webnovel

My FakeBoyfriend

The characters and events portrayed in this story are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the Author.

Yashnien_Baculina · Teen
Not enough ratings
30 Chs

13 Chapter Thirteen

"Prenny sobrang nakakahinayang." sabe ko kay Aliah

Nakikinig lang sila sa akin ni Mikmik

"Akala ko gusto niya talaga ko, na-indian pala ko HAHAHA!" dagdag ko

Nagbibiro lang pala si Zake dun sa Mc Do. 

"Prenny baka naman kasi umiiwas lang siya sa gulo kasi nga diba? Ang alam niya kayo ni Otso." sagot ni Aliah

"Ewan ko Prenny handa ko namang iwan yung gwapong demonyo na yun para kay Zake bebe" sagot ko

Natawa naman silang dalawa sakin

"Iniiwasan na rin ako ni Zake ngayon di ko alam kung bakit, kasalanan talaga to ni gagong Otso eh sinira niya ang lovelife ko!"

"Basta ako TEAM OTKANG ako!" sabe ni Mikmik

"Ako TEAM ZAKANG!" sagot ni Aliah

"Anong pinagsasabe niyo?" tanong ko sa kanila

"Otso Plus Bekang  = OTKANG!" sagot ni Mikmik

Napatingin naman ako kay Aliah

"Zake Plus Bekang = ZAKANG!" sagot naman ni Aliah

"Ano ba yan prenny!? Parang sakang naman yung sayo!" sagot ko

Natawa naman silang dalawa

"Ewan ko sa inyong dalawa. Tara na papasok pa tayo!" sagot ko sa kanila

Agad naman silang tumaas dalawa at syempre ako nabuhay sa mundong ibabaw para magluto.

Pagkatapos ko magluto ay tumaas na rin ako at nag ayos para sa pag pasok ko.

Pag baba ko naman nakita ko na yung dalawa kumakain.

*DING DONG! KRU KRU!!*

Dahil ako ang malapit sa pinto, syempre ako na rin ang nag bukas neto.

Niluwa naman neto si Walo!

"Naninira ka na naman ng umaga!" sabe ko sa kanya

"Hi Kuya Otso!" Bati ni Mikmik sa kanya

"Hi" binati niya rin si Mikmik

Wow close? close na close.

"Alis tayo may pupuntahan tayo!" sabe ni Otso sakin

At agad na hinila ako.

"Hoy ano ba di pa ko kumakain!" sigaw ko sa kanya habang hila hila niya pa rin ako.

"Babye Prenny!!" sigaw ni Aliah sa pinto at sinarado to.

Agad niya naman akong pinapasok sa kotse niya.

"San tayo pupunta?" tanong ko sa kanya

"Kakain lang" sagot niya

"Wow Otso talaga namang ginulo mo pa umaga ko dahil kakain ka lang?!" sigaw ko sa kanya

"Stop shouting! Nakakarindi sa tenga!" sagot niya sakin

Umupo na ko ng maayos at nag seatbelt.

"San mo ba gusto kumain?" tanong niya sakin

"Wala" sagot ko

"Ang arte mo sa restau na lang kita dadalhin." sagot niya

"Ayoko!" sagot ko

"Ano ba gusto mo?"

"Fast food gusto ko!" sagot ko sa kanya

Agad naman kaming napunta sa Jollibee.

"Bakit sa Jollibee? Mc Do na lang dapat!" sabe ko sa kanya

"Ayoko dun. Dun kayo pumunta ng lalaki mo ehh." Sagot niya at lumabas ng sasakyan

Lumabas na din ako at sinigawan siya

"Nagseselos ka ba?!"

"Asa ka! HAHAHA!"

Napasimangot naman ako.

Agad naman kaming nag order nang kakainin namin syempre libre niya, siya naghila sakin dito eh.

"Alam mo Beka, maganda ka sana eh." sabe ni Otso sakin at sumubo ng kanin

Napatingin naman ako sa kanya.

