webnovel

Inigo Christopher Hidalgo Fernando

Aubrey's Point of View

Nagmamadali kong hinabol yung taong nakapulot ng ID ko para magpasalamat.

Inabot ko sya na pababa na ng hagdan.

" H-hey mister w-wait!" hinihingal kong tawag.

Lumingon sya ng nakangiti.." Yes? Why?" tanong pa nya.

Hala! Tulaley na naman ako.Bakit ba naman hindi eh the famous Inigo Christopher Hidalgo Fernando aka Icko lang naman ang nasa harap ko? at nakangiti pa na makalaglag underwear.

" Miss?" tawag ulit nya.

" Ah, eh, ah, eh..." shocks nalulon ko na yata ang dila ko.

" A.E.I.O.U?" natatawang sabi nya.

Napangiti na ako sa sinabi nya.Grabe, obvious na yata ako ah.

" I m-mean thank you sa pagsoli mo ng ID ko.mister?" nag- stutter pa ako pero sa wakas nasabi ko rin.

" Well, I'm Icko." pakilala nya sa sarili sabay lahad ng kamay nya.

Nag-atubili pa akong abutin ang kamay nya pero inabot ko rin.Gosh ang lambot ng kamay nya daig pa ang kamay ko.

" Well, ah, I'm.." sasabihin ko ba?

" You're Aubrey right? Aubrey Policarpio." pagputol nya sa sinasabi ko.

" Huh! Paano mo nalaman?" nagtataka ko pa na tanong.

" Simple lang, ako nakapulot ng ID mo di ba? naa-amused na sabi nya.

Oo nga naman, bakit di ko naisip yun.Muntanga lang Aubrey?Tingin ka sa paanan mo baka naapakan mo yang utak mo.Bakit ba sa tuwing makikita mo yang gwapong yan nawawala ka na sa katinuan mo.Anyare ha?

" Ah, ok thank you ulit.And nice meeting you Icko." pabebe pa na sabi ko.

" You're welcome! And nice meeting you again Aubrey....in real." makahulugang sabi nya.

" Huh!"

" Bye!" kumaway pa sya.

Naiwan akong tulala at iniisip ang huling sinabi nya...

again and in real?

What does he mean by that?

Waaahh..ang gulo!

Next chapter