"By the way, alam ko iniisip mo. Nakikita ko sa itsura mo." Nakangiti nitong saad at tinalikuran ako.
Natulala ako sa sinabi niya sa akin. Hindi na rin aki magtataka kung mahuhulaan niya dahil isa siyang writer at alam niya ang mga expectation at imagination ng mga readers.
"Walang masamang mag-imagine." Natatawang saad ni Ivan at humarap muli sa akin.
"Ngunit alam mo ang masama?" Tanong nito sa akin kaya umiling ako bilang sagot.
"Ang mag-imagine ng hindi naman mangyayari." Matapos niya iyon sabihin ay dinampian niya ako ng halik sa labi.
"Alam kong wala akong pahintulot na gawin iyon, pasensya."
Wala akong isinagot sa kaniya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Agad ko siyang niyakap dahil nadala ako ng emosyon ko.
Sa tingin ko ay ito ang isa sa pinakamasayang kabanata sa kwento naming dalawa. Hindi pa man niya natatanggap ang sagot ko ay hindi mawala ang araw na napapasaya niya ako.
"I'll wait for your sweet yes. You don't need to rush it. I'll always wait for you no matter what. Because a true man can wait for their lady." Nakangiti nitong bulong sa akin habang nakayakap pa rin.
"Thank you for your patience, Ivan." Nakangiti ko sa kaniyang sagot.
"No, thank you for letting me to be part of your life." Pagbabago nito sa sinabi ko.
"Ma'am, sir. Excuse lang po, maglilinis lang po ng rooftop." Biglang singit sa amin ng isang janitor.
"Ganun po ba? Okay lang po, pababa na rin naman po kami." Nahihiyang saad ko dito at hinila ko na lang si Ivan pababa sa rooftop.
Omg! Nakakahiya yun!
"Saan kayo galing?" Nagtatakang tanong ni mama.
"May pinuntahan lang po kami. Nagpareserve po ng pizza." Palusot ko kay mama. Tumango lang ito dahil mukha naniwala naman sa akin.
"Balikan na rin po namin yung pinareserve, baka po kasi magsara na rin." Palusot naman ni Ivan dahil kung wala kaming madadala ay mahahalata ni mama.
Pumayag agad si mama na pumunta na kami sa Pizza Shop. Dali-dali kaming tumakbo ni Ivan papunta sa shop dahil baka hindi namin maabutang bukas pa.
Nang maabutan naman namin ay nag order agad si Ivan ng tatlong pizza. Tinatawanan pa ako ni Ivan habang nakaupo kami sa bench habang hinihintay maluto ang pizza.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Maangas kong tanong.
"Paano, nagpalusot ka pa. Ayan tuloy, napabili tayo ng pizza." Natatawang sagot nito.
"Wala akong masabi kanina, kaya iyon na lang ang pinalusot ko." Napahawak ako sa patok ko habang nagtatawa.
"Sino ba naman kasi ang nagsabing magpalusot ka? Pwede mo namang sabihin kung saan tayo pumunta."
"Eh mamaya't kung anong isipin nila mama kung bakit tayo nasa rooftop." Sagot ko at napatango na lang ito.
Nang maluto naman ang pizza ay binayaran agad ni Ivan at bumalik na rin kami sa hospital. Nang marating namin ang hospital ay saktong may emergency pa. Dali-dali nilang dinala ang pasyente sa ER.
Naglakad na lang kami hanggang sa marating namin ang room ni Zen. Pagpasok naman namin ay kakagising pa lang ni Zen. Para itong may sapi habang nakangiti sa amin ni Ivan.
Buhusan ko ito ng holy water eh.
"Ngini-ngiti mo diyan?" Tanong ko at tumawa ito.
"Wala naman ate, ang cute ninyo lang." Sagot nito.
"Sus, may nakita ka lang na pizza." Saad ko.
Ibinigay ni Ivan ang isang box kay Zen at ang dalawang box naman ay paghahatian naming apat nila mama.
Tawang-tawa sa akin si Ivan dahil inaalis ko ang peppers at onions sa pizza.
"Sana nagsabi ka na ham and cheese na lang, para hindi mo na inaalis yung peppers at onions." Natatawang sabi sa akin ni Ivan.
"Di mo nama ako tinanong." Pangangatwiran ko sa kaniya.
Hindi na sumagot pa si Ivan. Sa halip ay inabot niya sa akin ang isang slice ng pizza. Wala na itong pepper at onions dahil inalis na niya bago pa niya ibigay sa akin.
Agad ko iyon kinuha at kinain. Hindi ko siya tinitignan habang nagkakain dahil feeling ko ay awkward.
"Sirene, lalabas muna kami ng papa mo. Kayo muna ang magbantay kay Zen." Paalam ni mama at lumabas na rin sila ni papa.
"Ate, kilala mo ba yung doctor na pumasok dito kanina?" Biglang tanong sa akin ni Zen.
