107 Biglaang Paglitaw

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Hindi na tayo makakahintay pa, matatalo na tayo dito!" Balisang balik ni Xia Zhi.

Sa loob-loob niya, nababalisa din si Xiao Mo pero sinubukan niya sa abot ng kanyang makakaya na mapanatag ang loob ni Xia Zhi, "Hindi pa itoa ng katapusan, ang ating pagkatalo ay hindi pa sigurado…"

"Brother Xiao, hindi na ito ang oras para lokohin pa ang mga sarili natin." Halata na patalo na sila. Malapit na silang matalo ni ET.

Sa sandaling matalo ang X PC Manager, ang kanilang kapalaran ay magiging selyado na.

Kahit pa magmadali si Xia Zhi patungo sa istasyon ng pulis ay huli na ang lahat.

Ilang sandali na lamang ang natitira hanggang sa matalo sila.

Iyon ay maliban na lamang kung biglang lilitaw si Xinghe…

Pero paano iyon magiging posible?

Gagawin ni Chui Ming ang lahat para mapanatiling nakakulong ang ate niya.

Ang dati niyang bayaw ay tumangi na tulungan siya...

Tinapunan ni Xia Zhi ng masamang titig si Chui Ming na nakaupo sa VIP area, ang kanyang tingin ay puno ng pagkamuhi! Siya ang sumira ng lahat.

Binigyan din ni Xiao Mo ng kaparehang titig si Chui Ming.

Kung posible lamang, isasakripisyo niya kahit ang buhay niya para manalo sa kumpetisyong ito. Isasakripisyo niya ang lahat-lahat para lamang lumitaw agad si Xinghe.

Pero alam niyang imposible ito.

Bakit ba napakalupit ng Diyos sa kanila?

Hawak na sana nila ang kumpetisyon, pero bakit may isang mahusay na tao ay magtatrabaho para kay Chui Ming ang sisira ng kanilang pag-asa at mga pangarap?

Totoo ba na ang 'nice guys finish last'? Na ganoon ka-unfair ang mundo?

Halos madurog na ang labi ni Xiao Mo sa pighati habang iniisip ang nakakalungkot nilang kapalaran.

Mas malungkot si Xiao Mo, mas masaya naman si Chui Ming.

Minamasdan niya ang mga reaksyon nila Xiao Mo at Xia Zhi. Tumawa siya ng puno ng galak habang pinapanood ang kanilang kawalan ng pag-asa.

Si CEO Wang na nakaupo sa kaniyang tabi ay agad na naiintindihan kung bakit siya tumatawa.

Agad niyang binati ito, "CEO Chui, mukhang ililibre mo kaming lahat sa kainan ah."

"Oh, masyado pang maaga para sabihin kung sino ang makakakuha ng first place," sagot ni Chui Ming na may mapagkumbabang ngiti.

Mabait na tumawa si CEO Wang. "Kahit ang bulag ay nakikita na kung sino ang kokoronahang nanalo. Sino pa ba ang magiging karibal ng mahusay na hacker na inupahan ni CEO Chui?"

"Alam mo… Oo nga, tam aka. Wala ng makakahadlang pa sa daan ko!" Mayabang na tumawa si Chui Ming, lahat ng anyo ng pagpapakumbaba ay wala na.

Natameme si CEO Wang. Pero ano pa baa ng magagawa niya, noong oras na kumalat na sa merkado ang King Kong Internet Security ni Chui Ming, ay dominante na ito sa lahat ng sales chart. Matapos ang mga lumipas na taon ng upgrades, halos hindi na ito matatalo.

Umaasa siya na mayroong makakatalo sa Chui Corps ngunit sa bandang huli, isa lamang itong panaginip na hinahangad nila.

Inisip niyang matatalo ng X PC Manager na ito ang King Kong Internet Security pero mukhang hindi pala ito matutupad.

Lahat ng naroroon, kasama na sina Xia Zhi at Xiao Mo, ay makikita na ang Chui Corps na ang nangunguna sa kumpetisyon.

Ngunit, ayaw maniwala at ayaw magbigay ni Xia Zhi. Alam niyang imposible pero hindi siya mananatiling nakaupo na lamang hanggang sa sila ay matalo.

"Brother Xiao, aalis ako para sagipin ang ate ko. Kaya pakiusap huwag mo na akong pigilan!" Biglang tumayo na si Xia Zhi at mabilis na nagtungo sa entrada.

Pero sa pagkakataong iyon, biglang bumukas ang pinto mula sa labas.

Hindi makapaniwalang natutulala si Xia Zhi sa taong pumasok. Gulat na gulat pa din siya.

avataravatar
Next chapter