webnovel

My FakeBoyfriend

The characters and events portrayed in this story are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the Author.

Yashnien_Baculina · Teen
Not enough ratings
30 Chs

6 Chapter Six

Lumabas siya sa kotse niya at pumunta sakin.

"Anong ginagawa mo? Gabe nandito ka pa." Tanong niya.

"Pinalayas kasi ako samin." Sagot ko.

"What? Ginawa yan sayo ng mga magulang mo?" Tanong niya.

"Wala na kong magulang"

"Tsk. Akin na to!" Sabe niya sabay kuha sa maleta ko. "Pumasok ka sa kotse"

"Ha? San tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa condo ko. Dun ka muna matulog!"

"A...a...ayoko!!"

"Why?!" Sigaw niya.

"Anong gagawin natin sa condo mo?!!"

"Anong akala mo? May gagawin ako sayo? Sa panget mong yan!" Sagot niya.

"Hoy oo panget ako! Pero hinalikan mo ko!!" Sigaw ko sa kanya.

Nanahimik naman siya. Kitang kong namumula yung tenga niya.

"Bakit namumula yang tenga mo?" Tanong ko at hinawakan ang tenga niya.

"Hey don't touch my ear!" Sigaw niya.

"Grabe k----

"Prennny!!!"

Napalingon kami sa sumigaw.

Tumakbo naman agad ako at niyakap si Aliah.

"Hoy ikaw!! Anong ginagawa mo sa prenny ko!!?" Sigaw ni Aliah kay Eight.

Yung muka naman ni Eight -> --___--

"Easy lang prenny wala siyang ginagawang masama." Sabe ko.

"Buti naman!" Sagot niya at tumingin sakin. "At bakit ka nandito sa labas? Bat ang dala mo pa mga damit mo? Magtatanan na kayo?"

"Ano!? Hindi prenny!! Pinalayas ako sa amin." Sagot ko.

"Ano?!" Gulat siya oh.

"Oo at eto si Eight nakita lang ako dito. Gusto niya dun ako sa condo niya matulog" sagot ko.

"Ano?! Hindi pwede baka may gawin pa sayo yan. Dun ka sa bahay titira." Sabe niya sabay lapit kay Eight at inagaw ang maleta ko.

"Sige" sagot ko.

Pinapasok naman niya agad kay manong yung maleta ko.

"Salamat eight" sabe ko.

pero parang wala naman siyang narinig at pumasok sa kotse niya.

Tarantado talaga.

Pumasok na agad ako sa kotse ni Aliah.

Agad naman kaming nakapunta sa tinitirhan niya at pumasok kami.

"Prenny ok lang ba talaga?" Tanong ko kay Aliah.

"Oo ano ka ba?! May isang room pa dun. Sayo na yun. Simula ngayon dito ka na titira." Sabe niya.

"Salamat prenny" sabe ko at naiyak na naman ako. "Hindi ko talaga alam kung san ako titira ngayon. Pangako ako lagi gagawa ng gawaing bahay dito wag ka mag alala" dagdag ko.

"No need prenny lahat tayo kikilos dito. Nasanay na din kasi akong walang maid."

"Hi po ate Aliah" may bumaba sa hagdan na magandang babae.

Lumapit siya samin.

"Hello ako po si Mik-mik pinsan po ni Ate Aliah" pakilala niya sakin at naglahad ng kamay.

Ang cute naman niya.

"Hello din ako si bekang" sagot ko at nag shake hands kami.

"Bakit dala mo mga damit mo ate?" Tanong niya sakin.

"Dito na siya titira mik. Pinalayas siya sa kanila." Sagot ni Aliah

"Talaga? Wow tatlo na tayo dito sa bahay ang galing" sabe niya sabay yakap sakin

Ang sweet naman neto.

"Ilan taon ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Ahh 16 na po ko ate." Sagot niya.

"Ay nako maya na kayo mag kwentuhan itaas muna natin tong mga gamit ni bekang para makapag ayos na siya sa kwaryo niya." Sabat ni Aliah.

Agad naman kaming tumaas.

Inayos ko naman ang mga damit ko.

