May pulis at dalawang social worker kasama ang dalawang lalaki na sa tantiya niya ay nasa mahigit trenta ang edad ng isa at nasa halos kasing edad naman niya ang isa pa.
Nagtataka siyang napatingin sa kanyang ina at kapatid na parang na engkanto parin na walang imik habang nagpapaliwanag ang mga pulis.
"Misis," simula ng pulis na bumaling sa kanyang ina.
"Nakita silang pa lakad lakad sa bayan ng Kalabituan, isang lib lib na bayan sa Norte," sabi nito.
"Parang mga wala sa sarili kayat tinurn over sa amin ng lokal na pulisya," patuloy nito.
"Pinagpipilitan nilang sila ay naligaw lamang at nagpa lipas ng isang gabi sa isang kuweba sa kabundukan.
"At napag alaman naming ang mga pangalang sinasabi nila ay ang mga taong nawawala pa noong dalawampung taon na ang nakaka lipas," mahabang paliwanag nito.
"Sumailalim na rin sila sa drug test at negatibo naman sila sa kahit na anong ipinagbabawal na gamot," dagdag naman ng isang social worker.
"Anak," tumayo ang isa sa mga lalaki, pamilyar ito sa kanya ngunit hindi nya matandaan kung saan niya ito nakita.
Biglang yumakap ito sa kanya, kayat nagulat sya at hindi naka galaw.
"Anak patawarin 'nyo si tatay," nagsimulang gumaralgal ang tinig nito.
"Maging ako ay hindi ko din maintindihan ang mga pangyayari, isang gabi lamang kami sa loob ng kuwebang iyon."
Wala syang nagawa kundi tapik tapikin ang balikat nito
"Mamang ano baka pwedeng huminga. higpit po kasi eh," aniyang nagpipilit maging kaswal.
"Antonio, " sambit ni aling Martha.
"Pero hindi," umiling iling ito, halatang naguguluhan parin. Nag-iisip
"Anak ka ba ni Tonyo sa ibang babae?" Maya maya ay matalim ang tingin na bumaling ito kay Mang Tonyo.
"Sa mahabang panahon na pagka wala niya, hindi ako nagtanim ng sama ng loob dahil alam kong hindi siya lilisan ng walang mabigat na dahilan," anito nagsisimula nang tumulo ang luha.
"Dahil lang pala sa ibang babae?" tuluyan na itong napaiyak.
"Matha! Alam mong hindi ko 'yan magagawa," si Mang Tonyo na hindi na mapigilang lumapit kay Aling Martha. Naawang pinagmasdan niya ito. Napakalaki ng ipanagbago nito, ang dating balingkinitan nitong katawan ngayon ay payat na. Ang makinis na kutis, ngayon ay nagsisimula nang malukot. Kung titingnan ay napaka laki na ng agwat ng edad ng mga ito.
Dagli niyang niyakap ito at binulungan. Biglang namula si Aling Martha at hindi maka paniwalang tumingin kay Mang Tonyo.
"Oh Antonio!" sabay yakap nito.
Mahigpit ang yakap na gumanti si Mang Tonyo.
"Mga anak ang tatay nyo," baling nito sa dalawa.
Nagtataka at wala parin sa sariling yumakap na rin ang magkapatid.
Naka mata lamang ang Pulis at dalawang social worker na naghihintay ng mga susunod na mangyayari.
Maging si Marcus ay tahimik lamang.
"Hindi man din kami maka paniwala, maaaring kayo nga ang kapamilya nilang nawawala," maya maya ay nagsalita ang Pulis.
"Babalik na lamang kami sa ibang araw para sa mga follow up questions.
"Huwag po kayong mabahala, kung lumabas man po ang inyong kwento sa mga pahayagan ay asahan ninyong mananatiling safe ang inyong pagkaka kilanlan. Para na din sa inyong seguridad," mahabang tinuran ng Pulis.
"Maraming salamat officer. Mabuti na lamang at napaka maka tao ninyo," si Mang Tonyo na tumingin din sa mga social worker.
"Kung iba lamang siguro ay binenta na kami," pagbibiro niya habang hawak parin ang bewang ni Aling Martha.
"Nakow! muntik ko nang makalimutan, ang aking kasama, si Marcus," pakilala niya at bumaling sa binata na tahimik lamang nagmamasid kanina pa.
"Magandang hapon ho," anito na magalang na yumuko.
Tila nag-twinkle ang mga mata ni Aira. Tila ba mas excited pang makilala ito kaysa sa kanyang Ama.
