webnovel

CHAPTER SEVEN

--> Samantha<--

Maaga akong nagising ngayon sa kadahilanang susunduin ako ni Kurt.

Mahirap mag assume,  pero aaminin ko nahuhulog na ako kay Kurt.

Napaka caring,  sweet at higit sa lahat pinaparamdam niya na special ako.

Alam ko naman ang pinagkaiba ng Special sa Mahal.

Napangiti ako sa mga iniisip ko pero may lungkot paring nararamdaman.

Maraming katanungan na gusto kong itanong sa kanya, ngunit paano?

Paano ko sisimulan?

Paano ko itatanong ang mga bagay na hindi niya naman sinasabi sa akin?

Nahihirapan ako, pero inienjoy ko nalang, dahil sa totoo lang nahuhulog na ako ng lubusan.

Sa lahat ng pinapakita at pinaparamdam niya mas lalo akong nahuhulog.

Gusto kong mag tanong pero paano kong sasabihin niyang....

"May ikaw at ako lamang ngunit walang tayo."

Nakakalungkot na may halong takot akong nararamdaman kaya hindi ko magawang magtanong.

Nararamdaman ko namang may tinatago siya sa akin.

Gusto kong malaman ang mga iyon. Bahala na basta enjoy ko muna habang nasa akin pa siya.

Sa dami ng iniisip ko nakalimutan kong may pasok ako at susunduin ako ni Kurt.

Kaya bumangon na ako at tinungo ang banyo upang makapag-ayos ng aking sarili.

Ilang minuto rin ay natapos na ako sa pag-aayos ng aking sarili. Sinuot ko na ang aming uniform.

Humarap ako sa aking salamin, nagulat ako dahil nakakita ako ng D'yosa.

Naglakad ako papalapit rito, ngunit sa kasamaang palad ay nabungo lamang ako.

Napagtanto ko,  sarili ko pala ang nakita ko sa salamin.

Napangiti ako, maraming pagpupuri naman ang natanggap ko ngayong araw na ito. 

Pagpupuri na ako lang mismo,  kunbaga self support ako.

Habang nagsusuklay ako ng aking mahabang buhok.  Nakarinig ako ng mala d'yosang katok sa aking pintuan.

"Anak! Naandiyan na ang sundo mo sa baba! " si Mama lang pala.

"Okay Ma!  Pakisabi po pababa na! Salamat po! " sagot ko kay Mama.

"Sige!  Bilisan mo na,  huwag mong paghintayin ng matagal ang bisita.  Hindi magandang katangian iyan. " mahabang litanya ni Mama.

"Opo Ma!" wika ko.

Sa totoo lang ganito si Mama kapag may bisita ako. Oo kilala na ng mga parents ko si Kurt. Kasi noong time na nalate ako ng uwi siya ang naghatid sa akin.

Tama at naroon sila Mama at Papa sa labas ng pintuan hinihintay ako. Kaya wala na akong kawala,  pinakilala ko siya bilang kaibigan ko.

Kaibigan ko lang naman talaga siya.  Dahil wala naman siyang sinasabi na manligaw siya. Pero nararamdaman ko na parang ganoon na nga.

Bumaba na ako ng hagdan at tinungo ang sala.

Hindi ko sila makita roon, nakarinig naman ako ng munting tawanan. Sinundan ko ang mga tinig kung saan nag mula,  nasa garden lang pala sila.

"Ma!  Pa! " naitinig ko

"Oh!  Anak!  Nariyan kana pala! " wika ni Papa.

"Hindi mo naman sinabing ang gwapo pala ng susundo sayo! " wika ni Mama.

Nakaramdam ako ng pagtataka,  kasi alam ko kilala na ng parents ko si Kurt. Kung makapagsalita naman sila parang ibang tao ang sumundo sa akin.

"Ma naman,  diba nga kilala mo na si ----. " hindi natuloy ang sasabihin ko

"N-nathan! " gulat na wika ko.

Ang alam ko si Kurt ang susundo sa akin, at bakit naandito ang President namin?

Paano niya nalaman ang bahay namin?

Paano siya nakarating dito?

"Anak bakit parang gulat na gulat ka? " takang tanong ni mama.

Sino bang hindi magugulat?  Parang kahapon lang hindi maganda ang huling usapan namin. Ngayon nasa harapan ko na at sinusundo ako?

"Ma!  Si ----! " naputol na naman ang sasabihin ko.

"Tita!  Tito!  Hindi ko po kasi pinaalam kay Sam na susunduin ko siya. Kaya po ata ganyan ang reaksyon niya! " mahabang paliwanag ni Nathan.

"Ganoon ba?  Oh!  Sige hali na kayo ng makapag almusal na tayo. " anyaya ni Mama sa amin.