"Prenny tara muna kakain tayo."

"Oo prenny isang tupi na lang sunod ako." Sagot ko.

"Sige sige"

Agad ko namang tinupi ang last na damit ko at nilagay sa aparador.

Bumaba naman agad ako nakita ko na silang nakaupo.

"Ate bekang tara dito upo ka." Yaya ni mik mik sakin.

"Salamat" sagot ko.

"Oh bekang kain na dali luto namin yan." Sabe ni Aliah.

Kumain naman kami.

-------------

Inagahan ko ang gisng ko at hindi pa gising sila Aliah kaya bumaba agad ako sa kusina. Naghanap ako ng maluluto ko. May nakita naman akong itlog, hotdog, sausage, at bacon. Kaya nagluto na lang ako para pag gising nila may pagkain na.

Agad naman akong natapos sa pagluluto. Nilagay ko na rin ang kanin.

"Wow naman may pagkain agad." Bungad ni Aliah sakin. "Goodmorning prenny."

"Goodmorning din prenny." Bati ko rin sa kanya.

Lumapit siya sa lamesa at umupo.

"Mikmik!!!" Sigaw ni Aliah

"Eto na po!" Sigaw ni mikmik

Bumaba naman siya agad. Wahhh ang cute. Ang cute niya sa uniform niya para siyang si sailormoon.

Lumapit na din siya sa lamesa at umupo.

"Wow naman ate bekang ang sasarap naman neto." Sagot niya at umupo na. Umupo na din ako.

Kumain naman agad kami.

"Ang aga naman ng pasok mo" sabe ko.

"Opo ate morning session po kasi ako." Sagot niya

Nag nod naman ako.

~

"Alis na po ako mga ate." Si mik mik

Tumayo na siya at kinuha ang bag niya

"Ingat ka mik" sagot ko

"Babye" paalam ni Aliah

"Bye po" sagot niya at lumabas na

"Tara prenny ligo na tayo" sabe ni Aliah

"Una ka na pren hugasan ko lang tong pinggan" sagot ko

"Sige sige. Sa loob ng kwarto mo prenny may Cr dun" saad niya

"Sige prenny"

Agad naman siyang tumaas at agad ko namang nilinis ang pinagkainan namin.

Parang ang luwag ng pakiramdam ko dito. Walang naninigaw sakin tuwing umaga. Walang masungit na Nancy. Si Aliah ata ang swerte sa buhay ko.

Pagkatapos ko maghugas agad akong tumaas sa kwarto at naligo.

Pagtapos ay nagbihis na ko at kinuha ang bag ko at bumaba.

"Prenny halika nga dito."

Agad naman akong lumapit kay Aliah.

"Ayusin natin necktie mo ang gulo pren hahahaha" sabe niya

Pagtapos niyang ayusin necktie ko eh lumabas na kami at pumasok sa kotse niya.

"Tara na po manong. Sa school po." Sabe ni Aliah

Napakadown to Earth talaga ng babaeng to. I'm so lucky to have a bestfriend like her. Englishhhhh WOHHHH!! HAHAHA!

Agad naman kaming nakapuntang school at syempre pinag tsitsismisan na naman kami. Ano pang bago?

"ZAKE!!!!!" Sigaw ni Aliah

Tumingin naman ako sa sinigawan niya. Si zake ba yun?

Lumingon naman ang isang lalaki at ngumiti. Myghaddd!! Si Zake nga. Ang gwapooo!

Agad naman siyang lumapit sa amin.

"Magkakilala kayo?" tanong niya agad

"Kilala mo si prenny?" Tanong din ni Aliah

"Ahh oo actually kakakilala lang namin nung nakaraan" sagot niya

"Talaga? Ang galing naman"

"Hi bekang" bati ni Zake

Ang gwapo naman neto nakakainis hahaha.

"Hello Zake" bati ko rin, talande hahaha

Ang gwapo niya talaga, parang nagiging crush ko na siya. Joke lang hahahaha.

