webnovel

Can We Be Friends?

Maaga uli akong pumasok para sa research ko sa isang subject ko naman.This time kasama ko na yung tatlo dahil may mga tinatapos din silang report.

Hindi kami nagkikibuan dahil pare-pareho kaming busy sa mga ginagawa namin.

Nagulat na lang ako ng may biglang tumabi sa akin.Nasa may kabilang side kasi ako at nag-iisa.

" Hi Aubrey! Busy much?" si Vaughn ang nalingunan ko.

Wait may kasama sya? Oh no, maganda ba ako ngayon? Bakit kasama nya tong gwapo na to dito?

Kalma heart, wag makulit!

" Ah eh, may report uli kami kaya nagre-research kami dito." sagot ko..gosh buti na lang hindi ako nautal.

" Pwede bang dito muna kami ni Icko?, maaga pa kasi, if you don't mind." tanong nya.

" Yeah sure, I won't mind." sagot ko.naku makapag-concentrate kaya ako nito.

Umupo na sila at jusko Loleng sa harap ko pa pumwesto ng upo ang gwapong mr.dreamboy na to.

Help! I can't concentrate. Good luck to me.

My gawd.ang gwapo talaga nya.Masipag siguro to kasi nung magsabog yata ng kagwapuhan si Lord, gising sya at sumasalo.

Nung mag-angat sya ng tingin, nahuli nya ako na nakatingin sa kanya.

Naku naman at ngumiti pa sa akin.

Dios mio marimar! Pakihawak ang mga Soen underwear ko, malalaglag na po.

Umiwas na lang ako ng tingin, hindi ko alam kung ngingiti din ba ako.Shocks! baka kasi tabingi pa ang ngiti ko nakakahiya naman at kasi naman itong heart ko parang gusto ng lumabas sa dibdib ko.

" Gaano ba kahirap ngumiti pabalik?" tanong ni Icko na malapad pa ang ngiti.

Kinakausap nya ako? Oh I can't believe it.

Hinarap ko sya at ngumiti na lang ako, yung ngiting pang close-up ha.

" Hi, I-icko!" shocks nag-stutter ba ako.

" Oh, that's it.Mas maganda ka pag nakangiti." sabi nya.

Ano raw? Maganda ako? Uy, grabe sya oh, lalo ng nagwala ang puso ko.

" Ano ka ba naman Icko, maliiit na bagay." biro ko na lang para gumaan naman ng konti ang sitwasyon ko.

" Hahaha..Ang cute mo pala, palabiro ka rin.Parang ang sarap mong kausap, masayahin ka." sabi nya na nagpapula ng husto sa mukha ko.

" You're blushing.Anyway, can we be friends?" tanong nya.

Friends? Pwede ring more than that.Pero level up na to, sya na ang nag-ask noh.

" Friends? Bakit?" tanong ko.

" Kailangan ba may reason para maging friends ang dalawang tao?"

tanong nya.

" No, I mean, bakit ako? Ang dami mong kaibigan dito bakit gusto mo pang magdagdag." tanong ko na naguguluhan.

" I just find you nice to be with and I feel like I've known you for so long.So can we be friends?"  sabi nya sabay lahad ng kamay nya.

Inabot ko naman yung kamay nya.Grabe mas malambot pa yata sa kamay ko.

" Ok, friends! But what do you mean by ' you've known me for so long?.'" tanong ko.

Magsasalita na sana sya ng biglang..

Riiinnnnggg....

Putspa..bell na..

di bale friends na kami, sasabihin naman nya yun sa akin paglaon.Ang mahalaga friends na kami ngayon at masisimulan ko na yung misyon ko..yung operation maglaway ka sa akin ngayon at babangon ako at aagawin kita..Hehe..

Magtagumpay naman kaya ako?

Bahala na si Batman.

Pagdating ng room ay panay ang asar sa akin ng mga mahadera kong friendship.

" Uy, kinausap na sya ng ultimate dream boy nya!" umpisa ni Gwen.

" At hindi lang yon, kinaibigan pa sya.Ano kaya ang drama nun eh ang dami na nyang kaibigan dito?" asar din ni Angel.

" Baka naman nahalata nyang may gusto ka kasi sa kanya kaya ganun." sabi pa ni Gwen.

" Hoy, maingat ako noh at kayo lang nakakaalam nung lihim ko tungkol sa kanya.Hindi ba pwedeng gusto lang nya talagang makipagkaibigan?" sagot ko.

" Oo nga naman, sya yung lumapit kay Aubrey,at sinabihan pa syang maganda at cute." dugtong pa ni Angel.

" Haaay, kinikilig ako! Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa nangyari.Nasa first step nako mga kapatid, suporta nemen dyen." tuwang-tuwa na sabi ko.

" Ok beh we got your back!" sabay pa nilang sabi.

Natapos ang klase namin ng maayos at hinintay lang namin si Cheska sa building nila para sabay-sabay na kaming umuwi.Hindi naman nagtagal at lumabas na rin sya at diretso na kaming umuwi ng apartment.

Matapos maghapunan ay pumasok na ako ng banyo para maligo.Kumatok si Angel ng pinto ng CR at sinabing dalian ko raw at may naghahanap sa akin sa sala at kausap na ni tita Rain.

Sino kaya yun? Nagmadali na ako at pumunta na ako sa room namin ni Gwen para magbihis.

" Uy beh may bisita ka dun sa baba, ini-interview na ni tita Rain." sabi ni Gwen na ngiting-ngiti pa.

Hala! Anong meron at ganito makangiti tong babaeng ito.

Hindi na ako kumibo at nagmamadali na akong nagsuklay ng buhok ko.

Pagdating ko ng hagdan ay nakasalubong ko pa sina tita Rain, Angel at Cheska na malawak ang ngiti sa akin.

Hala! Nagtataka na talaga ako sa mga ito.

" Uy, Aubrey isara mo na lang maige yung gate at pinto pagkaalis ng bisita mo ha?" bilin ni tita.

" Opo tita, ako na po bahala." sagot ko at dumiretso na pababa.

Pagdating ko sa sala ay nagulat ako sa bumungad sa akin.

" Good evening Aubrey!"

" Huh! Ano ginagawa mo dito?"

Next chapter