webnovel

My FakeBoyfriend

The characters and events portrayed in this story are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the Author.

Yashnien_Baculina · Teen
Not enough ratings
30 Chs

14 Chapter Fourteen

*Saturday Morning*

"Prenny rest day wooohhhh!!" sigaw ni Aliah

Nakaupo siya sa dining area

Syempre ako? Ano pa bang ganap ko?

Nag luluto HAHAHAHA!

"Prenny anong pwede nating gawin ngayon?" tanong niya sakin

"Ikaw ba" sagot ko

"Hmmm—-"

"Tara UNO tayo! Ano ano!?"

Nagulat naman kami sa sigaw ni Mikmik habang pababa sa hagdan

"Ano ba namang bibig yan Mikmik!" sigaw din ni Aliah

"Edi bibig" sagot ni Mikmik at lumapit na sa amin

"Wag na tayo mag uno, maduduga kayo eh." sagot ko at nilagay na sa plato ang nalutong itlog

"Uy ate bekang, si Ate Aliah yun tumatakas pag may mananalo na!" sagot naman ni Mikmik

At ayun nag asaran na sila ni Prenny HAHAHA!

Agad naman akong natapos sa pagluluto kaya kumain na kami.

"Nakuu prenny! Yun na nga eh! Di ko alam nangyayare! Laging lumalapit sakin si Derrick!" si Aliah

"Ehh baka naman kasi may gusto sayo yun." sagot ko sabay kuha ng ham.

"Hindi prenny eh, ang sabe niya kasi sakin wag daw ako mag alala dahil wala naman daw siyang gusto sakin may plano lang daw talaga."

"Anong plano naman yan?" tanong ko

"Ewan ko di niya nga sinasabe, lagi kong tinatanong."

"Buti pa ko chill chill na lang." sabat naman ni Mikmik

"Tama yan! Bata ka pa" sabe ko sa kanya

"Hindi kaya, dalaga na ko" sagot niya sakin

"Sus di ka pa nga marunong tumawid eh" sabat ni Aliah

"Syempre lagi akong nasa kotse, hatid sundo" sagot niya at nag pout

"Sus wag ka mag pout, hindi ka cute!" sagot ni Aliah

Nagtawanan naman kami.

Thankyouu Lord nagkaroon ako ng mga gantong kaibigan na parang mga kapatid ko na.

Pagkatapos namin kumain ay nagkwentuhan naman kami sa sala.

"Wala ba talaga tayo malilibangan ngayon?" tanong ni Aliah

"Ehh kung imake over ka na lang namin Ate Aliah" sagot ni Mikmik

Kuminang naman yung mata ko

"Oo nga prenny" pag sang ayon ko

"Ayoko nga." sagot ni Aliah

———-

"Wahhhh!! Ayoko nga sabe!!!" sigaw ni Aliah

Hinihila na kasi namin siya ni Mikmik palabas.

At syempre walang malakas sa marami mga tsong.

Kaya pinasok na namin siya sa kotse.

"Kuya sa mall po tayo." sabe ni Mikmik kay manong driver

——

"Wala ka namang pimples ate, kaya madali ka lang ma-make over." sabe ni Mikmik kay Aliah

Syempre hinila na namin siya sa salon HAHAHAHA.

"Gusto ko ate yung magandang maganda ahh. Mula ulo hanggang paa." sagot ni Mikmik

Syempre si Aliah nakasimangot pa rin.

"Di ba Prenny? Wala tayong magawa? Ngayon meron na." sabe ko sa kanya pero inisnaban lang ako HAHAHAHA!

"HAHAHA! Ate Aliah alis muna kami ni Ate Bekang bibili kami ng mga masusuot mo yiiiehh excited ka na ba?" tanong ni Mikmik sa kanya

"HINDI!" sagot ni Aliah

Kaya mas lalo kaming natawa HAHAHAHA!

Lumabas na kami ng Salon ni Mikmik at kumuha ng mga kakailanganin ni Prenny.

"Ate matagal tagal pa ata yun si Ate Aliah, kain muna tayo tapos dalhan din natin si Ate Aliah para sa Lunch niya."

Nag nod naman ako kay Mikmik

Napunta muna kami sa DQ dahil napagtripan naming kumain ng Ice Cream.

"Sobrang nakakainis siya ate, pag katapos niya kong ipagpustahan sa mga tropa niya lalapit lapit na naman siya sakin!" kwento ni Mikmik sakin

Kinikwento niya yung lalaking nag paiyak sa kanya dati. (Chapter 9)

"Gusto ko makilala yan, gwapo ba?" tanong ko kay mikmik

Natahimik siya bigla

"Gwapo nu?" sabe ko at tinawanan siya

"Oo ate gwapo siya pero hambog nakakainis!!"

