webnovel

CHAPTER SIX

--> Samantha <--

"Hoy! Dyosababe kanina pa kita tinatawag, hindi mo ba naririnig ? sabay yugyog ko sa balikat ni Aiza. Ano kaya ang problema nitong babae na ito. Mukhang balisang-balisa. Okay kalang ba talaga?" kumapit ako sa kanyang braso, tulad ng laging ginagawa ko.

"Don't worry chixkababe,  I'm fine! " binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. Ngunit alam ko sa likod ng mga ngiting iyon ay may nakatagong hindi ko maipaliwanag.

Habang naglalakbay ang aking diwa, siya naman ang pag lapit Khimberly kasama sina Kwenny at Nycole.

"Samantha! tawag nito sa akin Pinapaalam pala ni Miss.April na pumunta ka sa kanyang opisina mamaya, pagkatapos ng ating huling asignatura." Saad nito sa akin.

Binigyan ko na lamang ito ng isang matamis na ngiti at nagpasalamat.

Pagkawa'y bumalik na rin sila sa kani-kanilang upuan.

Tumingin muli ako sa kinaroroonan ni Aiza,  ganoon na lamang ang aking pagtataka dahil may butil ng luha ang tumutulo sa kanyang mga mata.

Lumapit ako rito without saying a words at niyakap na lamang siya.  Sana maibsan ko ang lungkot na kanyang nadarama sa pamamagitan ng pagyakap ko.

Sana maramdaman niya ang nais iparating ng mga yakap ko.

Naramdaman ko namang tumaas,  baba ang kanyang mga balikat kasi hinagod ko ang kanyang likod. 

Hindi ko namalayan na tumutulo narin pala ang luha ko. Pinunasan ko ito gamit ang palad ko.

Hindi ko alam kong ano ang pinagdadaanan niya,  kahit ganoon pa man andito lamang ako bilang kaibigan at kapatid niya.

Hindi ako magtatanong kong ano ang nangyari,  maghihintay na lamang ako na kusa niyang ikwento sa akin.

Ilang minuto ring umiyak si Aiza sa balikat ko. Habang umiiyak siya kanina ramdam ko ang bigat at sakit ng dinaramdam niya.

"Dyosababe! Okay kana ba?  Pagtatanong ko rito ng kumalas kami sa pagkakayakap. Mabuti na rin at wala pa kaming guro sa mga oras na ito.

"Thank you!  I'm fine! " ngumiti naman ito sa akin kaya binigyan ko ng napakatmis na ngiti.

Hinawakan ko ang kanyang mga palad "Dyosababe!  Andito lang ako!"  siya naman ang pag dating si Kurt.

"Good morning girls!"  Bati nito sa amin,  ngunit ng tingnan ko ay sa akin lamang nakatingin.

Ngumiti lamang ako at tumango,  tiningnan ko si Aiza na busy sa pagbabasa.

Ngunit sa kasamaang palad.

"Dyosababe! baliktad ang librong binabasa mo! "bulong ko rito.

Tumingin lamang ito sa akin at ngumiti tapos inayos na ang libro na binabasa,  ginantihan ko na rin ng ngiti.

Ilang minito rin ay dumatin na si Sir Kyle ang Math prof namin.

'Goodafternoon class! " bungad agad sa amin pagkapasok ng room. Walang patumpik tumpik at ngsulat ito sa white board.

"Miss.  Samantha!  Come here and answer what is written on the board" bigla akong kinabahan. Wala man lamang limang segundo biglang nagtanong agad. Hindi lamang kami hinintay na batiin siya. Kundi dire-diretsong magpasagot.  Tumayo narin ako at pumunra sa hatapan upang sagutan ang tanong.

"Okay you may now sit! " sabi nito pagkatapos kong sagutan ang tanong.

Tumalikod na ako at bumalik sa aking upuan.

Habang ineexplain naman si Sir at nakikinig lang ako.  Kahit alam ko na kailngan ko pating makinig.

"Okay! Next Miss.  Aiza come over here and answer the second question! " tawag nito kay besh.  Wakang gana at emotion na tumayo si Aiza ng tawagin ni sir.

Ganito kami lagi kapag Math randoms kong tatawag ng sasagot.

Nakatingin lamang ako habang sumasagot si dyosababe.

"Thank you Miss. Aiza! " bumalik narin sa upuan niya si besh habang walang emotion parin.

Hinayaan ko nalamang siya,  mamaya ko na lamang kausapin,  not now terror si prof.

Ilang oras ring nag tuturo si prof ng mag bell.

"Goodbye class! "paalam nito sa amin,  as usual hindi naman kami hinintay sumagot basta na lamang lumabas.

Nang makalabas si Prof Kyle siya naman ang pag pasok ng aming Physics Teacher na si Miss. April.

Pumasok lamang ito,  hindi para magturo kundi para mag anunsyo.

Class ngayong darating na lunes ay magkakaroon tayo patimpalak about Booth.  Sa bawat baitang at section ay may kanya kanyang mga booth. Nasa sainyo na lamang kong anong booth ang gagawin nyu,  napapatok sa mga ka schoolmate niyo. Ang mananalong Best In Booth ay may mga matatanggap na gatimpala.   Kaya ibibigay ko sa inyo ang oras na ito upang makapaghanda at mapag usapan ninyo ang booth na iyong gusto. Goodluck! " Tuluyan ng lumabas ng silid namin si Miss.

Nang makaalis na si Miss,  siya naman ang pag punta sa harapan ng aming class President na si Nathan.

"What do you think guys? " biglang tanong nito,  napunta lahat sa kanya ang aming attention. 

Maraming nag suggest ng mga booth,  may horror booth,  kissing booth,  blind date booth, at iba pa.

Hindi ko maipagkailang may natatagong kagwapuhan ang aming class president. Matikas na katawan, matangkad, mapulang mga labi, mga matang inosente ngunit nakatago sa malaking salamin.

Hindi ko na alam kong ano ang mga pinag usapan para sa gagawing booth ng aming klase.

Basta ang alam ko na lamang ay may may biglang lumapit sa akin at bumulong,  kaya natauhan ako at bumalik sa katawang lupa ko.

"You don't know! You're creepy,  when you looking at me like that! " Hindi ako makasagot,  dahil ayaw mag sink-in ng sinasabi niya.

Hindi ko naman kasi alam ano ang ginawa ko.

Nang ibaling ko ang aking paningin sa taong bumulong sa akin ay binigyan lamang ako ng isang smirk.