104 X PC MANAGER

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagulat si Chang An.

Pupunta siya sa… Hacker Competition?

Sa pinagdarausan naman ng kompetisyon, maayos namang naidaraos ang paligsahan.

Lahat ng mga CEO at mga kinatawan mula sa mga kumpanyang sumasali sa kompetisyon ay naroon na.

Isang lugar ay ihiniwalay para sa mga VIPs at VVIPs na miminsan ay tumitingin-tingin sa lugar ng kompetisyon para tingnan ang sitwasyon.

Sa kabilang panig ng VIP area ay isang higanteng TV Screen.

Makikita doon ang mga pangalan ng iba't ibang security software at ang mga oras na naubos ng mga hacker para mapasok ito. Ang pinakahuling column ang nagpapakita ng time average ng bawat software.

Mas mahabang time average, mas mahusay ang software dahil nangangahulugan itong kailangan ng mga hackers ng mas maraming oras para makalusot sa depensa nito.

Sa oras na ito, halos lahat ng mga software na gawa ng mga maliliit na kumpanya ay natalo na.

Nangyayari ito taun-taon, ang unang naaalis ay mga sakripisyo mula sa maliliit na kumpanya.

Bilang ang isa sa mga kilalang security software sa Hwa Xia, inaasahan ng lahat na ang produkto ng Chui Corps ay makakaligtas hanggang sa huli.

Ngiting-ngiti si Chui Ming ng buong kumpiyansa.

Dahil 30 minuto na ang nakalipas mula ng magsimula ang paligsahan. Ang produkto niya ay hindi pa rin natatalo. Ang lahat ng iba pang software ay nahack ng minsan… maliban sa isa!

"CEO Chui, akalain mo nga namang may mga nakatagong eksperto mula sa mga kumpanya na kalahok sa taong ito? Huwag ng isama pa ang pag-unlad ng teknolohiya, tingnan mo iyong 'X PC Manager', hindi pa din ito nahahack, maaari itong maging karibal ng iyong King Kong Internet Security. Isa pa, pagkakarinig ko na ang software na ito ay gawa ng isang bagong kumpanya. Baka oras na ito para sa ating mga matatanda na sa industriya na magretiro na sa computer scene at hayaan na lamang ito sa mga mas bata."

Ang senior CEO na nakaupo sa tabi ni Chui Ming ay napahimutok.

Ang kanyang nakatagong mensahe ay isang bago at hindi kilalang kumpanya ay maaaring matalo ang iyong kilalang software.

Matagal ng naghahari sa sales chart ang King Kong Internet Security, kaya bawat isa sa kakumpetensiya ni Chui Ming ay gustong magbigay ng nakakairitang pamumuna kapag may pagkakataon.

Maski si Chui Ming ay napansin din itong 'X PC Manager'.

Sa hindi maipaliwanag na rason, may pakiramdam siyang may kinalaman si Xiao Mo dito.

Mabilis na sinuri ni Chui Ming ang mga tao at napako ang kanyang tingin kay Xiao Mo na nasa gitna ng paligsahan. Naging malamig at matalim ang kanyang titig.

"CEO Wang, totoo nga na ang ating mga junior ay talentado, pero hindi nangangahulugan noon na ang mga matatag nating posisyon ay madaling matatalo. Maaaring kinatatakutan mo sila pero kami, ang Chui Corps, ay hindi sila alintana," ganting sagot ni Chui Ming.

Maluwag itong tinanggap ni CEO Wong at sinabi, "Ibig bang sabihin nito ay sigurado na si CEO Chui na hindi matatalo ang kanyang produkto?"

Alam ng buong komunidad ang sobrang tiwala sa sarili ni Chui Ming, at talaga namang buo ang kumpiyansa niya sa kanyang produkto.

Alam ni Chui Ming na si CEO Wong ay nagbibiro pero mayabang pa din siyang sumagot, "Oo naman!"

"Kung gayon, gusto kong ako na ang maunang bumati sa iyo CEO Chui. Matapos manalo ni CEO Chui ng first prize, maalala mo na ilibre kaming lahat na kumain," pabirong sabi ni CEO Wong.

"Ano'ng kainan?" Ang ilang CEO na nakarinig ng kanilang usapan ay mausisang nagtanong.

Hinarap sila ni CEO Wong para magpaliwanag. Syempre, hindi niya nakalimutan na magbigay ng ilang papuri para sa King Kong Internet Security.

Naiinggit man sa loo bang ilang CEO pero ipinagkasabi din nila ang kanilang mga papuri. Na tila ba nanalo na ang Chui Corps sa paligsahang ito.

Isinapuso namang lahat ni Chui Ming ang mga papuri.

Siyempre, hindi siya papayag na hindi first place ang makuha niya!

Pero… ang software na tinaguriang 'X PC Manager' ay nagdulot ng maliit na binhi ng kaba sa kanyang puso.

avataravatar
Next chapter