webnovel

Speechless

Aubrey's Point of View

Nanginig ang buong katauhan ko ng makita ko kung sino ang nakabungguan ko na may hawak pa ng kamay ko.

Shocks! Enebenemen! Parang iniwan na ako ng kaluluwa ko dahil hindi ako makakilos, nakatingin lang ako sa kanya.

" Miss I'm sorry, nagmamadali kasi ako.Here." sabi nya sabay abot sa mga libro ko.

Hindi pa rin ako kumikibo, nakatingin lang ako habang kinukuha ko mula sa kanya yung mga libro.Muntanga lang ako na nakatitig sa kanya.

" Hey, miss ok ka lang ba? Miss?"tuloy pa rin sya sa pagkausap sa akin.

Shet, ang ganda ng speaking voice nya. Ang cute nya.Kung panaginip ito, utang na loob wag nyo akong gisingin.

" Sige miss, I'll go ahead,late na ko sa unang class ko." paalam nya sabay tapik sa balikat ko.

Oh..my..gosh! Waaah, gusto kong tumili ng walang sound.Kaya lang nakakainis wala akong nasabi kahit isang word lang sa kanya.Ano kaya ang iisipin nya sa akin, halatang-halata yata ako kanina ah.

Shet,shet,shet na malagket!

Chance na yun eh kung bakit parang naglaho ang katawang lupa ko kanina, wala akong nagawa kundi ang titigan lang sya.

Holy cow! Nakakahiya!

Speechless ako dun ah.

Para akong robot na de susi ng mga sumunod na sandali. Hindi ko na alam kung paano ko natapos ang research ko para sa report ko.Para akong papel na tinatangay na lang ng hangin.

Ano ang nangyari sa akin? Ang lakas ng epekto sa akin ni Mr.dreamboy ko.

Dati sa panaginip ko lang siya nakikita, ngayon totohanan na to.Yung inaakala ko na pipi sya dahil hindi sya kailanman nagsalita sa mga panaginip ko. Shete naman, gusto kong maihi sa ganda ng boses nya nung narinig ko syang magsalita kanina.

Haay...grabe na itu..Hindi ko maintindihan kung ano itong nangyayari sa akin, ano kaya itsura ko kanina sa harap nya?

______________

" Ano nagkita kayo ni Icko sa library pero hindi ka nakapagsalita?" gulat na tanong ni Cheska.

" Ewan ko ba ano nangyari sa akin kanina, speechless ako.Nilayasan tuloy ako kasi salita sya ng salita hindi ako sumasagot ." malungkot na sagot ko.

" Ay grabe, yang daldal mong yan wala kang nasabi kahit ano? tanong din ni Gwen.

" Wala nga! Wiz, nada, plangak,nga-nga.Yun lang!" himutok ko.

" Ay sawi! Ayun na sana oh kaso nga lang para kang tinurukan ng isang litrong anaesthesia kaya hindi ka nakakilos.Ano kaya itsura mo kanina girl? baka naka-nga-nga ka pa.Ew..nakakahiya kay Icko." pang-aasar pa ni Angel.

" Uy, salamat Gel sa moral support mo ha? Kita mo na ngang naghihimutok ako sa nangyari ,pinapa-alala mo pa yung itsura ko kanina.Juice ko, ano nga kaya itsura ko kanina? Baka para akong mannequin." sabi ko.

" Bakit naman mannequin? naguguluhang tanong ni Gwen.

" Maganda lang pero estatwa.hehe."

natatawang sagot ko.

" Yun oh! Push mo yan ateng hahaha." sabi ni Cheska.

At nagtawanan na lang kami.Tinatawanan nila ang malaking katangahan ko kanina.Natigil lang kami ng marinig namin na sumigaw si tita Rain sa labas ng pinto.

" Hoy mga dalaga magsitulog na nga kayo at maaga pa klase nyo bukas."

Yun lang at kanya-kanya na kaming higa sa mga pwesto namin.

Kinabukasan hindi ako mapakali sa kahahanap sa ID ko.

" Saan mo ba kasi nilagay? Kahapon hindi ko naman napansin na suot mo." sabi ni Gwen.

" Hindi nga, wala akong suot na ID kahapon?" tanong ko na parang naguguluhan.

" Wala nga! Pero paano ka nakalusot sa guard kung wala kang suot na ID?"tanong nya muli.

Oo nga ano.Malamang suot ko pa sya kahapon ng umaga pagpasok ko tapos nawala na during the day.Haisst.paano ako ngayon papasok baka sitahin ako ni manong guard sa gate?

"Alam ko na, sumabay na lang tayo sa pagpasok ng maraming estudyante para hindi mapansin na wala kang ID, tatakpan na lang kita,pumwesto ka sa likod ko pagpasok."suhestiyon pa ni Gwen.

So ganoon nga ang ginawa namin kaya nakapasok ako.Ang problema lang, saan ko hahanapin yun, iniisip ko nga ang mga lugar na posibleng pinuntahan ko kahapon.

Nagtanong-tanong ako sa cafeteria nung lunch break namin pero wala naman daw silang nakitang ID dun.Naghanap ako sa mga lugar na dinaanan ko kahapon pero wala pa rin.Nagtanong ako sa library kung may naiwan ba ako dun, wala naman daw.Hanggang sa mag-umpisa na yung afternoon class namin nawalan na ako ng pag-asa na mahahanap ko pa ang ID na yon.

Nung patapos na ang huling class namin, narinig kong nagbubulungan ang mga classmates ko na nakapwesto malapit sa bintana.Dahil nakatuon ang atensyon ko sa sinulat ng prof namin sa board, hindi ko masyadong naiintindihan kung sino ang pinag-uusapan nila.

" OMG! Ang gwapo talaga nya.Why he's here kaya?" maarteng sabi ni girl no.1.

" Baka ako ang hinahanap nya.Nabighani sya sa akin nung makasalubong ko sya kanina."si girl no.2 naman.

" Asa pa kayo noh.Sure na ako ang pinuntahan nya eh ako lang naman ang dyosa dito." sabi naman ng GGSS na si Princess.

Haay sino kaya ang hinahanap ng kung sinong gwapo daw sa labas, hindi ko naman nakikita dahil natatakpan nila ako.Paki ko ba kung sino man yun.Kailangan mag-bell na para uwian na at hahanapin ko pa ang naglayas kong ID.

" Ok class dismissed." narinig ko na si sir at nag-unahan na sa paglabas ang mga kaklase ko.

" Miss, dito ba ang class ni Aubrey Policarpio?" dinig kong tanong nung lalaki kay Angel na nauna sa akin sa paglabas ng room.

Pagkarinig ko sa pangalan ko ay dali-dali akong tumayo at lumabas na ng room.

" Angel sino yung naghahanap sa akin?" tanong ko kaagad sa kanya.

" Ah hindi ko kilala eh pero inabot yung ID mo, heto oh.Girl ang gwapo nya natulala nga ako eh."kinikilig pang sabi nya.

" Ha? Nasaan na? Hindi man lang ako nakapag-pasalamat." tanong ko.

" Hayun na oh naglalakad, bilisan mo pababa na sya." turo nya pa.

Mabilis na akong tumakbo para maabutan yung nagsoli ng ID ko.

" H-hey mister w-wait lang! hinihingal kong tawag sa kanya.

Lumingon naman agad sya ng nakangiti pa. " Yes? Why?"

Juice ko day! Pusang gala naman, ang ganda ng ngiti nya.

At sa pangalawang pagkakataon, speechless na naman si Aubrey at iniwan na naman ng kaluluwa ang katawang lupa nya.

Next chapter