webnovel

My FakeBoyfriend

The characters and events portrayed in this story are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the Author.

Yashnien_Baculina · Teen
Not enough ratings
30 Chs

20 Chapter Twenty

Aliah P.O.V

"Anong gagawin natin?" tanong ko kay Derrick

Nandito kami ngayon sa Garden ng BIG 8. Nakalat na kasi ang issue ni prenny. 

"Ano ba kasi ang totoo? Bakit kasama ni Ms. Rebecca ang lalaking yun?" tanong neto ni chinito

"Nag Bar kasi kami, niyaya kami ng classmate ni prenny sa Girls Night Out." paliwanag ko

"Eh pano naman niya nakasama ang lalaking yun?" tanong ni Derrick

Sumandal ako sa puno.

"Hindi ko din alam, basta ang alam ko lang nalasing ako at nakatulog na, di ko na alam ang nangyare kay prenny."

Totoo pag gising ko nasa bahay na ko, hinatid ako ni Bronze.

"Paano ka nakauwi?" tanong ni Uno

Napatingin ako bigla kay Bronze at parang nag init bigla ang pisngi ko.

Sasabihin ko ba?

Napaiwas siya ng tingin sakin.

"Ako ang nag hatid sa kanya. Nakita ko siyang nakatulog sa couch, kaya hinatid ko na pauwi sa kanila." bigla niya salita.

Napatingin kami lahat sa kanya. Lahat sila ay nakangiti.

"Pero hindi ko nakita si Rebecca." dagdag niya

Naging seryoso uli ang atmosphere.

"Feeling ko planado to ng dalawang classmate ni prenny." sabat ko.

"Hindi natin matatago ko to ng matagal kay boss, malalaman at malalaman niya to."

Kawawa naman ang prenny ko.

(。•́︿•̀。)

~~~~~

BEKANG P.O.V

"Omg ang kapal ng muka niyang lokohin si Eight"

"Hindi naman siya kagandahan nu!"

Nagtataka ako sa nangyayare. Hindi ko alam kung ano ang pinag uusapan nila.

"Inosente pero nasa loob ang kalandian"

Pumasok ako ng room, lahat sila nakatingin sa akin. Dumiretso lang ako at umupo.

"Hi Rebecca, alam mo na ba ang issue sayo? Iniwan ka lang namin sa Bar pero magaling ka pala talagang kumuha ng mga boys nu?" Bungad sakin ni Kim

Kumunot ang noo ko sa sinabe niya.

"Oo nga, hindi na ko nag tataka kung bakit mo nakuha si Eight." dagdag ni Kate

Nilapag niya ang cellphone sa lamesa ko.

Pinanood niya sakin ang video.

Nakikisayaw ako sa lalaking yun at may picture ding magkaakbay kami papasok sa building ng condo.

~~~~~

Derrick P.O.V

"Boss wala tayo pasok sa last subject natin, tara mag inuman tayo sa condo nila Bronze." yaya ni Lim

"Hindi na, hihintayin ko pa si Beka." sagot nito.

Patay na talaga.

"Oo nga boss, minsan na lang tayo mag inuman eh o kaya dun sa hide out natin." yaya din ni Ken

"Alam niyo naman di ba? Binawas bawasan ko na ang pag iinom ko" sagot neto habang hinihilot ang sintido niya.

Inlove na talaga ang baliw na to, simula pa lang nang makita kong nasa condo niya si Rebecca, alam ko ng may pag tingin siya sa babaeng yun. Walang sinumang babae ang pinapapasok niya sa condo niya kundi si Rebecca lang.

~FLASHBACK~

Badtrip namn talaga oh, bakit ba kasi ako pa ang kailangan pumunta sa condo nun, dapat si bronze eh, may event pa naman ako mamaya.

Kumatok ako sa condo ni Otso. Badtrip talaga bat pa kasi bumalik yung gagong yun.

Tumunog ang pinto

"Boss!" Bungad ko

Nagulat ako nang si Rebecca ang niluwa neto. Paano siya nakapasok dito?

"Ay Ms. Rebecca nasan si Eight?" tanong ko na lang

"Wait tawagin ko" sagot niya at umalis agad

Walang sino mang babaeng makakapasok sa condo ni Eight, kahit ang nakakabata niyang kapatid ay hindi pa niya napapapasok dito.

Mukang espesyal talaga si Rebecca sa kanya.

Bumukas uli ang pinto at lumabas si Otso.

"Anong problema?" tanong agad ni Otso.

"Nakabalik na siya."

Nagdilim ang muka ni Otso.

"Ano naman? Kahit ano pang gawin ng tangang yun hindi niya tayo masisindak." sagot niya

Wala talagang kinakatakutan ang baliw na to.

Ngumiti ako sa kanya, agad na kumunot ang noo niya.

"Mukang special siya"

Ngumisi siya.

"Kung di ko pa sasabihin sa iba kung sinong gusto ko, baka may umagaw pa sa kanya" nakangisi niyang sagot sakin.

Napailing na lang ako, hinampas ko ng mahina ang balikat niya at naglakad na.

"HOY! SAN KA PUPUNTA?" sigaw niya

Kumaway na lang ako habang naglalakad pa din.

Bakit niya pa kailangang gawing fake girlfriend to? Kung pwede niya naman ligawan agad to.

Kakaiba talaga hays

~END~

"Sige na Otso, minsan lang to." yaya din ni Bronze

"Sge na nga mapilit kayo eh" sagot niya

Agad naman kaming nagtinginan, buti naman at pumayag na to.

Bigla niyang nilabas ang cellphone niya at nag pipindot, nagkatinginan uli kaming lahat.

