webnovel

CHAPTER NINE

Nagising na lamang ako kinabukasan,  nasa sariling silid na ako.

Napabigla ang bangon ko kaya, sumakit ulit  ang  ulo ko.

Naramdaman ko naman ang kirot mula sa aking dibdib.

Humiga akong muli at tumagilid habang nararamdaman ko na namang,  may luhang tumutulo sa aking mga mata.

"Anak!  May bisita ka sa baba! " pinunasan ko agad agad ang mga luha ko na nag-uunahang tumutulo.

Baka kasi biglang pumasok si Mama at makitang ganito ako.

"Ma!  Pakisama po,  masama ang pakiramdam ko.  Hindi ako makababa! " pag rarason ko kay Mama.

Sa totoo lang ayaw ko talagang bumaba at makita kong sino ang bisita. 

Wala ako sa mood upang makipag plastikan man.

Napapagod na ako,  napapagod na akong makisalamuha sa mundo na puro nalang manloloko.

Ang daming pumapasok sa isipan ko ngayon, dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. 

Gusto kong wakasan ang buhay ko. Ngunit heto ako lumalaban sa tukso ng demonyo.

Hindi ko wawakasan ang buhay ko ng dahil lamang sa kanila.

Ayaw kong madumihan ang mga palad ko ng dahil lang sa kanila.

Puot at galit ang naramdaman ko ngayon,  kaya naisip ko kailangan ko ng kausap.

Hirap pala ang mainlove sa taong minahal mo ng lubusan. Siya rin ang taong nagwasak at nagdurog ng puso mo.

Sa taong ginawa mong  mundo mo.

Ang hirap pala, ang hirap-hirap kumawala sa salitang Pag-ibig.

Sunod-sunod na naman ang pagtulo ng mga luha ko mula sa aking mga mata.

Nakaramdam ako ng dahan-dahang pagbukas ng aking pintuan.

Pinunasan ko agad ang aking mga luha. Baka si mama ang papasok.  Makita niyang namamaga ang mga mata ko.

"Hindi ka pa raw kumakain? " boses ng lalaki na gustong-gusto kong kausapin.

"N-Nathan! "  tumayo ako at niyakap ko siya.

Hindi naman siya pumalag sa ginawa ko. Sa halip ay niyakap niya rin ako. Hinayaan niya akong umiyak sa mga balikat niya.

Ilang minuto rin kami na nakatayo habang umiiyak ako.

Kumalas siya sa pagkakayakap at iniharap ako sa kanya.

Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang mga daliri niya.

"Tahan na! Dito kalang muna at kukuha ako ng makakain mo." Wika nito at iniwan ako saglit para kumuha ng pagkain.

Umupo lamang ako habang hawak ko si Bunny.

Si Bunny na teadybear ko bigay ni Daddy noong birthday ko.

Nakita ko si Nathan na paakyat at bitbit ang pagkain. Naiwan niya kasing bukas ang pintuan ng silid ko.

"Heto na kumain ka at magpalakas! " wika nito pagkalapag ng pagkain.

"Salamat! "

"Saka kana magpasalamat kapag naubos mo itong lahat! "

"Lahat ito? "

"Oo dahil simula kagabi kapa walang kain, sabi ni Mama mo sa akin! "

Napaka concern niya sa akin, napakabait niya. Sana huwag siyang magbago, dahil ngayon palang tinuturing ko na siyang kaibigan ko.

"Sige na nga! " wika ko rito.

Sumubo na ako, habang si Nathan ay nakatingin lang sa akin.

Nakakahiyang sumubo dahil pansin ko bawat subo at lunok ko nakikita niya.

Pero ang totoo gutom na gutom na talaga ako.

"Hoy!  Huwag naman ganyan kong tumitig nakakahiyang kumain eh! " wika ko sa kanya.

Umiwas siya ng tingin sa akin, sa halip kinuha niya ang cellphone niya at doon na lamang itinuon ang pansin.

"Accept mo request ko huh! " biglang sambit nito.

"Request saan? " tanong ko sa kanya.

Malay ko ba anong request yan.

"Sa facebook! Limang araw na yun huh, hindi mo parin inaaccept." Wika nito.

Nakakapagtaka limang araw,  dalawang araw palang kaya kaming magkasama.  Tapos limang araw na ang request niya.  Hmmp.

"Stalker kita no? "

"Hindi! "

"Stalker kita eh! "

"Hindi! "

"Aminin mo na kasi na stalker kita! "

"Hindi mo ako stalker! "

"Ede hindi! " wika ko rito.

