webnovel

Am I Hurt?

Aubrey's Point of View

Hindi ako masyadong nakatulog sa kakaisip dun sa nangyaring encounter namin ni Icko.Naguluhan talaga ako dun sa sinabi nya.

Hay nako! Bakit ko ba ini-stress ang utak ko dun eh malalaman ko rin naman yun paglaon?

Paano mo malalaman?Close ba kayo? sabi ng isang bahagi ng isip ko.

Well, just watch and learn! Hehe..

Pero masaya ako sa mga nangyayari sa akin ngayon.

Una, yung taong sa panaginip ko lang nakikita ng mahigit isang taon ay nag-eexist pala talaga.

Pangalawa, kumilos ang tadhana para magkakilala kaming dalawa.

At pangatlo,well..it remains to be seen.

" Aubrey to earth, earth to Aubrey." si Cheska na pinitik pa ang noo ko.

" Heh! wag ka nga!" sabi ko.

" Lutang kana naman.Ano yan ha?"

tanong ni Gwen.

Hindi pa ako nakakasagot nung sumingit naman si Angel.

" Ano pa eh di yung mr.dreamboy nya pala yung nakapulot ng ID nya.O di ba? tadhana na ang naglalapit sa kanila.Nangangamoy love life na to.Push mo na yan ateng."

" Sira malay nyo naman kung pansinin pa uli ako nun.Sa itsura nyang yun, malamang marami ang mga nag-uunahan sa atensyon nya, makakasingit pa ba ako? Isang hamak na maganda lang naman ako."

" Yun tayo eh! Sige push mo yan.Hindi ka rin mahilig sa kape noh, wala kang nerbyos eh." sabi ni Cheska.

Nagtawanan na lang kami at tinuloy na ang almusal namin.

Pagdating namin sa school ay medyo konti pa lang ang estudyante dahil maaga pa.Pumunta ng library si Gwen at Angel para mag-research.Si Cheska naman ay pumunta na sa room nya dahil may kokopyahing notes dun sa blockmate nya na nag text sa kanya kanina.

Naiwan akong mag-isa kaya naglakad-lakad na lang muna ako.Nagulat ako ng may biglang umakbay sa akin mula sa likuran ko.

" Ay palaka!" gulat na sambit ko.

" Gwapong palaka." sabi naman nya na agad ko namang nabosesan.

" Sira ka talaga Vaughn! Kung makapang-gulat ka wagas." sabi ko na hinampas pa yung kamay nya na nakaakbay sa akin.

Hindi naman nya inalis yung kamay nya, medyo hinigpitan pa nga.O siya kung ayaw mong tanggalin eh di fine! Friends naman na kami.Akbay friendship lang.

" Saan ka ba pupunta kasi at tsaka bakit ang aga mo yata eh 8am pa ang class mo?" tanong nya.

" Nag- research kasi sila Gwen sa library tapos si Cheska naman kokopya ng notes.Wala naman akong kasama sa bahay kaya sumabay nako sa kanila.Heto naglalakad-lakad habang nag-iintay." sagot ko.

" Tara maaga pa naman punta muna tayo sa caf libre kita." sabi nya.

Wala na akong nagawa dahil hila-hila na nya ako papunta sa cafeteria.Bago pa kami makarating ay umakbay syang muli sa akin.Anong drama netong kumag na to, makaakbay wagas?

Pinaupo nya ako sa may dulo at sya naman ay pumunta ng counter para bumili.

Nung parating na sya dala ang tray na may pagkain ay napansin kong may tinanguan sya sa may unahan na hindi ko naman nakita dahil nakatalikod ako dun sa pwesto ko.

Nagsimula na kaming kumain ng binili nyang burger at fries ng may magsalita sa may likuran ko.

" Vaughn nagawa mo na ba yung assignment natin sa Math?" tanong nung nasa likuran ko kay Vaughn.

Gosh para akong nanigas sa kinauupuan ko ng marinig ko ang pamilyar na boses.Ano ba itsura ko ngayon? maganda ba ang ayos ng buhok ko? okey ba ang mukha ko? wala ba akong muta? Susme, ayoko yatang humarap baka makita nya ako.

" Ay oo brod nagawa ko na, medyo nahirapan nga ako eh." sagot naman ni Vaughn sa kausap.

" O sige kita na lang tayo sa room mamaya kakain lang kami." sagot nya at tumuloy na sa counter.

Haay salamat hindi nya ako nakita.

Pero laking gulat ko ng matanawan ko na sya sa counter dahil dun ako nakaharap.May kasama syang babae na nakaakbay pa sa kanya habang namimili ng kakainin nila.

Parang may kumurot sa puso ko ng makita ko ang tagpong iyon.Nasasaktan ba ako na makita si Icko na may kasamang iba?

At sa itsura nilang dalawa ay parang may relasyon sila dahil sobrang sweet nung babae sa kanya.

Gusto kong umiyak pero ano ang karapatan ko.

Napansin yata ni Vaughn ang itsura ko kaya nagtanong sya.

" Huy, ano nangyari sayo bakit parang iiyak kana dyan?"

" Ha? Ah eh wala napuwing lang ako." sagot ko..weh bakit nga ba?

" Ah akala ko iiyak ka wala pa naman akong panyo dito." sagot nya.

" Heh! Ano naman ang dahilan at iiyak ako?" tanong ko.

" Wala! Minsan lang talaga nakakaiyak ang kagwapuhan ko." biro nya.

" Tatawa na ba ako? Haha." asar ko.

Natigil lang kami sa pag-uusap nung makita namin na pabalik na sila Icko sa mesa nila, nagulat pa sya ng makita nya ako.

" Oh hindi ko alam na ikaw pala ang kasama ni Vaughn." sabi nya nung mapadaan sila sa table namin.

" Magkakilala ba kayo ni Aubrey brod.?" tanong ni Vaughn.

" I met her the other day, kayo kailan kayo nagkakilala? tanong ni Icko kay Vaughn.

" Matagal na, since first year high school pa.At hindi lang basta magkakilala brod." sagot nya na parang may ibig syang sabihin.

" Oh I see, syanga pala this is Abby." pakilala nya sa amin sa kasama nya.

" His girlfriend." singit nung girl.

Ouch, bakit parang kinukurot ang puso ko.

Dahil ba ine-expect ko na may kaugnayan sya sa akin sa hinaharap dahil sa panaginip ko?

Na siya yung soul mate ko?

Na ang tadhana ang gumawa ng paraan para magkakilala kami?

Pero ano itong nasa harap ko ngayon?

Nabuwag lahat ng expectations ko sa nalaman ko.At napagtanto ko sa sarili ko na may feelings ako kay Icko.Isang damdamin na maaring naroon na noon pa man, simula ng maging bahagi na sya ng mga panaginip ko.Kaya ngayon hindi ko maikakaila sa sarili ko na sobra akong nasasaktan sa nalaman ko.

Hindi ko na kaya at pakiramdam ko ay sasabog na ako ano mang sandali.

Nagmamadali akong tumayo.Walang paalam na umalis ako ng cafeteria at naiwan silang nagtataka sa naging reaksyon ko.

" Aubrey!"

Hindi ko na pinansin kung sino man iyong tumawag.Hindi ako pwedeng huminto at lumingon dahil puno na ng luha ang mukha ko.

" Aubrey wait!"

Tawag uli at naramdaman ko na lang may humila sa akin.

Next chapter