"Aira," mabilis na lumapit ito at inabot ang kamay para makipag shake hands sana. Palihim na pinalo ng ate Mira niya ang kanyang wetpu bago pa mka layo ito sa kanya. Inirapan nya ito, ngunit mabilis na ngumiti nang bumaling kay Marcus.
"Aira" ulit niya, sabay lahad ng palad. "Bunsong anak ni--" bumaling ito sa ama, "ya," anitong nag aalangan parin.
"Marcus," at nahihiyang inabot ang kamay nito. "Ikinagagalak kong makilala ka".
Halos maihi naman sa kilig si Aira, tila ba nagpapa cute talaga panay ang matatamis na ngiti at pa pungay ng mata.
Taas kilay naman si Mira habang naka tingin dito.
Tuluyan nang nagpaalam ang Pulis at mga kasama nito, ihahatid parin nila ang binata sa pamilya nito.
Hindi parin maka paniwala ang mag iina sa itsura ng kanilang haligi ng tahanan.
Ayon sa kanilang ina, ganito ang itsura nito nang huling alis nito patungo sa lugar kung saan ito naglahong parang bula. Napaka bata, animo nasa trentay singko lamang ito.
Parang nahinto ang pagtanda nito sa panahong nasa loob sila ng kuwebang iyon. Ang kanilang ina ay kwarentay otso na sa darating na kaarawan nito.
"Nang maligaw kami, para lamang kaming nagpa balik balik sa iisang lugar habang pabalik sa aming kampo," kuwento ni Mang Tonyo habang nka upo kasama ng kanyang dalawang prinsesa. Naghahanda naman ng hapunan si Aling Martha habang naikinig din.
"Pagkatapos nakita namin ang isang mataas na bahagi at doon pilit naming ti
natanaw ang ilaw mula sa aming mga kasamahan subalit gumuho ang batong tinatapakan namin at nahulog kami sa isang kuweba," patuloy nito sa kanyang kuwento.
"Sumuot kami sa isang maliit na lagusan at mula doon naglakad na kami para maghanap ng malalabasan.
"Siguro ay nasa apat o limang oras lamang kaming nag lakad. Minsan lamang kaming kumain ng hindi rin namin kilalang prutas at saka kami nagpa lipas ng gabi.
"Paglabas namin ay napaka layo na namin mula sa aming pinang galingan. At napaka tagal na palang panahon ang lumipas," mahabang kwento niya.
"Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nanatili akong bata. Ngunit isa lang ang sigurado ako, hindi ko man ginusto ang nangyari ay pinagsisisihan kong hindi ko kayo nakasamang lumaki," malungkot na tinuran nito.
"Babawi ako mga anak. Gagawin ko ang lahat upang punan ang mga pagkukulang ng tatay," pahayag nito.
"Oh siya, halina kayo at nang maka kain na," Si aling Martha na tila nasa alapaap pa rin. Kumpleto na ang kanyang pamilya, wala na siyang mahihiling pa.
Sabay silang dumulog sa hapag.
Si Mira na hindi din maitago ang saya kahit na medyo naiilang pa.
Si Aira na malapit agad sa ama. Dahil siguro sa pagiging sweet nito, at naghahanap din ng kalinga ng isang ama na kahit minsan ay hindi niya naranasan.
Nagpatuloy naman sina Marcus sa pag biyahe patungo sa kanilang lugar. Hindi naman ito kalayuan sa lugar ni Mang Tonyo. dalangin niya na sana ay nandun parin ang kaniyang mahal na Ina.
Ang kaniyang ina lamang ang meron siya, wala siyang alam tungkol sa kaniyang ama. Tanging ang ina lamang ang nagpalaki at naka gisnan niyang magulang.
Susubukan nilang puntahan ang kanilang bahay kung ito man ay naroon pa. Napakarami na ang nag bago. Hindi parin siya maka paniwala.
Bigo silang mahanap ang kaniyang ina sa dati nilang address. Walang maibigay na impormasyon ang bagong naka tira sa dating bahay dahil bago lamang daw ang mga ito roon at hindi nila kilala ang dating may-ari nito. Ang dating simpleng bungalow ngayon ay tila isa nang mansyon.
"Siguro ay makiki tuloy na lamang muna ako kina kuya Tonyo kahit ngayong gabi lamang," sabi nito sa Pulis at kasama nito.
"Siya, at ihahatid ka na namin bago kami bumalik ng probinsya," sang ayon nito.
"Salamat officer," nahihiya pang sabi niya habang pabalik na sumakay sa kanilang service.
"Walang anuman, ginawa lamang namin ang aming tungkulin," mapag pakumbabang saad nito.
