webnovel

My FakeBoyfriend

The characters and events portrayed in this story are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the Author.

Yashnien_Baculina · Teen
Not enough ratings
30 Chs

7 Chapter Seven

"Uy bat nakabusangot ka dyan?" sabe ni Aliah

Tumabi sakin sa sofa.

"Wala naman" sagot ko

"Yung kay Eight ba pinoproblema mo?" Tanong niya

Umupo naman ako ng maayos at tumingin sa kanya.

"Hindi ahh. Wala naman akong pake dun bahala siya sa buhay niya." Sagot ko. "Isipin mo kasi sa dinami dami ng babae sa school na yan. Ako pa talaga nakakabwiset!!!" Dagdag ko

"Uy chillax" sagot ni Aliah

*Flashback*

"Sakay!!" Sigaw netong dalawang gagong to. Pinapasakay ako ng motor bike.

Wahhh wala na. No choice na talaga.

Lumuhod ako sa kanila.

"Sige na pleaseeee hayaan niyo na ko. Pasabe na lang kay Eight sorry. Di ko naman na uulitin yung ginawa ko sa sapatos niya. Wag niyo lang ako dalhin sige naaaaaa!!!"

"Hindi talaga pwede miss. Baka kami ang mawala sa mundo pag di ka namin dinala kaya sumakay ka na." Sagot naman ng Uno na to sabay hawak sa braso ko

"Sige na pleaseeeeee. Babayaran ko na lang sapatos niya. Magkano ba yunnnn? Babayaran ko ng paonti onti. Sige na naman pleaseeeee." Pag pupumilit ko baka umubra naman sa dalawa hahahaha.

Hinila naman nila kong dalawa at pilit na isinakay. Nilagyan pa nila ko ng helmet.

"Derrick ikaw na bahala dyan. Dalhin mo kay boss" sabe nung Uno.

Pinaandar naman agad nung Derrick na to ang motor bike.

So eto yung sinasabe ni Aliah na bestfriend ni Eight.

"San mo ba ko dadalhin?" Tanong ko.

"Bubugbugin niyo ba ko?"

"Itatapon sa ilog pasig?"

"Kukunin laman loob ko at ibebenta?"

"Ano? Sumagot ka wahhhh!!!"

"Tumahimik ka miss. Baka mabangga tayo." Sagot niya lang

Naiiyak na ko sa likod niya. Mamamatay na ko. Wahhh!!

Ma, pa! Alam kong miss niyo na ko pero saka na ma, pa. Saka na tayo mag kita.

"Baba na nandito na tayo." Sabe ni Derrick

Pagbaba mo bekang takbo na tayo hehe

"Wag mo na rin subukang tumakbo baka may bumaril sayo."

Nangilabot naman ako sa sinabe niya.

Ligwak ang plano ko.

Pagbaba niya naman ay hinila niya na uli ako papasok sa isang parang abandonadong building.

Ako naman tong takot pa rin.

"Boss ohh. Eto na pinapahanap niyo." Saad ni Derrick at hinila ako papalapit sa harap ni Eight.

Saka ko napansin na ang dami pala nila dito. Lahat sila naka leather jacket. Eto na ata yung BIG14.

Mausok, amoy alak, at iba pa.

Napatingin ako kay Eight na nakaupo at naninigarilyo.

"Maganda yan sa kalusugan. Para mamatay ka na ng maaga." Sambit ko sa kanya.

Nagtawanan naman ang lahat. May nakakatawa ba?

"You wanna die?" Tanong niya naman sakin

Nangilabot naman agad ako. Ramdam kong nag dilim ang paligid ko at lahat sila nakatitig sakin.

"Jo-joke lang naman e." Sabe ko at mapait na ngumiti.

"Ano ba kasi gagawin mo sakin?" dagdag ko.

Napatitig siya sakin ng sandali at sumagot.

"Simple lang kailangan mo panagutan ang ginawa mo." Sagot niya

Kinakabahan ako sa anong gagawin nila sakin. Tumataas ang mga balahibo ko. Ang bilis ng pintig ng puso ko.

"So--

Bago pa ko sumagot ay nagsalita pa siya.

"Be my girlfriend."

