webnovel

CHAPTER EIGHT

Walang tigil sa pangungulit sa akin si Nathan hanggang makarating kami sa school.

"Mauna kanang pumasok sa room,  may dadaanan pa kasi ako! " wika ko kay Nathan.

Hindi pa siya pumayag,  ngunit kalaunan ay umalis din at hindi na nagpaalam.

Sa totoo lang wala naman akong dadaanan.

Gusto ko lang makaiwas sa kanya, dahil marami na ang gumugulo sa utak ko, dumagdag pa siya.

Hindi ko nga alam kong ano ang motibo niya at bakit pumunta siya sa bahay.

Habang naglalakad ako, narating ko ang mini park namin tito sa school.

Umupo ako sa damuhan, na medyo nakatago dahil sa mga matatayog na bulaklak. Sa likuran nito ay may mga upuang nakahilera.

Kinuha ko ang notebook ko at ginawa ang assignment namin na para sa Math.

Sabi nga nila Ang tunay na studyante sa school ginagawa ang homework.

Sa totoo lang nakalimutan ko lang talagang gawin dahil na rin sa dami ng iniisip ko.

Idagdag na natin si Kurt, sinakop niya ang isipan ko buong magdamag.

Kaya nakalimutan ko na ang homework ko.

Speaking of Kurt asan na kaya yun?

Bakit hindi niya ako sinundo?

Ano na kayang nangyari sa kanya?

Hindi kasi sumasagot sa tawag at text ko.  Kaya nag-aalala na tuloy ako sa kanya.

Habang malalim ang dinayo ng aking utak, buti at natapps ko ang aking takdang aralin.

Tatayo na sana ako para bumalik pumunta na ng room.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, may narinig akong pag-uusap.

Dahil sa curiosity ko,  umupo ako ulit at pinakinggan ang usapan nila. Narinig kong umiiyak na si girl.

Sabi nga nila curiousity is killing you.

"B-bakit mo ako iniwan?  Bakit hindi mo man lang nagawang magpaalam sa akin?  Bakit? "  umiiyak na si girl.

"Sorry!  Sa panahong iyon,  mga bata pa tayo, kaya nagawa kong iwan kita! "

"Pero sana nagpaalam ka. Alam mo bang hinihintay kita oras-oras,  minu-minuto. Hinihintay ko ang pagbabalik mo? "

"Sorry talaga! "

"Sorry?  Sana yang sorry mo matanggal lahat ng sakit dito.  Dito sa puso ko, ang sakit sakit na kasi. "

Humihikbi na si girl, pero parang pamilyar sa akin ang mga boses nila. Hindi ko na narinig ang boses ni boy. Kaya sumilip ako saglit.

Nakita kong niyayakap ni boy si girl, hindi ko makita ang mukha ni girl dahil natatakpan ito ng buhok niya.

"Tahan na!  Nandito na ulit ako magsisimula tayong ulit! " wika ni boy.

"Pero paano siya?"

"Kakausapin ko siya mamaya about us! "

"Hindi ko alam kong paano ko siya haharapin. Hindi ko alam kong paano ko sasabihin ang lahat sa kanya."

Naguguluhan ako, dahil pamilyar talaga sa akin ang mga boses nila. Tatayo na sana ako ng..

"Ikaw ang mahal ko Azia! "

Doon ako sinampal ng katutuhanan.  Dinurog ng pira-piraso ang puso ko. Sobrang sakit,  dahil nahulog na ako ng lubusan.  Saka ko pa ito malaman,  huli na dahil hulog na hulog na ako.

Lumabas ako at nagpakita sa kanila.

"S-sam! " gulat na wika ni Azia.

"Gulat kayo no? " nakita kong nakayuko si Azia.

Sobrang sakit dahil sarili kong bestfriend hindi naging totoo sa akin.

Hindi naging loyal sa akin.

Hindi nagsasabi ng totoo.

"Kailan niyo pa ako niloloko? "

"S-sam! "

"Kailan pa? " sumigaw na ako.  Dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Naturingan kitang bestfriend, pero anong ginawa mo?  Sinaktan mo ako,  sinaktan mo ang buong pagkatao ko.  Bakit?  Bakit pinaabot mo pa sa ganito?  Bakit pinatagal mo pa?  Azia,  alam mong mahal ko na siya,  sinasabi ko sayo ang nararamdaman ko. Pero bakit?  Anong nagawa ko at sinaktan ko ako ng ganito? " umiiyak na ako sa harapan nila. Kay Azia ako humarap pagkatapos hinarap ko naman si Kurt.

Kahit umiiyak ako,  nagawa ko paring magalit at sumigaw.  Dala na ito ng sakit na nararamdaman ko. Dahil sa mga oras na ito kapag hindi ko ilalabas ang galit ko baka mag collapse nalang ako bigla.

"Ikaw!  Kurt,  bakit ako?  Bakit ako pa ang pinaglaruan mo?  Bakit sa umpisa palang kay Azia kana lumapit dahil siya naman talaga ang kailangan mo.  Sana hindi nalang ako. Bakit pinatagal mo pa?  Bakit piamnaramdam mo sa akin na mahal at special ako sayo. Pot* naman kita, hindi ka naman bakla para paglaruan kaming babae.  Pero puny*** ka, sobra mo akong nasaktan.  Mag sama kayong dalawa! " huling sinabi ko at tumakbo akong palayo sa kanila.

Habang tumatakbo ako, may naka banggaan ako sa hallway.

Hindi ko iyon pinansin, hindi ko tiningnan.  Basta tumakbo parin ako palayo. Para makalayo sa mundo.

Hindi ko alam kong saang lupalop ako ng mundo napadpad.

Basta may malaking puno sa may bandang gilid nito. Umupo ako sa damuhan at doon umiyak.

Wala akonh pakialam kong may makakita sa akin.  Basta mailabas ko ang sakit na nararamdaman ko.

May ilang minuto rin ang tinaggal ko sa ilalim ng punong iyon.

"Tapos kana bang umiyak? " tumingin ako sa taong nagsalita.

Nakita ko siyang nakatayo sa may puno,  ang isang paa niya ay nakataas.

Hindi ako nagsalita, naramdaman ko namang lumapit siya sa akin.

Hinawakan niya ako sa balikat at biglang niyakap.

" Dito ka umiyak sa balikat ko! " wika nito.

Hindi ko alam, ngunit mas lalo akong naiyak sa ginawa niya. Hindi ko akalain na kahit inaaway ko siya.  Naandiyan parin siya sa tabi ko.

Umiyak lang ako ng umiyak sa balikat ni Nathan. Hanggang sa napagod ako kakaiyak sumakit na rin ang ulo ko.

"Halika humiga ka muna sa hita ko,  magpahinga ka! " hindi ako nagdalawang isip at humiga.

Sa sama ng pakiramdam ko, ang iniisip ko ngayon ay ang magpahinga.

"Salamat! " ito lamang ang nasambit ko.

"Sige na mag pahinga ka muna! " wika nito.

"Sige! " sagot ko sa kanya.

"You may not control all the events that happen to you, but you can decide not to be reduced by them.Confront the dark parts of yourself, and work to banish them with illumination and forgiveness." Hindi ko maintindihan, basta iyon na lamang ang huling narinig ko bago ako pumikit.

Naramdaman ko pang hinaplos niya ang pesnge ko.

Hinahagod ang mga buhok ko.  Ngunit ayaw na talaga mag responce ng katawan ko.

Ramdam na ramdam ko na ang pagod.

Kaya tuluyan na akong nilamon ng tulog.