webnovel

My FakeBoyfriend

The characters and events portrayed in this story are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the Author.

Yashnien_Baculina · Teen
Not enough ratings
30 Chs

19 Chapter Nineteen

Napatingin ako sa kisame at bumangon sa hinihigaan ko.

Napahawak ako sa ulo ko.

Argghh! Ang sakit ng ulo ko!

Napatingin ako sa paligid ko.

WAHHHHH!! NASAN AKO?!!!

Nakakalat ang mga damit ko sa sahig.

Tinignan ko ang katawan ko tanging panty at bra lang ang suot ko.

Ano ba nangyari kagabe?

WAHHHH!!! Sumama ako sa lalaki? LALAKI?!!

"Gising ka na pala"

Napalingon ako sa nag salita.

"SINO KA!?" Sigaw ko at tinakpan ng kumot ang katawan ko.

Lumapit siya sa kama at umupo.

"Hindi mo matandaan kagabe?"

"ITATANONG KO BA KUNG NATATANDAAN KO?!" Sigaw ko sa kanya

Ngumiti lang siya at tumayo.

"Mag bihis ka na" sagot niya at lumabas at sinarado ang pinto.

Agad akong tumayo at sinuot ang damit ko.

Agad akong lumabas at hinanap siya.

Muka tong condominium.

Nakita ko siya sa kusina.

"Kumain ka na muna mukang napagod ka sa ginawa natin kagabe eh"

Nanlaki ang mata ko sa mga sinabe niya!

WAHHHH!! ANG PERLAS NG SILANGAN KO!!!!!

"HOY MAY NANGYARE BA SATING DALAWA?" Tanong ko sa kanya

Humarap siya at nilapag ang fried rice na niluto niya.

"Sa tingin mo?" sagot niya at ngumiti sakin

Natulala ako sa sinabe niya.

Naramdaman kong nabasa ang pisnge ko.

Ganun na lang nawala yun?

Ibibigay ko dapat yun sa mapapangasawa ko?! Bakit?

WAHHHHH!! Napasabunot ako sa sarili ko.

"Woy! Anong ginagawa mo?"

Napatingin ako sa kanya.

"Bakit mo kinuha?" tanong ko sa kanya habang pinupunasan ko ang tumutulong luha sa mga mata ko.

"Walang nangyare satin" sagot niya

Bumalik ako sa wisyo ko.

"Ha?"

"Nagsusuka ka kaya ka nakahubad" paliwanag niya

"Ikaw ang nag hubad sakin?" tanong ko habang nanlalaki ang mata ko.

Nakita niya ang buong katawan ko

(ʘ言ʘ╬)

WAHHHHH!!!!

Tumawa lang siya at umupo sa harap ko.

"Pinaasikaso kita sa neighbor kong babae kaya wag ka mag alala wala kong nakita."

Napagbuntong hininga ako ng malalim.

Buti naman akala ko hays.

"Bakit mo ko dinala dito? Nasan ang mga kasama ko kagabe?"

Nakatitig ako sa kanya, gwapo siya at mukang wala naman siyang gagawing masama sa akin.

May full sleeve tattoo siya sa right arm niya pero maganda naman tignan sa kanya.

"Sabi ng mga kaibigan mo ako na lang daw ang bahala sayo kasi lasing na din sila. Hindi ko naman alam ang bahay mo kaya dito na lang kita dinala." sagot niya

"Ah ok salamat uuwi na ko." sagot ko at tumalikod

"Wait kumain ka na muna!"

Hinawakan ko na ang pinto at binuksan.

"Ok na ko salamat." sigaw ko at lumabas na.

Nasan kaya si prenny? Pag kakaalam ko kagabe bagsak na siya at natutulog sa upuan.

~I love everything

Agad kong kinuha ang cellphone ko.

~Fires, spreading

*PRENNY CALLING*

Sinagot ko na agad

"Hello prenny nasan ka?" bungad ko agad sa kanya

[Nandito ko sa bahay, ano ba nangyare prenny? bakit hindi ka dito natulog?]

"Mamaya ko na ipapaliwanag pag uwi ko dyan, babye." sagot at agad na binaba ang cellphone ko.

