"Good morning, ate Alex." Nasigla kong bati sa kaniya.
"Anong nangyari kagabi at sobrang sigla mo yata?" Tanong sa akin ni ate Alex habang abala sa pagluluto ng agahan.
"Infairness ha, ang aga mo nagising ngayon." Dagdag pa ni ate Alex.
"Good morning." Bati sa amin ni kuya Ivan.
"Bakit ba ang sigla ninyo?" Nagtataka na si ate Alex dahil sa amin.
"Kasi ano.." nakangiting panimula ni kuya Ivan.
"Kasi?"
"Kasi nga may nakita kaming shooting star kagabi habang naglalakad sa tabing dagat." Ako na mismo ang nagpalusot dahil maaaring sabihin ni kuya Ivan ang totoo.
"Dapat sinama ninyo ako kagabi para naman nakita ko." Tingin ko ay wala talagang alam si ate Alex.
"Ate Alex, ano bang niluluto mo?" Pag-iiba ko ng topic namin dahil baka madulas pa kaming dalawa ni kuya Ivan kapag nagtanong pa si ate Alex.
"Home made tocino by Alexandra." Nakangiting sagot ni ate Alex sa akin.
"Uy, masarap yan." Biglang saad ni kuya Ivan at lumapit sa amin.
"Kasing sarap ko ba yan?" Habol pa ni kuya Ivan.
"Kapal mo naman." Nababara talaga lagi ni ate Alex si kuya Ivan kahit kelan.
"Punta muna ako ate Alex sa tabing dagat." Paalam ko.
Alas-sais pa lang ng umaga kaya hindi pa masyadong tirik ang araw. May mga naglalangoy na rin kahit papaano. Nakita ko naman sila Reysha sa tabing dagat habang gumagawa ng sand castle. Ewan ko ba, pero para silang mga bata.
"Sirena!" Tawag sa akin ni Max. Sirena ang tawag nila sa akin minsan dahil sa pangalang Sirene. Hindi na ako magtataka kung tatawagin nila akong buwan dahil sa Luna.
Agad akong lumapit sa kanila dahil mukhang masaya naman ang ginagawa nila. Sa tingin ko ay magkakalaban sila at pagandahan ng castle na magagawa.
"Sali ka Sirene? Pagandahan tayo ng mga castle." Agad akong sumali sa kanila dahil hindi naman lingid sa kaalaman ko na medyo creative din ako.
"Game."
Humanap ako ng pwesto ko na malayo sa tubig dahil maaaring masira ang gagawin ko kung malapit ako sa dagat.
Ilang minuto lang at natapos na naming lahat. Tinawag ni Max si tita Adele para ijudge ang mga gawa namin. Si tita Adele na lang ang pinili naming judge dahil nasa tabing dagat lang din sila ni tito.
Nahirapang pumili si tita Adele dahil lahat maganda ang mga gawa namin. Kaya ang ginawa niya ay lahat kami panalo.
Matapos iyon ay tinawag na kami ni ate Alex para kumain ng almusal. Katulad ng sinabi ni kuya Ivan ay masarap nga ang gawa ni ate Alex na tocino.
Bago pa man magtanghalian ay nagbyahe na kami pauwi para sa bahay na nila kuya Ivan kami kumain ng tanghalian.
Nagluto si tita ng Kalderetang Baka. Si kuya Ivan naman ay gumawa ng dessert na coffee jelly.
Gaya ng inaasahan namin ay masarap ang gawa ni tita na Kaldereta at coffee jelly na gawa ni kuya Ivan. Si Max ay hindi na matapos sa Kaldereta ni tita dahil siya ang nakadalawang cup ng kanin. Kahit kelan talaga si Max.
Si ate Alex na ang naghatid kina Max at Reysha dahil iba ang direksiyon nito papunta sa amin. Si kuya Ivan na ang naghatid sa amin ni Carla dahil magkalapit lang kami ng bahay.
Nang marating namin ang bahay nila Carla ay pinalipat ako ni kuya Ivan sa unahan ng sasakyan sa tabi ng driver's seat.
"Sirene." Tawag nito sa akin habang nasa daan pa rin ang kaniyang paningin.
"Po."
"Do you still remember what I said last night?" Tanong nito sa akin.
