webnovel

Mr. Writer

luzdelaluna_ · Others
Not enough ratings
24 Chs

Chapter 8

Nagising ako dahil sa presensya ni Ivan. Sa tingin ko ay kanina pa ito sa akin nakatitig habang natutulog ako.

"Good morning." Hindi pa man masyadong malinaw ang paningin ko dahil sa pagkakagising ay nasilayan ko agad ang mga ngit ngiti niya.

Ano bang meron sa lalaking ito at isang ngiti lang ay parang gusto ko na lang ulit matulog?

"Good morning." Bati ko sa kaniya pabalik at pumikit muli dahil inaantok pa talaga ako.

"You need to wake up. Nandito si mama at dad." Biglang sabi nito sa akin kaya bumangon agad ako mula sa pagkakahiga.

Dali-dali akong pumunta sa banyo para maligo at magtoothbrush. Nang matapos naman ako ay lumabas na rin ako sa banyo.

Paglabas ko ng banyo ay nakatingin lang sa akin si Ivan. Nagtaka ako sa kaniya kung bakit hindi pa rin siya lumalabas ng kwarto ko. Hindi ba niya alam na sa kwarto mismo ako magbibihis?

"Hindi ka ba lalabas?" Tanong ko sa kaniya.

"Bakit naman ako lalabas?" Wala ba talaga siyang alam?

"Kasi magbibihis ako?"

"Ganun ba? Sige, lalabas muna ako." Inosente ba itong lalaking ito?

Paglabas ni Ivan ay nagbihis na rin ako. Hindi na ako nagtagal sa kwarto dahil nandito na rin ang mga magulang ni Ivan.

"I know na dadating ang araw na ito. Hindi ko lang inexpect na mas mapapaaga ang pangliligaw ng anak ko kay Sirene." Narinig ko si tita habang kausap sila mama.

"Hindi ko rin inaasahan na dadating ang araw na ito. Kamakailan lang ay nagpaalam sa akin si Sirene na magpapabooksign siya kay Ivan." Aniya naman ni mama.

Nang maramdaman nila ang presensya ko ay kinausap na nila kami. Katulad ng sabi ni mama ay iyon din ang sinabi ni tita.

Hindi dahil pinayagan kami ng mga magulang namin ay sasagutin ko agad si Ivan. Mas mabuti kung mas kikilalanin muna namin ang isa't-isa. Hindi rin namin pwedeng pabayaan ang pag-aaral dahil senior high na ako at college na si Ivan.

Nang matapos ang usapan ay nagpaalam na rin sila tita Adele na uuwi na sila dahil may work pa si tito.  Bago pa man sila umalis ay may ibinulong muna sa akin si tita.

"Sabi ko naman sayo, anak. Dadating din ang araw na ito." Nakangiti nitong bulong sa akin at umalis na sila.

Nang makaalis sila ay kinausap muna ako nila mama. Si Zen naman ay nakangiti sa akin. Alam kong kapatid ko siya pero yung mga ngiti niya ang dadala sa akin sa impyerno ng buhay.

Bumalik na rin ako sa kwarto ko para magreview. Mag-aadvance na ako ng lessons dahil alam kong may special quiz ang mga prof namin sa lunes.

*Ring* *Ring*

Ivan Constello calling...

"Hello?" Panimula ko.

"I already missed you." Parang ilang minuto lang hindi nagkita miss agad?

"Dapat nagpaiwan ka muna kanina."

"I also want to, but dad needs me in his office for this day." Sagot nito mula sa kabilang linya.

"Sirene!" Tawag sa akin ni mama kaya bigla kong napatay ang tawag.

Agad akong lumabas ng kwarto para pumunta kay mama. Nang makita ko si mama ay nakaluhod ito habang hawak ang likod ni Zen.

Agad akong tumakbo papunta sa kanila para tignan ang nangyari kay Zen. Inutusan ako agad ni mama na tawagin si papa dahil nasa labas siya ng bahay.

Nang makauwi si papa ay dinala agad si Zen sa pinakamalapit na hospital. Hindi ko alam ang nangyari ngunit may dugo si Zen sa may ulo.

Lumipas ang ilang oras ay hindi pa rin mapakali si mama. Tinanong ko siya ngunit siya siya sumasagot kung anong nangyari kay Zen.

Dumating naman agad si Ivan dahil nabalitaan niya kay papa dahil hindi ko sinasagot ang tawag niya kung kaya't si papa na lang ang tinawagan niya.

"Anong nangyari kay Zen?" Tanong agad nito sa akin.

"Hindi ko alam. Nasa kwarto ako nung oras na iyon at tinawag ako ni mama dahil may nangyari kay Zen."

