nawala.

Nalaman niya na isa pa rin sa may-ari nito ay ang kaibigan ng kanyang Mama ngunit nasa ibang bansa ito mabuti na lamang at may ibinigay silang numero nito na maaaring tawagan. Nakiusap siyang makikitawag na lamang siya sa telepono ng kumpanya.

Bago niya makumbinsi ang mga empleyado ng kumpanya ay katakot takot na pagtatanong ang kanyang pinagdaanan, at nagkalkal pa nga ang mga ito ng lumang records bago niya napaniwala ang mga ito. Mabuti na lamang din at mababait sila. Nagpakilala siyang anak ng dating nawalang empleyado noong taong 1960.

Hinanap ang mga lumang records at natagpuan nga ang isang Marcus Alvarez. Tugma naman lahat ng impormasyon sa talaan ang kanyang mga sinabi.

Naka-ilang ring din ang telepono sa kabilang linya bago ito inangat.

  "Hello,"  sagot ng isang boses babae sa kabilang linya.

"Ma-aari ho bang makausap si Mrs. Cruz?" tanong niyang medyo kinakabahan. Dapat ay mabilis lamang ang gagawin niyang tawag dahil mahal raw ang babayaran sa telepono.

"Yes, speaking," sagot nito. Natuwa naman siya. Muntik na niya itong tawaging 'tita' dahil close ito sa kanyang Mama at parang pamilya na kung ituring nila ito.

"Ti- ah, ma'am anak ho ako ni Mr. Marcus Alvarez, at kaibigan  daw po ninyo ang lola ko. Ipinahahanap ho kasi siya ng itay," mahabang paliwanag niya.

Narinig niya ang pagkakabigla ng nasa kabilang linya.

"Oh my God iho! huwag kang aalis diyan, tatawagan ko agad ang lola mo,"  natatarantang sagot nito. Maya-maya pa ay nagpaalam na ito at ibinaba na nito ang telepono.

Natutuwang naghintay si Marcus sa opisinang iyon. Inalok siyang mananghalian ng mga nandoon ngunit alam niyang hindi naman niya ito kailangan kaya't magalang siyang tumanggi.

Dalawang oras din siyang naghintay, maya-maya pa ay dumating ang isang kotse, lulan ang isang medyo may edad na ring lalaki na siyang driver at ang kanyang ina na kahit medyo tumanda na ay mababakas pa rin ang kagandahan nito.

Pinigilan niyang maiyak nang makita ang ina.

"Ma," bulong niya sa sarili nang makita ito.

Bigla siyang niyakap ng lumuluhang matanda nang makita siya nito.

"Apo ko, kamukhang kamukha mo ang iyong ama, nasaan si Marcus," sabi nitong kumalas sa pagkaka yakap at ikinulong sa dalawa nitong palad ang kanyang mukha, patuloy pa rin itong lumuluha sa tuwa.

"Napakatagal kong hinanap ang iyong ama," sabi nito at muli siyang niyakap.

Niyakap din niya ito, "maaari ho bang mamaya na ako magpaliwanag?" sabi niyang tumingin sa mga staff na nakatingin din sa kanila. Naintindihan naman siya ng matanda.

Pagkatapos magpasalamat ay nilisan na nila ang lugar na iyon. Bumyahe sila ng halos humigit sa dalawang oras, narating nila ang bahay ng kanilang bahay, nakatayo ito sa malawak na lupain. Halos walang matanaw na kalapit bahay kahit na nasa mataas na burol ito. napapaligiran ito ng matatayog na puno.

"Mula nang mawala si Marcus, ipinatayo ko ang villa na ito, dito ko napagdesisyonan na mag retire," paliwanag ng matanda habang naglalakad sila papasok sa malaking pintuan ng villa. Kung humanga siya sa labas ng mala palasyong bahay na iyon ay mas kahanga hanga ang loob nito. Pagpasok mo ay makikita ang mukhang mamahaling painting ng mag-inang Marcus at Luisa. Natatandaan niya ang larawang iyon. Iyon ang larawang nasa kanyang kuwarto noon, maliit pa siya sa larawan siguro ay nasa apat na taong gulang pa lamang siya nang panahong kinunan ito, at napakabata pa rin ng kanyang ina. Sa larawan ay masayang hinahabol ng ina ang kanyang anak. Siguro dahil sa pangungulila ay ipinagawa ito ng kanyang ina.

Kaunti lamang ang dekorasyon ng villa ngunit makikitang mamahalin ang mga ito.

Dumiretso sila sa kusina na nasa bandang dulo ng pasilyo.

Nadatnan nila ang naka hain nang meryenda. Lumingon lingon si Marcus at nang masiguro na wala nang tao ay saka niya niyakap ang ina at ang kanina pang pinipigilang emotion ay tuluyang umibkas.