"kaso ang panget mo."  dagdag niya

"Ang Korny otso!" sagot ko sa kanya

"Pero ang panget mo talga." sagot niya sakin

inirapan ko lang siya

"Ikaw? Ang gwapo mo sana eh."  sabe ko sa kanya

"I know right" confidence niyang sagot sakin

"Kaso demonyo ka eh." dagdag ko sabay subo ng kanin

"Kung demonyo ako di kita nililibre ngayon." sagot niya sakin

"K!"

Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami at sumakay sa kotse niya.

Agad kaming pumunta ng School, Syempre ano pa bang bago nagkagulo na naman sa gate at nagtitilian na sila.

Sige inyong inyo na ang Demonyong to!

Gwapo lang yan pero may issue!

Issue: Demonyo

Napunta kami sa rooftop.

"Uno nasan na yung dalawang kasama mo yung kim at kate ba yun?" tanong ni Morenong singket

"Wala na dinispatya ko na, mga di marunong humalik." sagot ni Uno

Natawa naman kami

"Makakahanap ka rin ng katapat mo Uno." sabe ko sa kanya

"Naku Ms. Rebecca walang makakatumba sa isang Casanova King." sagot niya sakin

Nginitian ko lang siya

"Bat ba Ms. Rebecca tawag niyo sakin jusKO! Pwede namang Rebecca na lang!"

"Syempre ikaw ang Girlfriend ng Boss namin." sagot ni Dos

"Ayaw ko ng may MS, rebecca na lang ok na yun"

Nag sitanguhan naman sila.

Mababait naman talaga ang BIG14, kaso pag bugbugan lang talaga sila nakakatakot eh.

Pagtapos naming mag kwentuhan ay bumaba na ko, syempre hatid hatid si Otso na naman. Baka daw kasi mapansin na nang ibang mga istudyante na hindi niya na ko hinahatid kaya tamang hatid hatid na naman si gago sakin.

"Aral mabuti Babe, Iloveyou" Sabe niya at hinalikan ako sa noo

Syempre ito na naman ang puso kong pinupukpok. Kinakabahan na naman ako sa mga sasabihin ng mga classmate ko.

——

Pagkatapos ng klase ay lumabas na ko agad. May mga dala kong libro kaya naisipan ko munang pumuntang locker para ilagay ang mga ito.

Habang naglalagay ako nang mga libro ko ay napansin kong si Zake rin pala ay nandito sa Locker Room kaya nilapitan ko siya.

"Zake" tawag ko sa kanya

Lumingon naman agad siya

"Ay Hi Rebecca" bati niya sakin at agad na umalis

Iniiwasan niya talaga ko. Wala naman akong ginagawang masama ah. Bat niya kaya ko iniiwasan?

Nagalit ata siya kasi iniwan ko siya mag isa sa Mc Do.

Tama tama baka yun nga yun.

Mag sorry kaya ko?

Agad akong lumabas ng Locker Room, balak ko na sanang sundan si Zake kaso mukang nakalayo na ata siya.

Wala na talaga ang love life ko ligwak na!

Agad akong pumunta ng Cafeteria.

"Congrats Ms. Rebecca"

"Congrats Rebecca"

Ewan ko kung bakit kinocongrats nila ko.

"PRENNY!!"

Agad naman akong lumingon dahil alam kong si Aliah yun.

"Prenny congrats!" bati niya rin sakin

"Bakit anong meron?" tanong ko

"Pasok ka sa Dance Troupe prenny. Ang galing mo talaga!" sagot niya sakin

Agad na kuminang ang mga mata ko.

"Talaga?" di makapaniwalang sagot ko

"Oo tara tignan mo sa Announcement Board" yaya niya sakin

Nag nod naman ako at agad kaming pumuntang Announcement Board.

1. ———

2. ——-

3. ——-

4. ——

5. Rebecca Agustine

"Ayan Prenny oh! pasok ka talaga sa banga prenny!"