Natapos na akong kumain,  kaya kinuha niya na ang try.

"Dadalhin ko lamang ito sa kusina para mahugasan. Ikaw? " sabay turo sa akin.

"Ako? " sabay turo sa sarili ko.

"Oo ikaw!  Magpahinga kana at huwag ng iiyak pa.  Ayaw kong nakikitang umiiyak ka. " wika nito.

"Opo! " natameme ako doon.

"Kasi kong nasasaktan ka, mas nasasaktan ako."

"Hoy lalaki!  Anong binubulong bulong mo diyan? " tanong ko.

"Wala naman,  wala rin akong binubulong! " umalis na siya.

"Tskk! "

Dahil sa nabobored ako, kinuha ko ang cellphone ko.

Pagbukas ko nakita ko agad ang mukha ni Azia sa wallpaper ko. Tumulo na lamang ang luha ko.

Alam ko namang hindi sinasadya ng bestfriend ko ang saktan ako. Kaso kasi nasasaktan pa ako sa ngayon, kaya ayaw ko muna silang makita kong maari.

Binuksan ko agad at pumunta sa gallery, pinalitan ko ang wallpaper ko.

Pero hindi ko dinedelete ang mga pictures naming magkakaibigan.

Oo nasaktan ako, pero mas matagal kong nakasama ang bestfriend ko keysa kay Kurt.

Mahalaga parin naman sa akin ang pictures lalo na si Azia.

Ngunit sa ngayon,  dahil fresh p at masakit pa, hindi ko pa sila mapapatawad.  Pero alam ko darating din ang araw at oras maghihilom na ang sugat nito. Sugat sa puso ko.

"Wow!  Lalim ng iniisip huh!  Naandito lang ako huwag mo ako masyadong isipin." Wika ni Nathan.

"Ang kapal mo!  Tsskkk! "

"Ano ba kasing ginagawa mo? "

"Nag ffb! " simpleng sagot ko.

"So,  did you accept my friend request? "

"Hindi pa!  At dahil inisturbo mo ako, hindi ko na muna iaaccept. "

"Ikaw bahala!  Wala kang gwapong kaibigan sa Fb kong hindi mo iaaccept ang friend request ko.

Ang yabang ng lalaking ito. Habang tumatagal nadadagdagan ang paging mayabang nito.

"Wow!  Abot langit ang confidence mo dong! " wika ko.

"Naman gwapo talaga ako! " wika nito sabay pogi pose at kinindatan ako.

"Mandiri ka nga! " wika ko.

"Kinikilig ka naman ehh! "

"Kinikilig mo mukha mo! "

Hindi naman talaga ako kinikilig kundi nandidiri ako.

"Labas kana at magpapahinga na ako! " pagtataboy ko sa kanya.

"Ayaw!  Dito lang muna ako hanggang sa makatulog ka. " wika nito.

Hindi na ako pumalag, dahil nakaramdam na naman ako ng antok.

"Sige kakantahan na lamang kita! " wika nito.

Syempre sumang ayon naman ako.

Nagsimula na siyang kumanta.

Every night in my dreams

I see you, I feel you

That is how I know you go on

Far across the distance

And spaces between us

You have come to show you go on

Nagsisimula na siyang kumanta.  Feeling ko sa ganda ng boses niya dinadala ako sa alapaap.

Near, far, wherever you are

I believe that the heart does go on

Once more you open the door

And you're here in my heart

And my heart will go on and on

Love can touch us one time

And last for a lifetime

And never let go till we're gone

Hindi ko alam,  pero parang yung kanta para sa akin talaga.  Nakaka-touch ng heart. Yung parang napawi saglit ang galit na naramdaman ko kanina.

Love was when I loved you

One true time I hold to

In my life we'll always go on

Near, far, wherever you are

I believe that the heart does go on

Once more you open the door

And you're here in my heart

And my heart will go on and on

You're here, there's nothing I fear

And I know that my heart will go on

We'll stay forever this way

You are safe in my heart and

My heart will go on and on

Pagkatapos niyang kumanta ay doon ko na naramdaman ang antok.

Masaya akong matutulog ngayon, salamat at nariyan si Nathan laging nasasandalan ko.

Laging iniiyakan ko.

Laging nagpapatahan sa akin.

"Salamat! " wika ko.

Sa totoo lang sa tuwing nagpapasalamat ako. Wala  akong natatanggap na  You're welcome o hindi kaya walang anuman.

Naramdam kong hinahaplos niya ang mga buhok ko.  Kaya  tuluyan na akong nilamon ng antok.