Tinabihan ko naman si Nathan at hinila paharap sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?  Paano mo nalaman kong saan ako nakatira?  Paano ka napunta rito? " tanong ko sa kanya.

"Sam naman!  Isa-isa lang, mahina kalaban.  Una sinusundo ka, para sabay tayong pumasok.  Pangalawa sinabi ni Kurt sa akin. Pangatlo syempre sumakay ako ng kotse ko, nagdrive papunta rito. Pero nextime maglalakad na ako. " mahabang sagot nito sa akin.

"Tsskk!  Pilosopo! " wika ko at iniwan na siya sa garden.

Bakit ba kasi siya nandito? 

Ano kaya ang agenda niya?

Huwag niyang sabihing ---

"Ohh my God! " napasigaw ako.  Sana mali ang iniisip ko

"Anak okay kalang ba?  Bakit ka sumigaw? " tanong ni Papa.

"Ahh wala po Pa,  may naisip lang po.  Sorry po! " wika ko rito.

Humarap ako kay Nathan at sinusuri ko ng maagi ang mga kilos niya.

"Wala namang bago sa kanya,  gwapo parin naman! " bulong ko sa aking sarili.

"May sinasabi kaba? "

"Ay si Nathan! " ikaw ba naman ang gugulatin.

"So iniisip mo ako? "

Ang kapal din ng bayag ng lalaking ito.

"Hindi!  Bakit kaba kasi nang gugulat?"

"Kasi ang lalim na ng iniisip mo,  nalulunod na kasi ako! "

Mapapamura na talaga ako sa mga banat niya.

"Corny mo! "

"Corny?  Wala pa naman ang ginagawa huh! "

"So may balak ka?"

"Oo! " simpleng sagot nito sa akin.

Tiningnan ko siya ng maigi,  sana mali ang iniisip ko. Ayaw kong mag assume, inaamin ko gwapo si Nathan maraming nagkakagusto sa kanya. Pero hindi ako kabilang sa kanila.

"Oo may balak akong araw-araw na sunduin ka rito sa bahay niyo! " patuloy nito.

"Tsskk!  Hindi na kailangan! " sabi ko naman sa inyo huwag mag-assume.

"Gusto ko! "

"Hindi kita gusto! I mean, h-hindi kita gustong makita rito sa bahay! " wika ko.

"Sus!  Deny mo pa,  alam kong gusto mo ako! " kapag talaga ng mukha mo.

"Ang kapal ng libro no?  Gusto mo isampal ko to sayo? " itinaas ko na ang libro ko ng.

"Anak anong ginagawa mo? " tanong ni Mama.

Sa dami ng sagutan namin,  ito pa ang eksena na naabutan ni Mama.

Tiningnan ko ng masama si nathan,  nakita ko namang pangiti ngiti ito.

"Wala po tita,  nag-uusap lang po kami! " wika nito.

Lumapit na siya kay Mama at hinawakan ang palad nito at nagtungo sa kusina.

Nakakainis na lalaking ito,  mukhang siya pa ang anak sa aming dalawa ehh.

Minura at pinatay ko sa aking isipan si Nathan.  Okay na iyon at walang makakaalam.

Napangiti ako sa mga naiisip ko, kung paano ko siya tinuturture sa utak ko.

Sumunod na rin ako sa kanila sa dinning area.

Umupo ako sa bakanteng upuan,  sa kasamaang palad dahil apat lang ang upuan namin rito. Magkatabi kami ng asungot na ito.

Tiningnan ko lamang siya ng masama at dinilaan.

Nilagyan ako ni Nathan ng pagkain sa aking pinggan. Hindi ako umimik, hinayaan ko na lamang siya.

Sabi kasi ng parents ko Masama ang mag-away sa harap ng pagkainan dahil mawawalan kayo ng grasya.

Sumubo na lamang ako ng pagkain, hindi ako nag pasalamat o ano pa man.

Tahimik akong kumakain,  maraming tinatanong sila Mama at Papa.

Taga saan ka?

Ilang taon kana?

Single ka ba o may girlfriend?

Sa totoo lang si Nathan palang ang unang lalaki na kasalo sa amin sa agahan maliban sa Papa ko.

Habang nakikinig ako sa kanila ay bigla akong nabilaukan sa huling tinanong ni Papa.

Binigyan agad ako ng tubig ni Nathan.  Tinanggap ko naman ito at tinunga agad.

Mamatay ako ng maaga nito kung patuloy pa rin sila sa mga usapang ganito.

Akalain niyo namang itatanong nila ang mga ito..

"Nililigawan mo ba ang anak ko? " tanong ni Mama.

"Pumayag ba siyang ligawan mo siya? " tanong ni Papa.

"Mahal mo ba siya? "  sabay na tanong ni Papa at Mama.

Hindi na nakasagot si Nathan sa mga tanong nila.

Sa halip ay tumingin ito sa akin at ngumiti.