webnovel

I'm Falling For Mr. Dreamboy

Aubrey's Point of View

" Good evening Aubrey!"

" Ano ang ginagawa mo dito?" gulat kong tanong sa mokong na si Vaughn.

" Ah eh, invite sana kita sa isang party." sagot nya na kakamot-kamot pa.

" Party? Bakit ako?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

" Actually, nayaya ko na sila Cheska dahil nandito sila kanina, ikaw na lang ang hindi ko nasasabihan.Nakapag-paalam na rin ako kay tita Rain at pumayag naman sya." sagot nya.

Ahh..that explains kung bakit malaki ang mga ngiti ng mga bruha kanina at si tita Rain naman parang kunwari walang alam.Anong meron ha?

" Since pumayag naman pala si tita Rain, sige hintayin mo ako dyan magbibihis lang ako.At teka nga pala, saan ba yung party? Casual attire lang ba?" tanong kong muli sa kanya.

" Oo casual attire lang tsaka schoolmate natin yung may birthday kaya okey lang na sumama kayo gusto rin nya kasi na marami ang pumunta." sagot nya.

" Ok sige mamaya na ako magtatanong, magbibihis na ako para hindi tayo masyado gabihin." sabi ko at tumuloy na sa itaas.

Pero bago pa ako makarating sa itaas ay nasalubong ko na ang tatlo kong kaibigan na bihis na bihis na.Hmm.hindi naman sila excited noh.

" Aha! Kaya pala ang laki ng mga ngisi nyo kanina ha, mga excited!" singhal ko sa kanila at tumatawa na silang bumaba.

" Dalian mo kasi, kung ano-ano kasing pagpapantasya ang ginagawa mo kanina kaya nahuhuli ka sa balita, hehe.." pahabol na asar pa ni Cheska ng makababa na ng hagdan.

" Mga buset! Humanda kayo sa akin mamaya."

Mabilis akong naghanap ng maisusuot ko sa cabinet.Nilabas ko yung isa sa mga the best kong dress, simple pero elegante.Color white sya at sleeveless.

Nagbihis na ako at naglagay lang ng pulbos sa mukha ko at lip gloss sa mga labi kong natural ng mapula..hehe.char!

" Aubrey, dalian mo naman!" tawag ni Cheska sa akin.

Dali-dali na akong nagsuot ng shoes ko at nagmamadali ng lumabas ng room namin.

_____________

" Wow! Ang ganda naman dito.Vaughn kaninong bahay ba ang pupuntahan natin?" tanong ko kay Vaughn habang papasok ang taxi na sinasakyan namin sa isang subdivision sa Quezon City.

Halos pare-pareho ang style ng bahay at pati mga kulay ay pare-pareho din.

Sa laki at espasyo lang ng bakuran ang may pagkakaiba.

" Malalaman nyo rin mamaya, wag masyadong excited." tatawa-tawa pang sagot nya.

Bumaba kami sa isang two storey house na sa tantya ko ay 3 bedrooms.Maganda ang garden ng bahay na ngayon ay punong-puno na ng bisita.

Pumasok kami at marami ang bumabati sa amin dahil karamihan sa mga guest ay kaklase namin sa ibat-ibang subjects.

Nakita kong may lumapit kay Gwen, parang pamilyar sya, hindi ko lang matandaan kung saan ko sya nakita.

Sinenyasan lang nya kami na sumunod na lang ng hilahin na sya nung guy na lumapit sa kanya.Aha, parang may hindi kami alam ah.Sino sya? Hmn..may itsura si koya ha!

Finally, nakapasok na rin kami sa loob ng bahay.Ang ganda rin sa loob at kumpleto sa gamit.Hindi ko alam kung sino ang celebrant kaya naghintay na lang ako kasama nung dalawang kulasa at si Vaughn sa isang sofa sa may kabilang side ng bahay.Saan kaya nagsuot si Gwen?

Busy ako sa pagsisiyasat sa bawat sulok ng bahay ng marinig kong nagsalita si Vaughn.

" Good evening po tita.Pare, happy birthday."

Dahan-dahan akong lumingon at laking gulat ko ng mabungaran ko ang isang magandang babae na nasa harapan namin na maganda ang ngiti.

At oh my gawd, bakit ganito na naman ang pakiramdam ko, para akong nakasakay sa roller coaster at ang lakas ng tibok ng puso ko.Hindi talaga uma-absent ang pakiramdam na to pag kaharap ko na itong taong katabi ng magandang babae sa harap namin.

" Ah eh good evening po.H-happy b-birthday Icko." shocks nakakahiya nautal pa ako.

" Thanks guys! By the way, siya ang mommy ko, Rhia Fernando.Mom sila po mga schoolmates ko."

pakilala nya sa amin sa mommy nya.

" Sige punta na kayo dun sa table, sumabay na kayo dun sa iba." sabi ng mommy nya.

" Salamat po tita.Sige po dun na po muna kami." sabi naman ni Vaughn.

Nung papunta na kami sa buffet table, nagulat ako ng may magsalita na naman sa likod ko.

" Thanks for coming Aubrey.You look good in that dress."

Hanu daw?

Dugdug.

Dugdug.

Ano ba naman heart relax lang.Para sinabihan ka lang na you look good in that dress, nagwawala kana dyan.

" Salamat." tipid kong sagot.

Sumunod na ako kila Vaughn para kumuha na rin ng pagkain ko pero jusko day yung gwapong kausap ko kanina andito rin sa tabi ko at kumukuha din ng pagkain nya.

Hanu ba naman yan! Butterflies in my stomach, pusong nagwawala at gustong kumawala at nanlalambot na tuhod.Pak na pak, I'm falling hard for this guy, sure na sure na ako, wala ng halong eklabush.

Ngayong sure na ako na na-fall hard na nga ako sa kanya, the question is, will he catch me?

That's the saddest part, that he is already taken.At nasa friendzone lang ang inyong magandang lingkod.

Naputol ang malalim kong pag-iisip ng biglang may naglagay ng ulam sa plato ko.Haaay Icko, lapit ng lapit eh.

" You should try that one, promise magugustuhan mo yan.Favorite ko din yan." turo nya sa ulam na binigay nya na parang asadong pork yata.

Nginitian ko lang sya at dumiretso na sa table kung nasaan ang mga kasama ko.

Nung umupo na ako sa chair na nakalaan sa akin ay humila naman si Icko ng bakanteng upuan sa katabing table at tumabi sa akin.

My gulay, bakit ba kanina pa yata nama-magnet sa akin tong taong to, kanina pa dikit ng dikit, nato-torture na ako tapos ang bango-bango pa nya.

Pag hanggang mamaya ganito pa rin ito, malamang tanghalin na akong bangkay at ang cause of death, namatay sa kilig.

Haha.kaloka, hindi ko na kinakaya to.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain namin ng may lumapit kay Icko.

" Hi Icko! Happy birthday." bati sa kanya sabay halik sa mga labi nya.

Parang natulos naman si Icko sa pagkabigla at sinamantala naman iyon ng babae para palalimin pa ang halik.

Lahat ng nakakita ay natulala sa nasaksihang eksena at napapikit naman ako dahil sobra akong nasasaktan sa tanawing napapanood ng lahat.

Nagulat na lang ako ng may humila sa akin at nagmamadaling lumakad palayo sa lugar na yon at halos nakakaladkad na nya ako sa pagmamadali.Hindi ko makita kung sino dahil medyo madilim ang lugar na dinadaanan namin.

Next chapter