"BABE!"

Napalingon kami sa sumigaw

Syempre sino pa ba? Syempre yung unggoy na gwapo.

"CONGRATS BABE! ANG GALING MO TALAGA!" sigaw niya kaya napatingin. na naman ang mga istudyante

Nagulat naman ako nang niyakap ako ni Otso. Jusq! ano ba to? laging nayakap!

Pinabayaan ko na lang siya.

Nakita ko na lang bigla si Zake sa bandang sulok ng building at nakatitig samin.

Agad akong napatulak kay Otso.

"Bakit?" tanong agad ni Otso

"Ahh wala wala." sagot ko

Tinignan ko uli si Zake sa sulok ng building pero wala na siya dun.

Pano kaya mahalin ng isang Zake?

Ehkkkk bat ko ba tinatanong?

"Tara Babe kain tayo"

Hinila na naman ako ni Otso.

Inakbayan niya din ako bigla

"Tulungan mo naman ako" bulong niya sakin

"Bakit?" bulong ko din

"Saka ko na ipapaliwanag puntahan muna natin siya." sagot niya

"Sinong siya?" tanong ko

Di siya sumagot at hinila na lang ako uli.

Napunta naman kami sa building ng mga High School.

"Bat tayo nandito?" tanong ko sa kanya pero di niya pa rin ako sinagot

"Wahhh ang gwapo talaga niya!"

"Kyahhhh!!"

"Totoo nga may girlfriend na nga talaga siya."

Pati ba naman dito sa High School pinagkakaguluhan tong unggoy na to.

Napunta kami sa CR ng High School.

"Hoy anong gagawin natin dito!?" sabe ko sa kanya habang nakatakip sa katawan ko

"Stupid! Ibigay mo to sa kapatid ko!" sagot niya habang may nilabas na kung ano sa bulsa niya.

"Napkin?" pagtataka ko

Hindi siya nakatingin sakin at namumula na yung buong muka niya lalo na ang tenga niya.

"Basta pumasok ka sa CR at ibigay mo yan kay Ethena" sagot niya at tumalikod

Agad naman akong pumasok sa CR.

"Ehem! Ethena?" tawag ko

"Ahm andito po ko sa huling cubicle." sagot niya

Ang cute naman ng boses niya.

Agad akong pumunta sa huling cubicle at sinuksok ko sa ilalim yung tampon.

Hinintay ko na lang siyang matapos.

May sweet side din pala ang unggoy nakakatuwa naman.

Bumukas naman ang pinto nang cubicle at niluwa nito ang cute na babae.

Nakasalamin siya, may bangs at long hair. Ang cute niya sobra parang barbie.

"Thankyou po ate. Kayo po ba ang girlfriend ni kuya otso?"

Natahimik naman ako bigla. Ano isasagot ko?

"Ahmm oo ganun na nga." sagot ko sa kanya

Sinungaling ko amp.

"Ok ka na ba?" tanong ko sa kanya

"Opo ate thankyou po."

Agad kaming lumabas ng CR.

Nakita naman namin si Otso na nakasandal sa pader.

Biglang yumakap sa kanya ang kapatid niya.

"Thankyouu kuya"

"Tsk"

Nakakatuwa naman

Hinatid na namin yung kapatid niya sa klase neto.

"Wahhh ikaw ah, ang sweet mo pala sa kapatid mo" sabe ko kay Otso

Nakasimagot lang siya.

"Ano bang masama sa ginawa mo?" tanong ko sa kanya

"Ewan" sagot niya sabay hinawakan ang kamay ko.

"Nahihiya ka nu? kasi bumili ka ng napkin? HAHAHA!!" sabe ko sa kanya

"Shut the fvck up!"

"HAHAHAHAHA!!"

Sa totoo lang nakakaturn on ang mga gantong lalaki.

——-

✧◝(⁰▿⁰)◜✧

Yashnien_Baculinacreators' thoughts