"Hey!"

Napalingon kami sa nag salita.

Hanggang dito ba naman sa mall may Demonyong Unggoy?

"Hi Kuya Otso!" Bati ni Mikmik sa kanya

Nginitian naman siya ni Unggoy.

"Ahmm, Mikmik pwede ko bang mahiram muna si Beka?"

"Ay kuya kahit wag mo na ibalik, sayong sayo na yan."

Sinamaan ko naman ng tingin si Mikmik.

"Talaga? Sige di ko na ibabalik Mikmik ahh."

"Oo kuya sayo na regalo ko na sayo yan, Babye Ate Bekang!" sagot ni Mikmik at tumakbo

Madapa ka sana Mikmik, iniwan ba naman ako.

"Ano na namang kailangan mo sakin?" tanong ko sa kanya

"Tara date tayo." yaya niya sakin

"Huh? Bat ako?" pagtataka ko

"Girlfriend kita bakit?"

Tumayo naman ako sa kinauupuan ko.

"Hoy! Fake Girlfriend" sagot ko sa kanya at nilayasan siya

"Uyy hintayin mo ko!" sigaw niya at sumunod sakin

Naramdaman ko na naman yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"San mo gusto mag date? Babe?"

"Ewan!" sagot ko

"Daliii na kahit saan basta gusto ko masaya." sagot niya

"Ano ka bata?" tanong ko sa kanya

Isipin mo kasi tong gangster at malaking katawan na lalaking to. Minsan isip bata, minsan naman nakakatakot. Di ko na maintindihan to jusKO!

"Minsan lang ehh." sabe niya

Kaya nakaisip na ko ng pupuntahan namin.

———

"Seryoso? Dito talaga tayo magdedate?" tanong niya sakin

"Sabe mo gusto mo sa masaya di ba? Oh ayan Enchanted Kingdom!" sagot ko sa kanya

"Ano bang nasa loob niyan? Siguraduhin mong masaya yan ahh!" sabe niya

"Di ka pa ba nakakapunta sa mga ganto?" tanong ko

"Hindi eh, nung bata ako laging bahay at school lang. Busy kasi ang mga magulang ko kaya di nila ko napapasyal sa mga ganto." sagot niya habang nakatingin sa EK.

"Ang panget naman ng Childhood mo! Tara na nga!" sabe ko at hinila ko na siya.

Pagpasok namin sa EK aba ang gago manghang mangha jusKO!

"Tara dito tayo sa EKstreme TOWER" yaya ko sa kanya

"Ayoko mamaya na yan boring yan." sagot niya

"Gago ka ba? Baka pag nakasakay ka dyan hindi ka maboringan." sabe ko sa kanya

Napansin kong nakatingin siya dun sa bahay na RIALTO ICE AGE 4D. Seryoso yan ba gusto niya?

"Gusto mo dyan?" tanong ko sa kanya

Nag nod naman siya. Parang bata talaga ang unggoy na to.

Syempre pinag bigyan ko na pumasok kami sa loob.

Binigyan naman kami ng salamin at pinapasok na kami sa loob.

——

"Isa pa tayo, ulitin natin."

"Seryoso ba to Otso? Uulitin natin yan?" tanong ko sa kanya

"Oo ang galing kaya para kong nasa kwento, gumagalaw pa yung upuan, tapos humahangin pa ng malakas." sabe niya

Napailing na lang ako sa mga pinag sasasabe niya.

"Tara na nga, marami pang mas maganda dyan." sabe ko sa kanya at hinila siya

Sumakay kami sa EKstreme TOWER at oo inulit ulit namin yun dahil nagustuhan niya.

"Dito naman tayo sa ANCHORS AWAY" sabe ko sa kanya

"Sige sige!" sagot niya

Sumakay kami sa dulo ng barko para mas mataas yung lipad namin, bigla niyang nilabas ang cellphone niya at pinindot ang video.

"Hoy para san yan?" tanong ko

"Memories?" sagot niya at inakbayan ako.

Nakatapat samin yung video.

"Baka malaglag mo yan ahh." sabe ko sa kanya

Nag umpisa nan umandar yung BARKO kaya napasigaw ako

"Wala pa uyy." sabe niya sakin

Natawa naman ako.

Syempre hanggang sa tumaas puro ko sigaw kami ba naman yung nasa dulo ehh sobrang taas namin para kong malalaglag.

"Ulitin pa natin." sabe niya sakin

"Tama na, sa iba naman tayo." sagot ko

"Mahina ka pala eh."sabe niya sakin

"Hoy hindi nu, tara ulitin natin!" sabe ko at hinila ko siya

Natawa naman siya.

Pagkatapos naming ulitin yung Anchors Away...