Nanlaki ang mga mata ko. Gago ba to? Nasisiraan na ata ng ulo to.

"HA?"

"OKAY KA LANG BA OTSO?"

"SERYOSO KA BOSS?"

"HAHAHAHAHAHA!"

At umingay lahat.

Tinignan naman sila ni Eight ng masama at tumahimik naman sila bigla.

"GAGO KA BA?" Saad ko

"Wag kang assumera. Ipapakilala kita sa lolo ko bilang girlfriend para hindi na ko ipakasal sa iba"

"AT BAKIT KASI AKO?!! ANG DAMING BABAE SA SCHOOL AKO PA TALAGA!!"

"Papayag ka ba o mamamatay ka?" Tanong niya ng mahinahon pero may utoridad pa rin.

"Bahala ka sa buhay mo!!" Sigaw ko sabay alis.

Palabas na ko ng may humarang saking malaking tao ay hindi baboy na pala to.

"Nasan si otso?" Tanong niya

Lumingon pa ko sa likod kung ako ba talaga kinakausap niya at yun ako nga.

Biglang dumami ang mga nasa likod niya puro may baseball bat.

"Di ko alam puntahan niyo dun" sagot ko sabay turo sa pinanggalingan ko.

Aalis na sana ko ng higitin niya ang braso ko.

"Sino ka nga pala Ms? Ikaw ba ang girlfriend ni otso? Ang panget naman ng taste niya." Sabe niya

Nag init agad ang ulo ko.

"HINDI----

Sasagot sana ko ng may sumigaw sa likod ko.

"BITAWAN MO YAN!!!"

Pag lingon ko si Eight. Kitang kita ko ang galit sa mata niya. Nag silabasan din BIG14.

"Sabe ko bitawan mo siya!!" Sabe uli ni eight ng mahinahon pero may utoridad.

"Pano kung ayoko? Gantong taste pala ang gusto mo otso dapat sinabe mo agad may aso kami." Sagot ng tabachoy na to

Nagtawanan naman yung mga kasama niyang may hawak na baseball bat.

"Bitawan mo na kasi ako!" Sigaw ko sa kanya

"Ayoko nga" sagot niya at humalakhak

Ayaw mo pala ahh tignan natin kinuyom ko ang kamao ko at...

"Boss!!!" Nag sigawan ang mga kasama niya tumakbo agad ako banda kila eight.

Sumugod naman agad ang BIG14.

May biglang humila sakin.

"Dito ka muna Miss safe dyan wag kang lalabas hangga't di pa tapos ang gulo." Sabe sakin ng chinito na to gwapo siya ahh pernes

Ayun sa bilin ni chinito nanatili lang akong nandun andami kong naririnig na kalembang tunog ng yero, hampas.

Hanggang sa nawala na ang mga tunog. Lumabas naman agad ako. Nakita ko namang nakatayo na lang si eight at yung iba hinihila yung mga napabagsak nila parang patay na hinihila at pinag sama sama.

Ang galing naman. Lagpas bente pa tong napatumba nila ehh. Ganun ba talaga sila kagaling?

"Hoy babaeng panget!" Napalingon naman ako.

"Good buti alam mo." Sagot niya

"Aba't----

Di na ko nakasabat at agad na hinila niya.

Napunta uli kami sa loob.

"Gagawin kitang girlfriend ko in 1 month." Sabe niya sakin

"A. YO. KO!" Sagot ko sa kanya at tumalikod.

Palabas na sana ko.

Nang biglang may narinig akong kasa ng baril.

Napalingon agad ako sa kanya.

Sht. May hawak siyang baril pero di naman nakatutok sakin pero kinakabahan pa rin ako maya iputok niya.

"Oo, oo na payag na ko." Sagot ko ng mabilis

Napaistatwa na ko sa sobrang kaba.

Nakita ko namang nilapag niya na ang baril niya.

"You agreed." Sagot niya habang nakangisi

"Anong agreed?" Tanong ko.

"You agreed to be mine."

"Hoy!" Sigaw ko sa kanya. "Hindi counted yon! Akala ko mamamatay na ko ehh"

"Not my fault, you still agreed."

"A.YO.KO!"