--------

"OMG prenny wala talagang nangyare sa inyo?"

Kwinento ko sa kanila ang lahat ng nangyare, maliban sa kagabe wala talaga kong maalala.

"Nakakapag taka lang kasi ang bilis natin nalasing nung nakabalik na tayo galing sa CR." nagtatakang sagot ni Aliah

"Sino ba ang nag hatid sayo dito?" tanong ko sa kanya

"Si Kuya Bronze ang naghatid sa kanya dito. Tinanong ko pa nga kung bakit wala ka, ang sabe niya hindi ka daw niya nakita, nakita niya daw si ate Aliah na nakahiga sa leather couch."

"Feeling ko may planado to ng dalawang classmate mo" sagot ni Aliah "Hindi ko alam kung bakit nila ginawa to pero malalaman din natin ang lahat" dagdag niya.

Napabuntong hininga ako, nagpapasalamat pa din ako dahil mabait yung lalaking nakasama ko at di ako ginawan ng masama.

Biglang tumugtog na naman ang rigngtone ko kaya agad kong kinuha ang cellphone ko.

*Demonyong Unggoy Calling...

"Ano na naman?!" bungad ko sa kanya

[Where the hell are you?]

"Pake mo!" sagot ko sa kanya

[Kahapon pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot! Ako ba talaga ginagago mo ha?]

Nakatitig sakin si Aliah at Mikmik

"Hindi naman kita boyfriend! Bakit kailangan ko ipaalam sayo ang lahat?!" sagot na nakapag pataas ng kilay ko.

[Ah oo nga pala.]

*Toot* *Toot* *Toot*

Napatingin ako sa cellphone ko.

"Hala prenny nagalit ata!" sigaw ni prenny

"Bat mo sinabe yun ate!!"

Tumayo ako, gusto ko na maligo!

"Totoo naman ah, hindi ko naman talaga siya boyfriend!" sagot ko at tumaas.

------

"Prenny bumili na lang kasi tayo ng bago bakit nag tyatiyaga ka sa sapatos na yan!" sigaw ni prenny sakin

Inaayos ko kasi tong school shoes ko dito sa labas, natuklap na kasi kaya nilalagyan ko ng super glue.

"Ok pa naman to ano ka ba prenny!" sagot ko

Tinignan ko ang sapatos ko, hindi na siya nakatuklap at ok na siya.

"O di ba?"

Pinakita ko kay Aliah.

Inisnaban lang ako ni Aliah.

"Bala ka nga nagpapakahirap ka dyan" sagot ni Aliah at pumasok sa loob.

Ok pa naman to ah?

"Babae!"

Napalingon ako sa gate at lumapit ako

Agad kong binuksan yun dahil may demonyong bisita.

"Anong ginagawa mo dito?!" bungad ko sa kanya

Bigla niya kong hinila kaya nasubsob ako sa dibdib niya

"Mag date tayo!"

"Ayoko madami akong gagawin!" sagot ko at tumalikod

Bigla niya naman hinila ang braso ko at namalayan ko na lang na nasa loob na ko ng kotse niya.

"AYOKO NGA SABE!!!" Sigaw ko sa loob ng kotse

"Whether you like or not, sasama ka sa akin!" sagot niya at pinaandar ang kotse niya

Bigla naman siyang nag preno kaya napatingin ako sa kanya

Bigla naman siyang lumapit sa akin!

WAIT HAHALIKAN NIYA BA KO?!

Naistatwa ako sa kinauupuan ko dahil sobrang lapit niya sa muka ko.

Amoy na amoy ko ang pabango niya, ang sarap singhutin hanggang maubos.

Ang puso ko parang gusto kumawala at sumayaw kasama ang mga butterflies.

"Matuto ka ngang mag seat belt!"

Nilagyan niya lang pala ko ng seatbelt, bumalik na siya sa upuan niya at nag maneho uli.

Bakit ganun kakaiba talaga ang feeling pag kasama ko ang lalaking to?

Komportable ako at napapakita ko ang totoong ako.

Imposible naman kasi na mag kagusto ako sa isang to dahil si Zake lang naman ang gusto ko.