" 'Ma, ako ito si Marcus," sabi niyang hilam sa luha ang mga mata at tulad ng sinabi sa mga pulis sinimulan niyang mag kuwento sa ina.

Hindi man makapaniwala, masaya pa rin si Luisa sa pagbabalik ng kanyang anak.

"Anak," maya-maya ay pukaw nito sa kanya.

"S-si Mang Lando na iyong kasama a-ay ang iyong ama," nag-aalangan at nauutal na saad ni Luisa sa anak.

"What?" hindi makapaniwalang tugon niya sa ina.

"Oo anak, nang mawala ka ay ipinahanap ko din si Orlando, ang iyong ama.

"Nagbabakasakaling matulungan niya ako sa paghahanap sa'yo, ayon sa private detective na humawak ng kaso niya ay nawawala din siya tulad mo, at napag alaman namin na magkasama kayo dahil siya ang na hire ng kumpanya para maging guide ninyo nang mga panahong iyon," mahabang kwento ng inang si Luisa.

"At ayon sa follow up investigations ay nasawi ang asawa nito at apat na taong gulang na anak sa isang aksidente ilang buwan lamang pagkatapos ninyong mawala," malungkot na patuloy nito.

"Wala na pala siyang babalikan," sabi niyang mabigat pa rin ang dibdib.

"Napakabait ni Mang Lando," usual niya.

Hinawakan siya ng ina sa kanyang balikat, naka-upo siya noon at naka tayo naman ito sa kanyang likuran.

"Anak, siguro ay panahon na rin para makasama natin ang iyong ama, matatanggap mo ba s'ya?" tanong ng ina.

"Ngayon 'nya tayo kailangan," dagdag pa nito.

Ngumiti ang binata, "Oo naman 'Ma," sabi niyang tumayo at niyakap ang ina.

Sinamahan siya ng kanyang ina na umakyat sa kanyang silid. Inilaan talaga ito para sa kanya dahil bilang ina ay umaasa pa rin siya na isang araw ay babalik ang anak.

"May kasama akong dalawang kasambahay at isang driver," paliwanag nito habang umaakyat sila sa ikalawang palapag ng villa, "at ang taga pangasiwa ng taniman ay nakatira naman sa bahay sa dulo ng lupain matatanaw mo ito kapag nasa ikatlong palapag ka," patuloy nito

"Nang pumanaw ang lolo mo iniwan 'nyang lahat ang kanyang mga ari-arian sa akin, nalulungkot lamang ako dahil wala namang magmamana nito, kaya't ang iba ay binigay ko na lamang sa mga charities," napabuntong hininga ang ina.

"Pero ngayong nandito ka na," tumingin ito kanya at ngumiti, pinisil nito ang kanyang kamay. Magkahawak kamay silang umakyat sa maluwag hagdanan.

"Kung may kailangan ka tawagin mo 'lang si Medi," sabi ng kanyang ina bago ito tuluyang lumabas ng kanyang silid.

"Narito lamang ako sa kabilang silid," dagdag pa nito.

"Yes 'Ma," tugon niya habang abala ang mga matang nag-uusisa sa kabuuan ng malaking silid na iyon.

Ang kanyang mga larawan ay naroon pa rin. Ang mga gamit niya, mga libro at magasin na pag aari niya ay maayos na naka salansan sa shelf na nasa isang bahagi ng malawak na silid. Hindi niya akalaing ganoon kayaman ang kanyang Lolo dahil simpleng buhay lamang sa Amerika ang nakagisnan niya kasama ang ina, hindi naman sila naghirap doon pero hindi ganito karangya sa mga nakikita niya ngayon.

Ibinagsak niya ang katawan sa malaking kama nasa gitna ng silid. Napakalambot niyon, napangiti siya nang maalala si Mira. Napakasarap sigurong matulog doon kung kasama niya ang magandang anak ni Mang Tonyo. Ipinilig niya ang kanyang ulo, iba na naman ang pumasok sa kanyang isip.

Napagpasyahan nila ng kanyang ina na hanapin si Orlando o Mang Lando, halata na mahal pa rin ito ng kanyang ina dahil kahit minsan ay hindi na ito tumingin pa sa ibang lalaki.

Payapa at magaan ang kalooban ni Marcus nang gabing iyon. Ibinukas ang pinto sa veranda ng kanyang silid at tumanaw sa kadiliman ng gabi suminghot ng malamig na hangin na galing sa malapit na kagubatan. Dahil nasa itaas ng burol ang villa ay tanaw niya ang malawak na kagubatang nakapaligid sa kanilang lupain na kanina lamang ay ipinakita ng kanyang ina. Maya-maya ay tila hinipan ng malakas na hangin ang buong silid at tuluyan siyang naglaho sa kadiliman ng gabi.