Kinuha niya uli ang baril niya.

"You wanna die?"

"Die? Ayoko ayoko" sagot ko

Tangena pinupwersa talaga ko netong gagong to.

"Then from now on, you're mine." Kita kong napangiti siya.

"Ok wat eber!" Sagot ko sabay lumabas na sa sobrang inis

*END*

"Isang linggo na ang nakakalipas pren pero hindi pa rin ako makatulog kagabe kakaisip sa nangyare. Sigurado ako pren pag nalaman ng mga babae sa school na kami kuno ni Eight hindi lang sabunot at sampal ang aabutin ko."

"Hindi ka pababayaan ni Eight panigurado. Wag ka mag alala. Fake boyfriend mo siya di ba? Edi syempre mag papanggap din yun na nagagalit siya kasi ganun ang ginawa sa kanyang girlfriendddddddd." Sagot sakin ni Aliah at sinundot pa ang tagiliran ko.

"Hays ayoko ng ganto pren! Gusto ko mamuhay ng normal!" Napasabunot ako sa buhok ko ginulo gulo ko pa to.

"Ate bekang" tawag sakin ni mikmik habang pababa siya sa hagdan. "Kanina pa po may tumatawag sayo."

Agad ko tong kinuha kay mikmik. Number lang ang tumatawag sino kaya to?

Sinagot ko naman agad to.

[You didn't answer my f*cking calls! Where the hell are you?! Niloloko mo na ba agad ako?!]

"Nandito ko sa bahay ng bestfriend ko" malumanay kong sagot

[Ok papunta na ko dyan.]

"Ano?! Bakit? Ano gagawin mo dito?!"

[Did i give you any permission to ask?!]

"Ehh kasi na--

Bago pa ko makasagot ay binabaan niya na agad ako phone.

Nakakainis talaga ang gagong yun!!!

"Sino yun pren?" Tanong ni aliah

"Sino pa ba? Edi yung tukmol na yun!" Sagot ko.

Nagkwentuhan pa kami ng kung ano ano.

Hanggang sa may nag doorbell na.

"Pren nandyan na ata si Eight." Sabe ni Aliah

Agad naman akong tumayo at binuksan ang pinto.

"Hi goodmorning bekang"

Napalitan ng ngiti ang busangot kong muka.

"Zake hello goodmorning din." Sagot ko agad sa kanya

Kagwapo naman neto wala ng mas gaganda pa sa umaga na to.

"Hoy babaita papasukin mo si Zake humarang ka pa talaga dyan!" Sigaw ni Aliah

Bumalik naman agad ako sa wisyo nakakahiya.

"Ay Zake pasok ka hehe" sabe ko sa kanya

Dumaan naman siya sa harap.

"Ang bango naman"

Ang bango bango hayss

"Anong mabango prenny?" Tanong ni Aliah sakin

"Ha?"

"Sabe mo kasi prenny ang bango bango naman." Saad niya

Saka ko lang napagtanto na nasabe ko pala yung dapat na nasa utak ko lang.

"Ano? Ahm ang bango nung niluluto ko pren." Sagot ko

"May niluluto ka ba?" Tanong niya uli

Ayyyttt ilalaglag pa ata ako netong si Aliah

"Oo meron" sagot ko at tumakbo sa kusina.

Hayss muntikan na ko day!!

Biglang may sumundot sa tagiliran ko.

"Ayyyiieh masyadong pahalata si Ate Bekang hahahaha" sabe ni mik mik sakin

"Uyy hindi ahh" pagtanggi ko

"Aysuuuss hahahaha." Pang aasar niya pa sakin.

"Ikaw ahh" sagot ko sa kanya habang natatawa.

Sa totoo lang nag kakacrush na ata ako kay Zake dahil sa gwapo na nga siya sobrang bait pa. San ka pa di ba?

Biglang may nag doorbell uli. Di ko na lang pinansin ito dahil nag rerelax pa ko dito sa kusina at baka kasi ano na naman ang masabe ko.

"Pren nandito na si Eigth!!!"

What the f*ck?!

Hala napapaenglish na ko dahil sa gagong yun.

Like it ? Add to library!

Yashnien_Baculinacreators' thoughts