"Una na pala ko Aliah, Bekang" paalam niya samin at tumakbo

"Ikaw ah, kilala mo pala si Zake ah hahaha"

"Baliw ka!" Sabe ko sa kanya

"Crush mo nu?" Tanong niya

Tumaas naman bigla ang balahibo ko

Mabilis akong sumagot

"Hindi ahh"

"Wehhhh? Hahaha mabait yun Zake. Pagkaibigan ko mabait. Crush mo e yiiiee" pangungulit ni Aliah sabay sundot sa tagiliran ko.

"Hindi ngaaaa" sagot ko habang nangingiti hahahaha

"Sus basta crush mo yun tara na!" Sagot niya hahaha

Siraulo talaga to hahaha

Agad naman kaming nag hiwalay at pumunta sa mga room namin.

Pag pasok ko pa lang ng room. Alam niyo na uli hahaha. Pinaguusapan na naman nila ako. Ano pa bang bago? Jusko. Buti na lang sanay na ko. Kung hindi umiiyak ako lagi panigurado hahahaha.

Wag ko lang sana makita si Eight ngayon. Naaalala ko pa yung sinabe niya.

"Tara na, mamaya ko na babawian ang babaeng to"

Wahhh!!! Di ko pa rin nakakalimutan. Dapat talaga hindi kinakalaban ang mga gangster. Nag sisisi na ko wahhh!!

Sana lang talaga. Mag pepray na lang ako sa CR mamaya tahimik dun sigurado maririnig ako ni Lord.

Natapos ang klase na kinakabahan pa rin ako. Sino ba naman hindi kakabahan? Maya magaya ko dun sa manyak. Nabalitaan ko rin kasi sila daw bumugbog dun. Baka mabaseball bat ako. Ang saket nun wahhh!!

Lumabas naman agad akong room. Palingon lingon ako kung saan. Baka makita kasi ako ni Eigth eh.

*BOOGGGSS*

May nakabangga ako. Wahh ang tangkad parang si Eigth wahhh!!! Agad naman akong tumalikod at tumakbo.

"BEKANGG!!" Napahinto naman ako sa sigaw

Lumingon agad ako.

Si Zake pala hays hooo!!

Lumapit siya agad sakin.

"Ano nangyayari sayo? Para kang di mapakali. May tinataguan ka ba?"

Sumagot naman agad ako.

"Ha? Wala ahh"

"Sure ka?" Paninigurado niya.

"Oo promise" sagot ko.

"Sige sige ingat ka." Sabe niya at ginulo ang buhok ko. Namula naman ako.

Jusq Zake!!! Kenekeleg ako bat ganyan ka?!! Hahahahaha. Lande bekang.

"Hey!" Napalingon naman ako sa nag salita.

Abaaa. Bat napapalibutan ako ng mga gwapo ngayon?

"Ikaw ba si Rebecca?" Tanong niya

Natulala naman ako. Jusq ang gwapo neto. Moreno siya pero bagay sa muka niya ang gwapooo.

"Hey?!"

"Ha? Ah oo ako si rebecca bakit?" Sagot ko ng mawala sa pagkatulala

"Sumama ka sakin" sabe niya

Tumaas naman agad ang makapal kung kilay.

"At bakit?" Tanong ko

"UNO!!!" Sumigaw siya

At may lumapit naman na isa pang lalaki.

Hala ang gwapo din bat ganun?

"Eto yung rebecca." saad niya uli

"Sumama ka samin" sagot naman nung Uno.

"An-------

Di ko na natuloy ang sinasabe ko dahil hinatak na nila kong dalawa.

"HOY SAN NIYO KO DADALHIN!!! BITIWAN NIYO KO!!!" Sigaw

"Pasensya ka na miss. Utos lang ng boss namin." Sagot nila

Bigla namang tumaas ang balahibo ko.

Hawak nila ko sa magkabilaang braso. Pano naman kasi ako makakatakas dito? Ehh mga nag gygym ata to.

"Sino yung boss niyo? Ano ba kailangan niya sakin? Bitiwan niyo na ko pleaseeee!!!"

"Si boss otso" sagot nila

OTSO?

EIGHT?

WAHHHHH!!!! PATAY NA KO!!!

Hello sa inyo ♥️

Yashnien_Baculinacreators' thoughts