106 Mas Mahusay Pa Siya sa Ate Ko?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Isang nag-aalalang Xiao mo ang sumagot, "Maghintay tayo at tingnan natin. Ang software ni Miss Xia ay hindi madaling ma-hack."

"Okay. Paghusayin natin para mapasok na natin ang software ng Chui Corps sa panahong ito."

"Oo!"

Mabilis na bumalik sa battlefield ang dalawa.

Nakapokus ang dalawa sa King Kong Internet Security ng Chui Corps sa simula pa lamang ngunit kahit nagdaan na ang ilang oras, walang masyadong progreso silang nagawa.

Mukhang naghanda ng husto ang Chui Corps ngayong taon.

Bagito pa si Xia Zhi sa larangang ito. Kahit na sa itinagal-tagal, napasok lamang niya ang unang linya ng depensa ng King Kong Internet Security.

Kung ikukumpara naman, nagawa ng pasukin ni ET gamit ang pitong minuto para ma-hack ang unang linya ng depensa ng X PC Manager.

Alalang-alala si Xia Zhi. "Ano'ng gagawin natin? Isang eksperto ang kalaban natin. Kung narito lang ang ate ko, matagal na tayong nanalo!"

Iyon din ang iniisip ni Xiao Mo.

Nadetena si Xinghe sa istasyon ng pulis pero dahil hindi nila kayang sagipin ito, ginawa na lang nila ang kanilang magagawa sa paraang alam nila.

Sa una, naniniwala silang may tsansa sila sa tagumpay.

Ngunit, matapos na sumalang sa entablado si ET, ang tsansang iyon ay namatay tulad ng kandila na nasa hangin.

Walang duda, walang panama siya at si Xia Zhi laban kay ET.

Kahit na talentado si Xiao Mo sa pagsusulat ng mga program pero isa siyang bagito sa panghahack. Kaunti lamang ang kanyang lamang kay Xia Zhi.

Habang si ET naman ay milya ang layo sa kanila.

Hindi, si ET ay milya ang layo sa bawat isang hacker na kasali sa kumpetisyon.

Maaari niyang mahack ang X PC Manager sa lalong madaling panahon!

Matapos ang 10 minuto, matagumpay na nakaalpas na naman si ET sa pangalawang line of defense ng X PC Manager.

Hindi na magtatagal hanggang mahack niya ang lahat!

"Paano siya naging mahusay dito?" Ninenerbiyos na reklamo ni Xia Zhi, "Gawa ito ng ate ko, ibig bang sabihin nito ay mas magaling siya sa ate ko?"

"Wala akong clue…" sagot naman ni Xiao Mo sa nag-aalala ring boses.

Sa kabilang banda naman, walang padsilan ng tuwa ang masayang nakangiti na si ET.

Napakainteresante nito, sobrang interesante!

Nagniningning ang mga mata ni ET habang tumitipa sa keyboard. Ang lahat ng nakakakilala at pamilyar sa kanya ay makikita ang sobrang kagalakan niya.

Sa tagal ng panahon na hindi pa siya nakaramdam ng panginginig sa sobrang galak.

Dahil wala pang software na nakakakuha ng kanyang interes sa matagal na panahon.

Ang defense capability ng X PC Manager na ito ay sobrang hindi niya inasahan. Akala niya ay kailangan lamang niya ng 10 minuto para tuluyan na itong mahack.

Sino ang makakapagsabi na ang unang linya ng depensa ay umabot siya ng pitong minuto, at ang pangalawang linya ng depensa ay inabot siya ng 10 minuto.

Mabibilang niya sa kanyang mga daliri ang bilang ng mga software packages na kinailangan niya ng ganito katagal para ma-hack.

Hindi niya inaasahan na makatagpo ng master programmer sa maliit na siyudad na tulad nito.

Lalong tumingkad ang excitement ni ET nang magsimula na siya sa ikatlong linya ng depensa.

Ang pangatlong barrier na ito ay mas matibay pa sa dalawang nauna rito.

Mas mahirap ang hamon, mas sabik at masigasig naman si ET. Wala siyang ibang gusto kung hindi ang isang mahusay na hamon. Sa ngayon, nakuha na niya ang buong atensiyon ng mga nasa patimpalak, inuusisa kung gaano katagal ang oras na gugugulin niya para ma-hack ang X PC Manager.

Marubdob na hiniling ni Xia Zhi na sana ay abutin siya ng… sampung libong taon!

Ngayong nakita na nila ang malaking pagkakaiba ng kanilang mga abilidad, nawalan na ng lakas ng loob pa si Xia Zhi na lumaban. Ngunit, alam niyang hindi sila pwedeng matalo, hindi sila dapat na matalo!

"Hindi na natin pa pwedeng hayaan ito; pupunta ako para iligtas ang ate ko! Kahit na pasukin ko pa ang kulungan para ilabas siya, gagawin ko!" Nagtatangis ang ngiping sinabi ni Xia Zhi.

Sa sandaling tumayo siya sa kanyang kinauupuan, hinila siya ni Xiao Mo paupo muli. "Zhi, sandali!"

avataravatar
Next chapter