"Bakit? Crush mo ba?" Natatawang tanong ko at tumango ito. Hindi ko inaakala na sasagutin niya yung biro ko.
"Hoy, mas matanda iyon sayo. Mas matanda pa nga iyon sa akin." Natatawang saad ko kay Zen.
"Age doesn't matter, ate."
"Ano ka ba, 26 years old na yun si Doc. Tapos ikaw ay 13 years old pa lang." Natatawang saad ko kay Zen.
"Hayaan mo na yan si Zen, di naman magiging sila ni doc. Lazo." Pang-aasar naman ni Ivan.
"Good evening, Ms. Mendez." Biglang bati ni doc Lazo na kapapasok pa lang sa room ni Zen.
Nagkatinginan kami ni Ivan at sabay na tumingin kay Zen ng nakakaloko.
"Doc, how's the patient po?" Tanong ni Ivan.
"As I read the result earlier, she's now okay. Kailangan lang sigurong magtagal siya dito ng 2-3 days dahil medyo napasama ang pagtama ng ulo at likod niya sa semento. Napakaswerte lang ni Zennaire dahil nagising agad siya for few hours, dahil ang iba ay inaabot ng ilang linggo or buwan." Mahabang saad ni Doc.
"Don't worry, every 3 hours ay dadalawin ko si Zennaire to make sure na makakarecover siya agad." Nakangiti pa nitong dagdag.
Ang swerte nga naman ni Zen at dadalawin pa siya ni doc every 3 hours.
"I just check her, I need to go." Paalam ni doc at lumabas na rin.
Tumatawa kaming dalawa ni Ivan habang pinagmamasdan si Zen na kanina pa nakangiti.
"Ate, bakit 26 pa lang si doc? Diba ang doctor 10 years ang college tapos 20 years old ka magsisimula sa paging doctor?" Nagtataka nitong tanong.
"He's a student pa lang. Ang alam ko ay habang student ka sa medicine ay pwede kang magwork sa hospital, like OJT pero tinatawag yun as Intern dahil about medicine or magdodoctor sila." Paliwanag ni Ivan. Napatango na lang si Zen.
Nagpaalam na rin si Ivan kay tita Adele na sa bahay na siya matutulog para may kasama ako. Si mama at si papa ang magbabanta kay Zen dito sa hospital.
Nang makabalik naman sila mama at pinauwi na rin kami ni Ivan dahil lumalalim na ang gabi. Mabuti na lamang dahil dala ni Ivan ang sasakyan niya.
Nang marating namin ang bahay agad na kaming pumasok. Sakto naman nang makapasok kami ay biglang umulan.
"Sirene, alam mo ba ang masarap gawin tuwing umuulan?" Casual nitong tanong.
"Oo." Nakangiti kong sagot.
Agad akong tumingin sa kusina kung kumpleto ang ingredients. Nang makita ko namang kumpleto ay bumalik ako kay Ivan.
"Kumpleto ang ingedients para sa sopas kaso hindi ako marunong magluto ng sopas." Saad ko sa kaniya.
Agad niyang inalis ang polo na suot niya at nagpalig ng t-shirt para mas komportable. Agad siyang pumunta sa kusina para ihanda ang mga gagamitin. Ako naman ang naghiwa ng ibang ingredients para mas mapadali.
Nang maluto naman ang sopas ay ako na ang naghain sa lamesa ng sopas para sa aming dalawa. Katulad ng inaasahan ko ay masarap iyon.
"Kamusta yung luto ko?" Tanong ni Ivan sa akin.
"Ano..." Pagbibitin ko.
"Hindi ba masarap?" Kinakabahang tanong ni Ivan.
"Sinong nagsabing hindi? Masarap kaya." Natatawang aniya ko pa.
Tinapos na rin namin ang kinakain namin para naman makapagpahinga na rin kami. Katulad ng dati ay sa kwarto din siya matutulog. Sa ngayon naman ay sa kwarto na nila mama ako matutulog.
Hindi ko na kayang maulit pa yung nangyari last night. Baka kung ano pang mangyari.
Pumunta na kaming dalawa sa kaniya-kaniya naming kwartong pagtutulugan. Humiga na rin ako dahil napagod din ako.
Bago pa man ako makatulog ay nakareceive na agad ako ng message.
From: Ivan Constello
Good night, my luna. :)
Hindi ako makareply dahil ubos na pala ang load ko. Sa halip ay tumayo ako para pumunta sa kwarto ko kung nasaan si Ivan.
Nang maramdaman nito ang presensya ko ay umupo agad siya mula sa pagkakahiga.
"Bakit? May naiwan ka ba?" Tanong nito sa akin.
Sa halip na sagutin siya ay inilagay ko ang dalawa kong kamay sa may ulo niya at hinalikan ko siya sa noo.
"Good night, sorry di ako makareply dahil ubos na ang load ko." Saad ko at lumabas na rin ng kwarto.
To be continue...