"I still remembered it kuya Ivan." Sagot ko.
"From now on, stop calling me kuya Ivan." Inuutusan ba ako nito? What if batuhin ko ito ngayon?
"I will stop calling you kuya Ivan, because?" Biro ko.
Tumitig lang sa akin si kuya Ivan. Hindi siguro nito nakuha yung joke ko.
"Joke lang naman." Iyon na lang ang sinabi ko sa kaniya dahil para akong matutunaw sa titig niya.
"Paano kung magtaka sila ate Alex na hindi na kuya ang tawag ko sayo? Tanong ko sa kaniya.
"Then, I'll explain to them na nililigawan na kita." Diretso nitong sagot sa akin.
Nang marating namin ang bahay ay siya na mismo ang nagbukas ng pinto para sa akin. Si Zen naman ay nakaabang sa gate namin. Unang kinuha ni Zen ang mga pasalubong ni Ivan.
Ako ba talaga ang inantay nito or yung chocolate?
"Good evening kuya Ivan." Tignan mo ito, parang hindi kapatid. Si Ivan lang ang binato tapos ako na kapatid niya, hindi.
"Magandang gabi Ivan." Bati ni mama kay Ivan habang nagluluto.
"Good evening tita."
"Dito ka na maggabihan hijo. Nagluluto ako ng bicol express."
"Sige po tita." Pagpayag agad ni Ivan.
Nang maluto ni mama ang bicol express ay kumain na rin kami para hindi masyadong gabihin si Ivan sa daan
"Papa!" Biglang sigaw ni Zen nang makita si papa na dumating.
Galing si papa sa Mexico dahil isa siyang piloto ng barko. Halos isang taon na rin ang nakalipas nang muli namin siyang makita at makasama.
"Good evening, sir." Bati ni Ivan.
"Tawagin mo na lang akong tito or papa." Nakangiting saad ni papa kay Ivan.
"Pa, si Ivan nga po pala." Pagpapakilala ko kay papa.
"Good evening po ulit, tito. I'm Ivan Constello po." Nagpakilala naman si Ivan ng maayos kay papa. Nagkasundo din agad sila.
Sumabay na sa amin si papa kumain. Sakto ang araw ngayon dahil dumating si papa. Hindi muna umalis si Ivan para makausap si mama at papa.
Hindi pa man kami nagsisimula mag-usap ay kinakabahan na ako sa harap nila mama at papa. Nasa sala kami at magkatabi ni Ivan habang si mama at papa naman ay nasa magkabilang upuan.
"Ano ba hijo ang sasabihin mo sa amin?" Tanong ni papa kay Ivan.
"Gusto ko po sanang magpaalam sa inyo ni tita kung maaari kong ligawan ang anak ninyo." Buong tapang na sagot ni Ivan kay papa.
Sana all malakas ang loob
"Talaga kuya Ivan?!" Chismosa talaga ito si Zen.
"Zen, doon ka muna sa kwarto mo." Utos ni mama at sumunod naman agad si Zen.
"Malapit naman na ang anak namin mag 18, sige papayagan ka namin." Saad ni papa.
"Sa isang kondisyon." Habol pa ni papa.
"Kailangang makilala din namin ang mga magulang mo." Nakangiting dagdag ni papa.
"Sure po, tito." Nakangiting sagot ni Ivan.
Pagkatapos ng usapan ay umuwi na rin si Ivan dahil tumawag na si tita Adele. Si mama at papa naman ay nakangiti pa rin sa akin.
"Ate, anong gayuma ba ang pinainom mo kay kuya Ivan?" Natatawang tanong ni Zen.
"Secret, baka gawin mo sa crush mo." Natatawang sagot ko naman sa kaniya.
"Anak, hindi dahil pinayagan namin si Ivan na ligawan ka ay sasagutin mo siya agad. Alam kong mabuting bata iyan si Ivan. Pero gusto namin ng papa mo na mas makilala ninyo ang isa't-isa." Paalala sa akin ni mama kaya tumango na lang ako.
Mahirap makatulog dahil sa pangyayari kanina.Ilang oras na rin akong tulala sa dito sa kama.
Sino ba namang hindi makakatulog sa nangyari?
To be continue...