Tumayo kaming lahat at dinaganan si Otso, Isa isa kaming nag sisitalon sa kanya

"FCK!! ANO BA!?"

Hinablot ni Uno ang cellphone niya at tinapon mula dito sa rooftop. Basag na yun panigurado.

"Umalis kayo tangina!!" Sigaw uli neto.

Nag alisan kami at nag sitawanan. Mag kakakonekta talaga ang mga isip namin HAHAHA.

"WHERE IS MY FCKING PHONE!?" Sigaw uli neto.

Tumingin kami sa kawalan.

"FUCK!!" Mura neto at nag salubong ang kilay.

"Tara na boss, mag inuman na tayo!!" Sigaw ni Uno.

No choice na si Otso kundi sumama samin. Salamat naman.

Pababa na kami nang makasalubong namin ang dalawang classmate ni Rebecca.

"Hi Eight!"

Humarang eto sa dadaanan namin.

"Do you remember us?"

"Anong kailangan mo?" tanong ni Otso

Masama to!

"Nag mamadali kami saka niyo na siya kausapin" sabat ko at nag nilagpasan naman namin sila.

"Alam kong nasasaktan ka sa ginawa sayo ni Rebecca, so i'm here for you." Napatigil kaming lahat nang magsalita siya.

"Makakamove on ka din sa kanya." dagdag neto

"Anong pinag sasasabe mo?!" Sigaw ni Bronze

Bwisit nalintikan na!

"Hindi niyo ba alam ang issue niya?"

Napapikit ako nang mariin.

"Anong issue?" tanong ni Otso at lumapit sa kanila.

Nagkatinginan ang dalawang babae, sila ang sinasabe ni Aliah na nag yaya sa kanila sa Bar.

"We have a video of her to show you."

Kinuha nila ang cellphone na nakalagay sa bag at binigay kay Otso.

Bago kunin ni Otso ay napatingin siya samin.

~~~~~~

BEKANG P.O.V

Nandito ako ngayon sa garden, di pa din ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.

Hindi ko alam kung pano ko makocontact ang nag post ng video na yun.

"PRENNY!"

Napatingin ako sumigaw.

Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako.

"Magiging maayos din ang lahat, alam ko hindi mo magagawa yun. Hindi ka ganung tao." sabe ni Aliah

Tumulo ang luha sa mga pisngi ko, siya lang naniniwala sa akin.

Hindi ako pumasok sa last subject ko, wala namang pumapasok sa isip ko.

"REBECCA!!!"

Napalingon ako sa tumawag sakin, agad akong napatayo.

Alam ko, alam ko isa siya sa mga taong maniniwala sakin.

Agad siya nakalapit sakin.

"Kaya ba hindi kita matawagan ng araw na yun?!"

Galit na galit ang mata niya, ngayon ko lang nakita ang mata nato. Hindi ganto ang mga mata na lagi kong nakikita sa tuwing mag kasama kami.

"Mi---

Hindi niya pinatapos ang sasabihin ko

"Nasa Bar ka at nakikipag sayaw sa lalaki na yun!!!"

"Miss Understanding ang lahat." sagot ko sa kanya.

"Kung Miss Understanding yun. Bakit ang saya mo?"

Hindi ba siya naniniwala sa akin?

"Natulog ka ba sa condo niya?!" Tanong niya at hinablot ang braso ko

"Aray ko Otso!"

Sobrang higpit nang hawak niya sa braso ko.

"Otso huminahon ka!" Sila Bronze

"ANSWER MY FCKING QUESTION!!!!!"

Sigaw niya

"Oo pero----

Binitawan niya ng malakas ang braso ko.

"I THOUGHT  YOU'RE DIFFERENT!!! BUT WHAT THE F*CK!!!!" Sigaw niya nang ikinagulat namin.

Sinuntok niya nang malakas ang punong nasa tabi niya. Ngayon ko lang nakitang ganto siya kagalit.

Humarap uli siya sakin.

"I TRUSTED YOU!! I F*CKING TRUSTED YOU!!!"

"Otso, makinig ka magpapaliwanag ako" mahinahon na salita ko sa kanya

"WHAT ELSE WILL YOU F*CKING EXPLAIN?! I SAW EVERYTHING!!"

Tumahimik na lang ako at yumuko. tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"DID HE F*CK YOU ALREADY?! DID YOU LET HIM F*CK YOU?!"

Nagulat ako sa tanong niya. Mas lalong bumuhos ang luha sa dalawang mata. Ganto ba talaga ang tingin niya sakin?

"OTSO TAMA NA!!" Sigaw ni Derrick

Tumawa si otso at tumingin sakin.

"Did you open y----

*SLAPPPPP!!!*

Hindi ko na napigilang sampalin siya, hindi ko hahayaang bastusin niya ko ng ganto!

Nakatagilid ang muka niya sa lakas ng sampal ko. Tumawa siya ng mahina at tumalikod at nag lakad.

"KUNG AYAW MO MANIWALA SAKIN!! EDI WAG!! HINDI KITA KAILANGAN!!!" Sigaw ko sa kanya

Napatigil siya nang saglit pero nag lakad ulit.

Akala ko isa siya sa taong maniniwala sakin dahil pinagkakatiwalaan niya ko.

Napaupo ako parang nanlalambot ang tuhod ko. Ewan ko ba bat ganto umagos ang mga luha ko dapat wala akong pake sa otso na yun dahil hindi naman siya mahalaga pero bakit nasasaktan ako.

"Prenny" niyakap ako ni Aliah na mas lalong kinaagos ng mga luha ko.

~~~

BOWTTTTTTლ(^o^ლ)

Yashnien_Baculinacreators' thoughts