Tama si Zake lang! Wala iba kundi si Zake! Kelan niya kaya ako papansinin? Namimiss ko na talaga ang lalaking yun!

------

"Prenny monday na naman!!" sigaw ni Aliah habang  nagiinat pababa ng hagdan.

Nakakatamad ang araw na to parang ayoko pumasok!

Kumakain na kami, ako na lang ang hindi pa nakapag ayos.

"Taas na ko." sabe ko sa kanila

Agad naman akong nag ayos at bumaba uli. Hinihintay ako ng dalawa.

"Tara na ate Aliah!" sigaw ni Mikmik

Paglabas namin, nakabungad samin si Otso nakasandal sa kotse niya. Bago na naman ang kotse niya? Gaano ba kayaman ang demonyo na to?

"Prenny mauna na kami mukang may sundo ka eh" Sagot ni Aliah at sinundot pa ang tagiliran ko.

Lumapit ako kay otso, nakashades pa ang unggoy.

"Bat ang tagal mo?" bungad niya sakin

"8:00 ang klase mo, 8:00 na paalis ka pa lang." dagdag niya

"Nagluto pa kasi ako." sagot ko

"Here, for you." sambit niya at may binibigay na paper bag sakin

Kinuha ko at tinignan ang loob, may box.

"Ano to?" tanong ko sa kanya

Umikot siya sa kotse niya papunta sa driver seat.

"Palitan mo na yang sapatos mo, nakakahiyang girlfriend kita at napaka cheap mo." sagot niya at binuksan ang kotse niya at pumasok

Napatitig ako sa paper bag na hawak ko. Mukang mamahalin ang sapatos na to.

Biglang bumukas ang bintana ng kotse sa gawi ko.

"Hoy panget dalian mo! Pumasok ka na dito!"

Agad naman akong pumasok sa kotse niya at nagmaneho na siya.

"Kanina ka pa ba sa labas ng bahay nag hihintay?" tanong ko sa kanya

"Bat naman kita hihintayin? kadadating ko lang din." sagot niya

"Hindi ka magaling mag sinungaling HAHAHAHA!" sagot ko

"Asa ka!" bulyaw niya sakin

Napangiti na lang ako sa kanya at pinupukpok na naman ang dibdib ko na gusto kumawala.

------

BRONZE  P.O.V

"Paano to bronze? Anong gagawin natin?" Tanong ni Derrick sakin

"Hindi ko pa alam pero sa oras na makita ni Otso yan, malilintikan na talaga."

Nakapost sa St. Camilluz Secret Files ang video ni Rebecca na nakikipag sayaw sa isang lalaki sa bar, Napicturan pa silang magkaakbay papasok sa condo neto. Kalat na sa buong campus ang post.

Magkasama nga talaga sila ni Aliah kagabe pero bakit hindi ko siya nakita?

Nandito lahat ng gang sa labas hinihintay namin si Otso.

"Sa ngayon kailangan natin itago kay Otso ang post na yun. Kailangan natin masolusyunan to bago niya malaman." sagot ko sa kanila.

"Alam naman nating lahat hindi lang ang pagiging fake girlfriend ang gusto niya kay Rebecca, gusto niya talaga to kaya sa oras na malaman niya to, patay talaga!" Dagdag ni Lim

"Parang mas mahirap pa to kesa makipag bugbugan sa ibang gang." sabit ni Uno "Kaya ayoko ng pag ibig eh nakakastress" dagdag niya

"Tawagan niyo din si Xavier, ipatrace niyo sa kanya kung san galing ang post na yun, at kung sino ang nag post." Sabe ko sa kanila, magaling na hacker si Xavier kaya alam ko malalaman namin yun.

Biglang may dumating na isang Lamborghini Huracán EVO Spyder. Napanganga kami kulay green to. Naunahan na naman ako bumili ng gago. Iba na lang ang bibilhin ko.

Lumabas dito si Otso at Rebecca, nalintikan na talaga magkasama pa sila!

~

Enjoy reading, Vote(✿^‿^)

Yashnien_Baculinacreators' thoughts