webnovel

My FakeBoyfriend

The characters and events portrayed in this story are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the Author.

Yashnien_Baculina · Teen
Not enough ratings
30 Chs

18 Chapter Eighteen

Tapos na ang klase pero hanggang ngayon di pa rin mawala sa isip ko ang ginagawa ni Otso pano niya nalaman na may project ako?

"Rebecca ang sweet talaga ni Eight sayo, anong feeling na siya ang boyfriend mo?"

Nakapalibot sila sakin habang ako nilalagay ko ang mga notebook ko sa bag ko.

"Umalis nga kayo! Naiirita na sa inyo si Rebecca!!" Sigaw ni Kim at pinag tutulak ang kaklase namin.

"Ano bang pakelam niyo?!"

"May pakielam kami dahil kaibiga namin si Rebecc!" sagot ni Kate

"Umalis na nga tayo dito!" sagot nila at umalis na nga.

Humarap na sakin ang dalawa.

"Rebecca kasabay mo ba ang BIG14 pauwi?" tanong nila sakin

Sinuot ko naman ang sling bag ko pagkatapos ko maayos ang lahat, dati naka backpack ako kaso tinapon ni Mikmik at pinalitan netong sling bag, pasaway talaga ang batang yun. 450 din ang bili ko sa bag na yun sayang.

"Hindi ko alam eh" sagot ko sa kanilang dalawa.

Naglakad na ko palabas ng room. Nasan kaya si prenny?

"Rebecca invite ka pala namin" bigla na naman silang kumapit sa maglabilang braso ko "Girl's Night Out sa MX BAR tomorrow 8pm"

"May gagawin ako bukas eh, kayo na lang" sabi ko pero ang totoo wala naman talaga akong gagawin hindi lang ako sanay pumunta sa mga ganung lugar katulad ng bar.

"Sige na Rebecca minsan ka lang namin yayain, sige ka mag tatampo kami pag hindi ka sumama"

"PRENNY!!!"

Buti naman at nandito na si Prenny.

"Hoy ano na namang ginagawa niyo kay Prenny!?"

Agad na tinanggal ni Aliah ang mga kamay nila sa braso ko.

"OMG! What's your problem?!"

"Pwede ba layu----

"BABE!!!"

Napalingon kami sa sumigaw si Otso kasama ang BIG14, Ang dami nila, nakasuksok ang dalawang kamay ni Otso sa pants niya.

"Hello Eight!" bati ni Kim at Kate sa kanya pero nilagpasan lang sila.

Inakbayan niya ko at hinila.

"Ano na naman bang gagawin mo sakin?!" sigaw ko sa kanya habang hila hila niya ko

Hanggang sa makalabas kami ng school.

"SAAN MO NA NAMAN BA KO DADALHIN DEMONYONG UNGGOY!?" Sigaw ko sa kanya

"Wag ka ngang sumigaw, hindi ka ba mag papasalamat sakin?" sagot niya habang nakangisi sakin.

Tumaas ang isa kong kilay.

"At bat naman ako mag papasalamat sayo?"

"Ako lang naman ang gumawa ng project mo, kung hindi ko ginawa yun malamang napahiya ka na sa lahat ng mga classmates mo" sagot niya sakin

Ang yabang talaga ng hukluban na to!!

"Hindi ako magpapasalamat sayo dahil una sa lahat, magagawa ko sana ang project ko kung hindi mo ko niyaya sa meeting niyo sa 104 Room! Hindi sana tayo makukulong dun! Kasalanan mo yun!" sagot ko

"Kahit na ako pa din ang gumawa ng project mo kaya kailangan mo mag pasalamat sakin!"

"Ok!" sagot ko

Napangiti naman siya

"Salamat HA?" sagot ko at tumalikod

Makaalis na nga!!

Bigla niya na naman akong hinila at pinasok sa sasakyan niya.

"ANO BA?! SAN MO NA NAMAN BA KO DADALHIN?!" Sigaw ko at nag maneho na siya.

"Wag ka ngang maingay dyan!!"

--------

Renegade Renegade🎶🎶

"Ano ba yan Mikmik? kanina ka pa red na gate ng red na gate dyan."

Kanina pa kasi si Mikmik sa cellphone at nag titiktok na naman.

"Anong red na gate ate? Renegade yun!" sagot niya habang sumasayaw na naman HAHAHAHA

Buti na lang at sabado ngayon at makakapag pahinga na naman ako.

~I love everything

~Fire's spreading all around my room

"Ano ba yan prenny ang creepy naman ng ringtone mo!" sigaw ni prenny

~My world's so bright

Natawa na lang ako at sinagot ang tumatawag.

"Hello"

[Hello Rebecca! ]

Napakunot ang noo ko.

"Sino to?" tanong ko

[Ako to si Kim, remind lang kita para mamaya sa Girl's Night Out natin sama mo na din yung friend mo kung gusto mo]

Pano nila nakuha ang number ko?

"Pero kasi---

[Pumunta ka ah hintayin ka namin, see you!]

"Ha---

*Toot* *Toot* *Toot*

Napatingin na lang ako cellphone ko. Mukang no choice ako ah.

