105 ET

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Lumingon si Chui Ming para bumulong sa kanyang alalay, "Ibigay mo sa akin ang mga impormasyon ng lahat ng mga kumpanyang lumahok."

"Opo, sir." Matapos ang ilang oras, ipinasa sa kanya ng kanyang alalay ang isang set ng mga dokumento.

Agad itong pinasadahan ng tingin ni Chui Ming para mahanap ang pahina para sa 'X PC Manager'.

Tulad ng sinabi ni CEO Wong, isa itong bagong rehistradong kumpanya, sobrang bago na kakagawa lamang ito ng wala pang isang linggo!

Ang legal nitong kinatawan ay si…

Nanginig ang mga kamay ni Chui Ming na may hawak na dokumento, na halos punitin na niya ang dokumento sa dalawa.

Ang pangalan na naroon ay si Xiao Mo!

May kinalaman ang software na ito sa kanya!

Hinanap ng mga mata ni Chui Ming si Xiao Mo sa pulutong ng mga tao. Nabaliktad ang kanyang mundo.

Sigurado siyang hindi na makakagawa ng magandang software pa si Xiao Mo na kakayaning kalabanin ang sarili niyang King Kong Internet Security.

Pero ngayon… iba ang sinasabi ng realidad!

Walang ibang software ang may kakayanan na manatili pa ng ganitong katagal maliban na lamang sa kanyang King Kong Internet Security.

Kung ang X PC Manager ay solong sinulat ni Xiao Mo, halimaw ang taong ito. Naramdaman ni Chui Ming ang galit at inggit na namumuo sa kanyang kalooban.

Hindi maaaring manatiling nabubuhay si Xiao Mo!

Hindi kailanman matatalo ng X PC Manager ang King Kong Internet Security!

Ngumisi si Chui Ming at sinabihan ang kanyang alalay, "Ilabas mo si ET dito…"

Nagkaroon ng palitan ng mga manlalaro sa loob ng lugar ng paligsahan.

Isang lalaking may 185 centimeters na tangkad, may perpektong pangangatawan na nakasuot sa isang itim na tracksuit at itim na cap ang pumasok sa espasyo ng paligsahan.

Ang kanyang pagpasok ay hindi nakakuha ng gaanong atensiyon pero pakiramdam ng mga nakapansin dito ay hindi siya isang ordinaryong hacker.

"Iyana ng hacker na sinadyang arkilahin ng Chui Corps," paliwanag ni Junting na nakaupo sa tabi ni Mubai, "Mukhang kinakabahan na si Chui Ming mula sa pressure na dulot ng X PC Manager na ito. Interesante, ang may gawa ng X PC Manager ay may mahabang kasaysayan kasama si Chui Ming, isang hindi magandang kasaysayan kung idadagdag ko."

Tumingin sa kanya si Mubai at nag-iisip na nagtanong, "Paano? Sabihin mo sa akin ang mga detalye."

Si Junting, ay likas na makwento, ay dali-daling lumapit at excited na nagkwento. "Narinig mo na ba ang tungkol sa taong nagngangalang Xiao Mo?"

"Oo," walang emosyong sagot ni Mubai.

Ang kasikatan ni Xiao Mo ay agad na nawala habang paakyat sana ang kanyang katanyagan, kaya hindi lahat ng nasa industriya ay kilala siya, pero ang mga nakakaalam ng tungkol sa kanya ay alam ang kanyang nakaraan kay Chui Ming.

Ang bulung-bulungan ay siya talaga ang orihinal na may-akda ng King Kong Internet Security at sapilitan itong ninakaw ni Chui Ming mula sa kanya.

Kahit na walang kongkretong pruweba, marami ang naniwala sa tsismis.

Alam naman ng lahat kung ano klaseng moralidad mayroon si Chui Ming.

Ngumiti si Junting at winakasan ang usapan, "Ang legal na kinatawan ng kumpanya sa likod ng X PC Manager ay si Xiao Mo."

Nasorpresa si Mubai.

Itinuro ni Junting ang isang lalaki na nasa loob ng lugar ng paligsahan, "Iyon si Xiao Mo."

Sinusundan ni Mubai ang direksiyon ng daliri ni Junting ng biglang bumulalas ito, "Teka, hindi ba at si Xia Zhi ang nasa tabi ni Xiao Mo?"

Parehong nagulat sina Junting at Mubai.

Magkakilala sina Xia Zhi at Xiao Mo?

Sa sandaling iyon, parehong pinagpapawisan ng husto sina Xia Zhi at Xiao Mo. Bumulong si Xia Zhi kay Xiao Mo ng makita niya ang hacker na may pangalang ET ang naglakad papasok, "Brother Xiao, ang taong iyan ay galing sa Chui Corps. Sa oras na umupo siya, mabilis niyang hinamon ang depensa ng ating software. Ano ang gagawin natin? Mukhang hindi siya isang simpleng nilalang."

Ang transparency sa kumpetisyon ay nangangahulugang makikita ng lahat kung anong software ang hinahamon ng bawat hacker.

Biglang nagpalit ng kinatawan ang Chui Corps at sa oras na pumasok si ET sa ring, tinarget nito ang X PC Manager.

Kapag nahack ang X PC Manager, matatalo sila sa paligsahang ito!

Hindi nila ito maaaring hayaang mangyari dahil hindi na nila matatalo ang Chui Corps kapag nangyari iyon.

avataravatar
Next chapter