Nasa gitna ng hapunan nang gulantangin sila ng mga kapok sa pinto.
"Ako na," si Tatay Tonyo ang tumayo.
Nagkatinginan ang mag iina sabay ngiti. Dati kasi ay walang gustong mag bukas ng pinto sa magkapatid. Laging ang Lola Maria ang tiga bukas ng pinto.
"Oh Marcus! anong nangyari?" nagulat si Mang Tonyo.
"Wala na doon ang Mama" malungkot na sagot nito. "Kuya Tonyo maaari bang magpalipas muna ng gabi dito sa inyo? Bukas na bukas din ay hahanpin ko ang mga kaibigan ng Mama baka sakaling alam nila ang kinaroroonan niya."
"Oo naman Marcus, ang aming tahanan ay bukas lagi sa mga nangangailangan," Si Aling Martha na noon ay nasa likuran na pala ni Mang Tonyo.
"Halika, tuloy ka at nang makapag hapunan na," anito habang binigyang puwang ang pintuan.
"Sige ho Mang Tonyo, Marcus, Aling Martha mauna na kami at medyo malayo pa ang biyahe," kumaway ang Pulis na nasa driver seat.
"Salamat ho sir," Si Marcus na gumanti ng kumaway habang palayo na ang sasakyan.
"Halika, tamang tama ang hapunan. Aira ikuha mo ng plato si Marcus," utos ni Nanay Martha.
Napatingin naman si Marcus kay Mang Tonyo. Tumango lamang ito ng marahan.
Malawak ang ngiti na tumalima si Aira sa utos ng ina.
Lalo namang nanahimik si Mira. Hindi siya sanay sa ibang tao na nasa kanilang bahay.
Nararamdaman niyang may naka masid sa kanya, hindi niya alam kung ang ama o ang Marcus na to!
"Ano ba! kahit pa guwapo `sya matanda na yan! Baka ka edad lng `yan ng tatay!" sabi niya sa isip. Sinaway niya ang sarili. Aminado naman siya, guwapo talaga ito. Kaya nga panay ang pa cute ng kapatid niya kanina pa. Namula siya sa isiping iyon. Tinapos niya ng tahimik ang hapunan at magalang na nagpa alam.
"Mauuna na ho ako, may tatapusin pa akong paper works," aniyang nauna na sa maliit nilang study room.
Wala naman talaga siyang gagawin, gusto lang niyang maka iwas sa mga nakaw tingin ng Marcus na yon.
"Hmp! bakit ba ako apektado?" dami namang lalaking nakaka tinginan ko sa palengke," bulong niya sa sarili.
"Ate, tulungan mo ko," napapitlag siya nang biglang sumulpot si Aira sa pinto. "Ihanda natin ang dating kwarto ni Lola, dun matutulog si kuya pogi. Sabi nitong kinikilig pa.
"Tigilan mo yang kaka pa-cute mo Aira, yang pag aaral mo atupagin mo." sabi niya habang sinusundan ito patungo sa kabilang kwarto.
"Ate naman, crush lang nman, saka hindi lang sya ang crush ko, marami din sa school." hirit pa nito. "Paghanga lang po," asar pa nito.
Nasa ikalawang taon na rin ito sa Kolehiyo at matataas naman ang grado nito. May maintaining grades ang scholarship na binibigay ng iskwelahan kung kayat hindi puwedeng magpabaya sa pag aaral.
"Nay handa na po! Kuya maari na po kayong magpahinga," si Aira habang naka silip sa kusina.
"Maraming salamat," sagot ng nahihiya pa ring si Marcus.
"Huwag kang mahihiya, ipalagay mo ang iyong loob," naka ngiting pahayag ni Martha.
"Siya, humayo ka na at nang maka pag pahinga ka," utos niya dito."Mayroong damit doon, siguro ay kasya naman 'sayo ang damit ng Itay, iniiwan niya tuwing bumibisita," pahabol ni Martha.
Ramdam ni Marcus ang pagiging mabuting tao ng pamilya ni Mang Tonyo. Humiga siya sa maliit ngunit malambot na kama. Ewan niya kung maliit ba o sadyang malaki lamang siya. Ganun pa man ay kumportable naman siya. Isiping nasa kabilang silid lamang ang napaka gandang binibini n kanina pa ay nagpapatibok ng mabilis sa kanyang puso.
Sanay siya sa magagandang babae ngunit pakiramdam niya ay kakaiba si Mira. Kahit na medyo maliit ito ay lutang na lutang ang ganda.
Nakatulugan niya ang pag iisip sa magandang mukha ni Mira.
Alam niya, na-love at first sight siya.