"Sino yang kausap mo?" tanong ni Aliah at umupo sa tabi ko.

"Sila Kim niyayaya nila ako sa Girl's Night Out nila."

"Ano?! Sasama ako! Hindi pwedeng mag isa ka lang!"

Hindi naman siguro masamang sumama.

-------

"Ok na ba tong suot ko?" tanong ko habang pababa ako.

"ANO YANG SUOT MO ATE?!" sigaw ni Mikmik at lumapit sakin

"Bakit anong problema sa suot ko?" tanong ko at tinitignan ang damit ko, wala namang mali ah?

"Muka kang mag sisimba ate!" Sigaw niya uli at hinila uli ako pataas.

Naghanap siya sa closet niya.

At mga ilang minuto ay inayusan niya ko.

"Ayan ang ganda!"

Nakasuot ako ng isang Black fitted dress, parang mas ok yung kanina.

"Sure ka ba dito Mikmik?" tanong ko sa kanya habang nakatingin ako sa malaking salamin. Hapit na hapit sa katawan ko ang damit na to.

"Oo naman ate, tara na!" hinila niya na ko pababa

Siya din ang nag ayos kay Aliah. Nakasuot siya ng White na top at fitted jeans at sandals.

"Wow ang ganda mo naman prenny!" sabe ko sa kanya

"Talaga? ikaw din prenny!" sabe niya na parang kinikilig pa siya.

"Alis na kami Mikmik! Ikaw na muna dito mag lock ka ah!" Bilin ni Aliah bago kami umalis.

"Sge ate ingat kayo, enjoy!"

-------

Ganito pala sa Bar, puno ng ilaw, malalakas na music at usok. Makikita mo ang mga tao sa gitna habang nagsasayaw parang hindi mahulugan ng karayom sa sobrang dikit nila.

"Buti naman at nakarating kayo!" Sigaw ni Kim dahil sa ingay na nag mumula sa Tugtog.

"You look gorgeous right now, Rebecca!" Sabe ni Kate

"Salamat" sagot ko

"Waiter!" sigaw ni Kim

Lumapit naman agad ang waiter at may binulong to.

"Nag order na ko ng iinumin natin" sabe niya "Gusto niyo bang sumayaw?"

"Ay hindi ok na kami dito" sagot ko

"Wag ka ng mahiya Rebecca! Kasali ka sa Dance Troupe ng school, imposibleng di ka marunong sumayaw!" Sabe ni Kate sa tabi ko.

"Ok lang sasamahan ko lang si Aliah dito." sagot ko

"Ok tara girl ang daming boys!" yaya ni Kim at pumunta na nga sila sa Dance Floor.

"Prenny umuwi na kaya tayo?" tanong ko kay Aliah.

"Bakit naman?" tanong ni Aliah

"Kinakabahan kasi ako eh." sagot ko

Totoo kanina pa ako hindi mapakali na parang may mali.

"Di ka lang talaga siguro sanay sa Bar kaya ka kinakabahan, wag ka mag alala mawawala din yang kaba mo masasanay ka din" sagot ni Aliah

Biglang dumating ang waiter at nilagay ang alak.

Kumuha naman si Aliah kaya kumuha na din ako.

"Cheers?"

habang nakatapatat ang baso niya sakin kaya nag cheers kami at uminom.

Bigla namang bumalik sila Kim.

"Ok lang ba kayo dito?" Tanong nila

"Oo" sagot ko at ngumiti

"Alam mo ba Rebecca nag tataka pa din kami pano nga ba naging kayo ni Eight?" tanong ni Kate

"Oo nga" dagdag ni Kim

"Parang nakakabigla kasi di ba?"

"Ginayuma mo ba siya?" tanong uli Kate kaya napatingin ako sa kanya. "Just kidding! hahaha!"

"Pero pano nga ba talaga?" tanong uli ni Kim

"Pumupunta kasi lagi si Eight sa bahay at nililigawan niya si Prenny" sabat ni Aliah

"Oo ganun nga" dagdag ko

Tumango tango naman silang dalawa

"Eh bakit sa bahay niyo?" tanong ni Kate kay Aliah

"Magkasama kami sa iisang bahay." sagot ko.

"Cr lang ako" paalam ni Aliah

"Ok" sagot nila Kim

"Samahan na kita" sabe ko kay Aliah at tumayo.

"Akala ba nila hindi ko nahahalata?" sambit ni Aliah habang nagaayos kami dito sa salamin. "Halatang mga desperada at may gusto sila kay Eight nu!"

"Hayaan mo na Prenny" sagot ko sa kanya

Agad kaming lumabas at bumalik sa upuan namin.

"Sasayaw lang uli kami ah, dito muna kayo at uminom" paalam ni Kim at bumalik sila sa dance floor

Uminom na lang uli kami ni Aliah.

Mga ilang minuto ay parang dumadalawa na ang paningin ko. Nakita ko naman si Aliah nakahiga na sa kinauupuan niya.

"Lasing na yung kaibigan mo, Rebecca!" Si Kim

"Oo nga *suk* eh" sagot ko

"Tara sayaw tayo!!!" sigaw nila at hinila ako

--------

Vote (◠‿◕)

Yashnien_Baculinacreators' thoughts