webnovel

Pretend Girlfriend

Aubrey 's Point of View

Nasaktan ako sa nasaksihan kong eksena kanina.Dumating si Abby at walang sabi-sabing hinalikan nya sa labi si Icko na nagpatulala sa kanya at sa mga taong nakasaksi.

Nagulat na lang ako ng may humila sa akin at nagmamadaling umalis sa lugar na iyon.Madilim ang paligid kaya hindi ko maaninag masyado kung sino ang kasama ko.

Nang mapadako na kami sa maliwanag ay nasa labas na pala kami ng bahay.At nuon ko lang nakita kung sino ang kasama ko.

" Oh my God, bakit mo ako hinila palayo dun?" hinihingal ko pang tanong.

" Sorry Aubrey, magagalit sa akin si mommy kasi ayaw nya kay Abby." sagot nya na medyo hinihingal pa.

Grabe, kinikilig na naman ako.Kami lang dalawa dito at malapit na kami sa park ng subdivision.

" Teka lang, bakit ako ang hinila mo palayo at hindi si Abby?" naguguluhan kong tanong.

Imbes na sumagot ay hinila nya lang ako papunta sa park at umupo sa isa sa mga benches don.

Grabe! Pansin ko lang namumuro na sya sa paghila sa akin. Baka naman maging habit nya na ang paghila sa akin, humaba na ng husto ang kamay ko na  parang si Lastikman.

He heaved a deep sigh then face me.

" Ayaw nga kasi ni mommy kay Abby tapos may ganung eksena pa kanina dun.Kaya hinila kita para isipin ni mommy na ikaw na yung bago kong....ano, alam mo na.Pasensya kana kung nadamay ka ha kasi ikaw yung katabi ko kanina at si Vaughn, ang sagwa naman kung si Vaughn yung hilahin ko di ba?"nangingiti pa nyang turan.

Natawa na ako sa sinabi nya.Grabe ginawa pa nya akong scape goat.Pero kung mapapalapit naman ako sa kanya ng ganito eh okey lang, ang dami kayang nagpapakabaliw mapansin lang ni Icko. Samantalang ako, siya na yung lumalapit sa akin.

Ang masaklap nga lang nasa friendzone ako at hindi nya ako pansin bilang isang napaka-gandang babae..Charot!

" Hey, you're spacing out.Are you listening?" puna nya.

" Huh! Ano kamo?" gulat kong tanong.

" Wala hindi ka kasi nakikinig, ayoko ng ulitin." sagot nya.

"Ah okey! Tara na balik na tayo dun." aya ko sa kanya.

Tumayo na ako at sumunod naman sya.

" Tutal friends na tayo Aubrey, pwedeng ikaw na lang muna ang kasama ko sa duration ng party para hindi makahalata si mommy sa amin ni Abby? " request nya.

Hindi ako agad nakasagot.Aray ha, grabe ka Icko, nakakasakit ka ng damdamin.Ayoko ngang maging scape goat mo..never!

" Ah eh , sure, yun lang pala." akala ko lang pala na hindi ako papayag.

" Thanks Aubrey!" at lumakad na kami pabalik sa bahay nila ng nakaakbay pa sa akin.

Dios ko day! Bakit kailangang naka-akbay pa? Para tuloy akong sinisilaban at nakatuon lang ang pansin ko sa kamay nyang nakaakbay sa akin.

Ang bango nya!

Ang gwapo-gwapo pa.Siguradong maiinggit sa akin ang mga babaeng guest nya.At pansin ko lang, pareho pa kami na naka white..Hmm..meant to be ha?

Nang makabalik na kami, gulat na gulat ang mga nadatnan namin.Lahat sila nagtataka kung bakit sa akin naka-akbay ang gwapong birthday celebrant...Hah! Bahala silang mag-isip, basta ako enjoy ako sa akbay nya.

Nung mapadako ang tingin ko sa mga kaibigan ko at kay Vaughn, ang laki ng ngisi ng mga hudyo na tila gusto pang mang-asar.Napansin ko na nandun na si Gwen kasama yung guy na humila sa kanya kanina.

Nung makalapit na kami sa kanila panay ang kantyaw nila sa amin kaya inalis na ni Icko yung pagkaka-akbay nya sa akin.Huh! Sayang...naman kase!

" Oy anu yan ha? Bakit may ganyan?" tanong pang-aasar ni Angel.

" Sus, wala lang, akbay kapatid lang, ganun!" depensa ko.

" Ah eh di sige, kunwari naniniwala kami." si Vaughn yun.

" Ay pare, sasabihin ko na lang sayo sa ibang araw, promise.Anyway, where's Abby?" tanong ni Icko kay Vaughn.

" She already left nung mapansin nyang natulala yung mga bisita sa ginawa nya, parang biglang nahiya." sagot ni Vaughn sa kanya.

Icko sighed then hinila na naman nya ako papasok ng bahay nila.Hala, nakakarami na sya ah.

" Hoy teka lang naman, saan mo na naman ako dadalhin? Nagiging habit mo na ang paghila sa akin,nakakarami kana. Baka bukas makalawa hindi na pantay ang kamay ko, mahaba na yung isa." litanya ko sa kanya.

" Hahaha..nakakatuwa ka talaga Aubrey.Saan mo pinagkukuha yang mga sinasabi mo? Ang tindi ng sense of humor mo." sabi nya na halos lumiit na ang mga mata sa katatawa.

" Parang nag-eenjoy kayong dalawa dyan ah." sabi ng isang boses na dumating.

" Ah mommy ito po kasing si Aubrey nakakatuwa ang mga sinasabi." sagot ni Icko sa mom nya.

" Mukhang ok talaga siya sayo ha, ngayon lang kita nakitang tumawa uli ng ganyan anak."sabi ng mommy nya na lubos kong ipinagtaka.

" Mom, stop saying anything, nakakahiya kay Aubrey." saway nya sa mommy nya.

" Okay, I think you're serious this time. Baka si Aubrey na ang makakapag-pabago sayo sa lahat ng naging girlfriends mo." sabi ng mommy nya na nagpagulat sa amin pareho.

" Po? Girlfriend?" sabay naming sabi.

" Oh, hindi ba girlfriend mo sya? And I like her." sabi uli ng mom nya.

Oh...my..goodness...maloloka na yata ako!

Napagkamalan pa ako ng mommy nya na ako ang girlfriend.

Patay tayo dyan!

Next chapter