"Mr. and Mrs. Mendez." Saad ng doctor na lumabas mula sa ER, emergency room.

"Ano pong nangyari kay Zen?" Natatarantang tanong ni mama sa doctor.

"Sa tingin ko ay habang naglalaro ang bata ay napatama ang ulo nito sa hagdan." Sagot ng doctor at naalala ko kung saan ko nakita si mama at Zen.

Bago makapasok sa bahay ay may hagdan pataas na gawa sa semento. Siguro ay napatama si Zen habang naglalaro ng jumping rope malapit sa hagdan.

Nalaman namin kay doc. na maayos na siya ngayon. Nasa private room na siya kasama si mama at papa.

Kasalukuyan kaming nasa Robinsons para bumili ng pwedeng kainin ni Zen. Hindi ko talaga alam kung anong meron dahil sobrang dami ng kinuha  niyang prutas.

"Bakit ang daming prutas?" Nagtataka akong nakatingin sa kaniya ngunit tumawa lang siya.

"Ano kasi..."

"Ano nga?" Taning ko pa sa kaniya. Hili kasi magpabitin.

"Kasi hindi lang naman yan para kay Zen." Natatawang sagot nito sa akin.

Hindi na ako nagsalita pa. Pumunta na lang kami sa cashier para magbayad ng mga binili namin. Matapos ay bumalik na rin kami sa hospital.

Nang marating namin ang hospital ay sakto dahil kakarating lang ni ate Alex. Kasama nito ang kapatid niyang si ate Florence.

Ate Florence is one of ate Alex's sisters. She's older to ate Alex and she's also a writer. Way back 2 years ago when she becomes one of the published author. I also have her books.

"Ate Alex, ate Florence." Tawag ko sa kanilang dalawa.

"Here she comes." Bulong ni Ivan habang nakatingin kay ate Florence.

"Kasama mo pala si Ivan." Nakangiting saad ni ate Florence habang nakatingin kay kuya Ivan.

"Kilala mo siya ate Florence?" Tanong ko kay ate Florence at tumango naman ito agad.

Pumasok na kami sa loob ng hospital papunta sa room ni Zen. Habang naglalakad kami ay nagkwento si ate Florence about sa ginawa niyang new book. Kwinento niya rin ang lahat ng kabaliwan ni Ivan sa first crush niya noon.

Nang marating naman namin ang kwarto ni Zen ay bumati agad si ate Alex at ate Florence kina mama at papa. Si Zen naman ay tulog pa kaya hinayaan muna namin.

Hindi rin nagtagal si ate Florence at ate Alex dahil may gagawin pa si ate Florence. Bago pa man umalis sila ay may ibinigay sa akin si ate Florence na book. Ito ang kaniyang bagong pinublish na book last month. Hindi ko iyon nabili dahil inuna ko ang libro ni Ivan.

I opened it at may booksign na ni ate Florence. She also leave a note; I'll give you this book. I know how did you support me from the start of being a writer. Also, before you read this book, make sure that you're finish in your studies huh? <3

Napangiti na lang ako sa note na sinulat niya. She's right. Study first before reading wattpad books.

"Sirene." Tawag sa akin ni Ivan.

"Bakit?"

"Balita ko mahangin sa rooftop nitong  hospital." Saad niya.

"Lagi naman mahangin sa rooftops." Natatawa kong sabi sa kaniya.

Hinila na lang ako nito papunta sa rooftop. Hindi ko malaman kung bakit sumusunod ako sa kaniya eh.

Nang marating namin ang rooftop ay pumunta agad siya sa dulo para tignan ang view sa baba. Sumunod ako sa kaniya para tignan ngunit napaatras na lang ako bigla dahil sa sobrang taas ng building.

"Sirene." Tawag sa akin ni Ivan.

"Hmm?" Lumapit ito sa akin at tinitigan lang ako.

Omg! Hahalikan niya ba ako? Alam ko ito eh! Ito yung scenario sa wattpad na nabasa ko. Pumunta sila sa rooftop at hinalikan ni boy si girl!.

"Bakit?" Inosente kong tanong.

Hinawakan lang nito ang buhok ko at pinagmasdan ako. "Ang haba na pala ng buhok mo. Wala ka bang balak magpagupit?" Tanong nito sa akin.

Umasa ako! Akala ko mangyayari na yung nasa wattpad eh!

"Ha? Ah, oo. Pinapahaba ko kasi yan." Saad ko na lang.

"By the way, alam ko iniisip mo. Nakikita ko sa itsura mo." Nakangiti nitong saad at tinalikuran ako.

To be continue...