"Otso dito ka muna sa food court ahh, mag cr lang ako" paalam ko sa kanya

Nag nod lang siya kaya tumakbo na ko papuntang CR.

Pagkatapos kong mag CR ay agad akong lumabas at pinuntahan siya.

"Kuya ako naman papicture."

"Kuya ano pong pangalan niyo?"

"Ang gwapo niya talaga."

"Oo kanina ko pa nga nakikita yan eh."

At ayun si Otso buryong buryo na kakapapicture sa kanya, agad naman akong lumapit at nakipag siksikan pa ko.

"Uyy ate wag ganyan."

"Magpapapicture ka din ba, pila pila lang."

"Hi, saka na kayo mag papicture kasi BABE TIME kami ngayon!" sabe ko sa kanila

"Ay may girlfriend pa lang kasama."

"Sayang!"

"Bagay naman sila eh."

"Papicture po kami mamaya."

Agad ko namang hinila si Otso.

Napatingin naman ako sa kanya at ang lawak nang ngiti niya.

"Oh bat ganyan ka makangiti ha?" sabe ko sa kanya

"Babe time" sabe niya sabay hawak sa bewang ko

"Hoy hindi nu! Syempre iniwas lang kita dun sa mga babae kasi buryong buryo ka na." sagot ko sa kanya

"I don't fvcking care, It's Babe time at grabe ka namang mag selos Babe, alam mo namang ikaw lang di ba." sagot niya sakin at niyakap ako.

Agad ko naman siyang tinulak.

"Gago ka ba? Tara na nga mag rides na tayo. Nahihipan ka na naman ng demonyong hangin eh." sagot ko at hinila siya.

May kung ano na namang pumupukpok sa puso ko. Gago kasi to eh.

"Dito tayo sa Space Shuttle." sabe ko sa kanya

"Basic." sagot niya

"Wow naman."

Pumasok na kami sa loob at pumila.

Agad naman kaming nakasakay.

Kinakabahan na naman ako. Huling punta ko kasi dito bata pa ko kasama ko pa sila mama at papa.

"Hold my hand." sabe ni Otso habang nakatingin sakin.

Hinawakan ko naman agad ito kaya mag kaholding hands kami.

*ENNNNGGGGKKK*

Nagsigawan na agad ang mga kasama naming nakasakay dahil tumataas na yung sinasakyan namin.

"WAHHHHHHH!!! KYAHHHHH!!!"

Tili ako ng tili, Si Otso naman tawa ng tawa sakin.

Nakakakaba naman kasi talaga.

*BOOGGGS*

Agad kaming bumagsak at nag bali baliktad.

"KYAHHHH!!!" Tili lang ako ng tili habang si Otso tawa pa rin ng tawa.

Tumigil kami sa pinakadulo. Babalik pa to.

Umandar na naman at binalik kami.

Pagbaba namin ng Space Shuttle.

At nanginginig na ko ikaw ba naman ibaliktad di ba? Parang napunta yung puso at baga ko sa utak ko nang ilang segundo.

At eto namang kasama ko tawa pa rin ng tawa ngayon.

"Nakakatawa ka Babe, tili ka ng tili." sabe niya sakin

Tinarayan ko lang siya at iniwan siya, agad niya naman akong sinundan at hinawakan ang kamay ko.

"San naman tayo?"

——-

Nandito na kami sa Ferris Wheel ngayon. Ginabe na kami dito.

Nag kabasa basa pa kami sa Rio Grande kaya nag palit pa kami.

Inulit pa namin uli lahat nang nasakyan namin.

Bumili pa siya ng dalawang head band na unicorn at sinuot saming dalawa. Siraulo talaga ang unggoy na to.

Eto mag katabi kami at nag papahinga dito sa Ferris Wheel. Sobrang ganda ng langit puro star na.

"Salamat."

Napatingin naman ako sa kanya. Nakatingin din siya sakin.

"For what?" sagot ko

English yan panesss!

"Salamat kasi dinala mo ko dito." sagot niya

"Wala yun." sabe ko at sumulyap sa langit

"Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na to Beka." sabe niya habang nakatitig sakin.

"Eight" tawag ko sa kanya

Unti unti niyang nilapit ang muka niya sa muka ko. Di ako gumalaw at hinayaan lang siya dahil baka nag bibiro na naman siya, mahilig mantrip to eh.

Nagulat ako nang pumikit na ang mata niya kaya napapikit na lang din ako. Naramdaman ko nang nag dampi ang mga labi namin.

*DUG DUG* *DUG DUG*

Bigla akong natauhan sa ginawa namin kaya agad kaming napaiwas sa isa't isa. Gulat na gulat kami at di makapag salita.

Eto na naman ang puso ko pinupukpok na naman.

——-

(≧▽≦)

Yashnien_Baculinacreators' thoughts